Stealing The Billionaire

Stealing The Billionaire

By:  FaithLovelle  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
310views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Hanggang saan ang kaya mong gawin para maabot ang iyong mga pangarap? Handa ka bang lumaban, mang-agaw at manakit ng kapwa para sa sariling kaligayahan? Siya sa Geneva at gagawin niya ang lahat para agawin si Tristan sa asawa nito. Matalino, ubod ng guwapo at higit sa lahat ay sobrang yaman. Ika niya'y pag mabingwit niya ito, para siyang nanalo sa lotto. Jackpot nga kaya kung maisakatuparan niya ang plano o pagsisisihan niyang inagaw niya ang guwapong bilyonaryo?

View More
Stealing The Billionaire Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters

Chapter One

"Hoy Geneva! Nasa'n na ang bayad mo sa utang mo?! Sabi mo no'ng nakaraan sa katapusan, nagpalit na ng buwan at magkakatapusan na naman!" sigaw ng isang ginang sa dalagang padaan."Hindi makapaghintay? Kala mo hindi babayaran?" Huminto pa ito at pumamewang bago mataray na sumagot."Aba! At ikaw pa ang matapang ha? Kapal ng mukha mo hoy!" Handa na siyang sugurin nang may edad na ginang kung hindi lamang inaawat ng mga ka-chismisan nito."Wala akong balak makipagtalo sa inyo Aling Martha, babayaran ko kayo. Matuto kayong maghintay! Male-late na ako, babu!" Saka dali-dali itong sumakay sa tricycle na pumarada sa harap niya. Bago umalis ang tricycle ay umirap pa siya sa mga matatandang chismosa ng lugar nila. "Mukhang inaaway ka na naman ni Aling Martha ah!" natatawang bati ni Jason, tricycle driver na kababata niya."Oo nga eh! Akala mo hindi babayaran, hindi makaintindi!" "Kung sinasagot mo na kasi ako, eh 'di sana ay may katuwang ka na sa buhay mo," pagpapalipad hangin ng binata sa ka
Read more

Chapter Two

Nakatingin si Geneva sa tatlong libong inabot ng kaniyang boss na si Sonya-tip daw umano ito ni Tamara.Sobra-sobra ang inggit na nararamdaman niya sa customer at talagang hindi siya mapakali."Lord, bakit parang ang unfair? Maganda rin naman ako ah! Bakit si Ma'am Tamarra maganda na mayaman pa? Hindi puwedeng maganda lang ako! Dapat mayaman din po!" naiinis na ani niya. Lumipas ang araw na iyon na nawala siya sa mood dahil sa sobrang stressed niya at dahil sa inggit na nararamdaman."Oh matamlay ka yata?" bati sa kaniya ni Jason nang sunduin siya nito pagka-out niya sa trabaho. Kinuha niyang service ito dahil ayaw niya makipagsiksikan sa mga jeep sa araw-araw. "Pagod lang," wala sa mood na sagot niya.Agad namang nakaramdam ng awa ang lalaki na totoong may gusto sa kaniya."Sige, tara na at para makapahinga ka na agad," ani nito saka inumpisahan magmaneho.Pagdating sa lugar nila ay ayaw na sana siyang pagbayarin ng binata ngunit nagpumilit siya. Ayaw niyang magkaroon ng utang na l
Read more

Chapter Three

Masaya siyang umuwi dahil malaki ang kinita niyang tip ngayong araw. Pagkatapos kasi ni Tamarra ay madami pang mga customer ang dumating at pawang mga galante rin.Kunsabagay, nasa isang mall na pangmayaman ang salon na pinapasukan niya kaya karaniwan sa mga customer ay may sinasabi sa buhay.Pagdating niya sa bahay ay saka siya tumipa ng sagot sa kaninang text ni Tamarra."Thank you for today rin po ma'am. Ang laki po masyado ng binigay niyong tip sa uulitin po." Maya-maya pa ay sumagot ito at nag-umpisa na nga silang magpalitan ng mensahe at magkuwentuhan na para bang isang tunay na magkaibigan.Nakatulog siya nang may ngiti sa mga labi dahil ang panahon at pagkakataon ay tila umaayon sa plano niya.Kinabukasan ay wala siyang pasok at araw din ng kaniyang suweldo. Matapos niyang maglinis ng kaniyang tirahan ay napagpasiyahan niyang lumabas para mamili ng mga kailangan at gusto niya. Dahil feeling rich nga ay sa isang malaking mall sa Alabang siya nagpunta. Dumayo pa talaga siya at
Read more

Chapter Four

Nagtataka man si Tristan sa naging pagkikita nila ni Geneva dahil hindi naman ito humiling ng kahit ano ay inihatid niya ito sa bahay gaya ng hiling nito. Ayon sa babae ay gusto niya lang may makasama dahil nalulungkot siya at mag-isa na siya sa buhay. "Dito na lang," saad ni Geneva nang nasa tapat na sila ng kalye kung saan siya nakatira. "Salamat sa free ride, sa uulitin ha?" marahang saad ng babae. Pinagkunutan lang siya ng noo ng lalaki saka sinara ang bintana at umalis na. Habang nasa byahe ay tahimik na nag-iisip si Tristan sa kung anong pakulo ng babaeng 'yon. Aaminin niyang nagandahan siya rito at ang iniisip niya ay tahasan itong magpapakita ng interes sa kaniya o kaya naman ay mamemera, katulad ng karamihan sa mga mahihirap. Pero hindi gano'n, gusto lang daw nito ng makakasama dahil nalulungkot siya. "Weird." saad nito sa sarili at saka bahagyang napangiti. "Aba at mukhang nakasilo ka na naman ng mayaman ah! Ang ganda ng sports car na naghatid sa'yo!" anang tsismosang
Read more

Chapter Five

Isang hapon na nasa salon muli si Tamarra dahil sa regular na pagpapalinis ng kuko ay nabanggit ni Tamarra na nangangailangan ng sekretarya ang asawa.Nakita itong pagkakataon ni Geneva kaya naman gusto niya itong gamitin para magkaroon siya ng dahilan para madalas na makita ang lalaki."Kung nakapagtapos lang sana ako ng kolehiyo ay mag-aapply ako bilang sekretarya, kaso hanggang first year college lang ako eh." pagpapaawa ni Geneva kay Tamarra."Gusto mo ba? Puwede kitang ilapit sa kaniya," pagpepresinta ng mabait na babae. "Opo sana, sino ba naman ang may gusto na habang buhay magkudkod ng kuko? Pero alam ko naman na malabo, syempre kilala siyang business tycoon. Parang hindi naman tama na katulad ko lang ang maging sekretarya niya," malungkot pang saad nito."Hey! Don't be too harsh on yourself okay?"Nag-dial sa kaniyang telepono ang mabait na babae upang tawagan ang asawa."Hi hon, may nakuha ka na bang secretary? Wala pa? May irerekomenda sana ako eh, kung okay lang. Yes, papu
Read more

Chapter Six

Geneva's POVPara akong nakalutang sa alapaap sa sobrang kaligayahan habang naglalakad papunta sa apartment na aking tinutuluyan.Mainit ang aking pakiramdam, mabilis ang tibok ng aking puso at tila nagkakarambola ang aking tiyan.Pagpasok ko ng bahay ay sandali pa akong napasandal sa pintuan, pilit pinoproseso ang mga naganap kung totoo ba o panaginip lang."Ouch," matapos kong sampalin ang aking mukha para makasigurong hindi ako nananaginip ng gising.Nang masigurong gising ako ay saka ako nagtititili na parang sira ulo. Walang pakialam kung makabulahaw ng kapitbahay.Sobra-sobra ang saya na nararamdaman ko, alam kong hindi magtatagal ay matutupad ko rin ang mga pangarap ko.Matapos kumuha ng damit ay dumiretso ako sa banyo para mag-shower.Pagdampi ng malamig na tubig sa aking balat ay tila ba isang eksena sa pelikula na bumalik sa aking alaala ang mga nangyari.Flashback.Masyado kaming busy sa trabaho at napakarami pa naming kailangan tapusin. Pinipilit na ako ni Sir Tristan umuw
Read more

Chapter Seven

Tammara's POV May iba akong napapansin sa asawa ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil parang maayos naman ang trato niya sa akin but there is something inside me na nagsasabing may mali. I am used to him getting home late, he's a workaholic kind of guy. He will not be that rich if he's not. Pero may iba eh, hindi ko lang masabi kung ano. Ito yata ang sinasabi nilang women's instinct. Katulad ngayon, it's our wedding anniverssary and here I am all dressed and dolled up pero wala pa siya. Ang usapan ay alas-siyete ng gabi niya ako susunduin para sa aming dinner date pero it's almost 10 o'clock and no signs of him yet. "The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." "Ugh! Why are you not answering!" Sa inis ay basta ko na lang ibinato ang cellphone ko at saka nagbihis ng damit pantulog. Minsan na nga lang siya magka-oras sa akin, lagi lang ako nakakulong dito sa bahay hindi pa niya ko sisiputin." Third Person
Read more
DMCA.com Protection Status