Share

Chapter 31

THIRD PERSON'S POV

Napabuntonghininga na lang ang mag-asawang sina Yasmin at Emilio habang pinagmamasdan ang panganay nilang anak na si Yasewah na halos magpakalunod na sa alak habang hawak nito ang picture frame ng kapatid niyang si Yareli.

Katulad ni Juancho ay sobrang apektado rin sa pagkawala ni Yareli si Yasewah. Masyado itong malapit sa kapatid niyang babae at ni minsan ay hindi siya naghanap ng nobya dahil sapat na sa kanya ang maibaling niya ang kanyang atensyon at pagmamahal sa kapatid.

Suportado niya palagi si Yareli sa mga gusto nito sa buhay at ni ayaw nga niyang madapuan man lang ito ng lamok dahil sa sobrang pag-iingat at pagprotekta niya dito. Kaya nga nung nalaman niyang niloko at sinaktan ito ni Juancho noon ay nasaktan rin siya nang ilang linggong umiiyak si Yareli nang tahimik sa loob ng kwarto nito.

Ilang linggo nang hindi nakakapasok si Yasewah sa trabaho niya dahil mas pinili nitong samahan si Juancho sa patuloy pa rin na paghahanap kay Yareli at sa gabi naman ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status