Share

Chapter Five

Author: leemoonaudrie
last update Last Updated: 2025-08-27 15:15:29

“Hindi ka pa ba gigising?” tanong ko sa natutulog na Cael. Maputla na siya. Hindi na katulad noon. Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya gamit ang basang bimpo.

“Wala na tayong bahay,” bulong ko sa kanya. Sabi ng doktor, magandang kausapin ang comatose na pasyente. Binanlawan ko ang bimpo na pinunas ko sa kanya at kinuha ang bag ko na may mga damit.

Dahil dito na akong natutulog sa ospital, nagpapalaba nalang ako sa labas. May kaunting nabawas ako sa perang binigay ni Charity noong pinalayas niya ako. Nanunubig ang mga mata ko sa mga pumapasok sa isip ko. Ngayon ko lang napantanto, maraming nilihim si Cael.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang dami nating utang na bayarin.” Napatuloy ako sa pagtupi ng mga damit ko. Habang umiiyak. “Binigyan ako ng pera ni Charity, bayad niya sa pag-aalaga ko kay Charmi. Maghahanap ako ng trabaho, tutulungan kita makabangon ulit.” Bumuhos ang luha ko kaya isinubsob ko ang mukha ko sa damit na hawak ko.

“Ako naman babawi sa ‘yo, susubukan ko palaguin ‘yung meron tayo ngayon. Gumising ka, okay?” hinalikan ko siya sa noo.

“How sweet,” mahinang bulong mula sa pintuan. Si Nurse Jas, may dala itong pizza.

Agad akong nagpahid ng mga luha ko. “Napadalaw ka, tagal nating hindi nagkita.” nginitian ko siya.

Lumapit siya sa akin, at mula sa bulsa niya inilabas niya ang phone niya. “Spare phone na promise ko.”

Agad akong napangiti at kinuha ito. Tinulungan niya ako kung paano gamitin ang phone niya habang kumakain ng dala niyang pizza.

“Nakaregister na ‘yan at may internet at load na rin.” May itinuro siya sa screen ng phone. “Nandyan sa contacts ‘yung number ko. Kung kailangan mo ng tulong, tumawag ka lang.” 

Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. “Nurse Jas, salamat talaga! Hulog ka ng langit.” Masayang sabi ko sa kanya.

Niyakap ako nito pabalik. “Walang anuman, kamusta ka na ba?” Kumalas kami sa yakao ng isa't-isa. “Dinalaw ka na ba ni Mister Delvego?”

Agad akong umiling. “Hindi pa. ‘Yung isang kaibigan lang niya.” Saad ko.

Kumagat siya sa pizza na hawak niya. “Gwapo ba?” Agad akong tumango. “Reto mo ko.” Agad akong natawa sa sinabi niya. “Biro lang.” Dagdag pa niya.

“Maevrick Luchein ung pangalan, sibukan mo nga hanapin.” Agad inopen ni Nurse Jas ang internet browser niya at sinearch ‘yung pangalang binanggit ko.

Lumabas ang gwapo nitong mukha, kasunod ang mukha ni Damon.

“Paldo. Mayayaman…” Bulong ni Nurse Jas. Muli akong kumagat sa pizza na hawak ko. “Top business man, hotel owner at kanya pala ‘yung bagong tayo na Lucheins Tower!” Manghang na saad ni Nurse Jas.

“Kita ba dyan kung anong relat—” Agad niyang pinutol ang sinasabi ko at tumayo sabay lapit kay Cael.

“Wait,” itinapat niya ang phone niya sa mukha ni Cael. May picture doon ng gwapong nilalang na binatang version ni Cael.

Wait.

“Si Cael ba ‘yan?” tanong ko.

“Siya ba ‘to?!” tanong ni Nurse Jas kasabay ko.

Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang phone ni Nurse Jas at humanap ng iba pang larawan ni Cael. 

Siya nga. Mayaman si Cael years ago!

“Si Cael nga ‘yan…” Mahinang turan ko.

“What the fuck, girl! Anong gayuma ba gamit mo?!” Kinikilig na saad nito.

Napatingin ako kay Cael. Anong nangyari? Bakit parang mas mahirap na kami sa daga ngayon? Ni walang nabanggit si Cael tungkol sa past lives naming dalawa, kung paano at saan kami nagkakilala. Napaupo ako sa tabi ni Cael, tinitingnan ko ang mukha niya. 

Napaangat ang tingin ko nanghilahin ako ni Nurse Jas. Ngayon, itinabi niya sa gilid ng mukha ko ang phone niya. Kunot noo ito.

“Angel Artego ka hindi ba?” Kunot noong tanong niya.

Agad akong tumango. Bumitaw siya sa mukha ko at dahan-dahang napaupo sa tabi ko habang titig na titig sa phone niya.

“Anong problema?” Tanong ko sa kanya.

“Six years ago, ramp model ka? Like a runaway model. Sikat na sikat.” Itinapat niya ang phone niya sa akin. Napataas ang kilay ko. “Ang layo mo sa dating ikaw, hot chick, hindi mahawakan at nangangain tingin mo sa mga paparazzi pictures mo.”

Tama siya. Looking at my old photos, ang layo ko. Bakit gano'n? Hindi ko maramdaman ang sarili ko sa pictures na ‘to.

Matapos ang miryenda namin ni Nurse Jas, nagtagal pa siya sa kaunting oras. Tinulungan niya akong linisan si Cael at palitan ng hospital gown.

Umalis din siya bago maggabi. May dumating ulit na nurse may dalang pagkain at tubig.

Kumain ako ng pagkaing ospital. Parang lagi-laging tinola ang niluluto sa mga manok dito. Palaging may sayote o papaya.

Minsan nakakaumay rin ang lasa.

Nahiga ako sa sofa katabi ni Cael. Kinakalikot ko ang phone na pinahiram ni Nurse Jas.

Apat na pangalan ang sinisearch ko. Kay Damon, Maevrick at Cael.

‘Yung Damon pala, production ng wine ang negosyo, ‘yung Maevrick more on infrastructures at si Cael gambling business. Kaya siguro hindi siya nagsucceed.

Napairap ako at nakaramdam ng inis kay Cael. “Kaya ba wala kang naik-kwento kasi guilty ka?” inis kong tanong sa walang malay na Cael.

Muling dumaan sa isip ko ‘yung Damon. Agad akong napangiti at agad hinanap ang calling card niya.

Kagat labi akong nagt-type ng number niya sa phone ko. Imbis na add new contact iba ang napindot ng daliri ko.

Dialing…

Nakatitig lang ako. Pigil hininga.

00:00

[“Hello? Damon speaking.”]

Anong boses ‘yan?! 

Nakaramdam ako ng matinding lamig sa likod ko.

00:10

[“I cannot hear any response from your end. I'll hung up no—”]

Sa hindi ko malamang dahilan. Agad akong nagsalita.

Napabuntong hininga si ate niyo. “Sabi mo, tumawag ako kapag may kailangan hindi ba? I need a job.” Mahinang saad ko.

00:25

[“Ma moitié, please come here. I'll give you everything you want..”]

Tinanggal ko ang phone mula sa tenga ko. Ayos lang ba siya? Para siyang lasing.

“Hello?”

00:35

[“I'm still here, baby where are you?”]

Ako ba ‘yung kinakausap niya o may kausap siyang iba? 

Mula sa pagkakadapa, agad akong napaupo at muling binalik ang phone sa tenga ko.

00:40

[“Cynthella, are you still there? Ma moitié?”]

Napahinga ako ng maluwag. Kahit na parang kinikiliti ang puso ko sa mga bulong niya mula sa phone. Hindi ako ang kausap niya, baka akala niya ako ung “Cinderella” niya.

“Si Angel ‘to.” pagpapakilala ko.

01:02

[“Oh, oh sh—”]

Naputol ang linya na nagpakunot sa noo ko. Binabaan ako. Tinype ko ulit ang number niya. Bago ko pa mailagay ang dalawang huling numero, agad namang tumunog ang phone ko.

Mabilis ko itong sinagot.

“Hello? Si Angel ‘to. Katulad kanina, kailangan ko na tra—” Pinutol niya ang pananalita ko at mabilis pa sa alas cuatro.

00:08

[“I'll send you an address. Come immediately.”]

Mabilis niyang binaba ang tawag. Kasunod nito ay ang text niya na address na dapat kong puntahan.

Not Registered Number:

Luchein's Tower. Tell the receptionist your name and she'll tell you where you can find me.

Agad akong nagbihis. Ang presentableng damit na nadampot ko, isang baby pink na polo dress lang. Sinuot ko ang pinakamaayos ko sapatos at ibinulsa ko lang ng phone at kaunting cash ko na nakaipit sa phone ko.

“Ipag-pray mo ko, please!” Bulong ko kay Cael sabay halik sa noo niya.

Kumakipas ako ng takbo pababa ng ospital at pumara ng taxi. Mabilis lang ang byahe papunta sa Luchein's Tower. Ito ung pinakamalaking hotel na naitayo dito sa Manila, base sa searches namin ni Nurse Jas.

Napatingalngal ako sa lawak ng lounge area ng hotel. Kahit hindi ka siguro mag-check in, at dito ka lang sa lounge komportable ka na.

White, gold and brown ang pallete na ginamit dito. Ang lalaki ng chandelier at nagkikislapan sa ilaw.

Matapos titigan ang paligid agad akong lumapit sa receptionist. Nginitian ako nito, “Angel Art—”

“This way, Ma'am.” Itinuro ako nito a malaking painting, sa kaliwa no'n ay elevator, sa gawing kanan parang may lagusan pero walang mga sabit. Tanging white wall at likuan lang. Nauna siyang lumakad sa akin. May tinap siyang card key sa pintuan at nag beep agad ito at bumukas. “Straight sa dulo ng hall, may hagdan papunta sa pool area. Hinihintay po kayo si Sir Delvego.”

Nagpantig ang tenga ko, “P-Pool area?”

Agad siyang tumango. Tamang meeting place ba ang pool area? Bago pa ako makaatras, nagsara na ang pintuan sa likuran ko. Sinubukan kong buksan ito mula sa loob, pero wala. Nakasarado talaga.

Kasalanan ko rin naman, ako ang tumawag at humingi ng tulong.

Nilakad ko ang pasilyo patungo sa pool area. Maganda ang pagkakadisenyo, maski sa pool area, maganda ang settings ng ilaw. Hanggang ilalim ng pool, may ilaw. Dancing fountain, sa gilid ng pool at shower sa bandang dulo.

Natanaw ko ang gamit sa dulo ng pool, nakapatong ito sa rattan beach bench. May iba't-ibang bote rin ng alak at dalawang kopita.

Sinusuri ko ang paligid habang palapit sa pool area. May lalaki akong nakita na nakatihaya sa gitna ng pool. Naka black shorts lang.

Nilapitan ko ito muna sa gilid ng pool.

Si Damon!

“Hala ka!” sabay takip ko sa bibig ko. Lumuhod ako palapit dito at tinitingnan kung humihinga pa ba siya.

Hindi ko marinig, hindi ko rin alam kung tumataas baba ba ang dibdib niya para huminga. Inabot ko siya sa balikat, kinakampay ko ang kamay ko sa tubig para mapalapit ang katawan niya sa gawi ko kahit papaano.

“Damon? Buhay ka pa ba?” Tanong ko habang patuloy na kumakampay. Kahit papaano gumagana. Lumalapit ang maskuladong hubad na katawan niya.

“Damon? Okay ka lang ba— Ahhh!” Bago ko pa mahawakan ang balikat niya. Mabilis akong nahawakan nito sa braso nang maalimpungatan.

“What are you doing?!” Galit na anas nito nang makaahon ako mula sa tubig.

Wala akong pamalit!

Inayos ko ang buhok ko, gulat na gulat habang nakatingin sa damit ko. Hindi na mukha presentable. Tiningnan ko siya ng masama. Kunot noo itong nakatingin sa akin.

Napapikit ako. Ako ang may kailangan ng tulong. Napabuntong hininga ako at humalikipkip. Gabi na at malamig. Umiwas ako ng tingin, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

“A-Akala ko kasi, patay ka na.” Mahinang bulong ko.

“Dead? Seriously?!” Inis pa rin ito. Napatango ako. Hindi nag-aangat ng tingin. Humakbang ito palapit sa akin, na siya namang pag-atras ko. “You ruined my dream.” Hinawakan niya ng baba ko at iniangat ang tingin ko sa kanya.

Putcha! Lasing ata siya. Halong amoy na mapait ang naamoy ko. Mint, lemon at wine. Mali ang timing ko.

“S-Sor— wait!” Hinawakan nito ang magkabilang bewang ko. Napakapit ako sa braso niya nang inangat niya ako paupo sa gilid ng pool.

Nasa harapan ko siya. Malapit sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung wala lang tunog ag fountain sa likuran ko, siguro rinig ng lalaking ito kung gaano ako kinakabahan.

“So, what job do you want?” Tanong nito. Humawak siya sa gilid ng pool kung saan niya ako inupo. Inayos ko ang dress ko. At gumuguhit ang pilyong ngiti ng lalaking ito!

Maniac!

Hindi ako makaalis. Nakapagitan siya sa mga hita ko. Nilapit niya ang sarili niya. Braso niya. Hita ko. Siya. Hita ko. At braso niya ulit!

“Malamang ‘yung may sweldo.” bulong ko. Hindi ako makaiwas sa tingin niya. Nakatingala ito sa akin.

“I can give you your salary now. If you'd drink with me.” Lumayo siya papunta sa kabilang side ng pool. Kung saan may bote ng alak at kopita. Hawak ng mga kopita sa kanang kamay niya at bote ng alak sa kaliwa. I grabbed the chance para tumayo a pagkakaupo ko sa gilid ng pool. Kailangan ko na umalis dito. Mali ito! “You don't run away.”

Muli akong hinila nito. This time na-out balance ako pabalik sa pool. Nasalo niya ako sa mga braso niya. Niyakap niya ako sa ilalim ng pool.

Maling mali ito!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Twenty-Eight

    Camera clicks. Flashes. Poses.Sa halos limang daang kuha sa iba't-ibang angulo ang unang photoshoot ko. Sobrang saya ni Cecilia bago kami umuwi. Siya rin ang pumili ng ‘best shots’ na tinatawag niya.Sa limang daang pictures, tatlo lang ang nai-release at inupload sa internet.“Look, hija.” agad ko siyang nilingon sa caption na inilagay niya.#thereturnofanangelNatawa ako sa inilagay niyang hashtags. Parang pang tita talaga.“Thanks for the ride, Cecilia.” I hugged her, bago ako bumaba ng sasakyan.Since magkaiba kami ng building pero iisang residents condo lang.Maikling trabaho lang pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Napaupo ako sa vanity mirror ng kwarto ko at nagsimulang alisin ang mga kolorete ko sa mukha.Matapos ang night rituals ko, agad na rin akong nahiga, mabilis akong dalawin ng antok dahil sa regular exercises na ginagawa ko kada araw.Kinabukasan, panay tunog ng notifications ko ang bumungad sa akin. Pikit mata kong hinanap ang phone ko sa ilalim ng unan ko at n

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Twenty-Seven

    Habang nag aabang nang taxi, hinabol nito ang kamay ko kaya agad ko siyang nilingon. Nginitian niya ako pero may pag-aalala pa rin sa mga mata niya. “Sigurado ka na ba?”Hinawakan ko ang kamay niya at ginantihan ng ngiti. Ang buong sitwasyon ang naglapit sa aming dalawa. Kung hindi ako hinimatay ng araw na ‘yon, wala akong makikilalang katulad niya.“Oo naman. Baka sakaling bumalik ang lahat sa maayos, at hindi na kami maging linta sa buhay ng Delvego na ‘yan.” Binitawan ko ang kamay niyang nang huminto ang taxi sa harap namin.Isinakay ng driver ang maleta ko at niyakap ko si Jas bago ako pumanhik sa loob. “Anim na buwan, matagal rin ‘yon.” kumalas siya sa yakao na parang naiiyak na. “Sisendan kita ng mga old reels at interviews ng dating ikaw. Idol pa naman kita!”Pinahid ko ang mga mata ko dahil naiiyak rin ko. “Ano ka ba, wag ka nga umiyak!” biro ko sa kanya.“Sana kapag naalala mo na lahat, hindi mo ako makalimutan ah.”“Oo naman.” Sumakay na ako sa taxi at sinadaro ako ang pinto

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Twenty-Six

    “I love your previous portfolio, but this was years ago, right?” Agad akong tumango kay Cecilia Reimrez. Isang road manager mula Spain na naghahanap ng model ngayon sa pilipinas.Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng pinapasok ako ni Maevrick sa mga private workshops for modeling. Hinihintay daw niya ang pagbabalik ng Global Faces sa pilipinas. Isa itong agency abroad at tiyak niyang walang koneksyon ang mga Zuello sa mga ito dahil sila ang pangunahing kakompitensya ng Orbits, agency na may hawak kay Natalia.“Yes, six years ago. I’ve got amnesia due to a car accident, that’s why I left the modeling industry.”“This picture,” itinapat niya ang portfolio ko sa akin. Kuha ito six years ago. “This is taken from Orbits, why did you apply here instead? Why not go back to your previous agency, hija?”“Hindi ko pa naaalala ang lahat pero I can relearn and manage to help your agency shine.” I look her in the eyes. “I want to drag down the current queen.” Natalia Zuello.Lumapad ang ngiti n

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Twenty-Five

    Nakuyom ang kamao ko. Wag mo kong biguin.“Angel, I’m sorry.”Mula sa pagkakaupo niya ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Agad akong umatras na nagpahinto sa kanya. Magkaharap na kami ngayon. Umangat ang tingin ko sa kanya.“If that was sincere, do me a favor.” Utos ko sa kanya. Napapikit siya ng mariin sa hiniling ko, napahilot sa kanyang sintido at umikot pabalik sa kanyang lamesa. Bakit hindi niya tanungin kung ano ang gusto ko? Natatakot ba siya sa hihingiin ko?Pero nang sa pagkakamali niyang yon, ni hindi siya kinabahan? Na parang wala akong laban after nyang bitawan ang mga pangako niya nung simula palang.“I heard you left Delvego’s Distillery. If you want me to hire you here you’ll be seeing them again.”Sa tono ng boses niya, hindi niya talaga ako gusto maging parte ng negosyo niya. O kahit maging empleyado. Noon pa man, ganito na ang trato niya, parang yelo na hindi matitibag.May katiting na pride pa naman ako para pumili.“Hindi ‘yan ang gusto ko. Marami kang koneks

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Twenty-Four

    Ayaw niya sa akin. Iyan lang ang tiyak na nararamdaman kong tumatama ngayon sa sitwasyon ko.Napailing ako. “Kung makapagsalita ka, parang wala kang kasalanan.” Mahinang bulong ko.Parang hindi niya ako narinig. Nagpatuloy siya. Kada salitang lumalabas sa bibig niya, ay siya namang sumasaksak sa dibdib ko.“To let you know, I do hate you. All these strings that connect you with Cael.” Tinalikuran niya ako. “I helped you out. Thinking if I can use you against Cael, he’ll be broken down to pieces if he knew that you’re falling to me. What happened between us ruined my plan.” Napakuyom ang kamao ko. Ginagamit lang pala niya ako. Nasa plano niya ang paglaruan ako! Ako at si Cael.“Walang hiya ka!” Sinugod ko siya at pinaulanan ng suntok sa dibdib niya. “Plinano mo rin pala ito!”Hinawakan niya ako sa mga braso at inalog para magising sa riyalidad. Gising na gising na ako. Wala akong emosyon na nakikita sa mga mata niya. Blanko ito na parang hindi na siya tao. Nagsisimulang bumadya ang

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Twenty-Three

    “Where the hell are you going?!” Sumunod sa akin si Damon, mula sa opisina ko hanggang pauwi ng mansion, para kunin ang dapat at kaya ko lang dalhin. Nagtrabaho naman ako ng tapat, halos pati nga puso ko maibuhos ko na. Sa maling tao pa!Hindi ko alam na aabot ako sa puntong ganito. Na mauubos ang pasensya, hiya at kabaitan ko. “Angel, can you please stop walking away from the issue? I already provided you a fucking week to leave and now what?” Inis na ito matapos akong harangin palabas ng kwarto ko.“Resigning.” Hinarap ko si Damon, kunot noo ang kilay nito. Ayoko nang tumingin sa mga mata niya. His eyes were talking to mine as if we knew each other deeply. Napalunok ako at umiwas ng tingin.Delusions. Ito ang sisira at nagpapalambot sa akin. Aaminin ko sa sarili ko, nagugustuhan ko siya, pero hindi ko alam kung bakit?!“Why?”“Pinag-isipan kong mabuti ‘to sa loob ng isang linggo.” muli akong tumalikod at inayos ang mga damit ko sa maleta na nabili ko mula sa mga sweldo ko. “Y-Yung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status