Share

Chapter Six

Author: leemoonaudrie
last update Last Updated: 2025-08-29 18:45:05

“Hindi ito nakakatuwa!” Bulaslas ko sa inis. Tinawanan ako nito at iniaabot sa akin ang kopitang may laman. “Hindi ko iinumin ‘yan. Babalik nalang ako bukas kapag maayos ka na kausap.”

Balak ko na sana umahon pero sinundan niya ako. “Come on, this is our new flavor, just have a sip.” Palarong saad nito.

Tiningnan ko siya ng masama. “Alam mo, kung close tayo pwede sana pero hindi kita kilala.” Umahon ako sa pool.

Pilyo itong tumawa. “I control everything. You cannot get out of this place without me.” Umahon rin siya sa pool bitbit pa rin ang mga baso at alak sa kamay niya. Tumayo ito sa harap ko. Palapit ng palapit kaya patuloy lang akong umaatras hanggang sa macorner. “Even when you scream, no one will rescue you.”

Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko na siyang nagpapainit sa dugo ko.

Sana paggising ni Cael, suntukin niya ung mukha ng taong ‘to. Gwapo sana e, masama lang ugali.

“Uuwi na ako. Lasing ka na.” Nginitian ko siya at tinulak sa Bandang balikat. Ang lapit nito. Wala pang suot na pang-itaas, tanging shorts lang.

“Did Cael already kissed you?” Kumunot ang noo ko. Kinulong niya ako sa mga braso niya nang tumukod siya sa pader sa likudan ko.

Yumuko ako. “B-Bakit naman niya ako hahalikan?” Sa buong pagkakaalala ko. Hindi nagbalak or sinubukan ni Cael ang halikan ako. Maski sa pagyakap, ilag. “Bakit mo ba nai—” Agad ko siyang tinulak at sinampal nang malakas nang lumapit ang mukha nito sa akin. “Bastos!”

Walang hiya ‘to! Nanakawan pa ako ng halik?!

Napahawak siya sa pisngi niya. Hawak pa rin niya ang bote sa kamay niya pero ang mga baso, nabasag nang mabitawan niya matapos ko siyang sampalin.

“I told you already, I can give you your salary n—”

“Trabahong matino hanap ko. Sa lagay mo ngayon, may balak kang masama!” Inis kong sagot sa kanya.

“You'll regret this.” Nilagok niya ang alak na hawak niya. “I hate you, you have this strings attach to Cael. That traitor is a murderer and kidnaper.” Inis nitong turan nang maubos ang hawak niya. Muli siyang humakbang palapit sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko pero ang mga paa ko hindi makaalis.

“Hindi ko alam ang ibig mong sabihin,” 

Tumalikod ito sa akin at tumapat sa pool. “Join me,” pag-aya nito.

“Wala akong pamalit. Kita mong basa na ako hindi ba?” matapang na sagot ko kahit sa kalooban ko. Matinding kaba na ang nararamdaman ko.

“I can request for your clothes. Manonood ka lang ba? Solo natin ang pool, I reserved it for you.” Agad itong tumalon ulit sa pool. Ano ba ang dapat akong gawin?

Habang abala siya sa paglangoy. Muling nadaanan ng mga mata ko ang nakatuping tuwalya at rob sa dulong beach bench. Nagkunwari akong lumusong sa gilid ng pool, lumakad dahan-dahan palapit sa beach bench na balak kong lapitan.

“Gabi na, hindi ka pa ba aahon?” Patay malisya kong tanong habang nakasisid siya. Muli akong umalis sa tubig at dinampot ang tuwalya at rob. “Magbabanyo lang ako.” Mabilis akong kumaripas paalis ng pool area at dali-daling tumakbo sa hallway na dinaanan ko kanina.

Agad akong pumasok sa female shower area. Malawak ito. Bawat pinto, tinitingnan ko kung may bintana pero wala!

Sa dulong shower area ako pumasok. Hindi na ako uulit na pupunta sa ganitong oras. Hinubad ko ang polo dress ko. Basa pati ang spare phone ko!

Sinubukan ko itong buhayin, pero wala. Napasukan ng tubig.

Saglit akong nagbanlaw. Tanging panloob nalang ang hindi ko inaalis at ipinatong ko ang rob na nakuha ko. Kasunod ay pinulupot ko ang tuwa—

“Open this damn door!” Nanlaki ang mata ko sa anino niyang nasa labas ng shower cubicle. Nasa loob siya ng female shower! Bumalik ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba kasi wala akong access palabas?!

Tinginan ko ang paligid, walang kahit ano. Tanging basang dress ko lang!

“I said open this fucking door or I'll fuck this up!” Hinampas niya ang shower door ng dalawang beses. Kumalabog ito. Napatakip ako ng bibig ko habang nakatingin sa anyo niya.

Blurred glass door ang pintuan na nakapagitan sa aming dalawa. Napasandal ako sa pader. Kita ko ang steam ng hininga niya sa glass door. Hindi ko maipagkakaila na may kalakihan ang mga braso niyang nakatukod sa glass door. Kayang basagin ng lalaking ito ang pintuang ito. 

Hindi siya ung Damon na nakilala ko sa ospital. Ibang-iba ang anyo niya ngayon bago ko siya iwan mula sa pool area. Wala siya sa wisyo at halimaw! 

“Angel,” Para akong tuod na hindi makakilos. Ang malamig niyang boses ay biglang nanlambot na parang anghel na tumatawag sa pangalan ko. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga mahahaba niyang daliri. “Sweetheart, please open this door.” 

Hindi ko mahanap ang relief sa boses niya, ramdam kong kakainin niya ako ng buhay kapag lumabas ako. “Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako…” 

Pilit kong pinapaandar ang phone ko. Lumalabo ang mga mata ko na agad kong kinusot. Luha. 

Umiiyak na ako! Napahilamos ako sa sarili ko, umiiyak na ako sa takot. Napaupo ako na parang may maitutulong ito na makatakas pa ako. “P-Please, ayoko na.. ” 

Napahagulgol ako. Pilit ko mangtakpan ang bibig ko, patuloy na lumuha ang mga mata ko. 

Ano? Bigla bang magkakalindol at kakainin siya ng lupa para makatakas ako? 

“Just open this door,” Mahinahon niyang utos na hindi nakakapaghatid ng kapayapaan sa dibdib ko. “I won’t hurt you.” 

Muli akong tumayo. Huminga ako ng malalim, lasing siya. Kaya ko naman siguro magpatumba ng lasing, hindi ba? Hawak ang mga gamit ko. Dahan-dahan akong lumapit sa puntuan. Umatras siya mula rito. Tinanggal ko ang lock, pumitik ito. Papasok ang bukas ng pinto, nakaantabay ang pwersa kong isarado ito ulit kapav sinubukan niya pumasok! 

Hindi ako nagkamali, sumugod siya at patulak na binuksan ang pinto. Agad akong umatras sa shower, sa pwersang ginawa niya,  bumagsak ang katawan niya sa sahig. Ginamit ko ang dress ko para takip sa mukha niya bago ko binuksan sa hot temperature ang shower at kumaripas ng takbo.

Sa dulo ng hall bago ‘yung entrance na napasukan ko, may gym area, sa loob ng gym may nakita akong elevator. 

“You cannot run away!” Sigaw niya, nagawa kong makapasok sa elevator. Pinindot ko lahat ng number para sumarado ito. 

Kita ko ang paghabol ng anino niya. Bago pa siya makapasok sa gym, nagsarado ang elevator at agad itong bumukas sa ground floor kung nasaan ang receptionist kanina. 

Agad akong tumakbo palabas ng entrance nang biglang bumukas ito. Sa bilis ng takbo ko, bumangga ako sa katawan niya ngunit mabilis akong nasalo nito. 

Kunot noo itong nakatingin sa akin, “Angel?! Are you okay?” tinanaw nito ang pinanggalingan ko. Agad akong umiling sa tanong niya. “What happened?”

Kumapit ako sa braso nito. “Maevrick, buti dumating ka!” 

Muling tumunog ang elevator. Napalingon ako sa gawing pinanggalingan ko. Iniluwa nito ang basa, namumula at lasing na si Damon. 

Kumalas ako kay Maevrick upang kumaripas ulit ng takbo sa takot na maabutan ako ng nilalang na iyon ay siya namang pagkirot ng sintido ko. 

Kirot na naramdaman ko bago maaksidente si Cael. Kirot na siyang humihiwa sa bungo ko. 

Nadapa ako at napahawak sa ulo bago nagdilim at bumagsak ang katawan ko. 

If Cael could just save and run away with me again. Kung gising lang siya… 

__________

“Are you going home with me?” tanong ng lalaking hindi ko maaninag ang mukha. 

Tumango ako, “Of course, you're my home.” awtomatikong sagot ko na naghatid ng ngiti sa lalaking walang mukha. 

Hindi ko maintindihan kung paano ko nasabing nakangiti siya, pero inakbayan ako nito at hinalikan sa noo. “Then we’ll go now. ” 

Iniwan namin ang lugar kung saan may basag na lamesa, nagkakalat na papel at mga trabahador sa isang opisina na nakatulala sa kwartong pinanggalingan namin. 

Nakarating kami sa isang malaking bahay. Nasa mini bar ‘yung lalaking walang mukha. Ramdam ko ang lungkot at pagkadismaya nito habang nagsasalin ng alak sa baso niya. 

Niluwagan nito ang kurbatang sumasakal sa kanya at kinalas ang tatlong butones ng polo niya. 

Tinawag ko ang pangalan nito, na maging ako hindi ko marinig kung anong tinawag ko sa kanya.

Nawala ang kalungkutan nito at napalitan ng ngiti. Naparang nakakita ng anghel, nilagok nito ang alak sa kopita. 

Niyakap ko siya mula sa likod, agad niting hinabol ang mga kamay ko, nilaro ang mga daliri ko at hinalikan. 

“Stop drinking, you know my rules right? ” Malambing kong utos ko sa kanya. 

Muli akong hinalikan nito sa kamay, “Just a last shot, please?” Pakiusap nito. 

Ngumuso ako at sumandal sa balikat niya habang patuloy na nakayakap sa kanya. “Okay, at matulog na tayo please?” huling hirit ko. 

Tumango ito. Ramdam ko ang lungkot sa ekpresyon nilang hindi klaro sa paningin ko.

Kasunod no’n ay nasa kwarto na kaming dalawa. Lungkot na lungkot pa rin ang lalaking nasa panaginip ko. N*******d ang pangtaas nito at tanging pantalon lang ang suot.

Lumapit ako sa harapan niya, nakasandak siya sa kama katapat ang terrace ng kwarto. 

H******n ko ang pisngi nito, naagad niyang sinandalan na parang nangangailangan ng matinding pagkalinga mula sa akin.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo, dulo ng ilong at pababa sa mga labi niya. Damping halik, na nagpalambot sa kanya. 

Matikas ang katawan ng lalaking ito, pero ramdam ko na nanghihina siya. 

“Gusto mo, iatras muna natin ang kasal? You know me, I can wait for another year.” bulaslas ko. 

Agad hinapit nito ang bewang ko palapit sa kanya. Nakayakap siya na parang takot na takot na mawala ako sa paningin niya.

“No, I can’t wait for another year. We're going to get married this year. Pinipili kita over everything!” Nagdala ito ng apoy sa dibdib ko. Parang kinikiliti ng mga salitang lumalabas sa labi niya. 

Muli ko siyang hinalikan sa labi, hinawakan nito ang pisngi at batok ko. Hindi kumakawala na parang iniinom ang bawat halik ko sa sobrang pagkauhaw niya. 

Kumalas kami sa isa’t-isa. “I won’t leave you, Ma moitie.” Bulaslas ko. 

Para akong nahulog sa isang bangin, kasama si Cael. Lumabo ang paligid. Napapikit ako sa liwanag. 

Nanlalamig ang mga paa ko, niyakap ko ito at nagsumiksik sa malalambit na unan na nakapaligid sa akin. Naramdaman ko ang malambot na tumakip sa nilalamig kong katawan. 

Amoy kape. 

Agad akong napadilat. Kunot noo at hinanap kung saan galing ang amoy. Si Damon ang nagkakape sa paahan ko. Nakatingin ito sa akin matapos niyang humigop ng kapeng hawak niya.

Muling nagbalik sa alaala ko ‘yung nangyari kagabi. Ang halimaw na ‘to! Mabilis kong hinila ang kumot at itinakip sa katawan ko. 

Sinilip ko ang kasuotan ko sa ilalim ng kumot. ‘Ung robe ang huli kong sinuot, ngayon isang white long sleeve polo na. 

“Sorry about last night, I didn't remember all the things that happened.” Muli itong himigop ng kape niya.

Malayo ang aura niya sa nakita ko kagabi. Nakawhite shirt at white pajama siya habang nakaupo sa sofa malapit sa paahan ko.

Hindi panaginip ang ginawa niya. Namumula ang mukha nito dahil sa hot temperature sa shower na binuksan ko. May bakas ng kahapon. 

“Nasaan ako? At bakit ka nandito?” Kunot noo kong tanong sa kanya.

“You called me in your sleep,” Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin. Nagtataka. “You said, I’m your home.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Six

    “Hindi ito nakakatuwa!” Bulaslas ko sa inis. Tinawanan ako nito at iniaabot sa akin ang kopitang may laman. “Hindi ko iinumin ‘yan. Babalik nalang ako bukas kapag maayos ka na kausap.”Balak ko na sana umahon pero sinundan niya ako. “Come on, this is our new flavor, just have a sip.” Palarong saad nito.Tiningnan ko siya ng masama. “Alam mo, kung close tayo pwede sana pero hindi kita kilala.” Umahon ako sa pool.Pilyo itong tumawa. “I control everything. You cannot get out of this place without me.” Umahon rin siya sa pool bitbit pa rin ang mga baso at alak sa kamay niya. Tumayo ito sa harap ko. Palapit ng palapit kaya patuloy lang akong umaatras hanggang sa macorner. “Even when you scream, no one will rescue you.”Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko na siyang nagpapainit sa dugo ko.Sana paggising ni Cael, suntukin niya ung mukha ng taong ‘to. Gwapo sana e, masama lang ugali.“Uuwi na ako. Lasing

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Five

    “Hindi ka pa ba gigising?” tanong ko sa natutulog na Cael. Maputla na siya. Hindi na katulad noon. Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya gamit ang basang bimpo.“Wala na tayong bahay,” bulong ko sa kanya. Sabi ng doktor, magandang kausapin ang comatose na pasyente. Binanlawan ko ang bimpo na pinunas ko sa kanya at kinuha ang bag ko na may mga damit.Dahil dito na akong natutulog sa ospital, nagpapalaba nalang ako sa labas. May kaunting nabawas ako sa perang binigay ni Charity noong pinalayas niya ako. Nanunubig ang mga mata ko sa mga pumapasok sa isip ko. Ngayon ko lang napantanto, maraming nilihim si Cael.“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang dami nating utang na bayarin.” Napatuloy ako sa pagtupi ng mga damit ko. Habang umiiyak. “Binigyan ako ng pera ni Charity, bayad niya sa pag-aalaga ko kay Charmi. Maghahanap ako ng trabaho, tutulungan kita makabangon ulit.” Bumuhos ang luha ko kaya isinubsob ko ang mukha ko sa damit na hawak ko.“Ako naman babawi sa ‘yo, susubukan ko palaguin

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Four

    Damon's point of view.“At bakit naman namin gagawin ‘yon? Ung kalive in partner niya, comatose. Tapos ang gusto mo palayasin namin? Tao ka ba? Ang gwapo mo pero demonyo ka e, ano?”“Charity!”“E kasi namam, kung makapag desisyon itong, mamang ‘to?!”I put the suitcase in their small table at the sala. Charity opened the suitcase. She looked at me with amusement and confusion.“You're pregnant. Working. A daughter and a mother. She's not even your relative.” I clearly stated. These people are too kind and naive, only if they knew that the people who let them stay in their nest was a leech, fraud and a kidnapper.Charity bit her lips. Her mom approached her but was not impressed with the money. “Napakalaking pera naman n'yan.”I simply smiled at them, “Final offer. Just to think of it, I want to rent their unit. Just cast her out of your place. Whatever way it is.”Charity closed the suitcase. “Okay, anim na buwan na naman silang walang bayad. Hindi kasi mapalad si Cael sa mga trabaho.

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Three

    “Lumayas ka na!” sigaw ni Charity. Ang mama ni Charmi at anak ni Aling Nena. Buntis ito at naka limang buwan na. Single mom.“Anak huminahon ka, ang bata!” Nag-aalalang pakiusap ni Aling Nena habang sinasalo ang mga gamit at damit namin sa labas ng unit.“Paanong hihinahon? Etong babaeng ‘to, ilang buwan ng walang bayad! Mapapaanak ako sa stress kakasingil dito e!” Singhal nito sa nanay niya. Tama siya. Ilang buwan na kaming walang hulog sa upa. Wala akong trabaho. Comatose pa rin si Cael. Mahigit tatlong buwan na. “Kaya lumayas ka nalang!”“Anak, nasa ospital nga kasi si Cael. Hindi kaya ni Ange—”“Anong hindi? Buntis ako, nay! Siya hindi! Pwede siyang magtrabaho! Ano siya prinsesa? Bawal magbalat ng buto?!” Dinuro ako nito pagharap niya sa gawi ko. “Prinsesa ka ba, huh?! Hindi ka marunong magtrabaho, huh?!”Pinalo ni Aling Nena ang kamay ni Charity na naduro sa akin. “Charity! Tama na! Oo, prinsesa ‘yan siya ni Cael!”Muling nagka-iringan ang dalawa. Tungkol sa amin ni Cael.“E, hin

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Two

    “Naniniwala ka bang gusto ko magdrive ng tren?”Mula sa tanawin sa labas, natuon ko ang tingin ko kay Cael, nakatingin ito sa dulong bagoon kung saan nakaupo ang driver ng LRT train na mula sa Recto papuntang Antipolo.Nginitian ko si Cael, “Edi mag-apply ka, for sure bagay sa ‘yo yung uniform na may itim na kurbata! Araw-araw akong pupunta sa Antipolo kapag nangyari ‘yon.” Masayang tugon ko sa kanya.Nawala ng ngiti sa mga labi nito.“Bakit? Ano ka ba, hindi masama mangarap kahit nasa tamang edad ka na.” Tinapik ko ang braso niya at sumandal doon.“Hindi ko pangarap ‘yun. Naisip ko lang.” Bulong nito at hinaplos ang buhok ko. Tiningala ko siya. Nakatitig siya sa akin habang sinusuklay ang buhok ko.“E, anong pangarap mo?”“Ang mapatawad,” ngumunot agad ang noo ko.“Nino? Bakit?” Masyadong magkalapit ang mukhang naming dalawa. Kumalas ako sa yakap sa kanya. Ramdam ko ang init ng mukha ko.Ngumisi si Cael. At umakbay sa akin.“You badly know and love that guy,” Mas kumunot ang noo ko.

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter One

    Napahawak ako sa ulo ko, ito na naman ang sakit na nararamdaman ko. Kaunting tama lang ng liwanag sa mga mata ko parang hinahati ang mga eyeballs ko sa sakit at hapdi.Nagising ako sa himbing ng tulog ko dahil sa sakit na madalas kong indahin lalo na kapag hindi ko naiinom ang maintenance ko. Lumubog ang kabila ng kama nang maupo si Cael, inalalayan ako nitong maupo.“Masakit na naman ba ang ulo mo? Yung gamot mo nakainom ka ba?” May pag-aalala nitong tanong. Napakagwapo talaga ni Cael, napakamaalaga rin.“Sobrang sakit..” Napayuko ako habang hinihilot ang sintido ko. “Isang linggo na akong hindi nakakainom, nahihiya akong sabihin sa ‘yo. Ngayon pang nawalan ka ng tranaho ulit.” Bulong ko.Napabuntong hininga si Cael at inayos ang buhok kong nakakalat sa pagmumukha ko. Natanggal siya sa pangatlo niyang trabaho ngayong buwan. Kaya nahihiya akong banggitin ang tungkol sa mga gamot ko. Pero ngayon kasi, parang mababaliw na ako sa matinding sakit!Hinalikan ako ni Cael sa noo, naamoy ko a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status