“Naniniwala ka bang gusto ko magdrive ng tren?”
Mula sa tanawin sa labas, natuon ko ang tingin ko kay Cael, nakatingin ito sa dulong bagoon kung saan nakaupo ang driver ng LRT train na mula sa Recto papuntang Antipolo.Nginitian ko si Cael, “Edi mag-apply ka, for sure bagay sa ‘yo yung uniform na may itim na kurbata! Araw-araw akong pupunta sa Antipolo kapag nangyari ‘yon.” Masayang tugon ko sa kanya.Nawala ng ngiti sa mga labi nito.“Bakit? Ano ka ba, hindi masama mangarap kahit nasa tamang edad ka na.” Tinapik ko ang braso niya at sumandal doon.“Hindi ko pangarap ‘yun. Naisip ko lang.” Bulong nito at hinaplos ang buhok ko. Tiningala ko siya. Nakatitig siya sa akin habang sinusuklay ang buhok ko.“E, anong pangarap mo?”“Ang mapatawad,” ngumunot agad ang noo ko.“Nino? Bakit?” Masyadong magkalapit ang mukhang naming dalawa. Kumalas ako sa yakap sa kanya. Ramdam ko ang init ng mukha ko.Ngumisi si Cael. At umakbay sa akin.“You badly know and love that guy,” Mas kumunot ang noo ko. Ang expensive pakinggan ng english niya. Mukhang siyang mayaman kapag english.Napabuntong hininga si Cael nang makarating kami sa Legarda station.“I made a huge mistake. I ruined lives. Kung magkikita kami, I'll accept my fate to die with his wrath. At sana mapatawad mo ako.”Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nadistract ako sa mga pasaherong pumasok sa loob ng tren.Nawala rin ang mga tanong sa isip ko. —----------- Nagising ako sa ingay ng paligid. Maraming tao at aparatos na pang-ospital. Puti ang pintura ng kisame, maliwanag ang ilaw. Nilalamig ang mga paa ko. Inipon ko ang lakad ko para maupo. Dahan-dahang luminaw sa akin ang lahat. Nasa ospital ako, sa public ward. “Cael,” napakusot ako ng mga mata ko at agad tumayo. Lumapit ako sa pinakamalapit na reception. Pilit kong inayos ang sarili ko maging presentable. Maluwag na t-shirt, pantulog na shorts at tsinelas na hindi magkapareho. Ayos. Mukhang pulubi. Agad akong pinagtaas ng kilay ng nurse. Hindi pa ako nagsasalita. “Nasaan po si Micaelum Hernandez? Anong kwarto o kama niya?” Tanong ko. Tiningnan niya ang patient chart niya. “Walang Hernandez dito, anong oras ba siya dinala?” Napakamot ako ng ulo. “Hindi ko po matandaan. Pero ung pasyenteng galing tenement po? Kasaba—” “Long time no see, Angel Artego.” Napakunot ang noo ko nang lingunin ang gwapong nilalang sa likod ko. Nakaporma ito, halatang mayaman. Mula sa relo nitong mas makinang sa kutsara namin. “K-Kilala mo ako?” turo ko a sarili ko. Tumango ang lalaki. “Ah. Ikaw ung Angel. ‘Yung hinahanap mo nasa ambulansya na. Pinapalipat ni sir Delvego sa private hospital.” Saad ng nurse. “Yes. She's right. I'm sorry for what happened. I'm new to driving that Rolls Royce. Akala ko preno ung naapakan ko, gas pala.” Inilahad nito ang maskulado niyang kamay sa harapan ko. “Cael and I have been friends before. If you already forgot. I am Ambrose Damon Delvego.” Napatunganga ako sa mga kamay niya. Napatingin ako sa kamay kong marumi. Nanliit ako at itinago nalang ang mga ito sa likuran ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Damon. Binawi niya ang kamay niya at may hinugot sa coat niya saka biglang nagring ang telepono nito. Black matte calling card ang iniabot niya sa akin. “If you need anything, call me. I have an urgent meeting. Pwedeng kang sumabay sa vehicle ni Cael, I got his hospital bills covered. Since it was my fault.” Nakatitig ito sa akin at inangat sa mukha ko ang calling card. “Take it.” Awtoritadong saad nito. Kinuha ko ito at tinitigan.Damon. Parang pamilyar. “Sabi mo, ‘it was my fault.’ ano ibig mong sabihin? Bakit at pa—” “As I've said earlier, hindi preno ung naapakan ko. Ako ang nakabangga sa kanya.” Hindi nagbago ang expression nito. Seryoso niyang sinabi ang mga iyon. Natupi sa kamao ko ang calling card niya. Nangilid ang luha ko. Parang walang pag-sisisi sa taong ‘to. “Don't worry, he's not dying yet.” Humakbang ito palapit sa akin. Pinahid niya ang mga luha ko. Agad akong umiwas nang dumampi ang daliri niya sa pisngi ko. Mabilis ko itong tinabig. Nagbago ang expression niya at pilyong ngumiti. “I have to go, call me if you need anything.” Umalis siya, palabas ng ospital. Bumalik lang ako sa reyalidad ng magsalita ang nurse sa likod ko. “Paalis na po ang ambulance ni sir Delvego. Sasabay po ba kayo?” Agad akong tumango. Sinama ako nito sa parking lot. Nasa loob si Cael ng ambulansya. May bahid pa ng dugo pero naka hospital gown na. May swero at oxygen rin. Naupo ako sa tabi niya. Agad kong hinawakan ang kamay nito. Sumunod ang nurse sa tabi ko at sinara ang pinto ng ambulansya. Umadar ito. Hindi ko alam kung saan papunta. Nakahawak lang ako sa kamay ni Cael. Ilang beses akong napalunok ng laway. Tinititigan ko ang itsura ni Cael. Mukhang hindi siya gigising ka agad sa lagay niya. May benda ang ulo nito at neck brace. “Boyfriend niyo po?” Tanong ng nurse sa tabi ko. Mabilis akong umiling. Tumango lang rin siya at inadjust ung buton sa swero ni Cael. “I-o-observe lang po muna siya. Nagrespond naman siya sa ilang test. Kailangan lang ng MRI test titingan kung gaanong pinsala ang nangyari sa kanya.” muling lumuha ang mga mata ko. “Gigising pa naman siya di ‘ba?” “Fifty-fifty chances. Depende sa resulta, treatments at kondisyon ng katawan niya.” Malumanay ang pagkakasabi nito. “E, tungkol sa bills?” Dagdag ko. “Bayad na po. Maski sa paglilipatang ospital, bayad rin po ng partial. Delvego po kasi nakabangga.” Kumunot ang noo ko. Saka siya tiningnan. “Ano naman kung Delvego?” Kinuha nito ang phone niya. May pinakita itong article tungkol sa Delvego. “Basahin mo. Kasama siya sa wealthiest people list. Tip one business and entrepreneur.” Nakita ko doon ang mukha ni Damon. Siya ang pinakabatang nasa listahan. “Yan ung gwapong kausap mo kanina. Basta talaga mayaman hindi makukulong basta e.” “Paano ko makokontact ‘yung taong yan?” umiwas ako ng tingin at muling napatingin sa calling card. “Ung number dyan, tawagan mo.” Sabay turo ng nurse sa number na nasa card. Tiningnan ko siya ulit. “E, wala akong phone.” Mahina kong sagot. Pinagtaasan ako ng kilay ito. “Weh? 202X na wala ka pang phone? Imposible naman.” Hindi ito naniniwala. “Kung gusto mo, bigay mo sa akin ung number tawagan ko!” Pabulong nitong habol, pero pabiro lang. “Joke. Hindi ka tumatawa.” Napangiti ako sa sinabi nito, nagbibiro pala siya sa gano'ng lagay. “Pasensya na, hindi ko kasi maintindihan ung jokes mo.” Tinapik ako nito. “Pero seryoso, wala kang phone?” “Wala nga.” “E ‘yang walang label mong boyfriend?” “Wala rin.” Napabuntong hininga siya. “Lumang tao ba kayo? May tig 3k nga na phone sa Divisoria o Quiapo e.” Dismayadong saad nito. “Hindi naman kasi namin kailangan. Palagi rin kaming magkasama. Kaya parang hindi kailangan.” Sagot ko. “Hay. Sige, ganito nalang sasamahan kita hanggang sa kwarto ng ospital na lilipatan niyo. Pagnakita kita do'n sa off ko, papahiramin kita ng spare phone ko.” Nakangiting suggestion nito. Napangiti rin ako at sumang-ayon sa kanya. “Sige, hihintayin kita kung sakali. Ano palang pangalan mo?” Tanong ko. Kanina ko pa siya kausap, pero hindi ko naitataning ang pangalan niya. “Jasmin. Nurse Jas nalang para short lang.” Nakarating kami sa bagong ospital. Hindi crowded. Lahat ng pasyente may sariling kwarto at kama. Walang palaboy-laboy sa hallway ng ospital. Kasama namin si Jasmin hanggang sa kwarto na para kay Cael. Na kapareho ng laki ng unit namin sa tenement. Si Jasmin ang umasikaso sa mga result ni Cael. Binibilin niya sa akin ang ilan doon kasi hindi daw siya pwedeng magtagal. “Nakaschedule siya ng MRI before the day ends. Kailangan mo palaging pumunta sa nurse station for update. Babalik na ko sa ospital, hindi na bayad ung oras ko.” Nagmamadali na rin ito. “Pag rest day ko, babalikan kita. Nice meeting you!” Mabilis ako nitong iniwan. Iniwan niya ang mga papel na aasikasuhin ko sa kama katabi ni Cael. Kumalam ang sikmura ko. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Nakaoa ko ang wallet ni Cael na daoat ibibigay ko sa kanya bago siya mabangga. “Wala na palang laman ‘to. Kaya hindi dinala.” Bumagsak ang kalamnan ko at napahagulgol sa naisip ko. Kasalanan ko ba? Kung hindi ko ba siya hinabol, buhay pa kaya s'ya? Nakaalis kaya siya sa kinatatayuan niya bago sumalubong ang kotseng ‘yon? Niligtas ako ni Cael. Dapat iligtas ko rin siya!Camera clicks. Flashes. Poses.Sa halos limang daang kuha sa iba't-ibang angulo ang unang photoshoot ko. Sobrang saya ni Cecilia bago kami umuwi. Siya rin ang pumili ng ‘best shots’ na tinatawag niya.Sa limang daang pictures, tatlo lang ang nai-release at inupload sa internet.“Look, hija.” agad ko siyang nilingon sa caption na inilagay niya.#thereturnofanangelNatawa ako sa inilagay niyang hashtags. Parang pang tita talaga.“Thanks for the ride, Cecilia.” I hugged her, bago ako bumaba ng sasakyan.Since magkaiba kami ng building pero iisang residents condo lang.Maikling trabaho lang pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Napaupo ako sa vanity mirror ng kwarto ko at nagsimulang alisin ang mga kolorete ko sa mukha.Matapos ang night rituals ko, agad na rin akong nahiga, mabilis akong dalawin ng antok dahil sa regular exercises na ginagawa ko kada araw.Kinabukasan, panay tunog ng notifications ko ang bumungad sa akin. Pikit mata kong hinanap ang phone ko sa ilalim ng unan ko at n
Habang nag aabang nang taxi, hinabol nito ang kamay ko kaya agad ko siyang nilingon. Nginitian niya ako pero may pag-aalala pa rin sa mga mata niya. “Sigurado ka na ba?”Hinawakan ko ang kamay niya at ginantihan ng ngiti. Ang buong sitwasyon ang naglapit sa aming dalawa. Kung hindi ako hinimatay ng araw na ‘yon, wala akong makikilalang katulad niya.“Oo naman. Baka sakaling bumalik ang lahat sa maayos, at hindi na kami maging linta sa buhay ng Delvego na ‘yan.” Binitawan ko ang kamay niyang nang huminto ang taxi sa harap namin.Isinakay ng driver ang maleta ko at niyakap ko si Jas bago ako pumanhik sa loob. “Anim na buwan, matagal rin ‘yon.” kumalas siya sa yakao na parang naiiyak na. “Sisendan kita ng mga old reels at interviews ng dating ikaw. Idol pa naman kita!”Pinahid ko ang mga mata ko dahil naiiyak rin ko. “Ano ka ba, wag ka nga umiyak!” biro ko sa kanya.“Sana kapag naalala mo na lahat, hindi mo ako makalimutan ah.”“Oo naman.” Sumakay na ako sa taxi at sinadaro ako ang pinto
“I love your previous portfolio, but this was years ago, right?” Agad akong tumango kay Cecilia Reimrez. Isang road manager mula Spain na naghahanap ng model ngayon sa pilipinas.Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng pinapasok ako ni Maevrick sa mga private workshops for modeling. Hinihintay daw niya ang pagbabalik ng Global Faces sa pilipinas. Isa itong agency abroad at tiyak niyang walang koneksyon ang mga Zuello sa mga ito dahil sila ang pangunahing kakompitensya ng Orbits, agency na may hawak kay Natalia.“Yes, six years ago. I’ve got amnesia due to a car accident, that’s why I left the modeling industry.”“This picture,” itinapat niya ang portfolio ko sa akin. Kuha ito six years ago. “This is taken from Orbits, why did you apply here instead? Why not go back to your previous agency, hija?”“Hindi ko pa naaalala ang lahat pero I can relearn and manage to help your agency shine.” I look her in the eyes. “I want to drag down the current queen.” Natalia Zuello.Lumapad ang ngiti n
Nakuyom ang kamao ko. Wag mo kong biguin.“Angel, I’m sorry.”Mula sa pagkakaupo niya ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Agad akong umatras na nagpahinto sa kanya. Magkaharap na kami ngayon. Umangat ang tingin ko sa kanya.“If that was sincere, do me a favor.” Utos ko sa kanya. Napapikit siya ng mariin sa hiniling ko, napahilot sa kanyang sintido at umikot pabalik sa kanyang lamesa. Bakit hindi niya tanungin kung ano ang gusto ko? Natatakot ba siya sa hihingiin ko?Pero nang sa pagkakamali niyang yon, ni hindi siya kinabahan? Na parang wala akong laban after nyang bitawan ang mga pangako niya nung simula palang.“I heard you left Delvego’s Distillery. If you want me to hire you here you’ll be seeing them again.”Sa tono ng boses niya, hindi niya talaga ako gusto maging parte ng negosyo niya. O kahit maging empleyado. Noon pa man, ganito na ang trato niya, parang yelo na hindi matitibag.May katiting na pride pa naman ako para pumili.“Hindi ‘yan ang gusto ko. Marami kang koneks
Ayaw niya sa akin. Iyan lang ang tiyak na nararamdaman kong tumatama ngayon sa sitwasyon ko.Napailing ako. “Kung makapagsalita ka, parang wala kang kasalanan.” Mahinang bulong ko.Parang hindi niya ako narinig. Nagpatuloy siya. Kada salitang lumalabas sa bibig niya, ay siya namang sumasaksak sa dibdib ko.“To let you know, I do hate you. All these strings that connect you with Cael.” Tinalikuran niya ako. “I helped you out. Thinking if I can use you against Cael, he’ll be broken down to pieces if he knew that you’re falling to me. What happened between us ruined my plan.” Napakuyom ang kamao ko. Ginagamit lang pala niya ako. Nasa plano niya ang paglaruan ako! Ako at si Cael.“Walang hiya ka!” Sinugod ko siya at pinaulanan ng suntok sa dibdib niya. “Plinano mo rin pala ito!”Hinawakan niya ako sa mga braso at inalog para magising sa riyalidad. Gising na gising na ako. Wala akong emosyon na nakikita sa mga mata niya. Blanko ito na parang hindi na siya tao. Nagsisimulang bumadya ang
“Where the hell are you going?!” Sumunod sa akin si Damon, mula sa opisina ko hanggang pauwi ng mansion, para kunin ang dapat at kaya ko lang dalhin. Nagtrabaho naman ako ng tapat, halos pati nga puso ko maibuhos ko na. Sa maling tao pa!Hindi ko alam na aabot ako sa puntong ganito. Na mauubos ang pasensya, hiya at kabaitan ko. “Angel, can you please stop walking away from the issue? I already provided you a fucking week to leave and now what?” Inis na ito matapos akong harangin palabas ng kwarto ko.“Resigning.” Hinarap ko si Damon, kunot noo ang kilay nito. Ayoko nang tumingin sa mga mata niya. His eyes were talking to mine as if we knew each other deeply. Napalunok ako at umiwas ng tingin.Delusions. Ito ang sisira at nagpapalambot sa akin. Aaminin ko sa sarili ko, nagugustuhan ko siya, pero hindi ko alam kung bakit?!“Why?”“Pinag-isipan kong mabuti ‘to sa loob ng isang linggo.” muli akong tumalikod at inayos ang mga damit ko sa maleta na nabili ko mula sa mga sweldo ko. “Y-Yung