“Lumayas ka na!” sigaw ni Charity. Ang mama ni Charmi at anak ni Aling Nena. Buntis ito at naka limang buwan na. Single mom.
“Anak huminahon ka, ang bata!” Nag-aalalang pakiusap ni Aling Nena habang sinasalo ang mga gamit at damit namin sa labas ng unit. “Paanong hihinahon? Etong babaeng ‘to, ilang buwan ng walang bayad! Mapapaanak ako sa stress kakasingil dito e!” Singhal nito sa nanay niya. Tama siya. Ilang buwan na kaming walang hulog sa upa. Wala akong trabaho. Comatose pa rin si Cael. Mahigit tatlong buwan na. “Kaya lumayas ka nalang!” “Anak, nasa ospital nga kasi si Cael. Hindi kaya ni Ange—” “Anong hindi? Buntis ako, nay! Siya hindi! Pwede siyang magtrabaho! Ano siya prinsesa? Bawal magbalat ng buto?!” Dinuro ako nito pagharap niya sa gawi ko. “Prinsesa ka ba, huh?! Hindi ka marunong magtrabaho, huh?!” Pinalo ni Aling Nena ang kamay ni Charity na naduro sa akin. “Charity! Tama na! Oo, prinsesa ‘yan siya ni Cael!” Muling nagka-iringan ang dalawa. Tungkol sa amin ni Cael. “E, hindi naman sila mag-asawa!” Sigaw ni Charity sa ina. “Intindihin mo naman, anak!” Pagpapakumbaba ni Aling Nena. “Nay! Magkakaapo kayo ulit! Wala akong asawa na tutulong!” Humakbang ako sa pagitan nila. “Tama na po.” Napayuko ako. Lumapit si Charmi at humawak sa saya ni Charity. “Mama bakit nag-aaway kayo ni Lola dahil kay ate Angel? Bad po ba si ate Angel?” Tanong nito. Umiyak si Charity sa tanong ng anak niya. Napaupo ito. Agad siyang inalalayan ni Aling Nena. Sinubukan ko ring lumapit sa kanya para alalayan siya pero hininghalan niya ako. “H'wag ka na lumapit! Umalis ka nalang! Todo-todo ung kayod ko para sa mga anak ko. Ikaw dagdag palamunin ka pa sa nanay ko! Walang trabaho si nanay, pinapakain ka pa niya. Hindi ka naman kadugo!” Napayuko ako. Tama. Simula nang aksidente. Si Aling Nena lang ang nalalapitan ko. Naputulan na ng kuryente at tubig ang unit. Pinag-iigib pa ako ni Aling Nena para may magamit. Dinampot ko ang iilang damit at gamit namin ni Cael na kaya kong bitbitin. Sa loob ng tatlong taon na paninirahan dito sa tenement hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon ako aalis. Kung kailan wala si Cael. Kung kailan nangangapa ako sa buhay. “Sorry, naging pabigat ako.” Bulong ko. “Naku, hija! Sana hindi sumakit ang ulo mo!” Pag-aalala ni Aling Nena at nagdampot rin ng iilang gamit ko. “E, ung paghilab ng tyan ko nay? Hindi ka mag-aalala? Seryoso?” Iritang tanong ni Charity Inalalayan ni Charmi ang Mama niya na makatayo. Malambing na bata si Charmi, dikit sa lola at Mama. Pati sa akin, dikit siya. Malungkot ang mukha ni Charmi habang nakatingin sa akin. “Mama, pasok ka na sa loob… Wag ka na po magalit, kawawa naman si baby.” Sabay himas nito sa tyan ng Mama niya. “Opo, papasok na sa loob si Mama.” Malambing na sagot ni Charity. Tinapunan ako nito ng tingin. “Ayoko nang makita ka dito sa unit ko, lumayas ka na paki-usap lang!” Iniwan ako nito at ni Aling Nena na naiiyak. Tahimik akong tinulungan ni Aling Nena. “Hindi niyo na po kailangan ibalot lahat,” paghihinto ko sa kanya habang nililigpit lahat ng damit mula sa tukador. “Okay na po itong bag na nabalot ko. Hindi ko po alam kung saan ko ililipat ang ibang mga gamit namin e.” Bumuhos ang luha ng matanda at niyakap ako. “Hija, mamimiss kita. Pasensya ka na sa anak ko, ah?” Tinap ko ang likod nito at niyakap pabalik. “Tama naman po si Charity, naging pabigat na po ako sa loob ng ilang buwan na wala si Cael.” Pagpapagaan ko sa loob nito. Kumalas siya sa yakap. “Ano pa ba ang maitutulong ko? Gutom ka ba? Anong ulam ang gusto mo bago ka umalis?” Tanong nito. “Kahit wag na po.” Nagpahid ito ng mga luha. “Hindi, magluluto ako. Hintayin mo ako.” Hindi pa sinasarado ni Aling Nena o ni Charity ang dating unit namin. Tinapos ko ang tanghalian na para kay Aling Nena bago ako umalis. Nilinis ko rin ng kaunti ang unti bago ko iwanan. Muli akong napatingin sa higaan kung saan ako nakahiga nung bago ang aksidente. Parang nasanay na nga rin ako sa madalas na sakit ng ulo ko. Inabot ako ng hapon sa paglilinis. Napagdesisyunan ko na ako nalang ang magsasara ng unit namin. Nakasabit naman sa pintuan nito ang gamit naming padlock at may duplicate key naman sina Charity. “Hindi ka pa rin umaalis e, ano?” Puna ni Charity na nakasandal sa haligi ng unit nila. Nilock ko ang nito namin at inabot sa kanya ang susing hawak ko. “Pasensya na, naglinis ako para sa bagong uupa.” Tumalikod na ako sa kanya para umalis. “Teka.” Hinigit nito ang braso ko at muli kaming nagkaharap. Nakalukot na sobre ang iniabot nito sa kamay ko. “Gamitin mo ‘yan. Huwag ka na bumalik dito, ikaw at si Cael. Gamitin mo ‘yan para makapagtrabaho ka, maliit lang ‘yan pero sana makatulong.” Malumanay nitong saad. “S-Salamat pero hindi naman kai—” Hindi ako pinatapos nito. “Tanggapin mo nalang, pwede? Naging baby-sitter ka naman ni Charmi kahit pa paano. Naging magalang na bata ‘yung anak ko.” Umalis ito at hindi na ako hinintay magsalita. Bumyahe ako diretso sa Maynila. Kung nasaan ang private hospital na pinagdalhan kay Cael. Inilapag ko ang bag na may damit sa munting lamesa ni Cael. Walang pagbabago sa kalagayan niya. Hindi naman siya brain dead, pero malubha ang tama sa ulo. Pwede naman siguro mamalagi dito sa ospital. Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng kwarto. Puti lahat, may sariling banyo. May upuan na pwede kong matulugan. Binuksan ko ang bag na dala ko mula sa unit. Kumuha ang ng damit na pangbihis. Maliligo nalang muna ako, nanlalagkit ako sa init sa labas at biglang aircon ng ospital. Itinago ko ang mga gamit ko sa ilalim ng kama ni Cael. Natatakpan ito ng kumot niya at mas malinis tingnan. Para kang naliligo sa loob ng refrigerator ang eksena sa sobrang lamig. Gustuhin ko mangmagbabad, baka lagnatin nalang ako. Kinuskusan ko ang balat ko, pakiramdam ko libag na ang nakadikit dito. Maghalo ba naman ang pawis at alikabok ng daanan. Mula Taguig papuntang Manila pa. Ibinalot ko ang buhok ko sa blouse na hinubad ko at saka ako nagbihis. Simpleng shirt at pajama dahil malamig sa kwartong ito. Swerte pa ako sa lagay ko, kahit comatose si Cael dinadalhan siya ng pagkain. Parang libreng pagkain ko na rin, kasi hindi naman makakain ni Cael. Lumabas ako mula sa banyo matapos ko maligo. “Angel?” Napaangat ang tingin ko nang makita ang lalaking nakaupo sa tabi ni Cael. Ngayon ko lang napansin ang fruit basket na dala nito. “Kanina ka pa ba?” Tanong ko at mabilis tinanggal ang balot ng buhok ko. Iniwan ko ito sa loob ng banyo at lumapit kay Cael. “Nope, just five minutes ago.” sagot nito. Mula sa pagkakaupo niya, tumayo siya kapantay ako habang si Cael nasa pagitan namin. “Damon's right, you're both alive. How are you?” Kumunot ang noo ko. “Kaibigan ka rin ba ni Cael?” Tanong ko sa kanya. Tinapunan niya ng tingin si Cael. “At anong ibig mong sa ‘you're both alive’? May masamang nangyari ba noon?” Napangiti ito. Inilahad niya ang kamay niya. “Seems like you've got amnesia. You're not the old you, Angel Artego. It was nice meeting and seeing you again.” Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Agad pumintig ang sintido ko. Agad akong kumalas sa kamay niya at napakapit sa kama ni Cael. Agad siyang umikot sa likuran ko para alalayan ako. “Are you okay?” Agad akong umiling at napahawak sa ulo ko.It was a blurry vision again. White room. Office chair, broken glass table. Then there's Damon. “Hindi, umaatake na naman ang sakit ng ulo ko.” Saad ko sa kanya. “So, you really have amnesia or head injury?” Pagtatanong nito. Tumango ako, “Oo, sabi ni Cael babalik ang mga ala-ala ko kapag magkasama kami at kapag nakakapagtake ako ng maintenance medicine ko.” Pagtuloy kong hinihilot ang sintido ko. Kumuha siya ng malamig na tubig, “Maybe this can help.” Agad kong ininom ang binigay niyang tubig. Umupo siya sa kama ni Cael. “So, you don't remember about me, Damon and Cael?” Agad akong umiling. “Hindi talaga, ano bang pangalan mo?” “Maevrick. Maevrick Lucheins. Bestfriend ni Cael at Damon. And you Angel is Cael's fiance, right? Or you're both married now?” Agad akong umiling. “Walang kami. Platonic lang.” agad na sagot ko. Kumunot ang noo nito. “You've both vanished after six years and since then you didn't get married or have se— Aw!” Mabilis na pagsampal ko sa kanya. “Bastos…” Bulong ko. “Hindi siya ganyang klase ng lalaki.” Nakahawak ito sa pisngi niya. At tumango-tango. “You're right, he's too chivalrous but a fraud.” Namumula pa ang pisngi nito. “Hindi kita maintindihan. Anong pinagsasabi mo tungkol kay Cael?” Kunot noo kong tanong. Napabuntong hininga siya at ngumiti. Umayos siya ng upo sa kama ni Cael. “Okay, I'm going to tell you everything since its look like, you don't remember anything.” Nags-snap siya ng daliri niya. “Hindi mo ba ako tatanungin kung anong sinakyan ko papunta dito?” Napaisip ako at agad umiling. “Para saan? Anong koneksyon kay Cael?” Nagtsk siya. “You're not the old Angel. You're not a digger anymore.” Muling kumunot ang noo ko. “Anong digger?” “Digger, materialistic, gold digger, or user.” Seryosong saad nito. “He was so head over heels for you. He risked Damon's name just to get you, and it ruined not just Damon's business but also his goddamn marriage.” “So, kasalanan ko? Hindi naman nababanggit ni Cael ang tungkol dyan.” Tanong ko. Dahil sa buong anim na taon naming magkasama, iba't-ibang lugar na nalipatan. Wala siyang kinuwento tungkol sa love story namin dahil hindi naman siya inlove sa akin. “Kasi, hindi na siya inlove ngayon.” Siya naman ang nagkunot ng noo. “You cannot say that, he sold Delvego's Distileria just to have a night with you. Just to get you out of that recruiting model agency who's committing human trafficking.” “Talaga?” Nag-nod siya. “I remember, nanghingi siya ng tulong sa akin noon. He said he needs a lot of money, around billion? Or 20 billion.” Kwento nito. “Para saan? Ang laking pera naman no'n? Madali lang naman magsabi na gusto niya ako, kung totoo ‘yan.” Pagpuputol ko sa kwento ni Maevrick. Hindi ko mahanap ang sinasabi niya sa kalagayan ko ngayon. Model agency? Ako? Sa kalagayan kong ito, dati akong model? Hindi ko mahanap sa sarili ko ang rason kung bakit ko naisip maging model. “Anong klaseng pagmodel ba ang ginagawa ko noon?” He snaps his fingers again at dinuro ako, “Good question. You're a runway model before. Cael met you at a business expo with an old man as your date.” Tiningnan ko siya ng masama. “Don't look at me like that, I was there and that kind of you is a hundred percent different from now. I can sense Ella in your aura now.” Biglang lumungkot ang tono nito at napatingin palayo. Huminga siya nang malalim at tumalikod sa akin. Nakaharap siya sa nakaratay na si Cael. Binalot ng katahimikan. Kanina maingay pa siya, ngayon biglang nag-iba ang ihip ng hangin. “A-Ayos ka lang?” Tumayo ako sa kinauupuan ko kahit pumipintog pa ang sintido ko. Tinapik ko ang balikat niya na agad niyang iniwasan. “I just remembered. He didn't just ruin Damon's life. He also took my only family.” Saad nito sa malungkot na tono ng boses nya. Napatutop ako sa likod niya nagdesisyon na gumawa ng ibang bagay. Kinuhaan ko siya ng tubig sa baso at iniabot ko sa kanya. Mabilis niya itong tinanggihan. “He was so into you before. I don't know what happened to the both of you when you both vanished. He hasn't proposed to you yet? Really?” May panghihinayang sa tono niyo. “Hindi rin kami. As in no label. Parang kapatid lang.” Malinaw kong sagot. “He save my life nung ako ang nasa panganib. Ngayon, ako naman ang tutulong sa kanya.” sagot ko. Sinuntok nito ang kutson ni Cael. “He's so stupid. He got you for all those six years. Sana sinubukan niyang mas magtagong mabuti.” Galit na tono nito na may halong pagpipigil. Hinigit ko ang braso nito paharap sa akin. “Ano bang gusto mong iparating?” “I can't blame his actions because he loved you before, knowing now that nothing has changed? Para saan pa ‘yung mga ginawa niya noon? Did all of his actions go well?” Iritado nitong sagot. Umiling ako sa lumalabas sa bibig niya. Okay pa kami kanina, ngayon galit na siya sa dahilang hindi ko alam. Nagkikwento lang ng dating buhay namin tapos ngayon siya itong may past bad memories. “Hindi ko maintindihan. Sino si Ella?” tanong ko na mas nagpakunot ng noo niya.Camera clicks. Flashes. Poses.Sa halos limang daang kuha sa iba't-ibang angulo ang unang photoshoot ko. Sobrang saya ni Cecilia bago kami umuwi. Siya rin ang pumili ng ‘best shots’ na tinatawag niya.Sa limang daang pictures, tatlo lang ang nai-release at inupload sa internet.“Look, hija.” agad ko siyang nilingon sa caption na inilagay niya.#thereturnofanangelNatawa ako sa inilagay niyang hashtags. Parang pang tita talaga.“Thanks for the ride, Cecilia.” I hugged her, bago ako bumaba ng sasakyan.Since magkaiba kami ng building pero iisang residents condo lang.Maikling trabaho lang pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Napaupo ako sa vanity mirror ng kwarto ko at nagsimulang alisin ang mga kolorete ko sa mukha.Matapos ang night rituals ko, agad na rin akong nahiga, mabilis akong dalawin ng antok dahil sa regular exercises na ginagawa ko kada araw.Kinabukasan, panay tunog ng notifications ko ang bumungad sa akin. Pikit mata kong hinanap ang phone ko sa ilalim ng unan ko at n
Habang nag aabang nang taxi, hinabol nito ang kamay ko kaya agad ko siyang nilingon. Nginitian niya ako pero may pag-aalala pa rin sa mga mata niya. “Sigurado ka na ba?”Hinawakan ko ang kamay niya at ginantihan ng ngiti. Ang buong sitwasyon ang naglapit sa aming dalawa. Kung hindi ako hinimatay ng araw na ‘yon, wala akong makikilalang katulad niya.“Oo naman. Baka sakaling bumalik ang lahat sa maayos, at hindi na kami maging linta sa buhay ng Delvego na ‘yan.” Binitawan ko ang kamay niyang nang huminto ang taxi sa harap namin.Isinakay ng driver ang maleta ko at niyakap ko si Jas bago ako pumanhik sa loob. “Anim na buwan, matagal rin ‘yon.” kumalas siya sa yakao na parang naiiyak na. “Sisendan kita ng mga old reels at interviews ng dating ikaw. Idol pa naman kita!”Pinahid ko ang mga mata ko dahil naiiyak rin ko. “Ano ka ba, wag ka nga umiyak!” biro ko sa kanya.“Sana kapag naalala mo na lahat, hindi mo ako makalimutan ah.”“Oo naman.” Sumakay na ako sa taxi at sinadaro ako ang pinto
“I love your previous portfolio, but this was years ago, right?” Agad akong tumango kay Cecilia Reimrez. Isang road manager mula Spain na naghahanap ng model ngayon sa pilipinas.Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng pinapasok ako ni Maevrick sa mga private workshops for modeling. Hinihintay daw niya ang pagbabalik ng Global Faces sa pilipinas. Isa itong agency abroad at tiyak niyang walang koneksyon ang mga Zuello sa mga ito dahil sila ang pangunahing kakompitensya ng Orbits, agency na may hawak kay Natalia.“Yes, six years ago. I’ve got amnesia due to a car accident, that’s why I left the modeling industry.”“This picture,” itinapat niya ang portfolio ko sa akin. Kuha ito six years ago. “This is taken from Orbits, why did you apply here instead? Why not go back to your previous agency, hija?”“Hindi ko pa naaalala ang lahat pero I can relearn and manage to help your agency shine.” I look her in the eyes. “I want to drag down the current queen.” Natalia Zuello.Lumapad ang ngiti n
Nakuyom ang kamao ko. Wag mo kong biguin.“Angel, I’m sorry.”Mula sa pagkakaupo niya ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Agad akong umatras na nagpahinto sa kanya. Magkaharap na kami ngayon. Umangat ang tingin ko sa kanya.“If that was sincere, do me a favor.” Utos ko sa kanya. Napapikit siya ng mariin sa hiniling ko, napahilot sa kanyang sintido at umikot pabalik sa kanyang lamesa. Bakit hindi niya tanungin kung ano ang gusto ko? Natatakot ba siya sa hihingiin ko?Pero nang sa pagkakamali niyang yon, ni hindi siya kinabahan? Na parang wala akong laban after nyang bitawan ang mga pangako niya nung simula palang.“I heard you left Delvego’s Distillery. If you want me to hire you here you’ll be seeing them again.”Sa tono ng boses niya, hindi niya talaga ako gusto maging parte ng negosyo niya. O kahit maging empleyado. Noon pa man, ganito na ang trato niya, parang yelo na hindi matitibag.May katiting na pride pa naman ako para pumili.“Hindi ‘yan ang gusto ko. Marami kang koneks
Ayaw niya sa akin. Iyan lang ang tiyak na nararamdaman kong tumatama ngayon sa sitwasyon ko.Napailing ako. “Kung makapagsalita ka, parang wala kang kasalanan.” Mahinang bulong ko.Parang hindi niya ako narinig. Nagpatuloy siya. Kada salitang lumalabas sa bibig niya, ay siya namang sumasaksak sa dibdib ko.“To let you know, I do hate you. All these strings that connect you with Cael.” Tinalikuran niya ako. “I helped you out. Thinking if I can use you against Cael, he’ll be broken down to pieces if he knew that you’re falling to me. What happened between us ruined my plan.” Napakuyom ang kamao ko. Ginagamit lang pala niya ako. Nasa plano niya ang paglaruan ako! Ako at si Cael.“Walang hiya ka!” Sinugod ko siya at pinaulanan ng suntok sa dibdib niya. “Plinano mo rin pala ito!”Hinawakan niya ako sa mga braso at inalog para magising sa riyalidad. Gising na gising na ako. Wala akong emosyon na nakikita sa mga mata niya. Blanko ito na parang hindi na siya tao. Nagsisimulang bumadya ang
“Where the hell are you going?!” Sumunod sa akin si Damon, mula sa opisina ko hanggang pauwi ng mansion, para kunin ang dapat at kaya ko lang dalhin. Nagtrabaho naman ako ng tapat, halos pati nga puso ko maibuhos ko na. Sa maling tao pa!Hindi ko alam na aabot ako sa puntong ganito. Na mauubos ang pasensya, hiya at kabaitan ko. “Angel, can you please stop walking away from the issue? I already provided you a fucking week to leave and now what?” Inis na ito matapos akong harangin palabas ng kwarto ko.“Resigning.” Hinarap ko si Damon, kunot noo ang kilay nito. Ayoko nang tumingin sa mga mata niya. His eyes were talking to mine as if we knew each other deeply. Napalunok ako at umiwas ng tingin.Delusions. Ito ang sisira at nagpapalambot sa akin. Aaminin ko sa sarili ko, nagugustuhan ko siya, pero hindi ko alam kung bakit?!“Why?”“Pinag-isipan kong mabuti ‘to sa loob ng isang linggo.” muli akong tumalikod at inayos ang mga damit ko sa maleta na nabili ko mula sa mga sweldo ko. “Y-Yung