Napahawak ako sa ulo ko, ito na naman ang sakit na nararamdaman ko. Kaunting tama lang ng liwanag sa mga mata ko parang hinahati ang mga eyeballs ko sa sakit at hapdi.
Nagising ako sa himbing ng tulog ko dahil sa sakit na madalas kong indahin lalo na kapag hindi ko naiinom ang maintenance ko. Lumubog ang kabila ng kama nang maupo si Cael, inalalayan ako nitong maupo. “Masakit na naman ba ang ulo mo? Yung gamot mo nakainom ka ba?” May pag-aalala nitong tanong. Napakagwapo talaga ni Cael, napakamaalaga rin. “Sobrang sakit..” Napayuko ako habang hinihilot ang sintido ko. “Isang linggo na akong hindi nakakainom, nahihiya akong sabihin sa ‘yo. Ngayon pang nawalan ka ng tranaho ulit.” Bulong ko. Napabuntong hininga si Cael at inayos ang buhok kong nakakalat sa pagmumukha ko. Natanggal siya sa pangatlo niyang trabaho ngayong buwan. Kaya nahihiya akong banggitin ang tungkol sa mga gamot ko. Pero ngayon kasi, parang mababaliw na ako sa matinding sakit! Hinalikan ako ni Cael sa noo, naamoy ko ang sabong gamit niya. Bihis na bihis ito at mukhang aalis ulit para maghanap ng trabaho. “Iiwan muna kita. Nagluto ako ng itlog at sinangag para sa ‘yo. Kumain ka habang wala ako,” tumayo na ito at inayos ang buhok niya sa salamin pero nakatingin ang mga maya niya sa akin mula sa reflection ng salamin. “Kapag nakakita ako ng trabaho ngayong araw, pipilitin kong ibili ka ng gamot.” Muli akong nahiga. Matinis ang tunog na parang nasa kalooban ng ulo ko. Mataas na frequency ang patuloy na tumutunog. Hindi ako makapag-palit-palit ng posisyon sa kama dahil sa parang may tubig ng utak ko. Nag-suot ng medyas si Cael. Bago pa nito masuot ang isa pang pares niya, bigla akong tumayo para iabot ang sapatos niya. Matinis na tunog muli sa loob ng ulo ko ang muntik na magpabagsak sa mga tuhod ko. Agad akong nasalo ni Cael. “Angel, sinabi ko na sa ‘yo. Magpahinga ka.” Hinalikan ako nito sa noo. “Ayokong tumulong ka sa akin. Just let me do it alone, ok?” Tumango ako at bumalik sa higaan. Naisintas na niya ang sapatos niya at muling nagpaalam. “Kumain ka ng marami, okay?” Tumango lang ako, at sinuklian siya ng matamis na ngiti. Gwapo, matangkad, maaalahanin at masipag. Siya ang perpektong tao na dapat pakasalan or sinasabi nilang husband material. Ipaparamdam niya ang tunay na princess treatment dahil sisikapin niyang ibigay lahat ng bagay. Kahit walang kami. “Oo, kakain ako. Nang marami.” Walang label as in platonic friendship. No intimate feelings. It was clear as the sky when I woke up from that tragic pain. Micaelum Hernandez is my knight in shining armour. Since that day, siya lang ang tumayong pamilya ko. Kung sinukuan niya ako, o hindi ako sinalba mula sa kotseng naibangga ko, patay na sana ako. Mula sa gastusin ng pagpapaayos ng mukha, pagpapabalik sa mga alaala ko, mga maintenance kong gamot. Alagang-alaga niya ako. Sumarado ang pintuan, napahiga ako ulit at nakatitig sa kisame ng apartment namin. Naalala ko pa noong unang araw ko sa lugar na ito, para akong nawawalang bata na hindi pamilyar sa mga nakapaligid sa akin. Parang batang kinidnap na hindi marunong umuwi. Mula sa apartment namin, rinig ang ingay ng kalsada sa labas. Ingay ng mga sasakyan sa syudad. Malapit sa highway ang apartment namin, katapat lang kung walang gate bilang boundary. Nasa ikatlong palapag ang unit namin, ilang pinto lang ang layo nito sa magkabilang dulo na hagdan bilang labasan. Napatitig ako sa ceiling fan na nasa kisame. Umuugong ito na parang may nakabara sa loob. Napapikit ako sa pagsakit ulit ng ulo ko dahil sa ingay ng electric fan. Napatayo ako at agad dumiretso sa hapag, agad kong dinampot ang pitsel at umumom mula roon. “Teka,” Agad kong dinampot ang wallet ni Cael na naiwan sa lamesa. Nagdali-dali akong lumabas sa pintuan ng unit namin. “Cael!” Sigaw ko habang nagsusuot ng tsinelas. “Bakit ka naman kumakaripas, neng?” Tanong ni Aling Nena na kapitbahay namin. Inangat ko ang wallet ni Cael, at tumango lang sya saka tinuro kung saan dumaan si Cael, “Kakababa lang.” Agad akong nanakbo pababa ng hagdan at ilang beses sumilip sa labas kung nakaalis na ba siya ng tenement. “Cael!” Muli kong sigaw nang makita ko siyang palabas ng main gate ng tenement. Nasa ikalawang palapag palang ako! Nilingon ako ni Cael nang makalabas siya ng gate. Ngumiti ito sa akin. “Wallet mo!” Sabay taas ko sa wallet niya. Nginitian ako nito ng mas malapad. Nagslowmotion ang paligid at sumara ang gate. Kasunod noon ay sigawan at mabilis na takbuhan palabas ng gate. Isang mamahaling sasakyan ang nakita ko kasunod ay nakahandusay na katawan. Kapareho ng damit ni Cael bago siya umalis. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Matinis na tunog ang umuugong sa tenga ko. Na nagtrigger sa sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa grills ng hagdanan. Itim na kotse. Malabong paligid at ingay ng mga taong nag-aaway. May nakawedding dress. Baril na nakatutok sa akin. At babaeng kamukha ko na pilit nakahawak sa mga braso ko. Napatingin ako sa batang yumugyog sa akin sa katinuan. “Ate Angel, patay na si kuya Cael!” Si Charmi, pitong taong gulang na apo ni Aling Nena. “Hindi!” Muli akong lumingon sa gawi kung saan ko nakita si Cael. Lumamig ang pakiramdam ko. Napahawak akong muli sa ulo. Inalalayan ako ni Charmi, ngunit hindi ako nakaya ng musmos niyang katawan nang magdilim ang paningin ko at bumagsak sa malamig na semento ng tenement.“Hindi ito nakakatuwa!” Bulaslas ko sa inis. Tinawanan ako nito at iniaabot sa akin ang kopitang may laman. “Hindi ko iinumin ‘yan. Babalik nalang ako bukas kapag maayos ka na kausap.”Balak ko na sana umahon pero sinundan niya ako. “Come on, this is our new flavor, just have a sip.” Palarong saad nito.Tiningnan ko siya ng masama. “Alam mo, kung close tayo pwede sana pero hindi kita kilala.” Umahon ako sa pool.Pilyo itong tumawa. “I control everything. You cannot get out of this place without me.” Umahon rin siya sa pool bitbit pa rin ang mga baso at alak sa kamay niya. Tumayo ito sa harap ko. Palapit ng palapit kaya patuloy lang akong umaatras hanggang sa macorner. “Even when you scream, no one will rescue you.”Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko na siyang nagpapainit sa dugo ko.Sana paggising ni Cael, suntukin niya ung mukha ng taong ‘to. Gwapo sana e, masama lang ugali.“Uuwi na ako. Lasing
“Hindi ka pa ba gigising?” tanong ko sa natutulog na Cael. Maputla na siya. Hindi na katulad noon. Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya gamit ang basang bimpo.“Wala na tayong bahay,” bulong ko sa kanya. Sabi ng doktor, magandang kausapin ang comatose na pasyente. Binanlawan ko ang bimpo na pinunas ko sa kanya at kinuha ang bag ko na may mga damit.Dahil dito na akong natutulog sa ospital, nagpapalaba nalang ako sa labas. May kaunting nabawas ako sa perang binigay ni Charity noong pinalayas niya ako. Nanunubig ang mga mata ko sa mga pumapasok sa isip ko. Ngayon ko lang napantanto, maraming nilihim si Cael.“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang dami nating utang na bayarin.” Napatuloy ako sa pagtupi ng mga damit ko. Habang umiiyak. “Binigyan ako ng pera ni Charity, bayad niya sa pag-aalaga ko kay Charmi. Maghahanap ako ng trabaho, tutulungan kita makabangon ulit.” Bumuhos ang luha ko kaya isinubsob ko ang mukha ko sa damit na hawak ko.“Ako naman babawi sa ‘yo, susubukan ko palaguin
Damon's point of view.“At bakit naman namin gagawin ‘yon? Ung kalive in partner niya, comatose. Tapos ang gusto mo palayasin namin? Tao ka ba? Ang gwapo mo pero demonyo ka e, ano?”“Charity!”“E kasi namam, kung makapag desisyon itong, mamang ‘to?!”I put the suitcase in their small table at the sala. Charity opened the suitcase. She looked at me with amusement and confusion.“You're pregnant. Working. A daughter and a mother. She's not even your relative.” I clearly stated. These people are too kind and naive, only if they knew that the people who let them stay in their nest was a leech, fraud and a kidnapper.Charity bit her lips. Her mom approached her but was not impressed with the money. “Napakalaking pera naman n'yan.”I simply smiled at them, “Final offer. Just to think of it, I want to rent their unit. Just cast her out of your place. Whatever way it is.”Charity closed the suitcase. “Okay, anim na buwan na naman silang walang bayad. Hindi kasi mapalad si Cael sa mga trabaho.
“Lumayas ka na!” sigaw ni Charity. Ang mama ni Charmi at anak ni Aling Nena. Buntis ito at naka limang buwan na. Single mom.“Anak huminahon ka, ang bata!” Nag-aalalang pakiusap ni Aling Nena habang sinasalo ang mga gamit at damit namin sa labas ng unit.“Paanong hihinahon? Etong babaeng ‘to, ilang buwan ng walang bayad! Mapapaanak ako sa stress kakasingil dito e!” Singhal nito sa nanay niya. Tama siya. Ilang buwan na kaming walang hulog sa upa. Wala akong trabaho. Comatose pa rin si Cael. Mahigit tatlong buwan na. “Kaya lumayas ka nalang!”“Anak, nasa ospital nga kasi si Cael. Hindi kaya ni Ange—”“Anong hindi? Buntis ako, nay! Siya hindi! Pwede siyang magtrabaho! Ano siya prinsesa? Bawal magbalat ng buto?!” Dinuro ako nito pagharap niya sa gawi ko. “Prinsesa ka ba, huh?! Hindi ka marunong magtrabaho, huh?!”Pinalo ni Aling Nena ang kamay ni Charity na naduro sa akin. “Charity! Tama na! Oo, prinsesa ‘yan siya ni Cael!”Muling nagka-iringan ang dalawa. Tungkol sa amin ni Cael.“E, hin
“Naniniwala ka bang gusto ko magdrive ng tren?”Mula sa tanawin sa labas, natuon ko ang tingin ko kay Cael, nakatingin ito sa dulong bagoon kung saan nakaupo ang driver ng LRT train na mula sa Recto papuntang Antipolo.Nginitian ko si Cael, “Edi mag-apply ka, for sure bagay sa ‘yo yung uniform na may itim na kurbata! Araw-araw akong pupunta sa Antipolo kapag nangyari ‘yon.” Masayang tugon ko sa kanya.Nawala ng ngiti sa mga labi nito.“Bakit? Ano ka ba, hindi masama mangarap kahit nasa tamang edad ka na.” Tinapik ko ang braso niya at sumandal doon.“Hindi ko pangarap ‘yun. Naisip ko lang.” Bulong nito at hinaplos ang buhok ko. Tiningala ko siya. Nakatitig siya sa akin habang sinusuklay ang buhok ko.“E, anong pangarap mo?”“Ang mapatawad,” ngumunot agad ang noo ko.“Nino? Bakit?” Masyadong magkalapit ang mukhang naming dalawa. Kumalas ako sa yakap sa kanya. Ramdam ko ang init ng mukha ko.Ngumisi si Cael. At umakbay sa akin.“You badly know and love that guy,” Mas kumunot ang noo ko.
Napahawak ako sa ulo ko, ito na naman ang sakit na nararamdaman ko. Kaunting tama lang ng liwanag sa mga mata ko parang hinahati ang mga eyeballs ko sa sakit at hapdi.Nagising ako sa himbing ng tulog ko dahil sa sakit na madalas kong indahin lalo na kapag hindi ko naiinom ang maintenance ko. Lumubog ang kabila ng kama nang maupo si Cael, inalalayan ako nitong maupo.“Masakit na naman ba ang ulo mo? Yung gamot mo nakainom ka ba?” May pag-aalala nitong tanong. Napakagwapo talaga ni Cael, napakamaalaga rin.“Sobrang sakit..” Napayuko ako habang hinihilot ang sintido ko. “Isang linggo na akong hindi nakakainom, nahihiya akong sabihin sa ‘yo. Ngayon pang nawalan ka ng tranaho ulit.” Bulong ko.Napabuntong hininga si Cael at inayos ang buhok kong nakakalat sa pagmumukha ko. Natanggal siya sa pangatlo niyang trabaho ngayong buwan. Kaya nahihiya akong banggitin ang tungkol sa mga gamot ko. Pero ngayon kasi, parang mababaliw na ako sa matinding sakit!Hinalikan ako ni Cael sa noo, naamoy ko a