Share

Chapter 5

Sa sumunod na araw ay mas inagahan ko na ang pasok ko sa opisina. Ipinahatid muli ako ni Tita Merly dahil hindi ko pa raw saulado ang pagbyahe.

Pagkarating ko sa building ay nagmadali akong pumasok sa loob. Kumpol ng mga empleyado ang bumungad sa'kin sa tapat ng elevator. Pinagtinginan agad ako ng mga ito pagkalapit ko sa gawi nila. Sa hiya ko ay yumuko na lamang ako.

Buti na lang talaga at binigyan ako ni Tita ng matitinong damit na magagamit. Ngayon nga ay nakapalda ako na halos katulad ng mga babaeng empleyado rito. Kulay itim ito na tinernohan ko ng puting long sleeved blouse na may ribon sa collar. Buti na lamang at hindi kataasan ang sandals na binigay ni Tita.

"I'm sure hindi rin 'yan tatagal."

"Yeah, wala namang tumagal na secretary si Sir Lucas e."

"E paano ba naman, ang tapang. Laging galit, kakatakot!"

Bulong-bulungan ng mga empleyado habang pasimpleng tumitingin sa'kin. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil mukhang kilalang-kilala nila ang boss ko. At mukhang kinatatakutan it
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
si ivory lang ang hindi kayang sungitan ni sir lucas
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status