Share

Chapter 4

Hindi na nga ako pinaalis pa ng halimaw na napag-alaman kong boss pala rito. Kaya naman nag text na lamang ako kay Tita Merly na natanggap na ako sa trabaho, at hindi makakauwi agad.

May isang table na malapit lamang sa kan'ya kung saan niya ako pinaupo ngayon. Ito raw ang magiging table ko sa office niya. May laptop din sa ibabaw nito na gagamitin ko raw para sa trabaho. Pero ang halimaw na ito ay wala namang ibinibigay na gagawin. Nakatanga lamang ako rito at walang ginagawa, habang s'ya ay may ginagawa sa laptop niya.

Riley Lucas Montemayor

CEO of Montemayor Company

Basa ko sa nasa ibabaw ng kan'yang table. Tumikhim ako para ihanda ang aking itatanong. Medyo kinakabahan pa rin ako na kausapin s'ya. Hindi ko pa rin naagaw ang atensyon niya sa pagtikhim ko.

"Sir," tawag ko. Hindi pa rin ito tumingin kaya huminga ako nang malalim.

"Sir!" May kalakasang tawag ko sa boss ko. Tumingin ito at tinaasan ako ng dalawa niyang kilay.

"Yeah? Do you need anything?" Tanong nito.

"Ahm. Sir... K-Kasi..."

"Kasi?"

"Bakit n'yo ko tinanggap agad wala pa naman pala po kayo ipagagawa?"

"Uh. W-Wala. I mean, meron. Meron akong ipagagawa mamaya. Naboboring kana ba?"

"M-Medyo po. Ano po ba ipagagawa n'yo? Tsaka ano po ba trabaho ng secretary?"

"Gawin ang lahat nang ipagagawa ko, as in LAHAT." Seryosong sabi nito sa'kin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa lahat na tinutukoy niya.

"L-Lahat?"

"Yup! Lahat! So, for now timpla mo muna ako ng kape. Can you?"

"O-Opo naman!" Mabilis kong sagot.

Tumayo agad ako at lalabas na sana, nang maalala kong hindi ko pala alam kung saan ako pupunta. Pagharap ko muli sa kan'ya ay nakatingin na ito sa'kin habang nakapatong ang kan'yang ulo sa magkahawak nitong kamay. Tumaas ang kilay nito.

"S-Saan po pala ako pupunta para maipagtimpla ko po kayo ng kape?"

Natawa ito nang bahagya at sumandal sa kan'yang inuupuan. Bigla itong tumayo at lumapit sa gawi ko.

"Come with me." Ito na naman ang come with me niya. Kaya sumunod na lamang ako.

Nakarating kami sa isang parang kusina. Nasa loob lamang din ito ng office niya pero may dibisyon kaya hindi pa rin kita ang nagtitimpla.

"Here. Rito ka palagi magtitimpla ng kape everytime na hihingi ako sa'yo. This is pantry side of my office, then on the other side 'yong comfort room. Get it?" Turo nito sa kabilang side ng pantry daw.

Tumango ako bilang sagot habang nakatingin sa mukha niya. Bigla naman itong natigilan at tinitigan din ako. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya umiwas na ako at nilampasan s'ya.

Nag-uumpisa na akong magtimpla ng kan'yang kape, nang bigla ko namang naramdaman ang prisensya n'ya sa likod ko. Kinabahan naman ako kaya medyo nangangatal ang aking kamay na naglalagay ng asukal.

Lalong nagwala ang aking kaba sa dibdib nang hawakan ni Sir Lucas ang kamay ko. Inalalayan nito ang paglalagay ko ng asukal sa tasa niya.

"Relax. Why are you so nervous? Hmm?" Bulong nito sa tenga ko na nagpatindig ng balahibo sa batok ko.

Wala akong ideya sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa niya. Pero nakakaramdam ako parati ng kaba. Siguro ay natatakot lamang ako sa prisensya niya. Punong puno kasi ito ng ma-awtoridad na awra.

"W-Wala po." Kinakabahan kong sagot.

Binitiwan din naman niya ang kamay ko kaya ako na ang naglagay ng tubig na mainit. Akala ko ay lumayo na ito sa'kin.

"Sir—" "Shit!"

Nagugulat niyang sabi dahil sa pagharap ko ay sobrang lapit pala nito sa'kin. Natapunan ko tuloy siya ng kape. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa itsura ng kan'yang puting long-sleeved polo.

"S-Sir hindi ko po sinasadya..." Kumuha ako ng tissue at nagmamadaling pinunasan ang kape sa bandang t'yan nito.

"Hindi 'yan matatanggal niyan. Hubarin ko na lamang."

Sabi nito na ikinatigil ko, at dahan-dahang tumingala sa kan'yang mukha.

"P-Po?"

Pero nakatingin lamang ito sa'kin habang, ang mga kamay nito ay inisa-isa ang pagtatanggal ng butones ng kan'yang suot. Napababa naman ang tingin ko sa kamay n'ya na pababa na sa tapat ng t'yan niya. Sunod-sunod ang lunok na ginawa ko hanggang sa bumungad sa'kin ang katawan nito.

"Palalabhan ko na lamang ito mamaya—"

"A-Ako na lang po maglalaba."

Sabi ko at kukunin na sana ang polo sa kamay niya pero itinaas niya ito. Kung saan tuloy lumanding ang kamay ko. Napalunok ako.

Matigas at bukol. Mamasa-masa rin ito.

Tinignan ko kung nasaan ang kamay ko. Para naman akong napaso at bigla itong inilayo nang makitang nasa tiyan ni Sir Lucas ang kamay ko. May mga bukol ito sa t'yan at talagang matigas.

"S-Sorry po sir... M-Masakit po ba 'yan?" Tanong ko. Dahil puro bukol ito.

Nakakita na ako ng t'yan ng lalaki, 'yong sa best friend ko. Pero wala namang gan'yan. Kaya baka may sakit ito.

"What?" Nagtatakang tanong nito.

Itinuro ko ang tiyan nito.

"'Yan po. Masakit po ba? Ano po sakit n'yo?"

"Sakit? What are you talking about?" Magkasalubong na ang kilay nito.

"Luh! 'Yan pong nasa t'yan n'yo Sir. Puro bukol, hindi ba 'yan masakit?"

Gusto ko sana hawakan ulit ito pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka masaktan ko si Sir.

Tumingin ito sa kaniyang tiyan bago tumingin muli sa'kin. Kinagat nito ang kan'yang labi at parang pinipigilan ang matawa. Gwapo man s'ya sa kaniyang ginagawa ay nagtaka pa rin ako.

"Bakit po? Hindi ba 'yan masakit?"

"Come here. Hawakan mo, kapag umaray ako ibig sabihin masakit."

Lumapit naman ako at dahan-dahang itinaas ang kamay palapit sa t'yan nito. Hinawakan ko ang mga bukol dito bago tumingala sa mukha ni Sir. Nakakagat labi lamang ito habang seryosong nakatingin sa'kin. Napapikit pa ito nang igalaw ko pa ang aking kamay sa ibang bukol sa kaniyang t'yan.

Tinanggal ko ang aking kamay dahil baka nasasaktan ito kaya bigla na lamang pumikit.

"Sorry po. Masakit ba?"

Dumilat ito at ang mga mata nito ay parang biglang pumungay.

"No. Masarap."

"Masarap?" Nagtataka kong tanong.

Tumitig pa ito ng ilang segundo bago tumikhim at iniiwas ang tingin.

"Nothing. Timplahan mo na lamang ako ng bagong kape. Magpapalit lamang ako." Sabi nito habang nakatalikod at nagmadaling pumasok sa banyo.

Naiwan akong nagtataka habang nakamasid sa dinaanan ni Sir Lucas.

"Masarap? Ang alin?" Tanong ko sa sarili. "Tsk! Ang weird naman ni Sir. Siguro magaling na 'yon kaya 'di na masakit hawakan." Kibit balikat ko at nagsimula na muling magtimpla ng bagong kape.

Kinuha ko rin ang hinubad ni Sir na natapunan ng kape at nilabhan sa lababo. Sa banyo ko sana balak labhan, kaya lamang ay nandoon pa rin si Sir.

Okay lang kaya si Sir? Bakit ang tagal niya sa banyo? Baka nga nasaktan ko talaga s'ya hindi lang nagsabi?

"Mag so-sorry na lamang ulit ako paglabas niya ng banyo. Grabe tagal niya pala gumamit ng banyo. Tsk!"

Sabi ko sa sarili ko habang napapakamot sa aking ulo. Walang nagawa kung hindi ang maghintay na matapos si Sir sa banyo. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na ito. Agad ko itong nilapitan pagkaupo niya sa pwesto niya.

"Sir. Masakit ba kaya nagtagal ka sa banyo? Sorry po." Inilapag ko ang kape nito sa mesa niya.

"Oo, masakit. Pero hindi ang t'yan ko. Kung hindi puson ko."

Seryosong sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko at mas inilapit ang aking mukha sa kan'ya. Nailayo naman niya nang bahagya ang kaniyang ulo sa gulat.

"Nireregla ka Sir?! Hindi ba mga babae lamang 'yon?!"

Napanganga ito sa sinabi ko at natigilan. Maya-maya pa ay napatampal ito sa kan'yang noo, at napabuntong hininga.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe ka inosente ha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status