ログインDasha POVHabang nagliligpit kami ng pinagkainan ni Ivy, bigla akong napangiti at may naisip.“Ivy.”“Oh?”Luminga siya mula sa paghuhugas ng plato.“May gusto akong puntahan mamaya.”Napataas ang kilay niya.“Saan?”“May coffee shop akong nadiskubre kahapon. Ang cute ng concept. Garden shop siya na may coffee shop.”Biglang lumiwanag ang mukha niya.“Ha? Talaga?”Tumango ako.“Sobrang ganda doon, Ivy. Tapos, sige, ililibre na kita.”Doon na lalong napangiti ang gaga. “Aba, kung libre mo naman pala, bakit naman ako makakatanggi niya,” natutuwa niyang sagot.“Para sulit naman ang pagpunta mo rito,” pang-uuto ko pa.Napailing siya habang natatawa. “Sige, game ako diyan!”Naligo lang siya, tapos naligo rin ako. Kumbaga ay nagpababa lang kami sa kinain namin kaninang tanghali, plus may manggo graham pa kasi.Sinakto naming umalis ng alas tres para talagang tunay na ang kinain namin kanina.PAGDATIN namin sa garden café, halos mapahinto si Ivy sa paglalakad.“Uy, grabe nga pala ang kakaiba
Dasha POVPagkalipas ng halos dalawang oras na paghihintay, tuluyan nang napuno ng mabangong amoy ng bulalo ang buong condo.Isang oras akong nag-aayos ng mga succulents ko sa terrace kasi need ko siyang mag-repot dahil nasa plastic lang na itim nakatanim ang mga halaman na bigay ni Ivy, hindi naman puwedeng ganoon na lang idi-display.Pagka-repot ko sa mga maliliit na paso ang mga succulents na halaman ay tinabi ko muna ang mga ito sa hindi maaarawan dahil bawal pa. Kakalipat lang ng paso kaya bawal pang paarawan at bawal ding diligan pa. Kapag stable na ang lagay ng mga bagong lipat na succulents ay saka lang sila puwedeng diligan at paarawan.Pagbalik ko sa dining table ay nakahain na doon ang malaking kaserola. Umuuusok pa ang sabaw.Bongga kasi malalaki ang hiwa ng baka. May mais, repolyo, pechay, patatas, at bone marrow na halos matunaw na sa sobrang lambot.Napangiti ako habang nakaupo sa harap ng lamesa.“Wow, Ivy, totoo bang ikaw ang nagluto nito?”Umirap siya sa akin. “Hindi
Dasha POVMaaga akong nagising nang araw na iyon.Alas sais pa lang ng umaga ay dilat na ang mga mata ko. Sinasanay ko na kasi ang katawan ko, plus gusto kong nagpapaaraw sa umaga dahil maganda raw iyon.Pagkagising ko, nag-almusal ako sa terrace habang nakatapat sa bagong sikat ng araw. Pagkatapos nun, gumayak at naglinis na ako ng condo dahil may bisita akong hinihintay.Pupunta raw kasi si Ivy ngayon dito.Kagabi pa lang ay nag-message na siya.“Diyan ako magpapahinga ng dalawang araw sa condo mo. Bawal kang tumanggi dahil walang makakapigil sa akin.”Napatawa na lang ako noong mabasa ko iyon.Hindi naman talaga ako tatanggi. Sa totoo lang, gusto ko ngang may kasama. Masyado nang tahimik ang condo nitong mga nakaraang linggo.Kaya matapos kong maghilamos at magbihis ng komportableng oversized shirt at shorts, nagsimula na akong magligpit ng kaunti. Inayos ko ang sala. Pinunasan ang center table. Nagpalit ng bedsheet sa guest room.Habang ginagawa ko iyon, paminsan-minsan ay napapah
Elco POVPagkaparada ko ng sasakyan sa garahe, ilang segundo muna akong nanatiling nakaupo sa driver’s seat. Patay na ang makina. Tahimik na lalo rito ang paligid.Pero ang isip ko, parang hindi pa rin humihinto.Ipinikit ko sandali ang mga mata ko bago dahan-dahang napabuntong-hininga.Simula nang malaman ko ang balitang buntis si Dasha, pakiramdam ko ay wala nang araw na naging payapa ang isip ko. Mas lalo pa ngayong gabi. Hindi ko inaasahang mabubunyag sa mga staff ko ang tungkol sa kaniya. Mabuti na lang at wala akong binanggit na pangalan.Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Pero marahil, pagod na rin ang isip ko. Pagod nang itago ang lahat.Humugot pa ulit ako ng isa pang mas malalim na hininga bago tuluyang bumaba ng sasakyan.Pagpasok ko sa bahay, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng nilulutong pagkain at bagong linis na sala. Tahimik ang bahay dahil wala si Papa Julio, nasa malayong lugar na naman naka-assign sa work.May narinig akong mahinang tumutugtog na inst
Elco POVPagpatak ng alas singko ng hapon, saka lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Sa wakas kasi ay tapos na ang work. Putek naman kasi, punong-puno ang schedule ko ngayong araw. Sunod-sunod ang meetings, may VIP guests na kailangang asikasuhin, may inventory report pang kailangang pirmahan, at may ilang concern ang housekeeping na personal kong inayos.Pagod ako. Pero bago pa ako makalabas ng opisina, may kumatok sa pinto.“Sir Elco!” Pag-angat ko ng tingin, bumungad sa akin ang halos lahat ng staff na nasa morning shift.Nasa harapan nila si Rhea. Bitbit nito ang maliit na paper bag na may ribbon.“Sir, huwag noyo pong sabihing uuwi na kayo?”Napangiti ako. “Bakit, ano bang mayroon?”“Sir, birthday ko po ngayon.”Napatingin ako sa ibang staff. Lahat sila ay nakangiti. “Nagkayayaan po kami mag-hotpot. Libre ko po,” sabi pa ni Rhea. “At bawal pong tumanggi ang manager namin.”Natawa ang lahat habang ako naman ay napailing agad. “Rhea, pagod na ang manager ninyo.”“Ayan na nga p
Dasha POVTinapos ko ang pagluluto ko ng dinner na puro ang email ni Elco ang tumatakbo sa isip ko. Simula nung matanggap ko ang email niya, ayaw na nitong mawala sa isip ko. Alas siyete na ng gabi.Dapat kakain na ako ng dinner kasi gutom na ako pero hindi ko magawa iyon dahil iba ang tumatakbo sa isip ko.Umupo ako sa dining table habang nakatanaw sa tatlo kong bagong halaman sa terrace. Maliwanag doon dahil nakabukas ang ilaw.Umiling-iling ako. Hindi ako puwedeng magpagutom dahil baka hindi maging healthy si baby. Kaya naman tumayo na ulit ako at sumandok na ng kanin at ng chopsuey na niluto ko. Nagtimpla rin ako ng malamig na orange juice bago ako tuluyang kumain.Pagdating sa dining table, isa-isa ko roong binaba ang pagkain ko, pati ang cellphone ko.Ang bango ng chopsuey dahil sinahugan ko ito ng manok at hipon. Crab and corn naman ang pinang-sabaw ko kaya sure akong malinamnam pati ang sabaw.Habang kumakain na ako, nakatitig ako sa cellphone ko. Nandoon pa rin sa email ni El
Madam Coraline POVHindi ako sanay magkasakit. Sa mundong ginagalawan ko, parang kasalanan ang magpahinga. Kapag CEO ka ng isang malaking kumpanya, kapag libo-libong tao ang umaasa sa mga desisyon mo araw-araw, pakiramdam mo wala kang karapatang mapagod. Wala kang karapatang manghina. Wala kang kar
Dasha POVTahimik na ang bahay nila Elco nang magising ako kinabukasan. Iyon agad ang una kong napansin. Wala ng tawanan nina Nanay at Tatay. Wala na ring boses ni Tito Julio. Wala na iyong masayang ingay kagabi.Mukhang nakaalis na sina Nanay Susie at Tatay Darwin pabalik ng Bulacan kaninang madal
Elco POVKanina pa ako nakatayo sa may gate ng bahay. Paulit-ulit akong sumisilip sa kalsada. Paulit-ulit ding tumitingin sa oras. Para akong batang excited na makita ang nanay kong matagal kong hindi nakita. Pero, siyempre, hindi talaga ganoon dahil may pa-surprise kaming lahat kay Dasha. Sakto ng
Ryuji POVAlas dos ng madaling-araw nang bigla akong magising. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa wine. O baka dahil nakatulog akong hindi gaanong umiinom ng tubig.Pagmulat ko ng mga mata ko, madilim pa ang buong master bedroom ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama.Pak







