Share

Kabanata 54

last update publish date: 2026-05-17 21:47:11

Dasha POV

Pagkatapos naming ubusin ang fried noodles at iced coffee, pareho muna kaming napasandal sa upuan habang nagpapahinga.

Busog na busog ako, pero mas busog yata ako sa kilig kaysa sa pagkain.

Tahimik lang si Elco habang umiinom ng natitirang iced coffee niya. Paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin tapos iiwas din agad ng tingin kapag napapansin niyang nakatingin ako.

Cute. Sobrang cute ng ganoong eksena niya.

Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawang maging mukhang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 85

    Dasha POVMaaga pa lang abala na agad kami ni Elco sa garden. Actually, ako lang talaga iyong maingay habang siya tahimik na nag-aayos ng lamesa.“Pantay ba?” tanong niya habang inaayos iyong mahabang lamesa sa gitna ng garden.Umikot ako sa kabilang side habang nakapamewang. “Konti pa sa kaliwa.”“Ganito?”“Hindi, sobra.”Napabuntong-hininga siya habang natatawa. “Napaka perfectionist mo.”“Despedida mo ‘to siyempre dapat maganda.”Ngumiti lang siya habang muling inaayos iyong tablecloth. Tahimik pa iyong paligid kasi palubog pa lang araw.Habang pinagmamasdan ko si Elco na busy sa pagse-set up ng lamesa, hindi ko maiwasang malungkot nang konti.Kasi bukas, aalis na siya. Babalik na siya sa Manila.Babalik na siya sa dating buhay niya sa Grand Dadonza Hotel.At kahit sobrang saya ko para sa kanya, siyempre mami-miss ko rin siya.“Uy.”Napalingon ako sa kanya.“Lutang ka na naman diyan.”Napailing ako agad. “Hindi ah, tinitignan ko lang mabuti kung pantay ba ang lamesa,” palusot ko.N

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 84

    Elco POVTahimik akong nakaupo sa sala habang nanonood ng TV nang biglang mag-vibrate cellphone ko sa lamesa. Noong una hindi ko pa pinansin. Akala ko random text lang o kaya tawag mula sa barangay.Pero nang makita ko iyong caller ID, literal akong natigilan. Galing kasi pala ang tawag sa Grand Dadonza Hotel.Talagang biglang bumilis tibök ng puso ko. Hindi agad ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa screen habang paulit-ulit nagri-ring ang phone ko. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan.Matagal ko nang hindi nakikita pangalan ng hotel na iyon sa phone ko dahil nga bigla akong natanggal ng tuluyan dahil sa mayabang na Mendez na anak pala ng bilyonaryo.Pero ang pinagtataka ko lang ay hindi ko rin ine-expect na tatawag pa sila ulit sa akin.Kaya noong halos mag-end na iyong call saka ko lang agad sinagot.“H-Hello?”“Good afternoon, Mr. Elco Esteban?”Bigla akong napaupo nang maayos.“Yes, ako nga.”“This is from Grand Monarch Hotel HR department.”Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 83

    Dasha POVNakahiga na ako sa kama pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ngiti ko. Tahimik na buong bahay. Mukhang tulog na sina Nanay at Tatay. Pati na rin si Elco. Tahimik na rin sa labas maliban sa paminsan-minsang tahol ng aso at ilang sasakyang dumadaan sa kalsada.Pero ako, gising na gising pa rin ang utak. Sa totoo lang, pakiramdam ko hindi ako makakatulog ngayong gabi.Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in lahat ng nangyari ngayong araw.Napaka-pasabog ng launch day. First day ng The Cut that Always Bleeds sa bookstores ay talaga namang gumawa ng ingay sa social media at sa iba’t ibang mall. May nabalitaan pa akong nag-aaway sa iba’t ibang bookstore dahil sa agawa ng book ko.At higit sa lahat, naubos daw talaga agad iyong display copies. Gabi na pero, sunod-sunod pa rin ang notifications.Mga readers na nagpo-post ng books nila. Mga pictures sa bookstore. Mga reactions habang hawak nila iyong libro ko. May iba umiiyak. May iba nanginginig. May iba nagpapasalama

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 82

    Dasha POVLaunch day na agad ngayon. Ang bilis, parang kahapon lang ay kakakuha ko lang ng copies ng book ko. Kinakabahan talaga ako sa magiging takbo ng araw na ngayon. Paulit-ulit kong tinitingnan cellphone ko habang nakahiga pa sa kama. Ang daming notifications. Ang daming tagged posts. May countdowns pa iyong readers.“TODAY NA ANG TCTAB!”“SEE YOU SA BOOKSTORE!”“READY NA WALLET KO AUTHOR PETALYN!”Parang hindi ako makahinga sa tuwa. At the same time, takot na takot din ako. Kasi ngayon na talaga iyong totoong laban. Hindi na ito online reads lang. Hindi na ito simpleng comments.Nasa bookstore na libro ko. Totoong ibebenta na siya, at doon ko malalaman kung may bibili ba talaga.“Dasha.”Napalingon ako kay Elco na kasalukuyang nakasandal sa pintuan ng kuwarto ko.“Ano?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.“Relax.”Napabuntong-hininga ako habang napapahawak sa dibdib ko. Palagi na lang niya akong sinasabihan ng ganoon. Paano kasi, madalas niyang mapansin na nate-tense ako. Ina

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 81

    Dasha POV“Kain muna tayo,” sabi ni Elco. “Nagutom ako sa mga eksena mo sa loob ng goodnovel ink,” natatawa pa niyang sabi.“Oo please. Gutom na rin kasi ako.”“Tara samgyup.”Automatic akong napangiti.“Uy, trip ko rin ‘yan, sige, samgyup nga tayo!”Pagdating namin sa samgyupsal restaurant, halos mabaliw agad ako sa bango pa lang. Ngayon, naka-shades at cap na ako para kahit pa paano ay hindi ako makilala. Gusto ko kasing magkaroon muna ng privacy habang ka-date si Elco. Para naman walang maka-istorbo. Pakiramdam ko kasi ay minsan naiinis na si Elco kapag may lumalapit sa amin para magpa-picture sa akin.Tumingin ako sa paligid. Amoy na amoy agad iyong samgyup, butter, at mga side dishes pa lang.Pagkaupo namin, agad kong tinanggal cap at shades ko habang napapabuntong-hininga. Mukha naman kasing walang lalapit sa amin kasi busy silang lahat sa pagkain.“Safe.”“Feeling wanted criminal talaga.”“Hindi mo kasi alam feeling na may biglang lalapit para magpa-picture habang kumakain ka.”

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 80

    Dasha POVAkala ko pagkatapos kong makuha iyong sampung complimentary copies ng The Cut that Always Bleeds, uuwi na kami agad ni Elco.Pero hindi pa, kasi matapos ang halos kalahating oras na pag-uusap namin ni Sir Renz, bigla niya akong sinabihan na may kailangan pa akong kausapin ngayong araw.“May next meeting ka pa pala, Author Petalyn.”“Ano po?” tanong ko habang yakap-yakap ko pa rin iyong libro ko na parang baby.Tumango siya at natatawa habang nakatingin sa librong yakap ko. “Sa marketing team naman.”Parang mas lalo akong kinabahan.“Ay, sige po.”“Ma’am Julie Gianan will handle your publicity and promotions.”Oo nga pala. Kapag palabas na ang books ay pag-uusapan na ang promotions, interviews, book signing at kung ano-ano pa.Paglabas namin sa office ni Sir Renz, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin nang mapatingin sa hawak kong libro habang naglalakad kami ni Elco sa hallway.“Baka mabangga ka na niyan, Dasha, jusmiyo ka,” natatawa niyang sabi habang nakatingin sa akin.“So

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status