Share

Kabanata 86

last update publish date: 2026-05-28 21:47:54

Elco POV

Pagkababa ko pa lang ng taxi sa tapat ng bahay namin sa Manila, napabuntong-hininga ako kasi back to normal na talaga.

Parang naninibago agad ako. Hindi ko alam kung dahil ba matagal akong nawala rito o dahil nasanay na ako sa masarap at fresh na buhay sa probinsya kasama sina Dasha. Wala pang isang araw na magkahiwalay kami, miss ko na agad ang girlfriend ko. Miss ko na agad siyang yakapin at halikan sa labi.

Tahimik akong tumayo sandali habang nakatingin sa bahay namin. Noong bata ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 87

    Dasha POVTahimik lang akong nakatayo sa harap ng flower shop habang pinagmamasdan iyong mga bulaklak na nakahilera sa labas. Maaga pa. Wala pang customer. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam. Malungkot, kasi alam kong kailangan ko nang magpaalam sa shop ni Ivy.Oo, bigat na bigat ang dibdib ko ngayon. Matagal akong naging assistant dito ni Ivy. Ang dami ko ring nabiling mga gamit dahil sa sinasahod ko sa kaniya. At aminado rin akong marami akong naging masasayang memories sa shop niya.Maya maya ay tuluyan na akong pumasok sa loob. Agad namang bumungad sa akin si Ivy na busy nag-aayos ng bouquet.“Good morning,” kalmado niyang bati. Halatang malungkot agad. Alam na niya kasi. Kahit hindi ko sabihin.“Good morning,” sagot ko naman. Today, may dala akong coffee. Yes, nagdala ako kasi last day ko na talaga rito.Tahimik lang si Ivy. Nag-aabang siguro siya sa mga sasabihin ko. Ako, chill lang muna. E-enjoy-in ko na lang muna ang last day ko rito.Pero, unti-unti ko na rin tala

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 86

    Elco POVPagkababa ko pa lang ng taxi sa tapat ng bahay namin sa Manila, napabuntong-hininga ako kasi back to normal na talaga.Parang naninibago agad ako. Hindi ko alam kung dahil ba matagal akong nawala rito o dahil nasanay na ako sa masarap at fresh na buhay sa probinsya kasama sina Dasha. Wala pang isang araw na magkahiwalay kami, miss ko na agad ang girlfriend ko. Miss ko na agad siyang yakapin at halikan sa labi.Tahimik akong tumayo sandali habang nakatingin sa bahay namin. Noong bata ako, gustong-gusto ko umuwi rito.Pero ngayon, parang may kung anong bigat sa dibdib ko habang tinitingnan ko ito.Huminga muna ako nang malalim bago hinila iyong maleta ko at iyong eco bags na puno ng pasalubong galing kina Tita Susie at Tito Darwin.Pagkapasok ko pa lang ng gate, biglang bumukas ang pintuan.“Ayan na siya!”Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses ni Mama Rosie.“Elco!”Binitawan ko agad ang maleta ko nung bigla niya akong yakapin.“Ma— teka—”“Na-miss kita!”Maya maya, nak

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 85

    Dasha POVMaaga pa lang abala na agad kami ni Elco sa garden. Actually, ako lang talaga iyong maingay habang siya tahimik na nag-aayos ng lamesa.“Pantay ba?” tanong niya habang inaayos iyong mahabang lamesa sa gitna ng garden.Umikot ako sa kabilang side habang nakapamewang. “Konti pa sa kaliwa.”“Ganito?”“Hindi, sobra.”Napabuntong-hininga siya habang natatawa. “Napaka perfectionist mo.”“Despedida mo ‘to siyempre dapat maganda.”Ngumiti lang siya habang muling inaayos iyong tablecloth. Tahimik pa iyong paligid kasi palubog pa lang araw.Habang pinagmamasdan ko si Elco na busy sa pagse-set up ng lamesa, hindi ko maiwasang malungkot nang konti.Kasi bukas, aalis na siya. Babalik na siya sa Manila.Babalik na siya sa dating buhay niya sa Grand Dadonza Hotel.At kahit sobrang saya ko para sa kanya, siyempre mami-miss ko rin siya.“Uy.”Napalingon ako sa kanya.“Lutang ka na naman diyan.”Napailing ako agad. “Hindi ah, tinitignan ko lang mabuti kung pantay ba ang lamesa,” palusot ko.N

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 84

    Elco POVTahimik akong nakaupo sa sala habang nanonood ng TV nang biglang mag-vibrate cellphone ko sa lamesa. Noong una hindi ko pa pinansin. Akala ko random text lang o kaya tawag mula sa barangay.Pero nang makita ko iyong caller ID, literal akong natigilan. Galing kasi pala ang tawag sa Grand Dadonza Hotel.Talagang biglang bumilis tibök ng puso ko. Hindi agad ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa screen habang paulit-ulit nagri-ring ang phone ko. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan.Matagal ko nang hindi nakikita pangalan ng hotel na iyon sa phone ko dahil nga bigla akong natanggal ng tuluyan dahil sa mayabang na Mendez na anak pala ng bilyonaryo.Pero ang pinagtataka ko lang ay hindi ko rin ine-expect na tatawag pa sila ulit sa akin.Kaya noong halos mag-end na iyong call saka ko lang agad sinagot.“H-Hello?”“Good afternoon, Mr. Elco Esteban?”Bigla akong napaupo nang maayos.“Yes, ako nga.”“This is from Grand Monarch Hotel HR department.”Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 83

    Dasha POVNakahiga na ako sa kama pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ngiti ko. Tahimik na buong bahay. Mukhang tulog na sina Nanay at Tatay. Pati na rin si Elco. Tahimik na rin sa labas maliban sa paminsan-minsang tahol ng aso at ilang sasakyang dumadaan sa kalsada.Pero ako, gising na gising pa rin ang utak. Sa totoo lang, pakiramdam ko hindi ako makakatulog ngayong gabi.Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in lahat ng nangyari ngayong araw.Napaka-pasabog ng launch day. First day ng The Cut that Always Bleeds sa bookstores ay talaga namang gumawa ng ingay sa social media at sa iba’t ibang mall. May nabalitaan pa akong nag-aaway sa iba’t ibang bookstore dahil sa agawa ng book ko.At higit sa lahat, naubos daw talaga agad iyong display copies. Gabi na pero, sunod-sunod pa rin ang notifications.Mga readers na nagpo-post ng books nila. Mga pictures sa bookstore. Mga reactions habang hawak nila iyong libro ko. May iba umiiyak. May iba nanginginig. May iba nagpapasalama

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 82

    Dasha POVLaunch day na agad ngayon. Ang bilis, parang kahapon lang ay kakakuha ko lang ng copies ng book ko. Kinakabahan talaga ako sa magiging takbo ng araw na ngayon. Paulit-ulit kong tinitingnan cellphone ko habang nakahiga pa sa kama. Ang daming notifications. Ang daming tagged posts. May countdowns pa iyong readers.“TODAY NA ANG TCTAB!”“SEE YOU SA BOOKSTORE!”“READY NA WALLET KO AUTHOR PETALYN!”Parang hindi ako makahinga sa tuwa. At the same time, takot na takot din ako. Kasi ngayon na talaga iyong totoong laban. Hindi na ito online reads lang. Hindi na ito simpleng comments.Nasa bookstore na libro ko. Totoong ibebenta na siya, at doon ko malalaman kung may bibili ba talaga.“Dasha.”Napalingon ako kay Elco na kasalukuyang nakasandal sa pintuan ng kuwarto ko.“Ano?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.“Relax.”Napabuntong-hininga ako habang napapahawak sa dibdib ko. Palagi na lang niya akong sinasabihan ng ganoon. Paano kasi, madalas niyang mapansin na nate-tense ako. Ina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status