Hindi alam ni Danica kung magsasalita na ba siya ngayon o hintayin na maunang magsalita ang binata at tanungin siya, ngayon na nasa tabi na talaga niya ito ay parang isang natunaw na yelo ang lakas ng loob niya.
Pero hanggang makarating sila sa tapat ng isang bahay na may katamtaman lamang na laki ay hindi pa rin kumikibo ang lalaki, hindi rin ito tumitingin sa kaniya na parang isa lamang siyang hangin.
“Jiro,” mahina na tawag nito sa binate ngunit hindi muli siya binigyang pansin nito at tuloy-tuloy lamang sa paglalakad patungo sa loob ng bahay. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at pinigilan sa paglalakad. “Mag-usap tayo.”
“Yes, mag-uusap tayo, Danica but not here outside. Ayaw ko na masama ang pangalan ko sa issue na meron ka.” Tiim ang bagang na sabi nito at winaksi ang mga kamay ng dalaga na nakahawak sa kaniya.
Napahiya man ang dalaga ay pinagsawalang bahala niya iyon at sumunod sa binata papasok sa loob ng bahay, hindi ito ang bahay na tinutuluyan ng binata noong magkasintahan pa lamang sila. Kitang-kita ni Danica kung gaano binago ng panahon binata.
Ang kulay asul na dati ay paborito nito ay naging grey, wala na rin siyang makikita ngayon tungkol sa music na kung dati ay halos mapuno ang kwarto ng binata ng tungkol sa piano lesson niya.
Narinig niyang bumuntong hininga ang binata at naupo sa isang sofa, pinanuod lang niya ito habang iritadong tinatanggal nito ang neck tie. “What? Tatayo ka lang diyan at papanuorin ako?” Kunot ang noo nito na tanong sa kaniya.
Ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya ay mas lalong nakakapagbigay sa kaniya ng kakaibang kaba, napalunok si Danica ng tatlong beses at tumitig rin sa lalaking nasa harapan niya.
“I need your help.” The word is short yet it explained what she needed to him.
Hindi napigilan ni Jiro ang malakas at sunod-sunod na pagtawa dahil sa narinig, “you really want my help to save your fame? How funny when you just said that you don’t need anything from me earlier. What gotten into you to change your mind?”
“Nothing. Hindi ko lang kayang hayaan na masira ang pangalan ko sa industry na pinili ko at pinaglaanan ng buong oras at pawis ko.” Taas ang noon a seryosong sagot ni Danica.
Kahihiyan man na pabalik-balik siya sa harapan nito bilang isang kawawang patapon na artista at sinusuka ng mga tao ay hindi na iyon mahalaga para sa kaniya, buhay ng ina ang nakasalalay at mas uunahin niya iyon kaysa sa sarili.
“Then, how willing are you for this?” He smirked.
Ang mga ngisi nitong may pang-iinsulto ay sadyang nakakababa ng pagkatao ni Danica, pikit-mata siyang sumagot sa tanong ng binata.
“Sobra.”
“Very? Prove it then.”
“How?” Kunot na tanong ni Danica dito.
Tumayo si Jiro at lumakad papalapit sa kaniya ng hindi man lang inaalis ang tingin. Muling napalunok ng laway ang dalaga at pigil ang hininga ng bigla siyang hapitin sa bewang ng binata.
“Sign a contract to be my mistress.” He whispered.
Pabulong man ang tono na ginamit ng binata ay alam niya na may hindi maganda itong binabalak lalo na at may contract signing pa na gusto ito na mangyari.
“Let me decide once I read the contract.” Paninigurado ng dalaga.
Pagak muling napatawa ang binata. “We don’t need a formal contract to this,” walang pag-iingat siyang binitawan ng lalaki at kumuha ng isang bond paper at ball pen. “Here are the only rules I want.” Sabi nito at nagsimula itong magsulat.
Be my mistress
Iyon lang at pumirma na ito sa baba ng papel, ngumiti ito kay Danica at nagkibit-balikat, “go ahead, put some rules if may gusto ka na ilagay.”
Muling binasa ni Danica ang sinulat ng binata sa gitnang bahagi ng papel, he really just wanted the woman to be his mistress bilang kapalit ng sponsorship nito. Napailing na lamang siya at pumirma sa tapat ng pangalan ng binata.
“That’s it, you can leave now.” He said casually and turned his back to her. “Just sit and wait, you don’t need to do anything.”
Madami pa na gustong itanong si Danica sa binata pero alam niya na hindi naman nito aayusin ang mga sagot na sasabihin niya. “Kung ganoon ay aalis na ako, sasabihin ko kay Shun na tinanggap mo na maging sponsor ko.”
“I doubt you need to tell him but, go do what you want.” Sabi nito ng walang kagana-gana.
Hindi na muling sumagot ang dalaga at tumalikod na ito para lumabas ng bahay, hindi man lang ito tinignan o hinatid man lang ni Jiro sa gate.
Bumuntong hininga ang binata at sinandal ang likod sa sofa, halata ang stress sa mukha nito ngunit may isang emosyon na nangingibabaw dito. Pag-aalala!
“Tch!” Hindi niya mapigilang patunugin ang dila at agad-agad na tumayo at sinundan ang babae na ngayon ay naglalakad papunta sa gate ng villa para makapunta sa pinaka main road. “This woman never fails to make me feel frustrated.”
Agad niyang tinanggal ang lock ng kotse at pumasok sa loob nito at nag drive, hindi man niya maintindihan ang sarili ay hinayaan niyang sundin kung ano ang gusto ng katawan niyang gawin.
Isang busina ang ginawa niya ng nasa tapat na siya ng dalaga na mag-isang naglalakad, safe naman ang loob ng villa, ngunit iba pa rin kung isang babae ang naglalakad mag-isa.
Mabilis naman niyang naagaw ang atensyon ng dalaga at napalingon ito sa kaniya, pilit man na itago ni Danica ang gulat ay huli na dahil kitang-kita ni Jiro kung paano nanlaki ang mata nito sa pagkabigla.
Bukod sa pag-aayos at porma ng dalaga ay wala ng ibang napansin si Jiro na nagbago sa dalaga, lalo na ngayon na naka-casual wear si Danica ay lalo niyang naaalala ang nakaraan nilang dalawa dahilan para mapahigpit ang kapit niya sa manebela.
Kung maaari lang para kay Jiro na huwag ng isipin ang nakaraan ay matagal na niyang ginawa, ngunit napaka mapaglaro ng tadhana dahilan kung kailan handa na siyang bitawan ang mga nangyari eight years ago ay tsaka naman muling nagpakita ang dalaga sa harapan niya.
Ang nakakatawa pa doon ay hindi dahil para magpaliwanag o humingi ng sorry dahil sa ginawa nito ngunit para humingi ng tulong para sa nasira nitong pangalan. Ngayon ay hindi tuloy alam ng binata kung alin ang mas uunahin niya, ang galit o ang guilt na nararamdaman para sa dalaga.
“Bakit andito ka, may nakalimutan ka ba na sabihin sa akin?” Tanong nito na nakapagpabalik-wisyo kay Jiro.
“Get in. Ayaw ko lang makarinig ng balita bukas ng umaga na isang sikat na aktres ang na-rape sa daan matapos masira ang pangalan.”
“Hindi na, malapit naman na ang gate at may guard doon. Maghihintay na lang ako ng taxi na madadaan para doon sumakay.” Sagot ni Danica at tumuloy sa paglalakad.
“As my mistress, do you have any right to say no?” Ayaw man gamitin ni Jiro ang contract ay alam niyang matigas ang ulo ng dalaga at hindi ito papayag basta-basta sa gusto ng binata na ihatid sya.
“I’m your mistress not your property, Jiro.” Seryosong sabi nito.
“Oh! But your future is in my hands right now, Danica. Do you have to be so prideful right now?” Sagot naman ng binata.
Napakuyom ang mga kamay ng dalaga at agad na nalakad papunta sa kabilang gilid ng kotse at padabog na binuksan ang pinto at sumakay, anong laban nito sa binata na hawak ngayon ang future niya sa career at ng ina na nasa hospital.
“Where is your home?” He asked, “nah, just type it on the screen.” He pointed the map in front of them.
Hindi na nag-aksaya si Danica at ginawa na lang ang utos ni Jiro, kahit isa sa kanila ay walang gustong magsalita. Sa kanilang dalawa ay mas ramdam ni Danica ang awkwardness, because she knew that the man doesn’t want his name to tangled with her anymore.
Siguro ay napipilitan lamang ito dahil kaibigan niya si Shun at humingi ito ng tulong sa kaniya, kung hindi siguro si Shun ang may-ari ng entertainment company na may hawak sa dalaga ay hindi ito tutulong.
You reach your destination
Agad na hininto ni Jiro ang kotse at tumingin sa dalaga, “lilinawin ko lang, mula ngayon ay hindi ka na pwedeng lumandi kahit kaninong lalaki.”
“As if gagawin ko yan, tulad ng sabi ko hindi ako ganoong klaseng tao.” Sabi niya at lumabas na ng kotse at tuloy-tuloy na pumasok sa building kung nasaan ang room na bigay sa kaniya ng company.
Sinundan lamang siya ng tingin ni Jiro, hindi pa nga nawawala sa paningin ng binata ang dalaga ay tumunog naman ng cellphone nito.
Agad na nagbago ang timpla ng mukha nito, “Hello, Chairman.” He said.
“Did you clean the mess I said? Siguraduhin mo na nalinis mo ang kalat ng kapatid mo tungkol sa video na kumakalat kung saan makikita ang mukha niya at ang drugs na siya ang nagdala, hindi pwede na masira ang career na gusto niya.” Iyon agad ang bumungad sa kaniya mula sa ama.
“I did, Chairman.”
“Good! Very good! Kung gusto mo talaga na patunayan na nararapat ka as my elder son at tanggapin ka ng buo ng kapatid mo ay gawin mo lahat para sa kaniya, siguraduhin mo na hindi gagawa ng kung ano ang actress na ginawa naming scapegoat para sa kapatid mo.”
Hindi na siya hinayaan na sumagot ng nasa kabilang linya at agad na lang pinatay ang tawag, as illegitimate son of Chairman Cuenca ay hindi siya tanggap ng kahit sino. Kasalanan ba niya na maging bunga ng isang pagkakamali ng ama?
Muli siyang napatingin sa dalaga, “ngayon hindi ko alam kung sino ang dapat mag-sorry sa ating dalawa, Danica. Ikaw ba o ako.”
“The agency of the actress, Danica Torres, finally break the silent about the issue of their top artist. The agency said that its all misunderstanding and Danica is innocent all this time. The drugs in the video is just edited and the person who uploaded the video already erase it…”Anonymous cat: I don’t think it’s edited at all!Gorgeous deity: You are right, gusto lang makatakas sa issue ng babae na iyan!Tyrant Phoenix: ‘Wag tayong magpapaloko basta-basta!“Mas marami pa rin ang bad feedback tungkol sa issue kahit naglabas na tayo ng statement tungkol dito, ano ba ang gusto na marinig ng mga tao? Na totoo ang binibintang nila kay Danica na gumagamit ng drugs at ginagamit ang katawan para sa mga projects?” Naiinis na napaupo si Isaac sa tabi ng dalaga.“Hindi naman natin mababago agad ang utak ng mga tao dahil sa isa lamang na statement, kailangan natin gumawa ng iba pa na strategies para mabalik ang tiwala at pagkagusto nila kay Danica.” Sabi ng secretary ni Shun na hawak ang plan
Hindi alam ni danica ngunit paglabas pa lamang niya sa elevator ay parang may nagmamasid sa bawat galaw niya, ngunit kahit anong tingin niya sa kaliwa, kanan at likod niya ay wala siyang makita kahit isang suspicious na tao.Siguro ay masyado lang nasanay ang katawan ng dalaga na laging may sumusunod kaya ganoon na lang ito mag-overthink na may nanunuod sa bawat kilos niya, pero para makasiguro ay mas binilisan niya ang lakad hanggang makalabas siya ng building. Ngunit walang nagbago, hindi nawawala ang kakaibang pakiramdam niya.Muli siyang lumingon sa likod ngunit wala talaga kahit isang tao ang sumusunod sa kaniya, kagat sa labi itong muling humarap sa daan ngunit isang matigas na bagay ang tumama sa noo niya. Hindi pala bagay kundi isang dibdib ng lalaki ang nasa harapan niya ngayon, unti-unti niyang inangat ang mukha pataas para tignan kung sino ito.“Are you an idiot, why are you looking at your back while walking?” Sumalubong sa mga mata ng dalaga ang salubong na mga kilay nito
“So, anong dahilan para pumunta ka pa dito?” Bungad na tanong ni Shun sa kaibigan na kararating lang, “kakaalis lang nya dito kung siya ang dahilan ng pagdalaw mo.”“I see her outside earlier, and of course he is not the reason why I am here.” Naupo ito na parang siya mismo ang may-ari ng office. “Why don’t you sit on the chair in front of me and let’s talk?”“Pinapunta ka ba ng papa mo dito para kausapin ako na bitawan na si Danica ng company namin O nagalit ba siya dahil naglabas kami ng statement tungkol sa pagiging inosente niya tungkol sa issue?” Sunod-sunod na tanong nito.“Walang kinalaman ang chairman, nagpunta ako dito para tanungin kung ano ang sinabi sayo ni tito tungkol sa susunod na hakbang.” Seryosong tanong nito at dumekwatro.“Hanggang ngayon ay chairman pa rin ang tawag mo sa papa mo? Yung totoo, Jiro bakit ka kinuha ng papa mo after all these years? Dahil natatakot siyang mas mataasan ng company mo ang company nila?” Hindi makapaniwalang tanong ni Shun sa kaibigan.“
“Sponsor? Ang sabi ni Danica ay hindi na niya tinuloy ang sponsorship, bakit pinipilit mo pa rin na bigyan siya?”“Isaac, I just want to remind you that I am still your boss.” Sabi ni Shun ng seryoso at umayos ng upo, “as for the sponsorship, si Danica mismo ang nag desisyon tungkol doon at kumausap muli kay Jiro. Kung sa tingin mo ay pinilit ko siya ay nagkakamali ka, mas mabuti kung si Danica ang tanungin mo kung bakit nagbago muli ang desisyon nya.”“Bakit siya nagpunta dito? Hinahanap niya ba si Danica?”“Not really, but tungkol kay Danica ang pinunta niya rito.” Inabot niya ang envelop sa Isaac, “galing iyan kay Jiro, magkakaroon ng series si Danica next week so better inform her and get ready.”“Series?” Binuksan nito ang envelop at binasa, halos kumunot ang noo nito sa mga nakasulat doon. “Pumayag ka na sumali siya sa series na ito kahit extra lang siya, gusto mo ba na lalo lang siyang ma-stress?”“Are you sure kilala mo talaga si Danica? Isaac, hindi mangyayari ang iniisip mo.
“Pasensya na kung kailangang dito pa tayo magkita, ayaw ko kasi na makuha ang atensyon ng mga reporter at malaman nila ang tungkol kay mama lalo na ngayon na nasa ICU sya. Isa pa ay baka guluhin nila pati ang kapatid ko masyado ng iyon na stress sa mga nangyayari.” Agad na paliwanag ni Danica pagkarating pa lamang nito sa lugar kung saan pinili nilang magkita ni Isaac para pag-usapan ang tungkol sa bagong project niya.“it’s okay. Mas ayos na rin na dito tayo nagkita para makapag-usap tayo ng mas maayos,” sagot ni Isaac habang nakangiti. Isa pa ay, bakit tatanggi ang binata sa ganitong set-up kung para silang nasa date habang tinatakasan ang mga reporters.“Ano ba ang dahilan bakit gusto mo na magkita tayo ngayon? Kung nag-aalala ka pa rin sakin dahil sa mga nangyayari, hindi mo naman kailangan makipagkita sa personal.”“Hindi naman ito tungkol doon, sa totoo nga ay good news ito para sayo kaya hindi na ako mapaghintay na ibalita at ayaw ko rin naman sa text o tawag ko lang sabihin.”
“My light.” Bulong ni Jiro at mabilis na yumukap ang mga braso niya ng mahigpit sa bewang ni Danica at ang mainit nitong labi ay patuloy sa paghalik sa labi ng dalaga, lasang-lasa ni Danica ang alak doon na wari’y pati siya ay nalalasing na rin.“Jiro… Please stop.” Sinubukan ni Danica na itulak ang lalake ngunit masyadong mahigpit ang yakap nito sa kaniya.“Why are you trying to escape? I just want to hug you.” Ang ngarag na boses ni Jiro habang binubulong ang mga katagang iyon sa tenga ni Danica ay nagbibigay ng kiliti sa buong katawan niya. “I miss you, I really miss you.”Paulit-ulit iyon na sinasabi ni Jiro, andoon ang desperasyon ng lalake na maipahatid ang pagka-miss niya sa babae. Ngunit para kay Danica ay parang mga kutsilyo ito na paulit-ulit siyang sinasaksak, hindi niya akalain na may minamahal na ang lalake.“Jiro, please hindi ako ang girlfriend mo kaya bitawan mo ako.” Pilit pa rin na sinusubukan ni Danica na kumawala sa lalake ngunit mas humigpit lang ang pagyakap nito
Naalimpungatan si Danica ng humalimuyak ang mabangong amoy ng kape sa kaniyang ilong, agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang lalake pero wala na ito sa sofa kung saan ito nakahiga kagabi.“Are you looking for me?” Tanong ni Jiro habang binabasa ang nakasulat sa hawak na papel at sumisimsim ng kape.“Hmm. Anong oras na? Pinapunta mo ako rito kagabi pero lasing ka, hindi mo naman siguro ako i-text ng ganoong oras para lang panuorin kitang matulog?” Sarkastikong sabi ni Danica dahilan para mapangisi si Jiro.“You mean, pinanuod mo ako habang natutulog?” Hindi nawawala ang mapang-asar na ngiti ni Jiro sa mga labi, minsan talaga ay hindi kayang itago ng dalaga ang totoo. Totoo nga ang sabi ng iba na sa bibig nahuhuli ang isda.“W-what? Hindi iyon ang ibig ko na sabihin!” Pagtangi ng babae.Tumango-tango si Jiro ngunit halata sa mukha nito na hindi siya naniniwala dahilan para mas lalo lang makaramdam ng hiya si Danica.“I told you, hindi kita pinanuod matulog! Bakit hindi ka ba naniniwal
Mula sa paglabas ng hotel hanggang sa byahe ay tahimik lamang si Danica sa tabi ni Jiro na ikinabahala naman ng lalake, bigla tuloy itong nagsisi sa pang-aasar na ginawa niya rito kaninang umaga. Hindi niya kasi maiwasan na tumawa dahil sa itsura ng babae, hindi dahil napapangitan siya kundi para sa kaniya ay napa-cute nito sa gulo-gulong buhok.Hindi alam ni Jiro kung tama ba ang desisyon niya na magpanggap na wala siyang alam sa nangyari sa babae at kung sino ang may kasalanan kung bakit nasira ang career nito, ang mahalaga ay maibalik niya ang dating kasikatan nito hanggang makalimutan na ng tao ang issue.Pagkatapos noon, wala na siyang pakealam sa mga susunod na mangyayari, pwedeng patuloy siyang maging sponsor o maghiwalay na muli ang mga landas nilang dalawa.“Are you really not going to talk to me?” Tanong niya kay Danica.“Wala naman tayong dapat pag-usapan, Mr. Jiro kaya hindi ko alam kung may anong dahilan para magsalita ako o meron ba akong karapatan.” Nakangiti at magalan