Share

Chapter 11: Drunk's act

“My light.” Bulong ni Jiro at mabilis na yumukap ang mga braso niya ng mahigpit sa bewang ni Danica at ang mainit nitong labi ay patuloy sa paghalik sa labi ng dalaga, lasang-lasa ni Danica ang alak doon na wari’y pati siya ay nalalasing na rin.

“Jiro… Please stop.” Sinubukan ni Danica na itulak ang lalake ngunit masyadong mahigpit ang yakap nito sa kaniya.

“Why are you trying to escape? I just want to hug you.” Ang ngarag na boses ni Jiro habang binubulong ang mga katagang iyon sa tenga ni Danica ay nagbibigay ng kiliti sa buong katawan niya. “I miss you, I really miss you.”

Paulit-ulit iyon na sinasabi ni Jiro, andoon ang desperasyon ng lalake na maipahatid ang pagka-miss niya sa babae. Ngunit para kay Danica ay parang mga kutsilyo ito na paulit-ulit siyang sinasaksak, hindi niya akalain na may minamahal na ang lalake.

“Jiro, please hindi ako ang girlfriend mo kaya bitawan mo ako.” Pilit pa rin na sinusubukan ni Danica na kumawala sa lalake ngunit mas humigpit lang ang pagyakap nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status