Share

Chapter 4: Let's talk

Hinintay muna ni Danica na mahimasmasan ang kapatid, hindi niya ito iniwan hanggang huminto ito sa pag-iyak. Ngayon ay ang kailangan naman niyang gawin ay kung paano niya muling makakausap si Shun, na bigyan ulit siya ng pangalawang pagkakataon para makipagkita kay Jiro.

Kung kailangan niyang lunukin ang pride na nakabara ngayon sa lalamunan niya ay gagawin niya, hindi mabubuhay ang pamilya niya kung uunahin niya ang pride kaysa ang tanggapin kung anong meron sa harapan niya na pwedeng makatulong agad para malinis ang pangalan niya.   

“Saan ka pupunta ate? Kararating mo lang.” Kunot ang noo na tanong ng kapatid nito ng makita siyang papunta sa pintuan.

Nais niyang lumabas para tawagan si Shun, hindi niya hahayaan na marinig ng kapatid ang mga pwede niyang maging usapan ng CEO ng entertainment company.

“Bibili lang ako ng maiinom at meryenda natin sa canteen sa first floor, bantayan mo lang si mama diyan at baka magising siya o kung biglang may mangyari sa kaniya.” Bilin niya sa kapatid at muling sinuot ang facemask para maitago ang mukha sa mga tao sa corridor ng hospital.

Paglabas pa lamang niya sa pinto ng kwarto ay ramdam na niya ang panghihina ng mga binti, tanging pagtingala na lang ang nagawa niya para pigilan ang mga luha na nagbabadya ng tumulo mula sa mga mata niya.

Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan noon para parusahan siya ng ganito ngayon, pakiramdam niya ay grabe naman ang pagsubok na dumadating sa kaniya araw-araw.

Dinukot niya sa bulsa ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Shun ng may pag-aalinlangan, nakakahiya lang kasi at para siyang tanga na kakaalis lang sa harapan ng CEO ay muli siyang hihingi ng pangalawang pagkakataon para magkita sila.

Naglakad-lakad siya hanggang makarating sa garden ng hospital, siguro ay busy ang binata dahilan para hindi nito masagot ang tawag niya.

Tanging pagbuntong hininga na lang ang nagawa niya at umupo sa gilid kung saan nakikita niya ang mataas na billboard na dahan-dahang tinatanggal ang malaki niyang picture na nakalagay doon. Parang kailan lang ay tuwang-tuwa pa ang mga tao ng nilalagay iyon at kani-kaniya siyang picture para i-post sa social media at mag congratulate sa kaniya, ngunit ngayon ay tuwang-tuwa ang mga ito ay tinatanggal na ito.

“Dapat lang talaga yan, alisin nila ang picture nya dahil masama siyang impluwensya sa mga batang gustong abutin ang pangarap nila gamit ang maayos na paraan.” Isa sa mga nakatambay rin sa garden ang nagsabi noon.

“Nako, tama ka riyan. Dapat nga ay umalis na iyan sa entertainment, hindi ko hahayaan na bumili ng kahit ano ang mga anak ko ng ini-endorse nya.”

“As if naman may mga endorsement pa siyang natitira pagkatapos ng issue, kung ako ang may-ari ng product ay hindi ko siya kukunin na model.”

Mabuti na lang at siya ang nakakarinig ng mga masasakit na salita at hindi ang kapatid niya, paniguradong hindi iyon mananahimik at ipagtatanggol siya sa mga ito. Kung makapagtsismisan naman kasi ay parang alam buong kwento at pangyayari.

Muli niyang binalik ang atensyon sa cellphone na hawak at pumunta sa isang site kung saan maaari niyang makita ang information tungkol sa ex-boyfriend, bakit nga ba ngayon lang niya nalaman na isa na pala itong CEO ng isang malaking company?

Tanging contact information lamang ng secretary ni Jiro ang naroon, at tiyak na hindi naman ito papayag agad na i-schedule siya para makipag-usap muli ang boss nito sa kaniya. Isa pa ay sinabi na ng binata sa kaniya na kahit lumuhod siya sa harap nito ay hindi siya tutulungan.

Tanging ang paraan na lang ng dalaga ay ang mismong pumunta sa harapan ng lalake para makiusap na tulungan siya, buo na ang loob nito na gawin ang lahat ng gusto ng binata para lang sa inang nakaratay sa hospital bed at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa bai to sa mga susunod na oras o araw.

Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo at dumukot ng barya sa bulsa para bumili ng juice in can para sa kapatid at naglakad na pabalik sa room ng mama niya, ang desisyon nito na puntahan ito ang binata bukas ng maaga ay planado na sa utak niya.

Naglalakad pa lang siya sa hallway ng hospital ng makita niya ang kapatid na balisa sa tapat ng pintuan kung nasaan ang kwarto ng ina habang nagkakagulo ang mga nurse at ang doctor na naka-assigned para sa ina.

Mabilis itong napatakbo papunta sa kapatid at hinawakan ito sa dalawang balikat, “anong nangyari, Nico!”

“Hindi ko alam ate, bigla na lang si mama nanginig-nginig tapos tinawag ko yung doctor.” Nanginginig ang buong katawan ng kapatid ng dalaga, ramdam na ramdam din nito kung gaano kalamig ang mga kamay nito.

Napatulala na lang si Danica sa mga nurse na walang tigil sa pag pump sa dibdib ng ina, ang mga pawisan na mukha ng mga ito ay mahahalata ang pagod ngunit walang nagbabago sa heartbeat ng ina.

“Doc! Wala po talagang respond and patient!”

“Defibrillator paddles!”

“200!”

“Inject the Epinephrine!” Utos ng doctor.

Halos wala na rin maintindihan ang dalaga sa nangyayari, parang ang bilis ng mga nangyayari sa harapan niya at ang tanging nagawa na lang niya ay matutulala habang pinanunuod ang ina sa gitna ng mga nurse na nagkakagulo.

Lumabas ang doctor at lumapit sa kanila na may malungkot na emosyong makikita sa mata.

“Kailangan na ng ina nyo ang operation at madala sa ICU, pero tulad ng sinabi ko kanina sa kapatid mo ay kailangan na mag bayad agad. Kung ako ang tatanungin ay gagawin ko ang trabaho ko bilang doctor ngunit lahat tayo ay kailangan sumunod sa policy ng hospital. Isa pa ay ang bawat araw sa room ng ICU ay humihigit ng fifty thousand.”

“Gawin nyo po lahat ng pwedeng gawin para lang maligtas ang mama ko. Kahit bigyan lang po ako ng oras at panahon para makasama at makausap ko sya, magbabayad po ako kahit magkano, gagawaan ko po ng paraan para mabayadan lahat ng kailangan nya.” Kulang na lang ay lumuhod ang dalaga sa harapan ng doctor.

Tinuon niya ang lahat ng atensyon sa pag-abot ng pangarap niya at sinuportahan siya ng ina dito, hindi maaring mawala ito basta-basta sa tabi niya. Hindi pa siya ganoon nakakabawi sa lahat ng ginawang sakripisyo ng ina para sa kaniya, kaya kung kahit ano man lang paraan ay gagawin niya.

Tumango ang doctor at mabilis na bumalik sa loob ng room at inutusan na ilipat na ang ina ng dalaga sa ICU.

Humarap si Danica sa kapatid at tinignan ito ng seryoso. “Nico, gagawa ako ng paraan para magkaroon tayo ng pera at matustusan ang pangangailangan ni mama. Yung pera sa laban ng bank account ko, iyon ang gamitin mo para ibayad sa operation.”

“Pero… Saan ka naman hahanap ng ganoong kalaking halaga ng pera ate, lalo na ngayon na may kumakalat na issue tungkol sayo.”

“Huwag ka ng mag-alala tungkol doon, sa ngayon si mama muna ang alalahanin mo.”

Hindi na hinintay ni Danica na makasagot ang kapatid at mabilis na naglakad ito palabas sa hospital, muli niyang tinawagan ang numero ni Shun at laking pasasalamat ng dalaga ng sa wakas ay sumagot na ito.

“Anong problema Danica? Kumusta ang usapan nyo ng sponsor?”

“Shun, I know this is too sudden but… Can I know his home address?” Nahihiya man ang dalaga ay lakas loob niyang tinanong iyon habang naghahanap ng masasakyan.

“Home address? Why are you asking his home address?” Naguguluhan na tanong naman ng nasa kabilang linya. “Kahit ibigay ko sayo ang home address niya ay hindi ka rin naman papapasukin ng security ng villa.”

Napakagat sa labi ang dalaga dahil sa narinig, “pero kailangan ko siyang makausap ngayon.”

Saglit na natahimik ang binata na nasa kabilang linya.

“Okay, fine. Tell the guard that I ask you to meet him, I will text his home address to you.”

“Thank you, Shun!”

Pagkapatay pa lang niya ng tawag ay agad na niyang natanggap ang home address ni Jiro, mabilis siyang pumara ng taxi.

“Manong, pakidala naman po ako sa lugar na ito.” Pagpapakita niya sa address na nakasulat sa text message. Tumango lang ang driver at nagsimula na itong mag-drive, hindi pa rin nawawala ang sikip sa dibdib na nararamdaman ni Danica dahil sa mga nangyayari. Bitbit pa rin niya ang juice in can na binili na hindi na niya nagawang ibigay sa kapatid dahil sa pagkagulat.

Ilang minuto na halos nakatulala lang siya sa mga streetlight sa daan, halos hindi na nga niya matandaan kung kailan ang huling pagkakataon na natignan niya ng maayos ang mga daan na madami na palang pinagbago.

“Andito na po tayo.” Naagaw lamang ng driver ang pansin niya ng sabihin nito ang mga katagang nakapagpabalik kay Danica sa realidad.

Inabot niya ang bayad at mabilis na bumaba sa taxi at tumingin sa mataas na gate kung saan isang guard house ang makikita sa gilid.

“Good evening.” Magalang na bati niya rito.

“Yes ma’am? Can I ask what can I help?” Ngumiti ang guard sa kaniya.

“Gusto ko sanang makausap si Jiro… I mean, si Mr. Dan Jiro.” Sabi niya dahilan para mapakunot ang noo ng guard.

“Pero wala naman po na naka-schedule ngayon na bisita si Mr. Jiro.” Nag-aalangan na sabi ng guard habang tinitignan ang isang notepad sa lamesa.

“Biglaan lang kasi, pinapunta ako dito ni Shun; Shun Reyes.” Pagpupumilit niya.

“Pero ma’am hindi po talaga pwede, tsaka isa pa wala pa po rito si Mr. Jiro.” Sabi muli ng guard at napatingin sa likuran niya, “ayan na po pala siya.” Sabi nito sabay turo sa kotse na paparating.

Para namang muling tinatambol ang dibdib ni Danica sa bilis ng tibok ng puso niya habang papalapit nang papalapit ang kotse ng binata kung nasaan siya.

Tulad nga ng inaasahan ay huminto ito sa tapat niya at binuksan ang bintana. Mabilis lumapit ang guard dito. “Pasensya na Sir, pero nagpipilit po kasi ni ma’am na may biglaan daw po kayong schedule na usapan ngayon.”

Naka-facemask at naka-hoodie si Danica ngunit alam na alam ni Jiro ang pabango nito, hindi nito mapigilan na mapangisi, “schedule? Ang alam ko ay tapos na ang schedule ko ngayong araw.”

“Ganoon po ba Sir? Sige po, pasensya na sa istorbo.” Binuksan na nito ang gate na malaki gamit ang remote na hawak at tumingin sa dalaga. “Pasensya na ma’am pero wala daw po siyang alam tungkol sa schedule na sinasabi nyo.”

Hindi ito pinakinggan ni Danica at mabilis siyang humarang sa daan na gumulat kay Jiro dahilan para mapalabas ito sa kotse.

“What the fuck, woman?! Paano kung hindi ko agad natapakan ang break ng kotse, gusto mo ba mamatay o ganyan ka ba talaga kadesperada na makausap ako?” Namumula ang buong mukha nito dahil sa galit.

Huminga muna ng malalim ang dalaga bago ito sumagot, “oo.” Mahina ngunit may diin na sabi nito.

“S-sir. Huwag po kayong magalit sa kaniya, ako na po ang—” hindi na natuloy ng guard ang sasabihin ng muli ay nagsalita ang binata.

“Oo? Para saan ang sagot na yan, gusto mo na mamatay o kadesperada na makausap ako?”

“Ganon ako kadesperadang makausap ka na kahit ikamatay ko gagawa ako ng paraan.” Sagot ni Danica at tumitig sa mga mata ni Jiro.

Hindi alam ng guard kung ano ang dapat i-react sa nakikitang eksena sa harapan niya ngayon.

“Fuck!” Muling nagmura ang lalaki at hinila si Danica papasok sa kotse, “let’s talk later.” Sabi ni Jiro at nagmaneho papasok sa villa kung nasaan ang bahay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status