Share

Chapter 20: Want it too

“Cheers!” Sabay-sabay nilang sabi at masayang ininom ang alak sa kupita na hawak, ang bawat crew na sumama ay nakahinga rin kahit papaano sa pagod at puyat para sa paghahanda sa series.

Tahimik lang naman na nakaupo si Danica sa gilid katabi si Isaac, mabuti na lang at wala namang pumipilit sa kaniya na uminom o makigulo. Siguro ay dahil umiiwas rin ang iba sa kaniya dahil sa nagdaan na issue.

“Sabihin mo pag gusto mo ng umuwi, ihahatid kita.” Bulong ni Isaac kay Danica.

“Sige, mag-CR lang ako saglit masyado na akong madaming nainom na juice.” Pabulong din na sagot naman nito.

Tumango lang bilang sagot si Isaac at pinanuod si Danica na tumayo at lumakad palabas ng VIP room, hindi naman kasi kalayuan ang pupuntahan ng babae kaya hinayaan na lang niya. Ang awkward rin naman bilang lalake na sundan niya ito hanggang CR.

Nagmamadali ang paglalakad ni Danica papunta sa CR, sa totoo lang ay kanina pa nito ramdam ang pagsakit ng puson niya dahil sa pagpipigil ng ihi. Kaya naman ng makarating
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status