LOGINAlex POV
Araw na ngayon ng kasal namin. Ninenerbyos ako para mamaya. Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan ako inaayusan. Tahimik ang paligid pero ang dibdib ko parang may sariling tambol sa sobrang lakas ng tibok. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako pumayag. Simple lang naman… punyemas. Flashback Papasok na ako sa first subject ko. Nagmamadali akong tumawid papuntang school nang biglang may pumaradang sasakyan sa harapan ko. “Good morning, Alex.” Nakangiting sabi niya nang bumaba siya ng sasakyan. Umiwas agad ako at dere-deretso na pumasok sa gate. Pero nagulat ako nang sumunod siya sa loob. “Please naman, Alex. Please help me naman, oh?” Gosh. Pati ba naman dito sa loob ng school? Nakakahiya. Pinagtitinginan na kami. Buti na lang at nag-ring ang bell kaya mabilis akong tumakbo papalayo sa kaniya. “Alex, may new teacher daw tayo ngayon,” sabi ng kaklase ko. Pwede bang sa ibang araw na lang? Ngayon pa talaga? Tinanguan ko na lang siya habang abala sa pagre-review para sa exam next week. “Good morning, class.” Parang pamilyar ang boses na ‘yon. Pagtingin ko sa harap, halos muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Napatingin ang lahat sa akin — pati siya. Mabilis akong umayos ng upo at yumuko. “I’m your new teacher for today… or maybe the next day?” Nagtilian ang mga malalandi kong kaklase. Hindi mo rin naman masisisi — gwapo talaga siya. Para siyang artista. “Until my fiancée says yes.” Napaupo ako nang tuwid at napaubo sa sinabi niya. Lahat ulit napatingin sa akin. Pati siya. Napa-smirk pa ang bwisit. “A-Ang alikabok kasi! Tsaka mainit!” mabilis kong palusot habang ramdam ko ang masasamang tingin ng mga babae sa paligid. At siya? Nakatingin lang sa akin na parang alam na alam niyang wala na akong kawala. Nagsimula na ang klase. Grabe… ang talino niya. Ang galing niyang magturo — malinaw magpaliwanag, may sense of humor, at alam mong alam niya ang subject. Pero kahit gano’n, naiilang pa rin ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang ako lang ang estudyante sa silid. May pinagawa siyang surprise exam. Tahimik ang buong klase habang nagsasagot. Pagkatapos, isa-isa kaming nagpasa ng papel. Ako na ang susunod. Habang papalapit ako sa mesa niya, bigla akong nadapa. Hindi ko alam kung paano — siguro natapilok ako o dahil sa sobrang pagod at puyat. Bumagsak ang mukha ko sa sahig. Isang segundo. Dalawang segundo. Nahilo ako. Parang umiikot ang paningin ko kaya hindi ako agad makatayo. At ang mas masakit? Nagtawanan sila. Wala si Bestie ngayon kaya wala akong kakampi. “Sir, hayaan niyo na po ‘yan. Mahirap lang naman ‘yan. Kaya lang nakapasok dito dahil scholar siya,” sabi ng isa kong kaklase — iyong gumanda lang dahil sa makapal na make-up. “True, sir! Hindi natin siya ka-level. Poor girl,” dagdag pa ng isa na halos maligo sa gluta kung makapanghusga. Sunod-sunod ang bulungan at tawanan. Lahat sila may nasasabi. Kung pwede lang talaga silang pagsasapakin, ginawa ko na. Pero hindi pwede. Ayokong mawala ang scholarship ko. Ayokong mapaalis sa school na ‘to. Naiiyak na ako. Bigla akong nagulat nang may isang kamay na lumahad sa harapan ko. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba o hahayaan na lang. Pero bago pa ako makapagdesisyon, naramdaman kong may mga bisig na bumuhat sa akin. Napasinghap ako. Wala na ako sa sahig. Nasa mga bisig na ako ni Diego. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya — iyong ngiting nagsasabing. “Okay lang. Nandito ako.” Biglang natahimik ang buong klase. “Class dismissed,” malamig niyang sabi. Hindi na siya tumingin sa kahit kanino. Dire-diretso niya akong dinala papunta sa clinic. Pagpasok namin, nagulat ang nurse at napatingin sa amin. “Don’t stare at us, Melanie. I’m not Nilo,” malamig at medyo iritado niyang sabi. “Gamutin mo na lang ang mga bruises ng fiancée ko.” Halos mapatango agad ang nurse. Maingat niya akong ibinaba sa kama. Habang nililinis ang sugat ko, may tumawag sa cellphone niya. “I’m here at the clinic… in her school. No, I’m not mad. Yeah, she’s okay now. Okay, Mom. Yeah, I know.” Pagkababa niya ng tawag, tumingin siya sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkakadapa ko… o dahil sa paraan ng pagprotekta niya sa akin. Lumapit siya sa amin at marahang kinuha ang ice bag mula sa nurse. Siya na mismo ang naglagay nito sa bukol ko. Nakatingin siya sa akin habang ginagawa iyon. Napakalapit ng mukha niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya. Lalo tuloy akong naiilang. “Dahan-dahan naman… ang sakit eh,” reklamo ko sabay iwas ng tingin. Hindi ako sanay sa gano’ng klase ng titig — iyong parang hinuhubaran ka ng kaluluwa sa sobrang lalim. Bigla siyang natawa. Napakunot ang noo ko. “Anong nakakatawa?” “Bakit hindi ka lumaban sa mga classmates mo?” tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. “Nasaan na ‘yung babaeng kayang makipagsapakan sa mga snatchers at makipagsigawan sa gwapong tulad ko?” Napatawa ako kahit naiirita. “Ang yabang mo talaga.” “Pero totoo,” dagdag pa niya na may smirk. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Hindi ko sila pwedeng labanan. Kung gusto kong tumagal dito sa school, kailangan kong manahimik. Ayokong masayang lahat ng paghihirap ko, noh.” Saglit siyang natahimik. Tumingin siya sa akin na parang may naiintindihan siyang mas malalim pa sa mga sinabi ko. Tumango siya. “Hindi ka mahina dahil pinili mong manahimik. Pero hindi rin kita hahayaang tapakan ka.” Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng clinic. Pareho kaming napalingon. Nagulat kami nang pumasok ang mga magulang niya — may dala pang mga prutas at parang handang mag-camping sa sobrang dami ng bitbit. “What happened, iha? Are you okay now?” tanong ng mommy niya habang halos lapitan ako agad. Tumango ako. “Okay na po ako, tita.” Mula ulo hanggang paa, sinuri niya ako na parang ako ang nawawalang anak niya. Medyo natatawa ako sa reaksyon niya. Halatang alalang-alala talaga siya. Napatingin ako kay Diego. Nakatayo siya sa gilid, nakangiti at halatang natutuwa sa eksena. “Mom, she just fell. Hindi naman siya nabangga ng truck,” biro niya. “Diego!” sabay palo ng mommy niya sa braso niya. At doon ko naramdaman— Hindi lang pala siya ang nangungulit sa akin. Pati pamilya niya. At hindi ko alam kung matatakot ba ako… o mas lalo lang mahuhulog. Pinipigilan ko na nga ang mommy niyo na pumunta dito, but she’s very stubborn and very paranoid. Worried daw siya kay Alex. Halos mabangga na nga kami sa bilis niyang mag-drive,” natatawang sabi ng daddy ni Diego. Hindi ko napigilang mapangiti. Grabe… parang ang sarap sa pakiramdam na may ganitong klaseng mommy. “Ikaw ang nagmaneho, Mom?” kunot-noong tanong ni Diego. Tumango lang ang mommy niya na parang proud pa. “Okay na po ako. Nadapa lang po talaga. Salamat po,” sabi ko. Ngumiti siya at marahang hinaplos ang buhok ko. “Next time, iha, be careful, okay?” Tumango ako. Ilang oras din akong nagtagal sa clinic bago ako pinayagang lumabas. Nauna nang umuwi ang daddy at mommy niya, pero si Diego… hindi ako iniwan. Hanggang sa kotse, buhat pa rin niya ako. “Kayang-kaya ko nang maglakad,” reklamo ko. Pero sabi ng mommy niya kanina, mas mabuti raw na magpabuhat na lang ako sa macho niyang anak. Sus. Kaya pala lumalaking hambog ‘to. Pinalalaki nila ang ulo. Sa sobrang kulit nila, pumayag na rin ako. Nasa loob na kami ng kotse. Tahimik. Tanging tunog lang ng makina at hangin sa labas ang maririnig. Nakatingin lang ako sa bintana. Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanya. “Ahmm—” Sabay kaming nagsalita. Napatingin kami sa isa’t isa. “May sasabihin ka?” sabay ulit naming tanong. Pareho kaming natawa. “Meron,” sabay ulit. Napailing kami pareho habang nakangiti. “Mauna ka na,” sabi ko. Tumango siya, pero napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso. “Alex… about sa proposal ko. Just forget about that. Okay na sa’kin kung ayaw mo.” Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Dapat ba hindi ako affected? Tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa labas. Pero hindi ko mapigilang maramdaman ang biglang lungkot. “You? What do you want to say?” tanong niya. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin na pala siya sa akin. Huminga ako nang malalim. “P-Pumapayag na kasi ako,” mahina kong sabi. “Kahit walang bayad. Okay lang. Mabait ka naman… pati parents mo.” Napansin kong tila natigilan siya. “Hindi ko alam kung anong rason mo para pilitin sa’kin ang kasal na ‘yan,” dagdag ko. “Pero handa akong tulungan ka.” Bigla niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Really?!” Halos hindi makapaniwala si Diego. Kitang-kita sa mukha niya ang tuwa bago niya ako biglang niyakap. Tumango lang ako. At sa yakap na iyon… doon nagsimula ang lahat. End of Flashback Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang pinasok ko. Ilang oras na lang… magiging Madrigal na ako. Bahala na. Ang mahalaga, makatulong ako sa kanya — gaya ng pagtulong niya sa amin ni Papa. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako sa school. Baka wala na rin kaming bahay. Hindi na rin natuloy ang engagement party. Sa pagmamadali ng mommy ni Diego, diretso kasal agad. Para bang natatakot siyang maagawan pa ako ng anak niya. “Ma’am, kailangan na po kayong ayusan,” sabi ng make-up artist. Tumango ako at umupo sa harap ng salamin. Habang inaayusan nila ako, parang unti-unting nagiging totoo ang lahat. Bawat brush ng make-up, bawat ayos ng buhok… parang may pirma ng kapalaran. Pagkatapos, sinuot na nila sa akin ang gown. Napakaganda nito. Marahan nila akong pinaikot. “Ma’am, look at yourself. Para kayong prinsesa!” Inilapit nila ang whole-body mirror sa harap ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ako ba talaga ‘to? Ang babaeng sanay sa simpleng damit, sa pagtitipid, sa paglalakad pauwi… ngayon nakasuot ng gown na parang pang-royalty. Parang ibang tao ang nakikita ko. Pero ang mga mata… Ako pa rin. “I want to see my future daughter-in-law!” Narinig ko ang boses sa labas bago bumukas ang pinto. Pumasok ang mommy ni Diego na may malapad na ngiti. Pagkakita niya sa akin, napahawak siya sa bibig niya. “Oh my… you’re so beautiful! Siguradong magugulat si Diego niyan!” Ngumiti ako pero ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Kinakabahan ako. Lalo akong kinabahan nang marinig kong magsisimula na raw. Sa pagmamadali kong tumayo at maglakad palabas, biglang natanggal ang isa kong sapatos. “Ay!” Yuyuko na sana ako para kunin pero may nakasipa. “Hay naku! Ano ba ‘yan?!” Hinahanap ko sa ilalim ng upuan, sa gilid ng carpet — pero hindi ko makita. “Ma’am, halika na po. Kayo na lang po ang hinihintay,” sabi ng coordinator. Tumango na lang ako. Bwisit. Bahala na nga! Huminga ako nang malalim. Tumugtog na ang wedding march. Nasa gilid ko si Papa. Kahit may sakit siya, hindi pa rin maitatangging gwapo pa rin siya. Maayos ang suot, tuwid ang tindig. Para bang pilit niyang tinatago ang panghihina para lang maihatid ako ngayon. Nagmartsa na ang entourage. Ako na. Unang hakbang pa lang, ramdam ko na ang hirap maglakad nang isang paa lang ang may sapatos. Pinipilit kong maging normal ang galaw ko. “Anak, bakit ganyan ang lakad mo? May pilay ka ba?” bulong ni Nanay Merlin na nasa kabilang side ko. “Ahm… wala po ‘to, Nay,” pilit kong ngiti. Habang papalapit kami, nakita ko siya. Si Diego. Nakatayo sa harap ng altar. Sa suot niyang tuxedo, para siyang hari na naghihintay sa reyna niya. Seryoso ang mukha niya, pero kita sa mga mata niya ang pag-aabang. Hindi ko alam kung sino talaga siya. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkatao ang meron siya sa likod ng mga ngiti at yabang niya. Ang alam ko lang… kailangan niya ang tulong ko. At ngayon, ako ang lalakad papunta sa kanya. Pagdating namin sa harap, marahang hinawakan ni Papa ang kamay ko at ibinigay kay Diego. Nagmano siya kay Papa. Napatigil ako. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito — marunong gumalang, marunong yumuko kahit kaya niyang magmataas. Pagkatapos, marahan niya akong inalalayan paakyat ng altar. Nagulat ako nang bigla niya akong kinalong. Napasinghap ako. “Diego—” Pero hindi siya nagsalita. Pagdating namin sa gitna, mas lalo akong nagulat nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nagbulungan ang mga bisita. Marahan niyang hinawakan ang paa kong walang sapatos. “Diego, ano’ng—” Pinagpagan niya ang paa ko na parang may alikabok, saka inilabas mula sa likod niya ang nawawala kong sapatos. Siya pala ang nakakuha. Maingat niya itong isinuot sa paa ko. Para akong nawalan ng hininga. “Hindi kita hahayaang maglakad nang mag-isa,” mahina niyang bulong na kami lang ang nakarinig. You’re so beautiful… now.” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang mas iba ang tono niya ngayon — hindi mayabang, hindi pabiro. Totoo. Natapos na ang lahat ng seremonya. Nandito na kami sa part na “You may now kiss the bride.” Grabe ang kaba ko. First time ko ‘to. Marahan niyang hinawi ang belo ko. Napalunok ako habang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Bakit parang siya… wala man lang tension? Parang sanay na sanay. Napaatras ako nang bahagya nang halos magdikit na ang mga labi namin. “Don’t worry,” bulong niya na may ngiti. “It’s just a kiss.” Just a kiss?! Dumampi ang labi niya sa labi ko. Akala ko saglit lang. Pero nagtagal. Mas naging marahan. Mas naging totoo. At bago ko pa namalayan… nag-response ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang sarap sa pakiramdam. Parang may kuryenteng dumaloy mula labi pababa sa buong katawan ko. Naputol lang kami nang biglang magpalakpakan ang mga tao. Naghiyawan ang mga kaibigan niya. “Puta, Diego! Sabi kiss the bride lang, hindi manyakin the bride!” sigaw ni Nilo habang halos hindi makapigil sa kakatawa. Sinaway siya ng babaeng katabi niya. Napatingin ako kay Diego. Nakangiti siya. Pero napansin ko ang mga kamao niya — bahagyang nakatikom. Parang may pinipigil. Pagkatapos ng simbahan, dumiretso kami sa reception. Napakaraming bisita. Halos hindi ko kilala ang karamihan. Malamang mga business partners niya. Nakaupo lang ako sa isang sulok. Hindi ako sanay sa ganitong ka-sosyal na party. Ang mga damit, ang usapan, ang aura — parang ibang mundo. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. May isang babaeng nakatingin sa akin. Masama. Matalim. Parang gusto niya akong sugatan gamit ang tingin lang. Kinabahan ako kaya tumayo ako at dumiretso sa restroom para makabawi ng hininga. Pagpasok ko doon, tumingin ako sa salamin. Pero hindi ako nag-iisa. Nasa likod ko siya. Nakatitig sa akin sa repleksyon ng salamin. Puno ng galit ang mukha niya. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. “May kailangan po ba kayo sa akin?” mahinahon kong tanong kahit nanginginig ang loob ko. Ngumiti siya. Pero hindi iyon mabait na ngiti. “Nothing, darling,” malamig niyang sabi. “Soon… in the future. Pagbabayarin kita for hurting my daughter.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko. Daughter? “Oh… you’re beautiful, by the way,” dagdag niya bago tumalikod at umalis. Natulala ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Nang mahimasmasan ako, lumabas ako ng restroom. At doon ko siya nakita. Si Diego. Parang kanina pa naghihintay. “You’re here! Kanina pa kita hinahanap,” sabi niya. May halong tuwa at relief sa boses niya. At sa hindi ko maintindihang dahilan— Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. Nagulat siya sa una, pero agad din niya akong niyakap pabalik. At sa yakap na iyon… Nawala ang takot ko. Hindi ko alam kung anong problema ang paparating. Hindi ko alam kung sino ang anak na sinasabi ng babaeng iyon. Pero sa mga bisig niya— Pakiramdam ko… kaya koAfter two months Busy si Alex sa negosyo niyang itinayo na lamang sa Pilipinas na pastries at cakes, dito na lang niya itinuloy ang pinakamamahal niyang ginagawa. Sa loob ng two, months sobrang nakilala agad ng mga tao ang kaniyang business kaya palaging madaming order and reservation nag nagpupunta sa kaniya, kaya minsan hindi niya na namamalayan pa ang oras at panahon. Palagi din siyang nalilipasan ng gutom pero may mga nagmamahal naman sa kaniyang palaging nandyan para ipaalala iyon. Sa totoo lang napaka sakit pa din ang pagkawala ni Diego sa buhay nilang mag ina. Pero kailangan niyang magpaka tatag at magpatuloy silang mamuhay ng pinaka mamahal na anak. “Bakit ka nagpapalipas na ng gutom? Lagpas lunch na ah,” medyo nagulat siya nang may nagsalita. Ngumiti siya sa bumisita. “Mathew! Kamusta naman? Bakit ngayon ka lang napadpad dito?” taas kilay ni Alex, sabay tawa sa reaksyon niya. “May pinuntahan lang ako at may tinrabaho sa ibang bansa. Alam mo naman, laging busy ang mga
Third POV"Good morning, everyone!" masiglang bati at sobrang ngiti ni Alex sa mga kasama niya sa bahay."G-good morning, Iha. Maganda yata ang araw mo?" tanong ng kanyang byenang lalaki, halatang nagtataka ito sa kinilos niya.Ngumiti lang si Alex sa sinabi nito at umupo sa lamesa para mag-almusal. Magana siyang kumain at pinaparamdam sa lahat na ayos lang siya."Bukas na po ako babalik sa trabaho ko. Naiinip na po kasi ako dito sa bahay, gusto ko pong malibang muna." sabi ni Alex sa kanyang mga byenan, may kaunting ngiti sa labi."Kaya mo na ba Iha?" Pag aalala ng kaniyang byenang babae, Tumango lamang si Alex dito.Ang bawat kilos ni Alex ay tila naninibago ang lahat. Dalawang linggong napapansin siyang kakaiba ang lahat ng pinapakita nitong saya.Naging sobrang palangiti at palatawa ito,kumpara sa dati niyang gawi. Hindi normal ang na ganon ang pinaparamdam niya. Parang may tinatago siya o may kinikimkim na sakit at pighati. Kahit nakangiti ito at tumatawa ang mga mata naman ni
Alex POVUmupo ako sa passenger seat. Hinawakan ko ang manibela at ang upuang maraming dugo, ang dami ding bubog sa upuan at lapag. Tumutulo na ang luha ko dahil hindi ko ma imagine ang itsura ng taong nanditosa loob nang saklolohan ito.May nakita ako sa lapag isang magazine na kami ang cover at isang video recorder. Kinuha ko iyon agad."Boy nasaan daw yung may ari nitong kotse?" Tanong ko sa kanya at biglang yumuko ang bata may inabot siya sa aking papel." Baka ito po ang kasagutan sa tabong niyo po, Ma'am."Nanginginig akong abutin ang papel na hawak niya yun nang buksan ko. Eye donor rules and agreement. Nakalagay dun na kailangan galing sa kamamatay na tao ang i dodonor na mata.Nang makita ko yon nakaramdam agad ako nang panginginig na pakiramdam, hindi naman siguro, hindi. Pagpapakalma ko sa aking sarili.Agad akong lumabas ng kotse at kinuha ko ang cellphone ko agad na tinawagan ko ang hospital ng eye bank. Nag riring ang telephone, habang hindi ako mapakali."Hello." agad k
Alex POVNgayon na ang pinakahihintay naming araw na aalisin ang benda sa mga mata ko. Halos lahat nandito, pero si Diego lang ang wala. Dahil out of the country daw ito nang biglaan daw.Bakit kaya ganon si Dy ngayon. Nag papayaman ba siya ng sobra sobra? Ganon ba mas kahalaga sa kaniya ang negosyo niya kesa samin?Pero diba kami ni Xandie ang mahalaga sa kaniya. Sabi niya samin kami ang buhay niya at di kumpleto ang mundo niya kapag nawala kami.Pero bakit tuwing ganitong mahalagang pangyayari eh wala siya? Bakit nakaraang na operahan ako di man lang siya nagparamdam sakin, pati ba naman ngayon. Silang dalawa ng anak namin ang gusto kong unang masilayan sa pagbabalik ng paningin ko. Pero wala naman siya.“Good morning, Mrs. Madrigal. Are you ready to see the world again?” Tumango na lamang ako. Masaya ako pero may konting lungkot dahil sa pag-alis ni Dy dahil wala ang lalaking isa sa nga dahilan kung bakit gusto ko muling makakita, at mapagsilbihan ko pa siya.Nang maalis na itong m
Third POV “Dy!” Hingal na hingal na napasigaw si Alex habang bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga. Nanlalaki ang mga mata niya kahit wala siyang nakikita—dala ng napakasamang panaginip na gumising sa kanya. Kinapa-kapa niya ang kabilang side ng kama kung saan karaniwang nakahiga ang asawa niya. Pero wala. “Sweetie! Anak! Xandie! Anak ko! ” Nanginginig ang boses niya habang tinatawag ang anak. Gusto niyang marinig agad ang boses nito… gusto niyang mayakap… para mawala ang kaba at takot na bumabalot sa kanya. Agad siyang tumayo mula sa kama kahit nanginginig ang tuhod. “Sweetie! Anak! Nasaan ka?” “Mom, bakit po?” Nag-aalalang lumapit ang bata nang makita ang ina na tila takot na takot. Agad nitong hinawakan ang kamay ng ina at pinunasan ang mga luha sa mga mata nito. “Mom… why are you crying po? May nangyari po bang masama? Merong masakit po ba sayo? O may napaginipan ka bang nakakatakot po?” Hindi na napigilan ni Alex ang sarili. Lumuhod siya at mahigpit na niyakap a
Diego POV Malapit na ako sa dapat kong puntahan. Handa na ako para sa ikakasaya ng anak ko at ng asawa ko. Masaya na rin ako, dahil kahit sa maikling panahon, naramdaman kong maging isang tunay na asawa at ama. Kapag naaalala ko ang bonding naming tatlo kagabi—lalo na na samin ni My—hindi ko maiwasang ngumiti. Flashback “Daddy, please bilisan mo po. I want to learn how to cook pancakes po,” sabi ni Xandie habang hawak ang spatula at nakasuot ng apron. Ngumiti ako at kinuhanan siya ng litrato, saka ko agad nilagay sa scrapbook na ginagawa ko. Nag-set din ako ng video para mapanood ito ni Alex kapag nakakita na siya. “Dad, ang tagal mo po. Teach me na po, Dad,” sabik na sabi ng anak ko. Tumango ako at sinuot ang apron. Maaga kaming nagising para paghandaan si Alex ng pancakes, bacon, at ham para sa breakfast. Napag-usapan na namin ito kagabi—isang simpleng surprise para sa mommy niya. “Dad, why do you always take pictures and videos of everything we do?” tanong ni Xandie habang







