Share

Chapter 5: Part 1

Celina's Point of View

Isang lalaking nababalutan ang buong katawan ng itim niyang kasuotan ang dire-diretsong naglakad papalapit sa amin at napatigil ilang hakbang lang ang layo sa akin. Pamilyar na mukha ang bumungad sa'min nang tanggalin niya ang suot na helmet. Nangingibabaw ang kaputian ng kutis nito at hindi maitatangging may itinatagong kagwapuhan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang magtagpo ang aming mga mata.

"I've been waiting for you. Natagalan ka yata, Greii?" Nakangiti niya akong tiningnan at saka yumuko bilang pagbati. Mabuti na lang at dumating na siya.

Siya si Greii Flores, ang secretary ng aking ama, kasabay kong lumaki at isa rin sa mga itinuturing kong kaibigan.

Tumawa siya ng malakas at saka napakamot sa kan'yang ulo.

"Nahirapan akong tumakas sa trabaho e. Kumusta?" sagot nito. Sunod-sunod siyang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan at mahigpit akong niyakap. Napatango-tango naman ako bilang pagtugon at niyakap siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status