Share

Chapter Fifty-seven

“Mrs. Harrison, mom!” pagbati ko sa mama ni Liam na may malapad na ngiti sa aking mga labi at naglahad ng mga kamay sa kanya upang yumakap.

Mas bumilis ang bawat hakbang niya palapit sa akin kaya naman kaunti akong humakbang.

Nang makalapit siya sa kinatatayuan ko ay naramdaman ko na lang ang isang kamay na sumampal sa aking mukha at naiwan ang pekeng ngiti sa mga labi ko.

Umalingawngaw sa buong paligid ang lakad ng pagkakasampal ng kamay niya sa aking mukha.

Nanginginig ang mga labi ko nang ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya. “M-Ma'am…”

Hindi ako makapaniwala sa mainit na pagtanggap niya sa akin ngayong bumalik na ako.

Umasa na naman ba ako na siya ang pinaka nag-alala sa pagkawala ko?

“How dare you show your face in this house!”

Nasulyapan ko ang paglakad ni Blade pabalik sa pwesto namin para iligtas ako. Pero agad ko siyang binalaan gamit ang aking mga mata na huwag nang lumapit.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status