Share

Chapter 3

#Arrival of the Ex-Lover

Tila ba bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa natatanaw ko sa bintana. Sobrang sakit sa mata… at sobrang hapdi sa puso. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na sana ay nananaginip lang ako. Sana hindi totoo lahat itong nakikita ng mga mata ko.

Hindi p’wedeng si Mike ang lalaking ‘yon!

“Mamsh, okay ka lang ba?” rinig kong untag ni Kath sa akin. Nakaakbay na siya sa akin at tinatapik ang balikat ko, sabay layo ng katawan ko roon sa bintana. “Alam kong nahihirapan ka ngayon na i-process ang lahat. Kasi kung ako man ay nagulat sa nakita ko, alam kong doble ang balik sa iyo no’n.” 

Iwinilig ko ang aking ulo at lumayo kay Kath. ‘Yong luhang nanggigilid sa mga mata ko, mabilis ko ‘yong ipinahid, tiyaka ko hinarap ang kaibigan ko nang may ngiti sa labi. “Nakita ng mga mata ko na hinalikan no’ng babae si Mike. Pero sa pisngi lang naman. Baka magkaibigan lang sila. Baka naman walang meaning ‘yon, ‘di ba?”

Katangahan na ang sinasabi ko. I’m aware of that. Kung pagka-martyr man ang tawag sa ginagawa ko ngayon, wala akong pakialam. Totoo naman kasing sa pisngi lang ni Mike humalik ‘yong babae kanina, kaya baka wala namang meaning ‘yon. Baka wala namang malisya. Umaasa ako na sa gano’n nga ang nangyayari. Umaasa ako na sana… kahit imahinasyon na lang itong mga iniisip ko, maging reality ito.

“Talaga bang… nagagawa mo pang mag-isip ng gan’yang bagay sa likod ng mga nakita ng mga mata mo kanina, Andeng?” Hindi makapaniwala ang mukha ni Kath habang kinukwestyon ako… na tipong maski ang kaibigan ko ay sobra nang natatangahan sa akin. 

Agad akong napaiwas sa kanya ng tingin. “Hindi lang kasi dapat sa iisang anggulo lang ako tumingin, ‘di ba? Kasi… oo nga, sa angle na nakita ko kanina… p’wede kong isipin na ang babae na ‘yon ang siyang kabit nga talaga ng asawa ko. Pero when I try to find things further… baka… lang naman may iba pang dahilan kung bakit ginawa ng babae na ‘yon na halikan ang asawa ko? Hindi naman p’wedeng lagyan ko agad ng malisya ‘yong nakita ko kung sa katunayan naman wala talagang ibang meaning ‘yon? Ayoko namang manghusga agad ng tao.”

Ipinaglaban ko talaga sa kaibigan ko si Mike. Sa itsura pa lang kasi ni Kath ay alam kong gusto niya nang paghinalaan na ang babaeng natanaw namin kanina ay siyang kabit ng asawa ko. Add to it, hindi pa rin alam ni Kath na naging pasyente ko kanina lang ‘yong babae—na buntis. And the same shade of lipstick na gamit niya ay kapareho ng shade ng lipstick na nakita ko sa pants ni Mike nitong nakaraang araw-

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. Masyado nang nagkahalo-halo ang mga detalye sa utak ko.

“Sana tama ‘yang desisyon mo na hayaan mo muna ang sarili mo na malaman ang buong katotohanan. Kasi kung hindi talaga sapat ang angle na nakita mo kanina, I hope makakita ka ng angle na magpapatunay na hindi nga ang babaeng ‘yon ang kabit ng asawa mo.” Tinapik ni Kath ang balikat ko bago niya ako iniwan sa area. 

Maski ako ay hindi sigurado sa ginagawa ko. Sa mga bagay rin na iniisip ko, masyado nang sumasakit ang ulo ko sa magkakahalong paghihinala at pag-iisip ng bagay upang depensahan ang asawa ko sa ipinaglalaban ng utak ko. Kasi masyadong bata ‘yong babae para patulan ng asawa ko, o pumatol ang babaeng ‘yon sa asawa ko… na malinaw naman na malaki ang age gap nila sa isa’t isa. 

“Imposible talagang papatol si Mike sa mas bata sa kanya.”

Kumakain ako sa cafeteria ng ospital nang ako lang mag-isa. Hindi kami magkakasabay kasi ni Kath na kumain since magkakaroon siya ng duty sa Operating Room. Kaysa naman hintayin ko pang matapos ang surgery na gagawin niya roon, nauna na lang ako. 

And for my meal today, wala naman akong ibang choices kung hindi um-order ng Sulit Meal dito sa cafeteria; sa isang plate ay mayroong burger na sa unang kagat pa lang, tinapay lahat, tapos may kasama ring spaghetti na tipid na tipid sa sauce, sa sahog at sa cheese, and lastly ay mayroong french fries na malata pa sa taong may sakit. 

Well, kung mayroon lang talaga akong kasama ay hindi ako magtitiyaga na dito mag-lunch sa cafeteria. ‘Pag kasi magkasabay kami ni Kath na kumain, lumalabas pa kami at humahanap ng restaurant na malapit lang naman dito para kainan. Sino ba naman kasing gaganahan sa mga pagkain dito?

“Mukhang isang linggo mo nang meal ‘yan, ah?”

Kanina lang ay nakadukdok ako sa table ko at tinititigan ang pagkain ko para naman magkaroon ako ng gana na kainin ito… kaso biglang may nag-occupy ng seat sa tapat ko. So, napaangat ang ulo ko upang tingnan kung sino ang taong naupo. 

“Uy, Morgan? Bakit nagawi ka rito?” 

He’s been my friend since college. Bale trio kasi kami noon kasama si Kath, kaso nahiwalay lang talaga sa amin ng landas si Morgan nang magdesisyon siya na mag-abroad at doon mag-work. 

“Na-confine ‘yong lola ko rito. Inatake sa puso. Dinalaw ko lang.” Ibinaba niya sa table ‘yong hawak niyang malaking plastik at sinimulan niya nang ilabas ang laman no’n. “At syempre para madaanan ko kayo ni Kath. Nakapangako ako sa inyo na ako ang taya sa foods ‘pag nagkita-kita tayo ulit, ‘di ba?”

Alam na alam talaga ni Morgan ang kiliti namin ni Kath; mga Korean foods syempre. Gimbap, kimchi, cooked fried noodles, rice cake, at mayroon din siyang dalang tacos, lasagna, nachos, spaghetti at pizza. These are the foods na nagke-crave talaga ako na kainin, unfortunately ay wala rito sa cafeteria ng ospital.

“Sa tagal ko rin na nakilala ka, Andrea… alam kong ‘yang pagkain na hindi mo magawang kainin, meal mo na ‘yan for a week kaya ngayon ay kinakasawaan mo na, ‘di ba?” Naupo siya nang maayos sa upuan niya nang matapos ihanda ang mga pagkain, and he looked straight into my eyes. “Kaya dapat magpasalamat ka na nadaan ako rito sa ospital. If not because of my arrival, ginugutom mo na naman tiyak ang sarili mo,” natatawa niya pang saad sa akin.

Ako naman ay dala ng sobrang gutom, inumpisahan ko na ang paglantak sa mga pagkain ni Morgan, tipong nakalimutan ko na makapagpasalamat sa kanya bago ko sana ‘yon kainin lahat.

“Salamat pala,” kahit namumuwalan ang bibig ko, nagsalita ko. 

“Huwag kang magsalita when your mouth is full.” Tatawa-tawa siyang kumuha ng tissue at bahagya siyang lumapit sa akin para punasan ang gilid ng aking labi. “Palagi kitang pinaaalalahanan no’ng college tayo na hindi mo na kailangan mag-thank you sa akin, ‘di ba? Makita ko lang na sarap na sarap sa mga pagkain na dala ko, okay na ‘yon sa akin.” 

Mabilis kong nginuya ang nasa bibig ko at nilunok, and then I started talking while giggling. “Kung makapagsalita ka naman… akala mo naman talaga ikaw ang nagluluto ng mga foods na ibinibigay mo sa amin ni Kath noon. E, lahat nga galing fast food!” 

“Pero nag-effort ako. Ako pa rin ang bumili, tapos pera ko rin ang nagagastos,” nagmamayabang pang saad niya sa akin. At dahil nga naaaliw ako ni Morgan habang lunch time ko, at least ngayon ay nagagawa ko nang tumawa ulit—kahit na papaano. 

“Hindi ligtas ‘yang lungkot ng mga mata mo sa akin, Andrea. Since I arrived, kanina ko pa napapansin. May problema ka ba?” biglang untag niya, na buong akala ko pa naman ay hindi niya mapapansin na problemado niya akong nakita rito ngayon. “Huwag mo lang sasabihin sa akin na tungkol sa love life mo ang problema mo, ha? Alam mo na ang sagot d’yan.”

“Ano?”

“Mag-backread ka na lang sa conversation natin noong June 23, 2017. Lahat ng mga kailangan mong advice, nasabi ko na sa iyo roon.”

Inirapan ko lang siya nang bigla niya akong tawanan. Wala naman kasing nakakatawa sa sitwasyon ko.

“Nagtatampo ka na naman. Manunuyo na naman ako ng crush kong na-friendzone ako.” Hanggang ngayon ay tawa pa rin nang tawa si Morgan nang ilapit niya ang upuan niya sa tabi ko. Natigil tuloy ako sa pagkain nang akbayan niya ako sabay tapik sa balikat. “Syempre bilang isang lalaki na gustong-gusto ka noon, masakit para sa akin na malaman na ‘yong babaeng sobra kong pinahahalagahan noon hanggang ngayon, sasaktan lang ng asawa niya. Kasi para na ring isinasampal sa mukha ko no’n, Andrea, na… ako pa pala itong naging mali ang desisyon na ipaubaya ka sa asawa mo ngayon kung sasaktan ka lang din pala niya.” 

“Kasi, to tell you honestly… mahal na mahal kita noong araw na ‘yon… na hindi ko kayang masikmura na matulog gabi-gabi nang hindi nanghihinayang na pakawalan ka. Pero pinili kong bitiwan ka at ipaubaya kay Mike… kasi mahal n’yo ang isa’t isa, e. Sino ba naman ako para pigilan ka na maging masaya, ‘di ba? Syempre kung saan o kanino ka masaya, doon ako.” 

Lumayo ako sa pagkakadikit ng katawan ko sa kanya, at hinarap ko si Morgan… nang hindi namamalayan na naluluha na pala ako. “Mahal na mahal ko talaga ang asawa ko, Morgan. Kaya hindi ko rin masisikmura kung maghihiwalay lang kami-”

“So, may problema nga kayo ni Mike?”

Kulong na rin naman ako, tumango ako bilang sagot. 

“Hangga’t kaya n’yo namang i-solve ‘yan, malalagpasan n’yo ‘yan. Hangga’t hindi naman masyadong malaki ang problema, pag-usapan n’yo. Ayaw kong makita kang masaktan dahil sa relasyon mo kay Mike. Mas masakit ‘yon para sa akin, Andrea.” 

Wala akong nagawa kung hindi ang yumakap na lang sa kanya. At wala namang malisya since magkaibigan na lang kami ni Morgan. Hindi ko rin kasi kakayanin pa na sabihin sa kanya na pinaghihinalaan ko na may babae ang asawa ko. Kilala ko siya, magre-react siya once na malaman niyang baka mapunta sa wala ang pagpapaubaya sa akin sa lalaking hindi naman pala kayang panagutan lahat ng mga pangakong binitiwan niya sa akin noong ikinasal kaming dalawa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status