Share

Chapter 9

#Lies Every Where

“Hindi ko alam mga pinagsasasabi mo, Doc Bernard. Kasi sa pagkakaalam ko, kanina pang madaling-araw umalis ng bahay ang asawa ko para lumipad patungong Cebu. So, kung anuman ‘yang mga sinasabi mo sa akin… itikom mo na lang ang bibig mo kung may balak ka man na sirain ang pamilya ko,” mariing sambit ko kay Bernard.

Para naman hindi makahalata ang mga taong nagdaraan sa paligid namin, nakangiti kami ni Bernard sa isa’t isa at pilit na ipinapakita na lamang sa mga tao na nagkukumustahan lang kaming dalawa, ngunit ang katotohanan naman talaga ay may namumuo nang tensyon sa pagitan namin.

“I’m not forcing you to believe me, Doc Andrea. I’m just spitting facts here. ‘Yong mga nakita ng mga mata ko kanina bago ako dumiretsyo rito, ‘yon ang kahulugan ng mga sinasabi ko.” Ngumisi siya sa akin at tinaasan ako ng kilay; talaga ba namang inaasar talaga ako ng hipokrito. “Bahala ka na kung maniniwala ka sa akin o hindi.”

Nilagpasan ako ni Bernard at nag-effort pa talaga siya na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status