#Many Mistresses
“I hope you will change your mind soon, Andrea. Kasi alam mong hindi ako papayag sa paghahamon mo na makipag-divorce sa akin, I’m giving you enough time to think.” Malakas niyang ibinagsak ang baso sa lamesa, na ikinalundag ng katawan ko dala ng gulat. “At sa oras na buo na ang desisyon mo, tiyaka mo ako ulit kausapin tungkol sa bagay na ito. Kasi kung sigurado ka na talagang makikipaghiwalay ka sa akin, sunod nating paglabanan ang custody for Gian.”
Umakyat na sa second floor si Mike habang ako ay naiwan sa living room na nanginginig pa rin ang katawan. I don’t know if it’s because of the weather tonight, o baka dahil nahaluan na ng nerbyos ang emosyon ko… kasi sa katunayan, hindi ko rin inaasahang darating ako sa punto na muling hahamunin ng divorce ang asawa ko. I was, perhaps, so impulsive earlier.
“Abot sa kwarto ko ‘yong pagsisigawan n’yo kanina, ma…” Naupo sa tabi ko si Gian at yumakap sa baywang ko. “Clueless ako kung anong pinag-aawayan n’yo ni Papa, but hopefully maayos po kaagad.”
“Of course.” Nilunok ko lahat ng lungkot na nararamdaman ko, just to make sure when I faced my son, he won’t see his mother dealing with a huge relationship problem. “Anak, kung anuman ‘yong napakinggan mo kanina… just… don’t think about it. Don’t bother asking me why we’re fighting earlier. Normal naman sa mga magkakarelasyon na mayroon silang pinag-aawayan o hindi pinagkakasunduan. Parte ‘yon ng buhay, and… let’s say a struggle for us na kailangan naming malampasan din nang magkasama to enable our relationship, at the same time, be stronger.”
“Pero hindi naman kayo maghihiwalay ni Papa, ‘di ba?”
Naiwan lang ang sarili ko na nakangiti, ngunit hindi ako agad nakatugon. Paano ko naman kasi magagawang sagutin ‘yong tanong ni Gian, e maski ako hindi ko rin kayang i-assure kung hanggang kailan na lang ba ang kayang itagal ng bisa ng kasal namin ni Mike.
“Walang gano’n na mangyayari, okay? And even so, one thing I can assure to you… kami ng papa mo ay mananatiling nasa tabi mo. Ipinanganak ka na kapiling mo kami ng papa mo, and I can assure you na hanggang sa ikasal ka, kami ng papa mo… magkasama kaming a-attend sa kasal ng unico hijo namin.” Marahan kong isinandal ang ulo ni Gian sa balikat ko para kahit papaano sa oras na lumandas ang luha sa mga mata ko, hindi niya ‘yon nakikita. “Kung saan o kanino mo man napakikinggan ang mga ‘yan, ‘wag ka makinig, okay? Focus on yourself and on our family. All else is noise.”
If I really need to tell lies, I’ll do it. Hangga’t kaya kong mapagtakpan kay Gian ang mga problemang kinahaharap ko, gagawin ko. As much as possible, ayokong maging si Gian ay ma-absorb ‘yong bigat at stress na nangyayari sa pamilya niya… to the point that he can no longer focus on his studies.
Labas siya dapat sa away namin ng tatay niya.
—
“I know, Jazz…” I heaved a long sigh as soon as I arrived at the meeting place where I met Jazz, my new friend since this year. “Kaso ‘yong litrato kasi na ipinakita mo sa akin, magkaiba ‘yong mukha roon sa babaeng nakita kong humalik sa pisngi ni Mike no’ng araw din na nagpa-check-up sa akin ‘yong babae.”
Suddenly, our conversation paused dahil dumating ‘yong waiter para hingin ang order naming dalawa. Pancake at choco latte ang akin, and si Jazz ay sinabi na rin doon sa waiter ang kanya.
“What if hindi pala iisa ang kabit ng mister mo? Paano kung marami?”
Natawag ko lahat ng santo na kilala ko after Jazz telling her suspicions. Jusko, ‘wag naman sanang gano’n. ‘Yong iisang kabit, hindi ko nga kinakaya. Gagawin niya pang mas marami sa isa?
“You think kaya magkaiba ‘yong mukha ng nakita mo sa nakita ko, ibig sabihin dalawa sila?”
“Hindi nga malabong maging tatlo o apat.”
Bumulong na ako ng mura sa isip ko. Kasi iniisip ko pa lang na what if totoo itong mga suspetsya ni Jasmin tungkol sa asawa ko, parang gusto ko na lang sumuko o hayaang gumuho na ang mundo ko. Nawawalan na ako ng lakas na lumaban. Feeling ko wala na akong dahilan para hindi ituloy ‘yong pakikipag-divorce ko kay Mike if mapatunayan ko man na marami pala siyang kabit.
Fvck.
“All of those, of course, were all pure suspicions. Wala pa rin naman tayong hawak na matibay na ebidensya na magtuturong dalawa o tatlo ‘yang babaeng nilalaro ng asawa. What you can do now is to be an observant.”
Dumating na rin ‘yong order naming foods, at ‘yong choco latte agad ang kinuha ko para inumin. Although mainit, pero naging tubig na lang ‘yon para sa akin.
“This would be a different flavor I would dare to taste. Sana makalabas ako rito nang buhay, Jazz.”
Tinungga ko na lamang ‘yong kape sa kawalan habang nagpapalipas pa ako ng twenty minutes bago ako dumiretsyo sa ospital. Maaga kasi akong umalis sa bahay kanina kasi nga naisip kong abalahin si Jazz na kitain ako ngayong araw due to lot of questions my mind is trying to find answers since yesterday.
“Humihingi na ako agad ng tawad sa iyo kung nagsimula tayong maging close no’ng araw na nag-send ako sa iyo ng stolen pic ng asawa mo na may kasamang babae. I feel like… ang chismosa ng dating ko sa iyo,” Jasmin bit her lips as she spluttered.
“But I appreciate your effort in reaching me out and sending those pictures. Without your initiation, baka hanggang ngayon ay nananatiling tanga ako at nagbubulag-bulagan na niloloko na pala ako ng asawa ko, hindi ko pa rin alam.” I showed her how my smile becomes bitter.
Kagaya ng nabanggit ko kanina, new friend ko si Jazz. Nagkakilala kami sa internet, and ang pinaka naging dahilan talaga kung bakit kami naging close is because she’s the one that gave me reasons na magduda sa asawa ko. She also provided some proof, e. ‘Yong mga pictures. If not because of her efforts, malamang ngayon ay sarado pa rin ang utak sa katotohanan.
“Let’s just hope na… mali tayo.” Inabot ni Jazz ang kamay ko tiyaka niya ako nginitian. “Bakas sa mga mata mo na mahal na mahal mo ang asawa mo. So, I really hope our suspicions turn out to be wrong.”
—
Papasok na ako ng elevator nang may makabangga akong babae, tila nakikipag-unahan pa sa akin sa pagpasok doon. Nalaklag tuloy ‘yong jacket na itim na nakasampay kanina sa balikat niya. So, yumuko ako para kunin ‘yon at iabot sa babae-
“Thank you-” Nang makita niya ang mukha ko, ngumiti siya sa akin. “Ikaw pala ‘yan, Doc Andrea.”
Pinanood ko siyang pumasok sa loob ng elevator at ako na ang sumunod. Kaming dalawa lang naman ang tao; habang siya ay inaayos ang pagkakasampay ng jacket sa balikat niya.
“What a nice jacket.”
“Oo, doc. Bigay sa akin ng boyfriend ko.”
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko. Kasi ngayon… mukhang alam ko na ang totoong dahilan kung bakit nawawala sa drawer ni Mike ‘yong jacket na ibinigay ko sa kanya bilang regalo no’ng birthday niya.
“Have you already told him about your condition?”
“Uh… hindi pa rin, doc.”
Hinarap ko siya. “What are your plans, Miss?”
“Eloise.”
“So, Eloise… What are your plans? Forever mong itatago sa kanya ang tungkol sa baby n’yong dalawa?” I tried my very best to not sound like nanghihimasok ako sa buhay nilang dalawa. “Or if you’re planning something else, I hope hindi krimen ‘yang nasa utak mo.”
“That’s the reason why I’m preparing my passport.” Agad siyang umiwas sa akin ng tingin. “Kasi sa ibang bansa, hindi ilegal itong gagawin ko.”
#Fake ConcernNang makalabas kami sa elevator, agad kong hinila si Eloise papasok ng clinic ko. Though hindi naman talaga siya sa akin pupunta, but I really need to do this… to at least stop her for doing her plan recklessly. “Pag-isipan mo naman sana nang mabuti ‘yang gagawin mo. Tandaan mong nasa loob pa man ng sinapupunan mo ang bata, mayroon pa rin ‘yang buhay, Eloise. What you are attempting to do is killing the baby inside your womb. Gusto mo bang magkasala ka? Malaking kasalanan sa Diyos ang gagawin mo,” mariing sambit ko. Bumitiw si Eloise sa pagkakatitig sa akin at sa available na upuan sa harap ng table ko, naupo siya roon. Nangalumbaba at itinakip ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang mukha. “What else is left for me to do? Instead of aborting the baby?” “Maraming paraan-”“E, wala nga akong makitang paraan, Doc.” Humarap siya sa akin, tiningala niya ako dahil na rin ako ay nananatili pa ring nakatayo sa harap niya. “I don’t know. Wala nang mas convenient na paraan na
#Misleading Information“Sa birthday ko, ma… sana lumabas ulit tayo,” sambit ni Gian nang bigla siyang tumigil sa pagkain. “Tapos sana ‘pag dumating na ‘yong araw na ‘yon, kasama na natin si Papa na kakain sa labas.”Bumagal bigla ang pagnguya ko sa pagkain at dahan-dahan na nilunok. Hindi talaga maiiwasan kay Gian na hanapin niya palagi ang papa niya sa tuwing hindi naman ito nakakasama. Paano ba naman kasi ay nasanay ‘yong bata na both of his parents ay kasama niya gumala, kasama niya kami sa mahahalagang okasyon na magaganap sa buhay niya kagaya ng birthday ni Gian, graduation niya no’ng elem siya, recognition days, etc. Kaya naiintindihan ko kung naninibago man ang anak ko ngayon. Dumadalas na rin kasi ang pagpapalusot ni Mike na marami lang daw siyang inaasikaso ngayon sa school kaya hindi siya nakasama sa amin ni Gian na kumain. Samantalang noon naman ay kaya niyang ipagpabukas ang mga paperworks na nakatambak sa kanya basta’t makasama niya lang kami. “Imbes na mag-party, gust
#Too Many LiesHanggang sa makarating ako sa clinic ko kinaumagahan ay nag-o-overthink pa rin ako. Nakuha ko naman na kay Mike ‘yong sagot na gusto kong masagot sa paulit-ulit kong tanong sa kanya. Ngayon na nalaman ko na hindi naman pala romantically connected si Mike kay Eloise, dapat nga ay nakakahinga na ako nang maluwag kasi alam kong magiging out na ang asawa ko sa mga choices kung sino ang ama ng baby na dinadala ni Eloise.But here I am… nag-o-overthink pa rin ako. Hindi ako convinced, e. May part pa rin sa akin na hindi sapat ang mga nalaman ko para bumigay na lang kaagad at basta na lang maniwala sa mga sinabi ni Mike sa akin kagabi. Dahil una sa lahat… nabanggit ni Eloise sa akin na pamilyado raw ang ama ng baby na dinadala niya. Pero si Carlo… wala pang asawa ‘yon, e. Hindi pa ‘yon kasal.“Doc, narinig mo po ba ‘yong sinabi ko?”Nabalik ako sa ulirat nang may magsalitang muli sa harap ko. Nabasag ang kaninang matibay kong pag-o-overthink nang may mag-ina palang nasa harap
#Lies Every Where“Hindi ko alam mga pinagsasasabi mo, Doc Bernard. Kasi sa pagkakaalam ko, kanina pang madaling-araw umalis ng bahay ang asawa ko para lumipad patungong Cebu. So, kung anuman ‘yang mga sinasabi mo sa akin… itikom mo na lang ang bibig mo kung may balak ka man na sirain ang pamilya ko,” mariing sambit ko kay Bernard. Para naman hindi makahalata ang mga taong nagdaraan sa paligid namin, nakangiti kami ni Bernard sa isa’t isa at pilit na ipinapakita na lamang sa mga tao na nagkukumustahan lang kaming dalawa, ngunit ang katotohanan naman talaga ay may namumuo nang tensyon sa pagitan namin. “I’m not forcing you to believe me, Doc Andrea. I’m just spitting facts here. ‘Yong mga nakita ng mga mata ko kanina bago ako dumiretsyo rito, ‘yon ang kahulugan ng mga sinasabi ko.” Ngumisi siya sa akin at tinaasan ako ng kilay; talaga ba namang inaasar talaga ako ng hipokrito. “Bahala ka na kung maniniwala ka sa akin o hindi.”Nilagpasan ako ni Bernard at nag-effort pa talaga siya na
#Baptismal Ceremony“Ano bang sinasabi no’n kanina ni Doc Bernard? What is he talking about your husband-”“Hindi mo na lang sana pinagpapapansin ang sinasabi ng hibang na ‘yon. ‘Wag mo na lang siya pakinggan, Morgan.”Matapos kong piliin na hindi na lang pansinin pa ang mga sinasabi ni Bernard at lampasan na lang siya sa tangkang pambubwisit na naman sa akin, hanggang sa makarating sa room ng lola niya si Morgan ay sinamahan ko siya. Gusto kong iiwas na muna sa gulo ang sarili ko kasi once na malaman ni Morgan na nambababae ang asawa ko, alam kong hindi siya magdadalawang-isip na gumawa ng eskandalo sa lobby.“Pumasok ka na sa loob. Malamang hinihintay ka na ng lola mo,” ngiti kong sambit kay Morgan. “Hindi mo na kailangan pang mag-overthink sa narinig mo kay Bernard kanina. Hindi naman totoo ‘yon.”Batid ko kasi sa mga binibitiwan na tingin sa akin ni Morgan ay may bahid ito ng pag-aalala, kaya naman para mabawasan na ang pag-aalala niya para sa akin… kinailangan kong magsinungaling
#The Heart-breaking TruthHindi na ako nag-hesitate pa na umalis kaagad ng ospital. I have the need to go there para mapatunayan ko na rin sa asawa kong sa aming dalawa… siya ang sinungaling at gumagawa ng sarili niyang kwento. Dahil sa umpisa pa lang talaga, kutob ko ang tumatama hindi ang mga walang-kwenta niyang palusot.“Basta pakisabi na lang na babalik ako kaagad. Kung magtanong man si Bernard tungkol sa akin, sabihin mong hindi ako tumatakas sa duty ko. Makakabalik ako riyan on-time.” [E, saan ka ba kasi pupunta? Para ka namang nagmamadali. Concert ba ‘yan ng BTS-]“Masyado ka nang nagiging madaldal, Kath. Mamaya na lang kasi nagda-drive ako,” ang sabi ko bago ko tinapos na ang tawag. Ang point kung bakit ako tumawag kay Kath para ibaba sa kanya ang mga bilin ko in case man may mga pasyente na maghanap sa akin sa clinic o hanapin na naman ako ni Bernard. Wala naman talaga akong balak na lumusot at hindi tumuloy sa Operation room mamaya. Bukod sa duty ko ‘yon na kailangan kong
#Biggest Decision to MakeKung masamang tao siguro ako, hindi na ako nagdalawang-isip pa na ilahad ang buong katotohanan. Kaso alam kong mapapahiya silang mag-ina roon dahil marami pa naman silang mayayaman na bisita. Hindi ako nagsalita dahil alam kong sa oras na ginawa ko ‘yon, baka mas lalo lang maging determinado si Eloise na ipalaglag ang baby niya. So… after kong malaman ang lahat, para makalusot ako sa paanyaya ni Doc Miriam na sumabay muna ako na kumain sa kanila… sinabi ko na lang na kailangan ko nang bumalik sa ospital para sa duty ko—which is, to be honest, mamayang hapon pa naman talaga ‘yon. “Nalaman mo na ba ang totoo?” Nang makalabas ako sa eskinitang daanan patungo sa kalsada, nakaabang sa akin si Jazz. “Siguro ngayon ay gising ka na mula sa panloloko sa iyo ng asawa mo, ‘di ba?”“Matagal ko nang alam… at matagal na rin akong kinukutuban na may iba nga siyang babae. Pero mas pinili kong magbulag-bulagan.” Nilagpasan ko si Jazz at tumawid ng kalsada. Nasa kabilang si
#Haphazard DutyWala akong choice kung hindi ang sabihan na lang si Attorney na mag-usap na lang kami bukas. Since nagmamadali na rin ako at kanina pa ako pine-page na magtungo na sa Operation room, wala akong oras na dapat sayangin. Pero aminado akong… sa balitang nalaman ko sa family attorney namin, sobrang laki ng epekto sa akin ng balita. That made me lose my focus. “Do you still hear us, Doc Andrea?” untag sa akin ng isa sa mga surgeon. “Aware ka ba na nagsisimula na ang operasyon ngayon?”“Y-Yeah,” nauutal kong tugon. “I’m sorry…” Kahit lutang na lutang ako at hindi ko maiwasang lumihis sa isip ko ang tungkol sa bahay naming nakasangla sa bangko, aminado akong nahihirapan talaga ako mag-focus. Pero kung hindi ko aayusin ang trabaho ko, buhay ng isang inosenteng tao ang p’wedeng malagay sa peligro. “Please be careful of separating the chest from the bone…” I reminded the surgeons inside this room as they began the procedure of open-heart surgery. Gamit ang ilang mga tools na