Share

Chapter 8

#Too Many Lies

Hanggang sa makarating ako sa clinic ko kinaumagahan ay nag-o-overthink pa rin ako. Nakuha ko naman na kay Mike ‘yong sagot na gusto kong masagot sa paulit-ulit kong tanong sa kanya. Ngayon na nalaman ko na hindi naman pala romantically connected si Mike kay Eloise, dapat nga ay nakakahinga na ako nang maluwag kasi alam kong magiging out na ang asawa ko sa mga choices kung sino ang ama ng baby na dinadala ni Eloise.

But here I am… nag-o-overthink pa rin ako. Hindi ako convinced, e. May part pa rin sa akin na hindi sapat ang mga nalaman ko para bumigay na lang kaagad at basta na lang maniwala sa mga sinabi ni Mike sa akin kagabi. Dahil una sa lahat… nabanggit ni Eloise sa akin na pamilyado raw ang ama ng baby na dinadala niya.

Pero si Carlo… wala pang asawa ‘yon, e. Hindi pa ‘yon kasal.

“Doc, narinig mo po ba ‘yong sinabi ko?”

Nabalik ako sa ulirat nang may magsalitang muli sa harap ko. Nabasag ang kaninang matibay kong pag-o-overthink nang may mag-ina palang nasa harap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status