Share

CHAPTER 14- THE RESTAURANT IN GENERAL LUNA TOWN

First love? Eh halos magkamukha naman sila. Kumunot pa ang noo ko at pinagmasdang maigi ang mukha noong batang babae. Nasa gitna ako ng pag-e-eksamin ng larawan nang bigla niya iyong ilayo sa akin at agad na inilagay sa kaniyang bulsa. Ngumuso ako at sinimangutan siya. Ang damot. Parang tinitingnan lang eh.

“Normal naman iyang ganyan. Usually, brothers’ first loves are their little sister.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

“What?” he asked. He looked so annoyed. Eh mas dapat nga, ako ang naiinis sa kaniyang ngayon.

“Ang sabi ko, cute mo,” sabi ko nalang saka ibinaling sa dingding ng elevator ang atensiyon ko. Kung puwede nga lang makipag-usap sa elevator wall, ginawa ko na.

Nang makababa kami roon. Naglakad pa kaming dalawa sa isang hallway at may inakyatan pang hagdan.

Sumunod nalang ako sa kaniya. Hindi na ako nagsalita pa. Mahirap na, baka ilaglag ako ng lalaking ito mula rito sa taas. Mukhang nakakatakot siyang mapikon eh. Pagkarating namin sa helipad ng hotel, hindi ko maiwasan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status