“Ma’am Gab, okay na po ba yung documents na pina-check ng finance department?”“Ah, oo, Shantal, pakihanap nalang diyan sa lamesa. Huwag mong kalimutang i-photocopy para may kopya tayo rito sa opisina,” paalala ko sa sekretarya ko na si Shantal.Dati siyang naging assistant ng sekretarya ni Papa na si Karen. Sabi ni Karen ay masipag si Shantal. Minsan may mga bagay na hindi pa ito alam pero fast learner naman daw ito. At iyon nga ang nakita ko sa halos dalawang buwan na pananatili ko sa opisina para magtrabaho.Tulad ng pangako ko kay Papa, sa pagkakataong ito ay aayusin ko na ang buhay ko. Dahil nabanggit din niya na alam mas maraming nagkakaroon ng interes sa akin. Napansin din ng mga ito ang isang linggo at mahigit kong pagkawala noon. Sa kasalukuyan, lahat ng trabaho na dapat ay si Papa ang gagawa, ako na ang sumasalo para hindi na siya mahirapan. Minsan tuloy, imbes na dumiretso si Karen sa kaniya, ay sa akin na ito lumalapit para tanungin ang schedule ko sa araw-araw.Isang mara
Pagdating ko sa unit ko ay agad akong naghugas ng katawan. Gusto ko sanang maligo pero laging sinasabi ni Kuya na kapag pagod ako, mas mabuti kung maghugas nalang ako ng katawan.Nilinis ko ang mga nakakalat na libro sa living room, iyon ang mga librong ginamit ko kagabi pero nakalimutan kong ibalik sa lagayan dahil tinanghali ako nang gising kaninang umaga. Lately, naging hobby ko na ang pagbabasa. May mga pagkakataon din na nagpipinta ako kaso, hindi ko na iyon natatapos katulad ng dati. Lahat ng mga ginagawa ko ay nakahilera sa work in progress na project.Pagkatapos kong mag-asikaso ng mga kalat, nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Kumuha na rin ako ng ilang lata ng alak at dinala iyon sa living room. Fried chicken kasi ang inorder ko. Dalawang bucket para tig-isa kami ni Anton.Malakas ang pakiramdam ko na sobrang down siya ngayon. Malaki ang naitutulong ng pagkain sa paggaan ng mood ng isang tao kaya naman ito ang naisip kong paraan para pagaanin ang loob niya.I
Dahil malaki ang pasasalamat sa akin ni Anton, habang nasa biyahe kami ay tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain. Mabuti na rin at naisip niya iyon dahil sa totoo lang ay wala pa talagang laman ang sikmura ko. Kape lang ang ininom ko kanina bago ako umalis ng condo.“Saang lugar mo gusto kumain?”“Kahit saan, basta nakakabusog. Lilibre mo ba ako?” nakangiti kong tanong sa kaniya.Agad naman siyang tumango kaya agad ko siyang hinampas sa balikat.“Aray! Bakit?” gulat na tanong niya.“Ano ka ba? Joke lang ‘no! Ako nalang manlilibre sa’yo.”Umiling naman siya agad.“Huwag na, Gab. Gagastos ka pa. Ikaw na nga ang gumastos kagabi eh. Tapos ikaw pa ulit ngayon.”Sinimangutan ko siya.“Hindi ba kasasabi mo lang sa akin kagabi na problemado ka sa pinansyal? Ako na ang manlilibre. Huwag kang mag-aalala, hindi naman kita dadal’hin sa mamahaling restaurant.”Pagbaba namin ng taxi ay agad kong itinuro sa kaniya kung saan kami kakain. Kumunot naman ang kaniyang noo nang mapansin niya kung n
The very first word that came into my mind was the word “wow”. As in wow! How could he say those words to me as if it wasn’t big deal?“You need me?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.“As in me?” Talagang itinuro ko pa ang aking sarili para lang masigurado kong ako talaga ang tinutukoy niya. Baka kasi nagkakamali siya.“Yes, you,” seryosong sagot naman niya.Mas lalong tumaas ang kilay ko kay Jacob.“Ano tayo, tropa? Kapag may kailangan ka, pupunta ka nalang sa akin na para bang walang nangyari sa pagitan nating dalawa. Hello? Baka nakakalimutan mo, ex mo ako. At iniwan mo ako. Ipinapaalala ko lang sa’yo just in case nakalimutan mo.”Nginitian ko siya nang ubod nang tamis.“You don’t understand, Gab. Kung puwede ko lang sanang sabihin sa’yo ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon, sigurado akong maiintindihan mo.”“Oh, hindi ko na kasalanan iyon. Isa pa, ilang buwan na rin ang lumilipas. Five months? Feeling ko naman okay na ako. Sana ikaw, maging okay ka na rin.”Bumuntong-hi
Kinabukasan ay maaga kaming nakarating ni Kuya Aaron sa diner na napili nina Tito Regan para sa meet-up ng aming pamilya. Si Papa nga sana ang mamimili ng lugar dahil alam naman niya ang mga gustong pagkain ni Lolo, pero mapilit si Tito Regan na doon nalang kami sa napili niya, dahil ayon sa kaniya, iyon ang paboritong kainan ni Lolo kapag pumupunta sila ng Metro Manila.“Kuya, sa tingin mo ba, ito talaga ang paboritong kainan ni Lolo?” tanong ko kay Kuya Aaron pagkababa namin ng sasakyan niya.Mataman niyang pinagmasdan ang pangalan ng diner na iyon at nag-isip.“Maybe? I don’t know. Wala naman akong gaanong alam kay Lolo dahil hindi naman ako lumaking malapit sa kaniya. You know the story, right? Lumaki ako kina Lolo Arthur kaya mas kilala ko sila kaysa kay Lolo Raoul.”Napanguso naman ako.“Ganoon ba? Sayang naman. Siguro kung hindi ako nawala, alam na alam ko na kung anong mga paborito ni Lolo Raoul.”Naningkit ang mga mata ni Kuya Aaron sa akin.“Bakit? May ginawa ba akong masama
Nakangiting tumango-tango si Lolo sa akin.“Okay. That’s settled then. Starting next month, you’ll be heading the Centre Point. I’ll be checking your progress from time to time, Gabriella.”Nahampas ni Tito Regan ang kaniyang kamay sa lamesa. Dahil sa ginawa niya, lahat kami ay napabaling nang tingin sa gawi niya. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Lolo Raoul. Minsan naman ay dumadaan kay Papa at kay Kuya Aaron na mukhang wala pa ring pakialam sa pinag-uusapan. Samantalang si Miss Sabrina naman ay gulat na gulat sa nangyari. Nakaalalay naman si Papa sa kaniya. Mukhang hindi rin inasahan ni Papa na ganoon ang magiging reaksiyon ng kaniyang kapatid sa nangyari.On the other hand, Lara seemed to be ashamed of her father’s reaction. Nanatili siyang nakayuko at inaabot ang kamay ng kaniyang ama na kasalukuyang nakakuyom sa ibabaw ng lamesa.“What’s wrong with you, Regan?” pagalit na tanong ni Lolo sa kaniya.Tumuwid sa pagkakaupo si Tito Regan at tumikhim.“You can’t do this to
Lumawak ang ngisi ko nang marinig ko ang sinabi ni Anton. Who would’ve thought that Anton has the capability of friend zoning someone? Si Karina pa talaga huh? Samantalang noong nag-aaral palang kami ay si Karina ang hinahabol ng mga kalalakihan sa eskuwelahan dahil nga maganda siya at matalino. Ekis lang talaga sa ugali dahil bukod sa paasa siya sa mga lalaki, masama rin ang ugali niya dahil mahilig siyang mam-bully ng kaniyang mga kaklase. At siyempre, isa na ako roon sa mga na-bully niya noon.“Naks, ikaw ang nang-friend zone? Talaga? Eh dati iyan ang hinahabol ng mga lalaki sa UST eh.”Napasimangot naman si Anton dahil sa pang-aasar ko sa kaniya.“Pumunta ako rito para magpatulong, Gab, hindi para asarin mo. Malalagot ako nito kapag hindi ko ito naayos bukas. Kung bakit ba naman kasi ganito ang ginawa niyang floor plan, tsk!”“Dapat kasi, pinagawa mo muna sa kaniya ang floorplan bago mo binasted. Ewan ko ba naman kasi sa’yo. Buti pa ako, ang ganda ng araw ko ngayon.”Kumunot ang n
I was caught off-guard of what he did. Hindi ko man lang naisip na posible niya iyong gawin sa akin. Maraming buwan na ang lumipas at sa mga lumipas na buwan na iyon ay walang humalik sa akin. I never thought that we’ll kiss again ever. Kaya medyo bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Madali akong madala lalo na kapag ganito. Aminado naman akong namimiss ko siya. Ang amoy niya, ang malambot na labi niya, at mabango niyang hininga. Ah, lahat ng ito ay pinangarap kong muling madama.Kaya hindi ko alam kung dapat ba ay hayaan ko lang siya sa ginagawa niya o pigilan ko siya dahil unang-una, wala naman kaming relasyon dalawa kaya bakit niya ako hinahalikan? Pangalawa, ex ko siya, sa tingin ko ay hindi tama iyon. Ang ikatlong rason ang bahagyang nagpakirot ng puso ko, iyon ay dahil sa pagkakaalam ko ay may dini-date siyang babae.Bago pa man ako tuluyang madala sa init ng nararamdaman ko, humawak ako sa kaniyang balikat at saka tinulak siya palayo.“Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya.Humihingal