Share

  CHAPTER 82: TALK BACK  

Yumuko na ako nang makapasok lahat ng mga ito sa restaurant. Medyo malayo naman ang napili nilang puwesto sa amin kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Anton nang mapansin niyang hindi pa ako kumukuha ng pagkain.

Kung magpapakatotoo ako, sasabihin kong hindi ako okay dahil hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Jacob kanina sa cabin. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano siya nakapasok sa silid kung saan ako naliligo. Paano niya nalaman na doon ang silid na pinuntahan ko? Higit sa lahat, paano niya nalaman ang nangyari sa amin ni Anton— ang ibig kong sabihin ay ang hindi sinasadyang halikan namin kanina sa dagat? Sinusubaybayan ba niya ang bawat kilos ko?

“Oo naman, okay lang ako.”

“Eh bakit ganiyan ang hitsura mo? Parang ang lalim ng iniisip mo.”

Tipid akong ngumiti kay Anton. He noticed that? Akala ko ay walang makakapansin sa pagbabago ng pakiramdam ko. But even though he’s my friend and I want to tell him things that happened
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status