Map

Share

Kabanata 28

Author: Divina Gracia
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-19 22:41:17

Buong buhay niya, pakiramdam niya’y sampid lamang siya sa pamilyang ito. Simula nang mamatay ang kaniyang ama, si Lorna na lamang ang natira niyang pamilya. Ngunit nang makapag-asawa itong muli, unti-unting lumayo ang loob nila sa isa’t isa.

Lalo pa noong naramdaman niyang mas priority ni Lorna ang bago nitong pamilya, tuluyang nagkaroon ng pader sa pagitan nila ng kaniyang ina.

Dahil pangalawang asawa lamang ito, ramdam niya noon ang kagustuhan ng kaniyang ina na matanggap ng buo ng anak ni
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Substitute Bride of Ruthless Tycoon   Kabanata 30

    Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mapagpaumanhing mga mata ni Lorna. Dumaan ang pagsisisi roon, ngunit sandali lamang iyon bago napalitan ng takot at awa.Wala siyang ibang maramdaman kung hindi poot kaya malamig niyang tiningnan ang babae.Hindi pa rin pala talaga ito nagbabago. Saka lamang siya nagiging importante kapag kailangan siya nito. Saka lamang ito hihingi ng paumanhin kapag kailangan nitong magpakumbaba dahil hindi siya maaaring mawala. Saka lamang siya tatawaging anak kapag kailangan na pukawin ang kaniyang damdamin.“I’m sorry. I’m just desperate, anak… hindi ko na alam ang gagawin kung aatras ka pa sa kasal.”Namula ang mga mata nito at nakita niya ang mabilis na pagtipon ng mga luha. Bumagsak ang isang malaking butil ng luha sa kaliwa nitong mata.Ngayon, ito pa ang naunang umiyak sa kanilang dalawa.“We couldn't find Wenona. Walang ibang malalapitan si Christian para tulungan kami. Our best shots are the Elizondo. Ang kasal ang tanging magbibigay sa amin ng ka

  • Substitute Bride of Ruthless Tycoon   Kabanata 29

    “I don’t understand… sinadya niyo ba na gamitin ang dokumento ni Wenona? Sinadya niyong paniwalain sila na ako si Wenona?”Unti-unting binitawan ni Lorna ang kaniyang siko at bigong napailing. May kaunting awa sa tingin nito, ngunit mas lamang ang pagkabigo.“Hindi ka nila matatanggap, Rory… si Wenona ang anak ni Christian. Siya lamang ang gusto ng mga Elizondo. Magiging mabait sila sa’yo kung ikaw si Wenona, kung isa kang Rodrigo, kung… hindi ka anak sa labas.”Hindi niya alam kung ano ang nagpabigat sa kaniyang dibdib, kung ang katotohanan na nililinlang nila ang pamilyang Elizondo, kung ang kumpirmasyon na kaya lamang sa kaniya mabait ang pamilya ni Aeros ay dahil iniisip ng mga ito na siya si Wenona, o ang salitang binanggit ni Lorna… na isa siyang anak sa labas.Hindi siya isang bastardo. Kasal ang kaniyang Mommy sa kaniyang Daddy, kasal ang dalawa noong pinagbubuntis siya, produkto siya ng pagmamahalan at legal na pagsasama ng dalawa! Bakit… itinuturing siya ngayong anak sa lab

  • Substitute Bride of Ruthless Tycoon   Kabanata 28

    Buong buhay niya, pakiramdam niya’y sampid lamang siya sa pamilyang ito. Simula nang mamatay ang kaniyang ama, si Lorna na lamang ang natira niyang pamilya. Ngunit nang makapag-asawa itong muli, unti-unting lumayo ang loob nila sa isa’t isa. Lalo pa noong naramdaman niyang mas priority ni Lorna ang bago nitong pamilya, tuluyang nagkaroon ng pader sa pagitan nila ng kaniyang ina. Dahil pangalawang asawa lamang ito, ramdam niya noon ang kagustuhan ng kaniyang ina na matanggap ng buo ng anak ni Christian Rodrigo— si Wenona. Noong una'y ayaw ni Wenona na makapag-asawa ng bago si Christian. Tutol ang babae sa pagpapakasal ni Christian kay Lorna. Ngunit wala rin naman nagawa si Wenona. Maliban sa mga tantrums nito noong bata pa, ay hindi rin naman napigilan ang pagsasama ng dalawang matatanda.Naging pokus si Lorna sa pag-aalaga kay Wenona upang makuha ang loob nito. Ngunit kapalit no’n, unti-unti naman siya nitong napabayaan. Mas naging anak pa nga ang turing nito kay Wenona, kumpara sa

  • Substitute Bride of Ruthless Tycoon   Kabanata 27

    “Nasa loob si Ma’am Lorna,” iyon ang sagot ng bagong katulong ng magdoorbell siya. “Sino po ba kayo?” Tanong nito saka sinulyapan ang porsche na nasa gate. Napalingon din tuloy siya, ngunit hindi niya nakita si Aeros dahil nakataas pa rin ang itim na bintana sa may driver's seat. Heavily tinted iyon kaya hindi niya makikita sa loob ang lalaki. Hindi niya alam kung narinig ba nito ang sinabi ng katulong, pero kinabahan siya ng husto. “Pakisabi pong anak niya… si Rory.” Mahina niyang tugon, sapat para ang katulong lang ang makarinig. Kumunot ang noo ng kasambahay saka siya hinagod ng tingin. Dahil bago lang ito, hindi ito sa kaniya pamilyar. Hindi sila nito pinapasok, ayaw na buksan ang gate lalo’t wala raw bilin ang kaniyang amo na may darating na bisita. “Dito muna kayo.” Ismid nito saka muling isinara ang maliit na gate. Ibinaba na nang tuluyan ni Aeros ang bintana. Napalingon siya rito at nakita itong nakakunot ang noo. “Is there a problem?” Nagtataka nitong tanong. Maraha

  • Substitute Bride of Ruthless Tycoon   Kabanata 26

    Nasa loob na siya ng malaking banyo nang maisip kung seryoso ba talaga si Aeros sa pagsama nito sa kaniya papunta sa bahay ng magulang niya. Kailangan niyang makausap ang kaniyang Mommy kaya siya pupunta, idadahilan niya lamang ang pagkuha ng ilang damit, pero dahil sasama si Aeros hindi na niya alam kung ano ang mangyayari. May kaba sa kaniyang dibdib, paano kung bigla na lamang siyang mabuko nito na nagpapanggap lamang siya bilang si Wenona? Umagang-umaga pa lang ay kabado na siya. Kaya ayaw niyang nagsisinungaling dahil malakas ang kaniyang konsensya. Hirap siyang patahimikan ito. Ternong checkered skirt at itim na tank top ang isinuot niya. Alam niya kung gaano kainit ngayon sa Manila, mamaya sa pag-akyat ng araw ay magiging mainit na ang panahon kaya mas mabuting ganito na ang kaniyang isuot para manatili siyang presko at hindi gaanong naiinitan. Nasa harap siya ng vanity mirror at naglalagay ng kaunting makeup nang pumasok si Aeros. Sinulyapan lang siya nito ng tingin saka

  • Substitute Bride of Ruthless Tycoon   Kabanata 25

    Nagising si Rory na bakante pa rin ang higaan sa kaniyang tabi. Maayos pa rin iyon ay wala gaanong gusot kaya hindi niya malaman kung natulog ba sa kaniyang tabi si Aeros kagabi. Dala ng paghihintay at pagod, ni hindi na niya namalayan na tumabi ito sa kaniya. Sinulyapan niya ang digital alarm clock at napansin na ala singko bente sais na ng umaga. Sa isip niya, mukhang maaga ngang nagigising si Aeros dahil ala singko pa lang ay nakabangon na ito sa higaan. Mabagal siyang bumangon at nag-inat. Nagawa niya pang kapain ang sarili na para bang may mawawala sa kaniya sa kaniyang paggising. Ngunit buo siya at walang ibang nararamdaman. Pagkatapos maghilamos at magsipilyo ay lumabas na rin siya ng kuwarto. Sa hagdan siya dadaan dahil mas malapit iyon papunta sa kusina kumpara kung sasakay pa siya ng lift. Gawa sa kahoy ang hagdan, ngunit ang barandilya nito ay gawa sa salamin. Pakurba ang hugis nito, kaya kapag nasa gitna ng ng hagdanan ay matatanaw na agad ang malayong sala. Sa kaniy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status