Partager

Kabanata 5

Auteur: Divina Gracia
last update Date de publication: 2026-06-05 06:30:28

Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan.

Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauze. Inilibot niya ang tingin at nakitang walang ibang tao sa loob ng silid kung hindi siya lang.

Noong una’y hindi niya pa alam kung nasaan siya, ngunit nang maalala ang huling pangyayari bago siya tuluyang mawalan ng malay ay saka niya napagtanto na posibleng nasa ospital siya at nakaconfine.

Sinubukan niyang ibaba ang mga paa sa gilid ng higaan, ngunit bago pa tuluyang makatapak sa tiled floor ay narinig na niyang bumukas ang p***o. Wala sa sarili siyang napalingon at nang makita ang pamilyar na doktor ay napaawang ang bibig.

Dr. Tuscano.

“Where are you going?” Nagtaas ng kilay ang lalaking doktor nang makita siya sa gilid ng higaan.

Ibinuka niya ang bibig, ngunit wala pa ring boses na lumalabas kaya sumenyas na lamang siya.

“Comfort room, Doc.”

Mabagal niyang hinaplos ang tiyan.

Agad na naunawaan ni Dr. Tuscano na nasusuka siya kaya mabilis itong lumapit at tinulungan siyang makababa.

Napansin niyang may ilang sugat din pala siya sa kaniyang mga paa. Maliliit lang, malinis na ngayon pero halatang mga bago.

Nang madala siya ni Dr. Tuscano sa p***o ng banyo, umatras ito at sinundan na lamang siya ng tingin hanggang sa makapasok. Hindi niya tuluyang isinara ang p***o, humilig siya sa lababo at agad nang nagsuka.

Ilang minuto siyang nakakapit sa gilid ng lababo, kumukuha ng lakas habang inuubos ang laman ng kaniyang tiyan. Purong asido lamang iyon kaya sigurado siyang ilang oras na siyang walang-malay at natutulog sa hospital bed.

Nang matapos siyang magsuka, nilinis niya agad ang kaniyang mukha, at nagmumog para maalis ang pait sa kaniyang bibig.

Mabagal siyang naglakad palapit sa p***o, lalo pa’t nanlalabo na naman ang kaniyang paningin dahil sa pagkahilo. Nang makalabas siya ng banyo, agad na umalalay si Dr. Tuscano at halos buhatin na siya pabalik sa higaan.

Nakakahiya. Isip niya.

Pero matagal na rin silang magkakilala ni Dr. Tuscano dahil anim na buwan na niya itong doktor. Ito ang in-charge sa hearing rehabilitation treatment niya.

Twenty-six years old siya, samantalang thirty-three naman si Dr. Tuscano. Kahit na medyo malaki ang agwat ng kanilang edad, hindi pa rin halata sa mukha ng binatang doktor na lagpas trenta na ito. Kaya para lamang silang magkasing-edad, minsan pa nga’y nakakalimutan niyang doktor niya ito.

Nang makaupo sa kama, sinubukan niyang buksan ang bibig para magsalita, ngunit kagaya ng mga unang subok, garalgal na hininga lamang ang kumawala sa kaniyang lalamunan.

“Huwag ka na munang magsalita. Maayos ang vocal cords mo, sadyang mayroon ka lang acute laryngitis dala ng mataas na lagnat simula noong Lunes. Babalik din ang boses mo sa susunod na mga araw.”

Nag-angat siya ng tingin kay Dr. Tuscano at maliit na ngumiti.

Mabagal siyang sumenyas, “Salamat, Doc. Dahil sa’yo, bumalik na rin sa wakas ang pandinig ko.”

Hindi pa ganoon ka-fluent si Dr. Tuscano sa sign language, ngunit nakuha nito ang gusto niyang sabihin.

Minsan nga’y nagtataka siya, nasa hearing rehabilitation center ang lalaking doktor pero halatang hindi naman ito magaling sa sign language. Para bang unang beses lang ni Dr. Tuscano na tumanggap ng ganitong case dahil sa ibang bagay talaga ito magaling.

Ganoon pa man, nagpapasalamat siya sa husay nito at mahabang pasensya, dahil sa tulong nito bumalik na ulit ang kaniyang pandinig.

Ngumiti ang binatang doktor at sa mababang boses ay nagsalita. “I’m glad your hearing is back. Mukhang tapos na ang misyon ko rito, hahayaan na niya akong makabalik ng Manila.”

Malinaw na ang kaniyang pandinig kaya hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang narinig.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo.

Ano’ng ibigsabihin ni Dr. Tunasco? May humiling ba rito na pokusan ang kaniyang pagpapagaling kaya hindi makabalik-balik sa Manila?

Sino naman? Si Dale?

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang maalalang hindi nag-uusap ang dalawa tuwing may session siya. Malamig din madalas ang tingin ni Dr. Tunasco kay Dale sa tuwing magkakasama silang tatlo.

Kaya para isipin na si Dale ang pumipigil kay Dr. Tunasco na bumalik ng Manila ay parang imposible.

Kung ganoon, sino?

Ngunit kahit na gaano siya kakuryuso, hindi niya na naitanong sa doktor dahil pagkatapos siya nitong bigyan ng reseta ay umalis din agad ang lalaki.

Nang siya na lamang mag-isa, muli na namang binalot ng lungkot at sakit ang kaniyang puso— hindi na lamang ang kaniyang katawan.

Naalala niya kung paanong binuhat ni Dale si Samantha galing sa sahig at halos itakbo ang babae palabas ng private room ng club para madala sa ospital, samantalang hindi naman kritikal ang kondisyon nito. Siya na may sugat sa ulo at dinudugo ng marami ay nilingon lamang at ipinagkatiwala sa ibang tao.

Nilingon niya ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng maliit lamesa. Inabot niya iyon at mabagal na nagtipa.

To Dale:

Let’s break up.

Nang makitang naipadala na ang mensahe, binura niya ang buong conversation nila at maging ang numero ng lalaki, saka niya ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

Napatulala siya. Hindi ito bugso ng damdamin. Hindi ito dala ng tampo o pagkadismaya. Sadyang naging malinaw lamang sa kaniya kung ano ang kaniyang halaga kay Dale.

Kung noon, iniisip niyang pinagtatanggol siya ni Dale sa lahat ng mga taong nangungutya at nanghahamak sa kaniya dahil sa pagkawala ng kaniyang pandinig, ngayon malinaw na sa kaniya na may iilan palang tao na kahit harap-harapan na siyang nililibak at pinagtatawanan ay palalagpasin lang ni Dale… dahil hindi naman niya naririnig.

Nanikip ang kaniyang dibdib.

Dalawang beses nang nalagay sa tiyak na kapahakaman ang kaniyang buhay dahil kay Samantha. Sapat na iyon para maunawaan niyang hinding-hindi ipagpapalit ni Dale si Samantha sa kaniya kahit na sa tiyak na kamatayan pa.

Muli niyang inabot ang kaniyang cellphone. Mabilis ang bawat pindot sa mga letra ng kaniyang keyboard.

Huminga siya ng malalim bago pikit-matang pinadala ang mensahe sa kaniyang ina.

To Mommy:

Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 219

    Ang kaunting espasyo sa pagitan nilang dalawa ay inangkin ni Aeros. Tumama ang kaniyang balikat sa dibdib nito, at naamoy niyang humahalo ang pamilyar nitong pabango sa amoy ng tabako at amoy ng alak sa hangin. Tila ba’y kahit na napapalibutan sila ng ibang mga tao, nais pa rin nitong iparamdam sa kaniya ang buong presensya. “I usually don’t go out at night.” Dahil malapit naman sila sa isa’t isa, kahit na maliit na ang boses nito’y naririnig pa rin niya. “I don't attend parties. I often go out with some of my friends, but I don't stay late at night just to have fun with them. I prefer staying at home, or working late at my office.” May kung ano sa loob niya ang biglang hindi mapakali. Madalas ay nag-uusap naman sila ni Aeros, ngunit hindi niya maalala na ganito kahaba ang litanya nito, o ganito karami ang impormasyong ibinibigay nito sa isang pangungusap lang. “So… you’re an introvert person?” Sinulyapan niya ito. Kalahati na naman ng mukha nito'y mayroong anino. “I dunno. I

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 218

    Ang kaunting espasyo sa pagitan nilang dalawa ay inangkin ni Aeros. Tumama ang kaniyang balikat sa dibdib nito, at naamoy niyang humahalo ang pamilyar nitong pabango sa amoy ng tabako at amoy ng alak sa hangin.Tila ba’y kahit na napapalibutan sila ng ibang mga tao, nais pa rin nitong iparamdam sa kaniya ang buong presensya.“I usually don’t go out at night.”Dahil malapit naman sila sa isa’t isa, kahit na maliit na ang boses nito’y naririnig pa rin niya.“I don't attend parties. I often go out with some of my friends, but I don't stay late at night just to have fun with them. I prefer staying at home, or working late at my office.”May kung ano sa loob niya ang biglang hindi mapakali. Madalas ay nag-uusap naman sila ni Aeros, ngunit hindi niya maalala na ganito kahaba ang litanya nito, o ganito karami ang impormasyong ibinibigay nito sa isang pangungusap lang.“So… you’re an introvert person?” Sinulyapan niya ito.Kalahati na naman ng mukha nito'y mayroong anino.“I dunno. I know how

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 217

    “Hindi dapat ako umalis sa tabi mo.”Ilang minuto pagkaalis ni Richard Gelato kasama ng mga kaibigan nito ay sumunod din sila ni Aeros.Nasa elavator na sila nang magsalita ito.Magkatabi sila, ang isang kamay nito’y nakaalalay sa kaniyang likod at marahang humahaplos sa kaniyang baywang.Sa hitsura ni Aeros, para itong sising-sisi.“Sandali lang akong nawala…”Bahagya siyang lumingon sa lalaki at napansin na nakatingin na pala ito sa kaniya.“Hindi ko maintindihan. Is he bad news? Mayroon ba siyang balak na masama?”Gumalaw ang panga nito.Hindi na kailangan ng sagot, nahulaan na niya base sa naging reaksyon nito.Unti-unti siyang nag-iwas ng tingin.Hindi niya alam kung sino si Richard Gelato, ngunit pamilyar siya sa entertainment company na pinapasukan nito. Hindi iyon ganoon kasakit, ngunit may mga kilalang mangangawit at artista galing sa kompanyang iyon. Hindi naman siya nagduda sa lalaki noong sinabi nitong galing ito sa Blue Fireflies Entertainment dahil nakapag-produce nama

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 216

    Ang buong lugar ay hindi gaanong naliliwanagan. At dahil nakatayo si Aeros sa kanilang harap, halos sakupin na nito ang natitirang liwanag na umaabot sa kanilang mesa galing sa malayong ilaw. Hindi na tuloy makita ng maayos ni Richard Gelato ang mukha ni Aeros dahil sa dilim. Ngunit si Rory, nakilala niya agad si Aeros.Gumapang ang kaunting kaba sa kaniyang puso sa biglang paglitaw ng lalaki. Ano’ng ginagawa nito rito? Baka makilala ito ng talent scout. Nasa showbiz pa naman ang linya ng trabaho ni Richard, baka bigla silang ichismis. Siguradong puputok agad ang balita tungkol sa kanila lalo na’t nanggaling mismo sa bibig ni Aeros na tinawag siya nitong asawa. “Babe…” wala sa sarili niyang nasambit. Ang malamig na mga mata ni Aeros na nakapako kay Richard Gelato ay unti-unting bumaling sa kaniya. Napawi ang lamig roon nang magkatinginan sila. Kung hindi pa sa pagkataranta, posibleng napansin niya ang sandaling pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata nito. Tumayo siya para lapi

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 215

    Inilabas ang panghimagas, ngunit kapwa hindi na nila iyon nakain ni Aeros. Dumating kasi ang isang dayuhang negosyante na dapat ay kakain din kasama ang kaibigan, ngunit nang makita si Aeros ay agad na lumapit at sinubukang kausapin ang lalaki. Sandali siyang naipakilala ni Aeros bilang date, binati naman siya ng dayuhan ngunit kalauna'y dumiretso na ito sa tunay na pakay. “I talked to your secretary this morning, but he said that you cleared your morning schedules. I didn't know you will clear your schedule.”“There is something I have to attend to, Mr. Smith. An urgent matter.” Matatag na tugon ni Aeros.Tumayo ito kaya nagpantay ang dalawa. Kahit na matangkad si Mr. Smith ay napantayan pa rin ito ni Aeros.At kahit na mas matanda ang dayuhan kumpara kay Aeros, mas kapansin-pansin na mas dominante ang aura ni Aeros kumpara sa lalaki.“How unfortunate I am, Mr. Elizondo...” naiiling na sabi ng dayuhan. “Our meeting about the business partnership I am offering was supposed to be th

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 214

    “Pero…” mahina niyang panimula, hindi rin alam sa sarili kung dapat niya pa bang ipaalala kay Aeros ang naging kasunduan nila.Pumayag na itong magtrabaho siya sa ibang kompanya para maprotektahan ang kanilang imahe bilang mag-asawa. Kung sa ibang kompanya siya magtratrabaho, wala gaanong makakakita sa kanila na palagi silang magkasama kaya walang ibang makakaalam tungkol sa totoong relasyon nila. At isa pa, kung magtratrabaho siya, may dahilan na siya para maging abala. Nang sa gano'ng paraan ay walang mag-aasikaso sa kasal nilang dalawa.Nagkatinginan sila.Alam niya na alam ni Aeros kung ano ang kaniyang sasabihin kaya itinikom niyang muli ang kaniyang bibig at nagbuntong-hininga na lamang. “You need to strengthen your core knowledge about business and how to properly manage it.” Ani Aeros sa tila pormal na tono.Sa isip niya, kung siya si Wenona at alam niya na sa kaniya ipapamana ang kompanya, posibleng pag-aralan niya ang mga importanteng bagay tungkol sa pagnenegosyo at pagpap

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 1

    “Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 4

    Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 3

    Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 2

    Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status