LOGINIlang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lahat ng nga pagkakasala at hihingi ito ng tawad upang maging maayos na silang dalawa.
Ayaw niya mang makitang muli si Samantha, alam niyang parte pa rin ng pamilya ni Dale ang babae. Ayaw niyang ipagdamot kay Dale ang karapatan nitong makasama ang kapatid kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya. Ngunit sa mga sandaling ito, naunawaan niyang hindi pa rin pala talaga nagbabago si Samantha. Gusto niyang pumihit paharap sa babae, pero pinigilan niya ang sarili. Humakbang palapit si Dale sa kaniya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso. Para bang gusto nitong ilayo siya kay Samantha. O baka gusto nitong ilayo si Samantha sa kaniya. “Samantha, you should go. Habang hindi ka pa napapansin ni Rory.” Saad ng babaeng nasa gilid ng sofa. Mabilis nitong itinaas ang hawak na inumin para matakpan ang bibig. Kung hindi pa siguro bumabalik ang kaniyang pandinig hindi niya mapapansin kung sino-sino ang nagsasalita, pero dahil nakaririnig na siya alam niya kung sino ang nagsasalita at kung sino ang kinakausap. “Why? Nasa likod naman niya ako kaya hindi niya ako makikita.” Narinig niya ang yabag ni Samantha na palapit sa kaniya. Naging tensyunado si Dale at halata sa mga mata nito ang pagbabanta. Umakto naman siyang hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang paligid at hindi niya naririnig ang tunog ng takong ni Samantha. “Hindi niya rin ako naririnig kaya kahit magsalita ako, hindi niya malalaman na narito ako. Poor, Rory. My poor deaf Rory.” Parang kutsilyong itinatarak sa dibdib ni Rory ang mga salita ni Samantha. Wala man lang pagsisisi sa tono nito habang nagsasalita. Lahat iyon ay pangungutya. Nakita niya ang pagdilim ng mga mata ni Dale. Alam niyang galit na ito, ngunit hindi maibuka ang mga labi dahil mapapansin niya. Muli siyang hinila ni Dale papunta sa sofa, pero tumigil din. Naisip marahil ng lalaki na kung uupo sila, haharap na sila sa may pinto at makikita niya si Samantha kaya naman, ipinalibot na lamang ni Dale ang mga kamay sa kaniyang bewang at pinanatili siya sa kanilang kinatatayuan. Nakatingala sa kanilang dalawa ang mga kaibigan ni Dale na nakaupo pa rin sa sofa. “Uminom kayo. Huwag niyong ipahalata kay Rory.” Natawa si Dale, kunwa’y masayang inanyayahan ang mga kaibigan na uminom. Hindi niya dapat alam ang nangyayari, kung hindi lamang bumalik ang kaniyang pandinig. Iisipin niyang inaalok lamang ni Dale ang mga kaibigan na uminom pa ng mas marami at huwag siyang pansinin, pero dahil naririnig na niya ang lahat mas lalong sumasakit ang kaniyang dibdib. Prinoprotektahan niya lang ba ang nararamdaman ko? O prinoprotektahan niya si Samantha dahil ayaw niyang malaman ko na narito ang babae? Bulong ng kaniyang isip. Itinaas ni Chek ang baso. “Cheers! Salamat at hindi tayo marinig ni Rory!” Masaya nitong sabi, natatawa. “G*g*. Kung may hearing aid ‘yan baka binatukan ka na.” Itinaas din ng isa pang lalaki ang hawak na inumin. “She’s so pity.” Ani isang babae na ininom ang laman ng baso. Nanlamig lang lalo ang pakiramdam ni Rory. Buong akala niya’y mabubuting tao ang mga kaibigan ni Dale. Sa tuwing isinasama siya ni Dale sa mga pagtitipon at kasiyahan, palagi siyang nginingitian ng mga kaibigan nito. May ilan na nag-aral pang sumenyas ng ‘Hi’ at ilang pagbati para lang sa kaniya. Akala niya’y naiintindihan siya ng mga taong ito, iyon pala… pinagtatawanan nila ang kaniyang kapansanan. Tuwang-tuwa pa silang lahat na hindi siya makarinig at walang alam sa kaniyang paligid. Nanubig ang kaniyang mga mata. Mabuti na lamang at madilim ang silid kaya hindi iyon madaling mapapansin. Tanging ang LED lights at malilikot na neon lights ang nagbibigay liwanag. Nilingon niya bahagya si Dale at nakitang sumisimsim ito sa inumin, walang sinasabi at hindi sinasaway ang mga kaibigan. Bumigat lalo ang kaniyang dibdib. Hindi niya akalain na ayos lang pala kay Dale na pag-usapan siya ng harap-harapan at hamakin ng ganito. Muli niyang narinig ang mahinang tawa ni Samantha galing sa kaniyang likod. Akala niya’y umalis na ito, pero mukhang nanatili ang babae para marinig ang mga panghahamak sa kaniya. “Poor little thing, she’s unaware you hate her.” Ani Samantha. Muling nanigas ang katawan ni Rory sa kaniyang narinig. Hindi niya alam kung sino ang kausap ni Samantha. Napatingin sa kaniya si Dale, napansin ang kaniyang naging reaksyon. Sumenyas ito.“Are you okay?” Bahagya siyang tumango. “Gusto mong uminom?” Tanong ni Dale. Umiling siya. “Nahirapan si Dale mag-aral ng sign language dahil sa kaniya. Ang arte din kasi minsan, ayaw isuot ang hearing aid para marinig na lang niya si Dale na nagsasalita.” Boses ng babae malapit sa liquor counter ang narinig niya. Isa iyon sa mga college friend ni Dale na madalas ngumiti at kumaway sa kaniya kapag nakikita siya. Ginny, Ginny ang pangalan nito. “Masakit nga naman kasi sa tainga ang hearing aid, Ginny. Mas nagiging sensitive ang tao kapag may suot no’n. Kaya siguro ayaw niya.” Sagot ng kasama nitong lalaki na nagsasalin na ngayon ng inumin. “Still, she’s so maarte.” Ani Ginny. Napatingin siya sa babae, hindi na napigilan ang sarili. Ngunit kaysa na galit o pagkamuhi ang rumeplekta sa mukha nito, nagawa pang ngumiti at kumaway sa kaniya ng babae na para bang hindi siya pinagsasalitaan ng masama. Hindi niya nasuklian ang ngiti nito. Ganito pala ang mga kaibigan ni Dale. Maling-mali ang pagkakakikala niya sa mga taong ito. “Sometimes I wish she’s just dead. At least in that way, hindi na siya nagiging problema kay Dale.” Walang pakundangang saad ni Samantha. Sabay-sabay napatingin sa likod niya ang mga taong nasa sofa. Kahit si Dale ay napalingon dahil sa sinabi ni Samantha. “Sam!” Pigil nitong sigaw saka ibinalik ang tingin sa kaniya, nag-aalala na napansin niya ang pagsigaw nito. Ngumiti pa si Dale. Mas lalong sumikip ang dibdib ni Rory. This is too much. Bulong niya sa sarili. Kung hindi pa bumalik ang kaniyang pandinig ay patuloy siyang magiging katatawanan. “What?” Maarteng tanong ni Samantha. “Hindi naman niya ako naririnig e. At ayaw ko pa rin siya para sa'yo, Dale. She’s a slut!” Natawa si Chek. Ganoon din ang dalawang tao na malapit sa counter. Ang tanging nagpigil lamang ng tawa ay ang iilang nasa sofa. Si Dale, parang walang narinig, kahit na mukhang tensyunado ay mukhang hindi ginawang big deal ang sinabi ni Samantha. This is enough. Inalis niya ang kamay ni Dale na nakapulupot sa kaniyang bewang. Sinundan iyon ng tingin ni Dale saka siya humarap sa direksyon ni Samantha. Isang hakbang lang ang pagitan nila kaya isang hakbang lang din ay nagawa na niyang abutin ang babae. Malakas na dumapo sa pisngi ni Samantha ang buong pwersang lakas ng palad niya. Namayani ang katahimikan sa buong silid ng ilang segundo bago sunod-sunod ang pagsinghap ng mga tao. “Nakakarinig na siya?” Gulat nilang tanong.Ang kaniyang takot ay agad na napalitan ng kakaibang pakiramdam. Lumaki ang kaniyang puso. Para iyong sasabog sa saya at galak. Nagawa niya! Napatakbo niya si Atlanta sa ganoong distansya nang hindi siya nahuhulog o nabubuwal sa kaniyang kinauupuan. Lumapit ang tauhan, hinawakan nito sa gilid ang lubid at nakangiting nag-angat ng tingin sa kaniya. “Ang galing niyo po, Ma’am. Ang bilis niyo pong matuto!” Masaya nitong sabi. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Malaking bagay para sa kaniya ang papurihah siya sa ganito dahil hindi niya pa kailanman nasubukan ang ganitong aktibidad. Siguro nga’y mabilis siyang matuto. “Iikot po natin si Atlanta, Ma’am.” Saad ni Jose. Tumango siya. Iginiya ni Jose ang kabayo hanggang sa umikot ito sa kinatatayuan. Ngayon, nakaharap na siya sa direksyon ni Aeros. Nakita niyang nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwan. Tinatanaw pa rin siya ng lalaki. Tuluyan na napalitan ng saya at kakaibang pakiramdam ang kaba at takot sa kaniyang puso.
Hawak na naman ni Aeros ang kaniyang bewang at tinutulungan siyang umakyat sa saddle. Hindi na ganoon katindi ang kaniyang kaba sa pag-akyat sa likod ng kabayo, ngunit nag-aalangan pa rin siya. Kaya nang iangat siya ni Aeros, kaysa na sumigaw, napasinghap na lamang siya. Biglang gumalaw si Atlanta nang makaupo na siya sa likod nito, agad naman niyang hinawakan ang renda at mariin niyang pinanatili ang sarili sa kinauupuan upang hindi mabuwal. “Atlanta. Easy, girl.” Rinig niyang saway ni Aeros sa kabayo. Bahagya nitong hinila ang lubid para tumigil sa paglulumikot ang kabayo. Wala si Goliath, tanging si Atlanta lamang ang inilabas sa kuwadra. Pakiramdam tuloy niya, magpopokus si Aeros sa pagturo sa kaniya para tuluyan siyang matuto. “Gawin mo lang ang itinuro ko sa’yo.” Bilin nito nang tinangalain siya.Nagtama saglit ang kanilang mga mata, ngunit sandali lamang iyon dahil naglakad si Atlanta at nawala sa paningin niya ang seryosong mukha ni Aeros. Hinila nito ang renda para maka
Pinanatag niya ang kaniyang kaibigan na hindi na siya makikipagbalikan kay Dale kahit pa magkita ulit sila. Sinubukan niya rin ipaliwanag kay Lavender na hindi na siya ganoon ka-active sa social media dahil iniiwasan niyang macontact siya ni Dale sa mga social media platform kaya maliban sa direktang pag-contact nito sa kaniyang numero ay hindi na siya nito macocontact sa ibang paraan.Kailangan niyang limitahan ang sarili sa social media, dahil may pakiramdam siya na kahit e-block niya ang account ni Dale sa mga social media platforms ay gagawa lamang ito ng bagong account para macontact siya.“Kung hindi ka na babalik ng CDO, ibigsabihin may nahanap ka nang trabaho diyan?” Pang-uusisa nito pagkaraan.Mabuti na lang at hindi na nito itinuloy ang usapan ang tungkol kay Dale.Ginalaw niya ang mga paa sa ilalim ng tubig dahil wala siyang ibang mapagkaabalahan. Nakakarelax din iyong gawin.“Wala pa.” Aniya.Kahit na sinabi na sa kaniya ni Aeros na gusto nito na magtrabaho siya sa kompany
“Oh my god, Rory! Nag-aalala na ako sa’yo, ilang araw ka nang walang paramdam!” Pasigaw na sabi ni Lavender sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito. Bakit nga ba kasi nawala sa isip niya na e-check ang cellphone? Simula nang dumating sila ni Aeros sa Casa Verde, ngayon na lang niya ulit ini-open ang kaniyang cellphone. Ngayon niya lang din nabasa ang ilang mensaheng natanggap galing kay Lavender, sa kaniyang Mommy, at sa isang anonymous number na hula niya’y si Lawrence.Kagabi niya pa ichinarge ang phone, bago sila matulog ni Aeros, dahil kahapon pa iyon deadbatt . At ngayon niya lang na-open ulit, kabubukas pa lang ng system ay nakatanggap na siya agad ng tawag. “I’m sorry about that. Ngayon ko lang ulit—” “Do you even know how many times I tried to contact you? Simula pa kahapon, tinatawagan ko na ang number mo pero palagi kang cannot be reach.” Putol nito sa kaniya, tila ayaw na marinig ang dahilan niya. Naupo siya sa gilid ng pool at hinayaang mabasa ang kaniyang paa hang
Posibleng ikatuwa ng kaniyang Mommy at Tito Christian ang balitang ito. Maliban sa may bibili na ng shares sa kompanya at magiging good investor pa, magiging miyembro pa si Aeros ng board of directors.Si Aeros Elizondo. Si Aeros, na isang Elizondo!Kung sakaling pumutok ang balita na isa na sa board of directors sa kanilang kompanya si Aeros, siguradong magkukumahog na bumalik ang mga investors sa kanilang kompanya. Marami ang maghahangad na makasama si Aeros sa isang business meeting o business conference. Marami ang magsisisi na ibinenta ang kanilang shares sa kompanya.Sinubukan niyang ngumiti para ipakita ang kaniyang pagsang-ayon sa plano nito.“Kung ‘yan ang gusto mo.” Wala sa sarili niyang nasabi.Ngunit sandaling napatigil siya nang may maalala.“Pero… hindi kaya mahirapan ka sa trabaho? Ikaw na ang namamahala sa kompanya ninyo. Tapos… magiging board of directors ka pa sa kompanya namin.” Sumubo ito ng pagkain at mabagal na ibinaba ang kamay sa mesa. Bawat galaw nito'y elega
Dahil napagod sa paglangoy at pangangabayo, minabuti na lamang ni Aeros na sa casita na lamang sila maghapunan upang hindi na nila kailangan na umakyat papunta sa casa. Sila Manay Anji ang bumaba para dalhin ang kanilang hapunan. Habang naliligo siya sa banyo, nagsimula namang maghain ng hapunan ang mga kasambahay. Naunang naligo si Aeros sa kaniya kaya ito na ang naabutan ng mga tauhan sa labas nang magsidatingan. Ito rin ang nagmando sa mga tauhan kung saan ilalagay ang kanilang pagkain. Lumabas siya sa banyo na tanging puting roba lamang ang kaniyang suot. Mahigpit niyang itinali sa may tiyan ang tali upang hindi iyon basta-bastang bumukas. Wala siyang bra, kaya kung aksidente iyong mahuhubad ay siguradong malalantad agad ang kaniyang dibdib. Kumuha rin siya ng maliit na tuwalya at pinunasan ang basang buhok. Pagkalabas niya sa sala, naabutan niya pa ang ilang tauhan na naglalakad na palayo sa kanilang casita. Tapos na ang mga ito na ihain ang kanilang hapunan. Mabag
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan




![Cover your eyes baby [Series 1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


