FAZER LOGIN
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.
“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?” Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang banggitin ang pangalan na ’yon. “Kung walang magsasabi sa kaniya, hindi niya malalaman na nakauwi na si Sam. And I warn you, all of you, don’t you dare tell her…” Mahinang tawa ang sumunod. “Kahit sabihin namin, hindi naman kami maririnig ni Rory. She’s deaf, right?” Mapanuksong saad ng boses ng babae. Mas lalo lamang na nag-ugat ang mga paa ni Rory sa kaniyang kinatatayuan. Isang taon na siyang hindi makarinig dahil sa nangyaring aksidente noon. Alam niyang pinag-uusapan at kinukutya siya ng ilan, pero hindi niya naisip na kahit sa harap ng kaniyang boyfriend— fiancé— na si Dale ay nagagawa siyang pagtawanan ng mga kasama nito. Lalo lamang siyang nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng private room kung saan nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Dale. Kahit paano’y gusto niyang marinig kung ipagtatanggol ba siya ng lalaki, o sasawayin ang mga kaibigan nitong pinagtatawanan ang kaniyang kapansanan Ngunit lumipas na lamang ang ilang minuto ay wala siyang narinig. Napakagat-labi siya. Kanina lamang ay tuwang-tuwa siya, hindi na siya mapakali, gustong-gusto na niyang tawagan si Dale sa telepono at sabihin ang magandang balita. Nakakarinig na siya. Hindi na siya bingi. Hindi na niya kailangan ng hearing aid para makarinig at masundan ang usapan ng mga taong nasa paligid niya. Ang saya at kagalakan ay unti-unting napawi. Napalitan iyon ng kaguluhan at sakit na hindi niya maipaliwanag dahil sa kaniyang mga naririnig. Sa tuwing magkasama sila ni Dale, pinapanatag nito palagi ang kaniyang loob. Palagi nitong sinasabi sa kaniya na magiging maayos din ang lahat at maibabalik din ang kaniyang pandinig. Hindi nito hinahayaan na insultuhin siya ng ibang tao. Ayaw nitong kinukutya siya. Pero bakit… kapag ang mga kaibigan nito ang tumatawa at ginagawang biro ang kaniyang kapansanan ay wala itong kibo? “Isang taon pa lang si Samantha sa Canada, hindi ba?” Tanong ng isang boses. “Hindi na yata makatiis, miss na miss na yata si Dale kaya nagpumilit nang umuwi.” Mas malakas na tawanan ang sumunod. At hindi kagaya kanina, narinig niya ang saway ni Dale sa tawanang iyon. “Don’t initiate something! Kapatid ko si Samantha.” Pagalit na saad ng lalaki. Kaysa na matakot sa pagtaas ng boses ni Dale, mas lalo lamang nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room. “May kapatid din naman akong babae, Dale… pero hindi mo kami kailanman naabutang naghahalikan—” “F*ck off, Caleb!” Sigaw ni Dale, halatang naiinis lalo. “But what’s wrong with that? Hindi naman sila magkadugo ni Samantha, ampon lamang siya ng pamilya ni Dale kaya—” “Stop it.” Putol ulit ni Dale sa isa pang nagsalita. “Samantha is not just an adopted child for me. Kapatid ang turing ko sa kaniya, totoong kapatid. At isa pa, ‘yong naabutan mo, dahil lang ‘yon sa lasing siya. Inaalalayan ko siya dahil hindi makalakad ng maayos dala ng kalasingan. Hindi ko alam na hihilig siya sa akin at magtatama ang labi namin!” “Mukhang hindi aksidente ang nakita ko no’n.” Dipensa ng kausap ni Dale. Parang nahulog sa bangin ang puso ni Rory. Naalala niya bigla kung bakit galit na galit sa kaniya si Samantha at kung bakit nagawa nitong saktan siya. Napahigpit ang hawak niya sa maliit na velvet box na kaniyang dala. Sa loob no’n ay isang bago at mamahaling singsing. Kahit na simple lamang ang design, hindi maipagkakamaling malaki ang halaga nito. Bago siya pumunta rito sa club, napadaan siya sa isang jewelry store at bumili ng singsing na balak niya sanang iregalo kay Dale bilang pasasalamat sa mga nagawa nitong sakripisyo para sa kaniya at para na rin maging opisyal nang muli ang kanilang engagement. Bigla’y may nalasahan siyang pait sa dulo ng kaniyang dila. Isang taon na ang nakalipas simula nang napag-usapan nila ni Dale na magpakasal na, pumayag siya kahit na hindi naman ito nagpropose o lumuhod para makuha ang matamis niyang “oo”. Basta’t pumayag siya nang banggitin nitong magpapakasal na sila, pinangakuan siya nitong isasapubliko ang kanilang engagement party kung saan doon din nito ibibigay ang pangakong singsing. Ngunit bago ang araw ng kanilang engagement party, isang aksidente ang naganap. Sadya siyang sinagasaan ng isang itim na sasakyan habang papatawid ng kalsada. Dahil sa nangyari, kinailangan siyang isugod sa ospital para magamot lalo’t marami siyang sugat at galos sa buong katawan. Sa lakas ng pagkabangga sa kaniya ng sasakyan, ilang araw siyang walang malay at isang buwan din siyang nanatili sa ospital. Ang pinakamalala pa, nawala ang kaniyang pandinig dahil sa aksidente kaya’t isang taon siyang bingi’t umaasa lamang sa pag-sa-sign language kapag may kausap. Pagkatapos ng imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na ang lalaking nakabangga sa kaniya ay binayaran pala ni Samantha. Nagalit ang pamilya ni Dale kaya’t nagpasya silang parusahan si Samantha at ipatapon sa Canada. Naalala niyang kinausap siya noon ni Dale, huwag na raw siyang magsampa ng kaso laban kay Samantha dahil ang pamilya na lamang nito ang bahalang umayos sa gulo. Sa awa kay Dale dahil sa pakiusap nito, lumambot ang kaniyang puso at pinagbigyan ang lalaki. Akala niya’y habang-buhay na si Samantha sa Canada, ngunit isang taon pa lang nakabalik na agad ng Pilipinas ang babae. At talagang umuwi pa ito ng Cagayan de Oro. Nasaan ang pangako ni Dale sa kaniya na ito ang magbibigay hustisya sa ginawa ni Samantha sa kaniya? “Bakit hindi mo na lang sabihin kay Rory na nakauwi na si Samantha? Mukhang mabait naman si Rory, siguro napatawad na niya si Samantha kaya hindi niyo na kailangan itago sa kaniya na nakauwi na ang kapatid mo.” “I doubt that.” Maagap na tugon ng panibagong boses ng babae. Mas mahinhin ang boses, mas malamya. “Kung ako ang nasa sitwasyon ni Rory, mahihirapan akong patawarin si Samantha. She’s deaf now because of what happened. Kung ako ‘yon…” “Sam is only twenty. What do we expect? She’s still childish.” Pagtatanggol ni Dale. Napaawang ang bibig ni Rory. Childish? That's what you call it? Nag-agaw-buhay siya dahil sa ginawa ni Samantha. Hindi man ito ang sumagasa sa kaniya, hindi maitatanggi na si Samantha pa rin ang nagplano no’n. Hindi na iyon pagiging isip-bata kung may plano ka nang patayin ang isang tao. Iniangat niya ang kaniyang kamay, gusto nang itulak ang pinto para tumambad sa harap ng mga taong pinag-uusapan siya, pero napatigil din siya agad nang maramdaman ang sunod-sunod na vibration galing sa suot na pants. Kinapa niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pants at nang makita ang sunod-sunod na mensahe galing sa kaniyang Mommy ay tuluyan siyang napaatras. Kumunot ang kaniyang noo at wala sa sariling lumayo sa pinto ng private room nila Dale. Sa isang sulok ay tumayo siya para makapagpokus sa pagbabasa ng mahabang mensahe ng kaniyang ina. Ngunit bago niya pa masimulan, isang panibagong mensahe ang lumitaw sa screen at napatigil ang kaniyang mundo. Mommy: Please, do this for me. For us. Marry the Elizondo’s heir.Ang kaniyang takot ay agad na napalitan ng kakaibang pakiramdam. Lumaki ang kaniyang puso. Para iyong sasabog sa saya at galak. Nagawa niya! Napatakbo niya si Atlanta sa ganoong distansya nang hindi siya nahuhulog o nabubuwal sa kaniyang kinauupuan. Lumapit ang tauhan, hinawakan nito sa gilid ang lubid at nakangiting nag-angat ng tingin sa kaniya. “Ang galing niyo po, Ma’am. Ang bilis niyo pong matuto!” Masaya nitong sabi. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Malaking bagay para sa kaniya ang papurihah siya sa ganito dahil hindi niya pa kailanman nasubukan ang ganitong aktibidad. Siguro nga’y mabilis siyang matuto. “Iikot po natin si Atlanta, Ma’am.” Saad ni Jose. Tumango siya. Iginiya ni Jose ang kabayo hanggang sa umikot ito sa kinatatayuan. Ngayon, nakaharap na siya sa direksyon ni Aeros. Nakita niyang nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwan. Tinatanaw pa rin siya ng lalaki. Tuluyan na napalitan ng saya at kakaibang pakiramdam ang kaba at takot sa kaniyang puso.
Hawak na naman ni Aeros ang kaniyang bewang at tinutulungan siyang umakyat sa saddle. Hindi na ganoon katindi ang kaniyang kaba sa pag-akyat sa likod ng kabayo, ngunit nag-aalangan pa rin siya. Kaya nang iangat siya ni Aeros, kaysa na sumigaw, napasinghap na lamang siya. Biglang gumalaw si Atlanta nang makaupo na siya sa likod nito, agad naman niyang hinawakan ang renda at mariin niyang pinanatili ang sarili sa kinauupuan upang hindi mabuwal. “Atlanta. Easy, girl.” Rinig niyang saway ni Aeros sa kabayo. Bahagya nitong hinila ang lubid para tumigil sa paglulumikot ang kabayo. Wala si Goliath, tanging si Atlanta lamang ang inilabas sa kuwadra. Pakiramdam tuloy niya, magpopokus si Aeros sa pagturo sa kaniya para tuluyan siyang matuto. “Gawin mo lang ang itinuro ko sa’yo.” Bilin nito nang tinangalain siya.Nagtama saglit ang kanilang mga mata, ngunit sandali lamang iyon dahil naglakad si Atlanta at nawala sa paningin niya ang seryosong mukha ni Aeros. Hinila nito ang renda para maka
Pinanatag niya ang kaniyang kaibigan na hindi na siya makikipagbalikan kay Dale kahit pa magkita ulit sila. Sinubukan niya rin ipaliwanag kay Lavender na hindi na siya ganoon ka-active sa social media dahil iniiwasan niyang macontact siya ni Dale sa mga social media platform kaya maliban sa direktang pag-contact nito sa kaniyang numero ay hindi na siya nito macocontact sa ibang paraan.Kailangan niyang limitahan ang sarili sa social media, dahil may pakiramdam siya na kahit e-block niya ang account ni Dale sa mga social media platforms ay gagawa lamang ito ng bagong account para macontact siya.“Kung hindi ka na babalik ng CDO, ibigsabihin may nahanap ka nang trabaho diyan?” Pang-uusisa nito pagkaraan.Mabuti na lang at hindi na nito itinuloy ang usapan ang tungkol kay Dale.Ginalaw niya ang mga paa sa ilalim ng tubig dahil wala siyang ibang mapagkaabalahan. Nakakarelax din iyong gawin.“Wala pa.” Aniya.Kahit na sinabi na sa kaniya ni Aeros na gusto nito na magtrabaho siya sa kompany
“Oh my god, Rory! Nag-aalala na ako sa’yo, ilang araw ka nang walang paramdam!” Pasigaw na sabi ni Lavender sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito. Bakit nga ba kasi nawala sa isip niya na e-check ang cellphone? Simula nang dumating sila ni Aeros sa Casa Verde, ngayon na lang niya ulit ini-open ang kaniyang cellphone. Ngayon niya lang din nabasa ang ilang mensaheng natanggap galing kay Lavender, sa kaniyang Mommy, at sa isang anonymous number na hula niya’y si Lawrence.Kagabi niya pa ichinarge ang phone, bago sila matulog ni Aeros, dahil kahapon pa iyon deadbatt . At ngayon niya lang na-open ulit, kabubukas pa lang ng system ay nakatanggap na siya agad ng tawag. “I’m sorry about that. Ngayon ko lang ulit—” “Do you even know how many times I tried to contact you? Simula pa kahapon, tinatawagan ko na ang number mo pero palagi kang cannot be reach.” Putol nito sa kaniya, tila ayaw na marinig ang dahilan niya. Naupo siya sa gilid ng pool at hinayaang mabasa ang kaniyang paa hang
Posibleng ikatuwa ng kaniyang Mommy at Tito Christian ang balitang ito. Maliban sa may bibili na ng shares sa kompanya at magiging good investor pa, magiging miyembro pa si Aeros ng board of directors.Si Aeros Elizondo. Si Aeros, na isang Elizondo!Kung sakaling pumutok ang balita na isa na sa board of directors sa kanilang kompanya si Aeros, siguradong magkukumahog na bumalik ang mga investors sa kanilang kompanya. Marami ang maghahangad na makasama si Aeros sa isang business meeting o business conference. Marami ang magsisisi na ibinenta ang kanilang shares sa kompanya.Sinubukan niyang ngumiti para ipakita ang kaniyang pagsang-ayon sa plano nito.“Kung ‘yan ang gusto mo.” Wala sa sarili niyang nasabi.Ngunit sandaling napatigil siya nang may maalala.“Pero… hindi kaya mahirapan ka sa trabaho? Ikaw na ang namamahala sa kompanya ninyo. Tapos… magiging board of directors ka pa sa kompanya namin.” Sumubo ito ng pagkain at mabagal na ibinaba ang kamay sa mesa. Bawat galaw nito'y elega
Dahil napagod sa paglangoy at pangangabayo, minabuti na lamang ni Aeros na sa casita na lamang sila maghapunan upang hindi na nila kailangan na umakyat papunta sa casa. Sila Manay Anji ang bumaba para dalhin ang kanilang hapunan. Habang naliligo siya sa banyo, nagsimula namang maghain ng hapunan ang mga kasambahay. Naunang naligo si Aeros sa kaniya kaya ito na ang naabutan ng mga tauhan sa labas nang magsidatingan. Ito rin ang nagmando sa mga tauhan kung saan ilalagay ang kanilang pagkain. Lumabas siya sa banyo na tanging puting roba lamang ang kaniyang suot. Mahigpit niyang itinali sa may tiyan ang tali upang hindi iyon basta-bastang bumukas. Wala siyang bra, kaya kung aksidente iyong mahuhubad ay siguradong malalantad agad ang kaniyang dibdib. Kumuha rin siya ng maliit na tuwalya at pinunasan ang basang buhok. Pagkalabas niya sa sala, naabutan niya pa ang ilang tauhan na naglalakad na palayo sa kanilang casita. Tapos na ang mga ito na ihain ang kanilang hapunan. Mabag
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah







