LOGINAgad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.
Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot. “Walanghiya ka!” Iniangat ni Samantha ang kanang kamay para gumanti ng sampal ngunit masyadong mabagal ang babae kaya mabilis niya iyong nahuli sa ere. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito na agad na nagpalukot ng mukha ni Samantha. Sinubukan nitong bawiin ang kamay, binitiwan niya naman iyon at muntik pa itong mawalan ng balanse. Ngunit bago tuluyang makabawi, muli niyang sinampal sa kabilang pisngi ang babae. Agad na bumaling sa kabilang direksyon ang mukha ni Samantha at ang mahaba at medyo makapal na kulot na buhok sa gilid ng mukha ay sumabog at tinakpan na ang buong mukha nito. Hindi makagalaw ang mga taong nanonood sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa unang sampal ni Rory. Ngunit sa pangalawang sampal, bumalik sa reyalidad si Dale at agad na lumapit para awatin siya. Bago pa siya nito mahila nakabawi nang muli si Samantha. Nanlilisik ang mga mata, pulang-pula ang mukha lalo na ang pisnging nasampal. “I’ll kill you!” Sigaw ni Samantha at agad na sumugod. Naabot nito ang kaniyang buhok at agad na hinila. Sumigid sa kaniyang anit ang matinding sakit nang malakas na hilahin ni Samantha ang kaniyang buhok. Ngunit hindi siya nagpadaig, hinawakan niya rin ang buhok nito at hinila iyon. Dalawang kamay ang kaniyang salitang ginagamit sa paghila. Minsan ay sabay niyang hinihila sa magkabilang direksyon. Napapasigaw si Samantha at minumura siya, ngunit nanatili siyang tahimik kahit na may iniinda rin siya. Masakit ang kaniyang lalamunan. Masakit ang kaniyang ulo, hindi niya alam kung dahil sa pagsabunot sa kaniya ni Samantha o bumabalik na naman ang kaniyang lagnat. “Enough! Let go!” Sigaw ni Dale, pilit silang pinaglalayong dalawa ni Samantha. Nabitiwan siya ni Samantha nang tumulong na rin ang ilang kalalakihan na paglayuin sila. Hawak niya pa rin ang buhok ng babae kay nang pilitin ng mga kalalakihan na ilayo sa kaniya si Samantha, napasigaw itong muli. Nabitiwan niya ang babae ngunit maraming buhok ang nanatiling hawak niya pa rin. “That’s enough, Rory!” Malakas na sigaw ni Dale nang susugod pa dapat siya. Hinawakan nito ang kaniyang palapulsuhan at mariin siyang ipinirmi sa isang lugar. Gusto niyang sumigaw, sabihin kay Dale na bitiwan siya dahil hindi pa siya tapos! Ngunit isang mahina at paos na hininga lamang ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Hindi siya makapagsalita. Mas lalong sumasakit ang kaniyang lalamunan kapag sinusubukan niyang magsalita. Bumalik na nga ang kaniyang pandinig, ngunit bakit hindi siya makapagsalita?! Biglang nakawala si Samantha sa lalaking pumipigil dito, sumugod ito, at dahil hawak ni Dale nang mahigpit ang kaniyang palapulsuhan, hindi niya naiwasan ang mabilis na pagsampal at kalmot ng babae sa kaniyang mukha. Nalukot ang kaniyang mukha nang sumigid ang sakit sa kaniyang pisngi at alam niyang mag-iiwan iyon ng sugat. Sa disperasyon na maipagtanggol ang kaniyang sarili, pinaikot niya ang kamay ni Dale kaya’t napilitan itong pakawalan siya. Saktong nasa harap na niya si Samantha nang susugod na naman ito, kaya itinulak na lamang niya ang babae. Mas malakas iyon kumpara sa kaniyang inaasahan. Nakita niyang natapilok ang babae at agad na bumagsak malapit sa mataas na estante ng mga bote ng alak. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang isa-isang magbagsakan ang mga bote ng alak. Huli na para matakpan niya ang kaniyang ulo, mabilis na nahulog sa estante ang boteng nasa taas ng kaniyang ulo. Nabasag iyon, kasabay ng sigawan at takbuhan ng mga taong malapit sa kanila. “Sam!” Halos magdilim ang kaniyang paningin nang maramdaman na may tumama sa kaniyang ulo at nabasag iyon at sumigid ang kirot sa kaniyang balikat nang madaanan iyon ng basag na salamin. Nahihilo siya, kaya unti-unti siyang napaupo sa sahig na puno ng mga bubog. Ngunit hindi na niya alintana kung masugatan pa siya ng mga bubog, ayaw niyang bigla na lamang humandusay dahil sa pagkahilo. Naramdaman niyang may umalalay sa kaniyang likod. “Rory…” “Sh*t, you’re bleeding, Sam!” Narinig niya ang natatarantang boses ni Dale. Binuksan niya ang mga mata at nakitang nasa likod ni Dale ang natumbang estante. Sumugod si Dale para sagipin si Samantha nang mabuwal ang estante. Nakahilig sa dibdib ng lalaki si Samantha habang ang hita at ilang parte ng paa nito ay may mga sugat. Hindi gaanong malaki, pero may mga dugo. “I’m… I’m scared of blood, Dale.” Sa nanginginig na boses ay narinig niyang sabi ni Samantha. Tumulong ang mga kaibigan ni Dale na ayusin ang estante. Binuhat agad ni Dale si Samantha at handa nang itakbo ang babae palabas ng private room. Isang garalgal na hininga ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Hindi niya napansin na tinatawag niya ang pangalan ni Dale. “Dale! Dinudugo rin si Rory.” Tawag ni Caleb nang mapansin ang mas maraming dugo na dumadaloy sa puti niyang damit. Lumingon si Dale sa direksyon nila. Saglit na nagtama ang kanilang tingin. Puno iyon ng pag-aalala at pagkabahala. “Ang sakit… Dale.” Nanghihinang saad ni Samantha saka niyakap ang leeg ng lalaki. Naputol ang kanilang tinginan. Humarap si Dale kay Samantha saka napamura. “I need to bring Sam to the hospital. Kayo na ang bahala kay Rory… Caleb…” naglakad papunta sa pinto si Dale, buhat-buhat pa rin si Samantha. Napapikit si Rory nang mas tumindi ang kaniyang pagkahilo. Napansin niyang hindi na lamang si Caleb ang nakaalalay sa kaniya, may dalawa pang lalaki sa kaniyang likod na napapamura sa dami ng dugo na nakikitang umaagos galing sa sugat sa gilid ng kaniyang ulo. “Sh*t. Sh*t. Anong gagawin natin, Caleb?” “Call an ambulance!” Iyon ang huli niyang narinig bago siya tuluyang hilahin ng dilim.Dalawang taon na nanatili siya sa Cagayan de Oro at isang taon na halos dumepende na lamang siya kay Dale. Hindi niya kailanman naisip na posible pa lang iwanan niya ang lugar na ito at palakasin ang kaniyang loob gamit ang galit na nararamdaman para sa taong dati ay lubos niyang minamahal.Habang pinagmamasdan ang ulap na kanilang nadadaanan, may kakaibang kirot sa kaniyang puso. Alam niyang pagkatapos ng nangyari, hindi na niya kayang balikan si Dale. Alam niyang hindi kagaya noon, madadaanan sa simpleng paghingi ng tawad ang lahat. Alam niyang mas malalim ang sugat at pagkadismayang ibinigay sa kaniya ng magkapatid na Dale at Samantha.Nariyan ang kaunting panghihinayang sa likod ng kaniyang isip. Dalawang taon na silang magkasintahan ni Dale. Akala niya'y matutuloy na ang engagement nilang dalawa at unti-unti na silang makakapagsettle down ngayong maayos na siya. Ngunit hindi pala.Nakakapanghinayang man ang dalawang taon, hindi na niya gustong isipin pa iyon. Mayroong mas mahalag
Kabanata 6 Hawak-hawak na ni Rory ang kapirasong papel sa kaniyang kamay habang tinitingala ang flight board. Sampung minuto na lang ay sasakay na siya sa eroplano na magdadala sa kaniya sa Manila. Punong-puno ng mga tao ang Laguindingan Airport, may iilan na napapadaan sa harap niya at may iilan din na napapatigil para umupo sa mga katabing upuan malapit sa kaniya. May ilan na mag-isa sa pag-alis, may ilan naman na sinadyang samahan ng pamilya o kaibigan para maihatid man lang hanggang sa airport. Sobrang dami ng tao at hindi niya maiwasang hindi mapansin kung gaano kabilis tumakbo ang oras, ganoon din kung gaano kabagal ang pagpatak ng minuto. May kakaibang bigat sa kaniyang dibdib kahit na ilang araw na rin niyang pinag-iisipan ang kaniyang pag-alis. Sa mahigit dalawang taon niyang pananatili sa Cagayan de Oro, napamahal na siya sa lugar, sa mga tao, at sa kultura nito. Hindi lang naman si Dale ang dahilan kung bakit nakayanan niyang mabuhay ng malayo sa kaniyang pamilya. Ina
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauze. Inilibot niya ang tingin at nakitang walang ibang tao sa loob ng silid kung hindi siya lang. Noong una’y hindi niya pa alam kung nasaan siya, ngunit nang maalala ang huling pangyayari bago siya tuluyang mawalan ng malay ay saka niya napagtanto na posibleng nasa ospital siya at nakaconfine.Sinubukan niyang ibaba ang mga paa sa gilid ng higaan, ngunit bago pa tuluyang makatapak sa tiled floor ay narinig na niyang bumukas ang pinto. Wala sa sarili siyang napalingon at nang makita ang pamilyar na doktor ay napaawang ang bibig.Dr. Tuscano.“Where are you going?” Nagtaas ng kilay ang lalaking doktor nang makita siya sa gilid ng higaan.Ibinuka niya ang bibig, ngunit wala pa ring boses na lum
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walanghiya ka!”Iniangat ni Samantha ang kanang kamay para gumanti ng sampal ngunit masyadong mabagal ang babae kaya mabilis niya iyong nahuli sa ere. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito na agad na nagpalukot ng mukha ni Samantha.Sinubukan nitong bawiin ang kamay, binitiwan niya naman iyon at muntik pa itong mawalan ng balanse. Ngunit bago tuluyang makabawi, muli niyang sinampal sa kabilang pisngi ang babae.Agad na bumaling sa kabilang direksyon ang mukha ni Samantha at ang mahaba at medyo makapal na kulot na buhok sa gilid ng mukha ay sumabog at tinakpan na ang buong mukha nito.Hindi makagalaw ang mga taong nanonood sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa unang sampal ni Rory. Ngunit sa
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lahat ng nga pagkakasala at hihingi ito ng tawad upang maging maayos na silang dalawa.Ayaw niya mang makitang muli si Samantha, alam niyang parte pa rin ng pamilya ni Dale ang babae. Ayaw niyang ipagdamot kay Dale ang karapatan nitong makasama ang kapatid kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya.Ngunit sa mga sandaling ito, naunawaan niyang hindi pa rin pala talaga nagbabago si Samantha.Gusto niyang pumihit paharap sa babae, pero pinigilan niya ang sarili.Humakbang palapit si Dale sa kaniya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso. Para bang gusto nitong ilayo siya kay Samantha. O baka gusto nitong ilayo si Samantha sa kaniya.“Samantha, you should go. Habang hindi ka pa napapans
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kaniyang ina. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniyang pagrerebelde kaya’t mas pinipiling maging malamig sa kaniya.Muli niyang binasa ang mga naunang mensahe galing sa kaniyang ina.Nalulugi na ang kompanya ng kaniyang Tito Christian— ang bagong asawa ng kaniyang Mommy— at ang tanging paraan para maisalba ang kompanya sa mabilis nitong pagkakalugmok ay isang arrange-marriage sa mga Elizondo. Kapalit ng pagpapakasal ng anak ni Christian Rodrigo ay tutulong ang mga Elizondo na mabawi muli ang kompanya sa pagkalugi nito.Napakunot-noo siya. Hindi siya isang Rodrigo. Isa siyang Del Real, hindi niya pinabago ang kaniyang apelyido kahit noong nakiusap ang kaniyang ina na baguhin iyon noong pinakasala







