Napatingin si Cheska sa akin, bahagyang nagtaas ng kilay. "Dito na titira? Sigurado ka?"
Tumango ako at muling kumuha ng isang subo ng pagkain. "Oo. Sa totoo lang, Cheska, hindi ko alam kung kailan pa ako makakabalik sa bahay namin... o kung babalik pa ako." Saglit akong natahimik, pilit na nilulunok ang bigat sa lalamunan ko. "Pero ang sigurado ko lang, gusto kong tapusin ang pag-aaral ko. Yun na lang ang matitira sa akin."Napansin kong natigilan siya, tila iniisip ang isasagot. Alam kong gusto niya akong kumbinsihin na ayusin ang problema ko sa pamilya ko, pero sa ngayon, mas pinili niyang intindihin ako."Well, good for you," sagot niya sa wakas, may halong ngiti sa labi. "At least may plano ka pa rin. And for the record, hindi ako tatanggap ng boarder’s fee, ha?"Napatawa ako. "Wow, libre bahay at pagkain? Jackpot na 'to!""Libre pagkain? Aba, huwag kang umasa!" biro niya sabay turo sa plato ko. "Kung gusto mong kumain, matuto kang m"Kung iniisip mong hawak mo pa rin ako dahil diyan sa video, nagkakamali ka. Mas mabuti pang makita ng buong mundo ‘yon kaysa manatili sa tabi mo na punong-puno ng kasinungalingan!" Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na tinatago ang sakit na hindi ko kayang ilabas sa salita.Nanahimik siya. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya magawa.Lumapit ako sa kanya, mas malapit kaysa kanina. "Mahal kita," mahina kong sabi, at sa pagkakataong ‘yon, nakita ko ang takot sa mga mata niya. "Pero mas mahal ko ang sarili ko."Parang biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano ko matutunaw ang mga salitang narinig ko mula sa kanya.Hindi ko siya agad matignan. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sakit."Ano?" Mahina kong tanong, halos pabulong, pero sigurado akong narinig niya.Napangisi siya—isang mapanuksong ngiti na parang dinudurog ako. "Hindi ako kailanman na-in love sa mas
Isang linggo ko siyang hindi pinansin. Sa bawat pagpasok ko sa classroom, ramdam ko ang mga mata niyang nakatuon sa akin—matatalim, puno ng pagtataka at inis. Pero hindi ko siya binigyan ng kahit isang sulyap. Tuwing magsasalita siya sa klase, naririnig ko ang bahagyang pagbabago sa tono ng boses niya—mas malamig, mas maikli ang mga sinasabi niya. Hindi na rin siya madalas tumingin sa direksyon ko kapag nagtuturo, pero alam kong pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang gawin iyon. Sa hallway, ilang beses kong naramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Minsan, naririnig ko ang mahina niyang paghinga, parang may gustong sabihin pero hindi magawa. May pagkakataong tinangka niyang harangan ang daraanan ko, pero hindi ako nagpatinag. Lumihis lang ako ng daan, na parang hindi ko siya nakita. Isang araw, pagkatapos ng klase, naglakad ako papunta sa locker ko nang biglang may humawak sa braso ko. Malakas, pero hindi nananakit. Alam ko agad ku
Lalong tumigas ang mukha ni Villaflor. Kita kong nagpipigil siya, pero hindi niya alam kung paano makakasagot nang hindi siya lalong mapapahiya. "I am simply stating facts," dagdag pa ni Sir Dark. "If you think that’s humiliating, then maybe you should start taking responsibility for your own performance instead of blaming others." Nagsimulang magbulungan ang ibang estudyante. May mga napangisi, may mga nag-aabang ng sagot ni Villaflor, habang ako naman ay nanatiling tahimik sa gilid. Nagpanting ang tenga ni Villaflor. Kita kong nanginginig ang mga kamay niya sa gilid ng kanyang upuan. "So ano, ikaw na ang magaling? Ikaw na ang tama lagi?" madiin niyang tanong. "Bakit, Sir? Dahil ba gusto mo si Smith?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Biglang natahimik ang buong klase. Tumingin ako kay Sir Dark, pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Alam kong hindi niya inaasahan ang biglaang pagsabog n
Panibagong araw, bagong simula.Kahit marami kaming natuklasan kahapon, nagdesisyon kaming dalawa ni Cheska na kumilos na parang walang nangyari. Na parang hindi namin nalaman ang madilim na lihim ni Mr. Dark. Na parang hindi namin alam na ginagamit lang niya ako noon para makuha si Cheska.Pero ngayon, hindi ko na alam kung alin ang totoo—ang galit niya o ang mga sandaling pinapakita niyang may halaga ako sa kanya.Naupo kami ni Cheska sa aming mga upuan, nagbibiruan pa rin kasama ang iba naming kaklase, pilit na isinasantabi ang bigat sa dibdib. Wala namang nakakahalata. Wala namang nagtataka.Hanggang sa marinig namin ang boses ni Mr. Dark."Only Monticello and Smith got the passing score."Napatigil ang buong klase, at ilang pares ng mata ang napatingin sa amin.Napatingin din ako kay Cheska, kita ko ang parehong gulat sa kanyang mukha. Halos hindi namin napansin na nag-eexam pala kami nung nakaraang araw dahil sa da
Pakiramdam ko’y sinuntok ako sa sikmura sa narinig ko. Alam kong ginamit ako ni Mr. Dark para makalapit kay Cheska, pero hindi ko pa rin kayang tanggapin na posibleng may mas masahol pa siyang balak. Ang sakit isipin na ang mga yakap, halik, at kahit ang mga titig niyang punong-puno ng emosyon ay maaaring kasinungalingan lang.Nakita kong lumalim ang kunot sa noo ni Tito Jai. "Kung totoo ngang ginagamit ka lang ni Yhlorie, hindi natin pwedeng hayaang magtagumpay siya," madiin niyang sabi. "Kailangan nating gumawa ng plano. At higit sa lahat, kailangan nating hanapin ang tunay na taong responsable sa pagkamatay ng ama niya.""At paano natin gagawin ‘yon, Daddy?!" sagot ni Cheska, naniningkit ang mga mata. "Habang wala pang ebidensya, ako at si Quice ang target niya! Wala siyang ibang pagkakatiwalaan kundi ang sarili niya!"Hindi ako nakapagsalita. Totoo ang sinabi ni Cheska. Sa ngayon, ako lang ang pinakamalapit kay Mr. Dark. Ako lang ang puwedeng magtanim
Pagdating namin sa bahay nila Cheska, agad akong nakaramdam ng matinding kaba. Ang bahay nila ay kasing-grandioso pa rin ng dati—malaki, elegante, at may halong bigat ng alaala sa bawat sulok. Kahit ilang beses na akong nakapunta rito, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng tensyon.Pinagbuksan si Cheska ng yaya nila, isang matandang babae na halatang matagal nang naglilingkod sa kanila. Nang makita niya kami, agad siyang ngumiti pero napansin ko ang pag-aalalang lumitaw sa kanyang mukha nang makita si Red sa likuran namin."Where’s Daddy?" tanong ni Cheska, diretso at walang pag-aalinlangan sa boses niya."Nasa loob po," sagot ng yaya, itinuro ang direksyon kung saan matatagpuan si Tito Jai.Napalunok ako habang sinusundan si Cheska papasok. Hindi ko maalis sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Red kanina. Hindi ko rin mapigilan ang bumigat ang pakiramdam ko habang patuloy kong inaalala ang posibilidad na…Ginamit lang ako ni Mr. Dar