Si Quicee ay hindi umimik, at ako'y napaisip na baka hindi ko na kayang ayusin ang mga pagkakamali ko sa kanya.
Habang naririnig ko ang mga salitang iyon mula kay Quicee, parang may isang matalim na bagay na tumama sa puso ko. Ang bawat salita ay tumagos sa aking isipan, ang bigat ng mga katagang binitiwan niya ay para bang tinanggalan ako ng lahat ng lakas. Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ko—galit, pagkabigo, at pinaka masakit sa lahat, ang pag-aalala na baka hindi ko na kayang ayusin ang lahat."Huwag mo akong ganituhin," sabi ko, ang boses ko ay tila may kasamang panginginig. Hindi ko kayang makita si Quicee na ganito, parang ang mga mata niya ay puno ng hinagpis at galit, ngunit ang sakit na ipinapakita niya ay ang dahilan ng bawat tanong sa aking isipan.“Bakit? Nasasaktan ka ba?” sagot ni Quicee, at may halong sarcasm sa kanyang mga mata. Tila ba tinanong niya ako para sa kanyang sariling kasiyahan, ngunit sa aking mga mata, n"Eh 'di ba prof ka? Paano mo nagawang haluan ng personal mong vendetta ang trabaho mo?!" tanong pa ng isa, halatang gigil."Alam kong hindi ko na mababawi ‘yung tiwala ng ilan sa inyo," sagot ko, tapat at diretso. "Pero hindi ko rin hahayaang isisi n’yo kay Quice ang pagkakamali ko."May isa pang sumigaw, "So fake lahat ng pinakita mo? Guro ka lang pala sa papel, pero kriminal sa totoong buhay?"Napayuko ako sandali. Ang bigat sa dibdib, lalo na’t alam kong karapat-dapat naman sila sa totoo mula sa simula. Pero nagsalita rin ako ulit."Ang totoo... natutunan ko ring mahalin ang pagtuturo. Hindi ko ginamit ang klase para manipulahin kayo. Lalo na si Quice. Wala siyang alam sa lahat ng ito hanggang sa huli. At kung meron akong dapat panagutan, tanggap ko. Pero sana… sana bigyan n’yo ako ng pagkakataon na itama ang pagkakamali ko, kahit hindi bilang guro, kundi bilang tao."Tahimik ang ilang segundo. Pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin ang p
Hello everyone! Kung nakarating ka po dito, I just want to say thank you po sa lahat ng support mo para maging posible ang story na ito! Thank you po sa coins na ginastos mo to unlock the chapters! Thank you po talaga sa lahat! And keep reading!!Flashback...Yhlorie “Dark” POVNakahinga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa lecture hall ng unibersidad. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang bigat ng mga mata ng mga estudyante—puno ng tanong, duda, at panghuhusga. Hindi ko sila masisisi. Isang substitute professor ang biglang na-involve sa isang iskandalo—at hindi lang basta iskandalo, kundi may kinalaman pa sa isang estudyante. Si Quice Smith.Tumayo ako sa harap ng podium, sinilip ang mga mukhang hindi mapakali, at saka ako nagsalita. Hindi ko na pinahaba ang pasakalye."Good day everyone." Umpisa ko, medyo mababa ang tono ng boses ko. "All of you are aware that I am the General Biology substitute professor. And to those of you w
Author's Note:hello everyone, Ang bilis naman nasa chapter 93 na Pala tayo. sana ay hindi kayo magsasawnag magbasa ng mga works ko, yun lang po and happy reading. thank you po very muchhhhhh. may kiss kayo sa akinnnnFlashback continued...Hindi ko alam kung ano ang mas mabilis—yung tibok ng puso ko o yung pagtaas ng kilay ni Mommy nang lumapit si Yhlorie sa kama ko.Katatapos lang ng usapan namin nina Mommy at Cheska nang biglang pumasok si Yhlorie, bitbit na naman ang paborito kong prutas at may kasamang maliit na stuffed toy na may nakasabit na keychain. Para raw ‘di ako mabagot habang nagpapagaling.Ngumiti siya, ‘yung tipikal na Yhlorie smile—medyo mahinhin, medyo misteryoso. Pero mukhang hindi ‘yon sapat para palamigin ang paningin ng nanay kong matalas pa sa lie detector."So… ikaw pala yung nagbabantay sa anak ko," malamig at diretso ang tanong ni Mommy, sabay tayo at harap sa kanya, ‘yung parang ready na sa interrogatio
Umupo siya sa gilid ng kama, nilagay ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. "Hindi ko alam kung papayag kang ipagdiwang ang araw ng mga puso kasama ko, pero… gusto ko lang malaman mong… seryoso ako. Hindi lang dahil sa nangyari. Hindi dahil sa konsensya. Kundi dahil gusto talaga kitang mahalin, Quice."Napatingin ako sa kanya. Walang biro sa mata niya. Wala ring pwersa sa boses niya."Akala ko ikaw ang mamamatay sa araw na ‘yon. Pero mas natakot akong mawalan ako ng rason para itama lahat ng pagkakamali ko. At ikaw ‘yon, Quice."Namula na naman ang pisngi ko, sabay turo sa bulaklak. "Baka mamaya may meaning pala ‘tong peonies mo ah."Ngumiti siya, "Meron. Ayon sa Google—new beginnings daw."Hindi ko napigilan ang tawa ko. "Nag-Google ka pa talaga?""Oo, kasi gusto kong siguraduhing ‘yung bulaklak na ibibigay ko sa’yo, bagay sa gusto kong simulan kasama ka."Tumigil ang mundo ko saglit. At sa gitna ng puting kwarto, malami
Flashback... Ilang araw matapos akong magising sa hospital… Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nandito sa kwarto ng ospital, pero isang bagay lang ang sigurado ako—hindi umalis si Yhlorie sa tabi ko. Sa una, inakala ko na baka dala lang ng konsensya ang lahat. Na baka isa lang ‘to sa mga paraan niya para magmukhang “mabait” matapos akong tamaan ng bala na para kay Cheska. Pero habang lumilipas ang bawat oras, bawat araw… hindi ko maiwasang maramdaman na totoo. Hindi siya umaalis. Hindi siya nagpapalit. At higit sa lahat—hindi siya napapagod. Umaga pa lang, bago pa ako dumilat, naroon na siya. Hindi lang basta nakaupo sa gilid ng kama—minsan siya na ang nag-aabot ng tubig ko, siya ang nag-aayos ng unan ko, at siya rin ang unang bumati ng, “Good morning, Quice.” Ganoon siya ka-soft spoken pag ako ang kausap. Wala na ‘yung intimidation factor ng pagiging mafia. Wala na rin ‘yung galit na lagi kong nababasa sa
“Hoy excuse me!” natatawang sagot ni Cheska. “Crush ko si Red noh!” sabay sabit ng braso niya sa jowa niyang tila mas interesado pa sa popcorn kaysa sa usapan namin.Napansin kong medyo natahimik si Yhlorie. Kaya nilapitan ko siya at kinurot sa tagiliran. “Hoy, seryoso, hindi naman ako nagrereklamo na weird ka. Weird lang talaga tayo—pero in a good way.”“Weird?” kunwaring nasasaktan ang tono niya.“Oo. Weird dahil hindi ko akalaing magiging safe ako sa taong muntik nang ipabaril ako.” ngumiti ako habang iniangat ang kilay ko. “Pero tingnan mo naman tayo ngayon.” Sabay hawak ko sa kamay niya. “Weird, pero ikaw ‘yung peace sa gulo ng mundo ko.”Napangiti siya, yung tipong konti na lang ay mahuhulog na siya sa kilig. Hinila niya ang kamay niya saglit, pero hindi para umiwas—kundi para pisilin ito ng mahigpit.“Sa weird nating relasyon,” sabi niya, “ikaw ang pinaka-logical na desisyon na ginawa ko.”“Wow. Ganda nun ah.” natawa ako.