Flashback...
Tumango ako sa estudyanteng nagtaas ng kamay, isang binatang nakasuot pa ng ID, mukhang freshman pero matapang ang boses at puno ng kuryosidad ang mukha. “Ikaw po ba si Yhlorie Salves, yung may-ari ng Salves Org?” tanong niya, na agad namang sinundan ng mga bulungan sa paligid.Pinili kong tumayo nang diretso, tinanggal ko ang suot kong coat at ipinatong ito sa gilid ng mesa. Huminga ako ng malalim. “Oo,” sagot ko, walang pag-aalinlangan. “Ako si Yhlorie Salves, CEO ng Salves Organization… at oo, totoo rin na ako ang naging General Biology substitute professor niyo."Halos sabay-sabay ang reaksyon ng mga estudyante. May napanganga, may nagtawanan, pero karamihan, nagulantang.“Pero, sir, bakit niyo kailangan magturo? Diba po parang… weird?” tanong ulit ng estudyante, puno ng pagtataka. “Misteryoso nga po kayo sabi sa balita, pero hindi namin inakalang papasok kayo sa university para lang magturo. Hindi ba dapat nasa opisina kayo?”Tahimik na tumayo si Jayten sa harap ng mga mikropono. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanya, ang mga lente ng camera ay naglalaban-laban sa pagkuha ng pinakamalinaw na kuha. Hawak niya ang gilid ng podium, nanginginig ang mga daliri, pero kita sa mga mata niyang buo na ang loob.“The truth is…”Lumunok siya ng mahigpit.“…nabudol ako ng pagmamahal.”Isang collective gasp ang bumalot sa buong hall.“What do you mean by that, Mr. Jayten?” sigaw ng isang reporter mula Channel 9.Jayten smiled—bittersweet.“Minahal ko ang isang babae na hindi ko alam, anak pala ng isang mafia boss. Akala ko... simple lang. Akala ko love story lang. Pero hindi pala.”“Sino siya?! Sino ‘yung babae? Celebrity ba siya? Connected ba siya sa showbiz?”“Totoo bang kaya ka madalas mawala noon ay dahil pinupuntahan mo siya sa probinsya?!”“Anong pangalan ng mafia boss? Hindi ba’t may koneksyon siya sa Golden Serpent cartel?!”Sunod-sunod an
Pagbaba ko sa hagdan, bumungad agad sa akin ang malakas na tunog ng balita mula sa sala. Nakabukas ang TV, at doon ko nakita—breaking news. Isang live footage mula sa presscon venue kung saan nandoon si Jayten. May mga tao sa labas, may media, may mga galit na fans… at may tension sa paligid na parang puputok sa kahit anong segundo.“Q! Alam mo na?” boses iyon ni Daddy, gulat man pero may tensyon din sa mukha niya. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang remote, at nakatutok ang mga mata sa TV screen. Hindi na niya inalis ang tingin niya roon habang nagsalita.Tumango lang ako, bitbit ang bag ko at nakasuot na ng jacket. “I have to go,” mabilis kong paalam habang sinusuot ang sapatos sa paanan ng hagdan.“Quicee, teka lang—delikado ‘yan,” habol niya, pero hindi ko na siya tiningnan. Napalingon lang ako saglit.“Si Jayten… siya ang nagsilbing kuya namin ni Cheska. Kahit mas matanda lang siya sa’min ng ilang buwan Daddy. Hindi ko siya kayang pabayaan,” sago
Pagkatapos ng agahan, dala-dala ko pa rin ang bigat ng naging pag-uusap namin ni Daddy. Parang ang daming gumugulo sa isip ko—mga alaala, mga pangakong binitiwan noon, at mga tanong na kahit anong pilit ay hindi ko pa rin kayang sagutin.Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Tahimik ang buong bahay, tanging marahang pag-ikot ng ceiling fan sa sala lang ang naririnig ko. Pagkarating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sinarado ang ilaw, hinayaang ang liwanag mula sa bintana ang magbigay ng munting sinag sa loob.Inalis ko ang tsinelas at dahan-dahang lumapit sa kama.Pagbagsak ko sa kutson, naramdaman ko ang buong bigat ng katawan ko na para bang sumuko na rin sa pagod. Niyakap ako ng malamig at malambot na sapin. Hinayaan kong humimlay ang likod ko sa pagitan ng unan at kumot, habang pinapikit ko ang mga mata kong nanlalabo pa mula sa kakaisip kagabi.Napabuntong-hininga ako.Amoy ko pa ang bahagyang lavender scent ng punda ng una
Saglit siyang natigilan, parang inaalala ang bawat taon ng pagod at sakripisyo, ngayon naririnig mula sa anak niyang gusto ring maglingkod, sa sarili niyang larangan."Alam mo bang matagal ko nang hinihintay yang tanong na ‘yan?" sagot niya, malumanay pero may halong emosyon. "Anak, hindi ko ipagkakait sa’yo ang oportunidad na matuto sa lugar kung saan ako tumayo’t lumaban. Gusto kong makita mong hindi lang ito tungkol sa trabaho—ito’y tungkol sa puso.""Kaya oo. Welcome ka sa hospital, Quicee. Pero tandaan mo... hindi ka na anak ko doon. Intern ka. Ipapasok kita sa ilalim ng pinakamatinding head nurse.""Oh no," natatawa kong sagot. **"So hindi tayo magkakampi?""Depende. Kapag tama ka, kakampi mo ako. Pero kapag tinamad ka—ako mismo ang magtatanggal sa’yo sa duty!"Tumawa kami ni Daddy, habang si Mommy ay umarte pa ng mahigpit ang kilay, pero hindi maitago ang ngiti sa dulo ng labi niya.Sa gitna ng tawanan, alam ko: ito ang si
Habang nilalagyan ko ng butter ang pandesal ko, napansin kong biglang tumigil si Daddy sa pagbabasa ng diyaryo. Hindi siya agad tumingin sa akin, pero naramdaman kong may bumigat na katahimikan sa mesa—yung uri ng katahimikang alam mong may susunod na tanong na may laman."Kamusta kayo ni Yhlorie?" tanong niya, diretso, pero walang halong pamimilit.Napatigil ang kamay ko. Sandaling natigilan ang paggalaw ng kutsilyo sa ibabaw ng tinapay.Napatingin ako sa kanya—sa mata niyang palaging kalmado pero laging nakakabasa. Hindi niya ako tinatapangan. Tanong lang talaga. Pero alam kong hindi siya basta curious. Concerned siya.Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti."Okay lang po," sagot ko, maiksi pero may diin, parang gustong tapusin agad ang usapan.Pero ngumiti lang si Daddy, ‘yung tipong may kasamang payo na hindi binibitawan."Huwag kang maging masungit sa kaniya ha," sabi niya habang muling humigop ng kape, pero hindi inaalis an
May saglit na katahimikan. Wala nang nagpa-ping na notipikasyon. Wala nang hangin na dumadaloy sa kwarto, dahil isinara ko na ang bintana kanina. Kahit ang orasan sa dingding, parang ayaw nang tumunog. Lahat ay tila hinihimok akong isuko na ang gising.Hanggang sa dahan-dahan, bumigat na ang talukap ng mata ko.Yung mabigat na parang hinihila pababa ng mundo mismo.Muli kong sinubukang bumaling sa kaliwa, pero sa pagkilos ko, may kirot sa gilid ng ulo ko.‘Yung kirot na galing sa sobrang pag-iisip.‘Yung tipong parang sinasakal ng pagod ang sentido ko.Huminga ako nang malalim. Isa pa. Isa pang mas malalim.At sa wakas, tuluyan akong nadala ng antok.Hindi man buo ang tulog,hindi man tahimik ang loob ko,pero kahit paano...natalo ng katawan ko ang ingay sa utak.Sa huling segundo ng malay ko, may bumigkas sa loob ko ng tahimik:"Sana, kahit sa panaginip… may sagot."At doon, sa pagitan ng pa