Share

TCC #1.2 Father and Son's Agreement

Napapangiti si Dustin sa tuwing maaalala niya ang nangyari kanina sa kinainan niyang restaurant. Napatunayan niyang hindi lang pala siya ang lalaking mahilig mambasted ng babae. Dinaig pa niyang nanood ng live shooting ng isang pelikula. Sa kabila noon ay hindi niya maitatangging nagandahan siya sa babaeng iyon.

"Dustin, saan ka nanggaling?" tanong ng kaniyang amang si Alexander Saavedra.

"Nanood lang ng sine, papa," Dustin laughs devilishly.

Si Alexander Saavedra ang pinaka-mayamang business tycoon sa probinsya ng Batangas ngunit sa kabila nito ay hindi niya nakakalimutang magbahagi ng kaniyang blessings sa ibang tao. Tumutulong siya sa mga taong alam niyang walang kakayahang magbalik ng pabor. Mayroon siyang itinayong mga charities at foundations kung saan tinutulungan niyang matutong magnegosyo ang mga kababayan niyang walang trabaho. Nakakapagbigay din siya ng trabaho dahil sa kaniyang mga programa at kompanya. Sa kabutihan ng kaniyang puso ay nagawaran siya bilang "BEST CITIZEN OF THE YEAR" ng alkalde ng lalawigan. Kung anong ikinaganda ng pag-uugali niya ay siya namang ikinasama ng ugali ng kaniyang nag-iisang tagapagmana na si Dustin Saavedra.

"Dustin, alam mo namang may cancer na ako 'di ba? Kailan ka ba magdadala ng mamanugangin ko rito sa mansyon?" seryosong tanong ni Don Alexander.

"Papa, alam mo namang wala akong balak mag-settle down. Isa lang naman ang intensyon ng mga babae kung bakit sila lumalapit sa akin at iyon ay ang kayamanan ng pamilyang ito. Bakit pa ako mag-aabalang maghanap ng mapapangasawa? Sakit lang sila sa ulo at isa pa, lahat naman sila ay user at manloloko," prangkang tugon ni Dustin.

Napakunot ang noo ni Don Alexander sa sinabi ng kaniyang anak.

"Alam mo Dustin, nagkataon lang na minalas ako sa napangasawa pero hindi ibig sabihin noon na pare-parehong manloloko ang lahat ng mga babae. Alam kong galit na galit ka sa iyong mama dahil iniwan niya tayo para sumama sa kaniyang first love pero anak, huwag mong idamay sa galit mo ang mga inosenteng babae. Don't generalized them. Makakatagpo ka rin ng babaeng matino at mapagmahal," paliwanag ni Don Alexander.

"Whatever Papa. My decision is final. I WILL NOT MARRY ANYONE," pagmamatigas ni Dustin.

Natigil sa kanilang usapan ang mag-ama nang biglang tumunog ang cellphone ni Don Alexander. Masigla niyang sinagot ang tawag ng makita niya kung sino ang caller.

"Clenthon! It's nice to hear your voice after two days! Kumusta ka na? Namiss mo naman agad ako!" masayang bati ni Don Alexander sa kaniyang kausap.

"Sus! Mangungutang lang iyan papa kaya tumawag sa'yo. Maniwala ka sa akin," pabirong saad ni Dustin.

"Sshh! Ibahin mo itong best friend ko. Nakaka-alala siya kahit walang kailangan hindi katulad ng mga sinasabi mong kaibigan mo!" pagtatanggol ni Don Alexander sa kaniyang bestfriend.

Nakangiting umupo sa darboux chair si Dustin. Tinawag niya ang kanilang katulong at nagpatimpla ng paborito niyang kape. Nakikinig lang siya sa sinasabi ng kanyang papa. May pagka-tsismoso rin talaga siya.

"Bakit ka pala napatawag Clenthon? Napag-isipan mo na ba ýong napag-usapan natin nitong nakaraang araw? 'Yong kasunduan natin noong maliliit pa ang ating mga anak?"

Kumunot ang noo ni Dustin at lumipat pa ng upuan para mas marinig ang sinasabi ng kausap ng kaniyang Papa ngunit nabigo siya sa kaniyang nais. Iniabot na sa kaniya ng kanilang katulong ang kape na ipinatimpla niya. Dahan-dahan niya itong hinigop dahil umuusok pa ito sa init.

"MARAMING SALAMAT BAYSAN! HINDI MO ALAM KUNG GAANO MO AKO NAPASAYA SA SINABI MONG IYAN!"

Napabuga ang iniinom na kape ni Dustin nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang Papa. Agad siyang tumayo sa kinauupuan para komprontahin si Don Alexander.

Matapos ibaba ni Don Alexander ang kaniyang cellphone ay nakangiti niyang hinarap si Dustin.

"Tell me, papa. Ibinugaw mo ba ako sa kung sino?" seryosong tanong ni Dustin habang nakalagay ang parehong kamay sa kaniyang bewang.

"Anak, nakahanap na ako ng mabait na babaeng mapapangasawa mo. I'm sure magugustuhan mo siya kapag nakilala mo na siya ng husto," masayang sambit ng bilyonaryo.

"And who gives you the authority to do so? Malaki na ako papa! I'm already thirty two years old. I can decide on my own." Dustin remonstrated.

Napaupo si Don Alexander sa couch at nag-isip. He knows how stubborn his son is kaya kailangan niyang i-corner ito para mapapayag siya.

"Marry her or else I will not give your inheritance," nakangising utos ni Don Alexander.

Bumagting ang panga ni Dustin. Ngumiti siya dahil kasing tuso niya pala ang kaniyang papa.

"Fine papa, but I cannot give you assurance na mamahalin ko siya at itatrato ng tama. You know how I behave in front of girls."

"It is my duty to protect her from you, Dustin. Ang babaeng 'yon ay hindi kung sino lang dahil anak siya ng pinakamatalik kong kaibigan ... so I will not allow you to hurt her."

Lumakad na si Dustin palayo sa kaniyang papa. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakita niya sa restaurant dahil sa inosente at maamo nitong mukha. Naaawa siya rito pero at the same time masaya siyang magkita ng babaeng umiiyak dahil sa isang lalaki.

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niyang tumatawag ang kaniyang Mama Kendal. Pinatay niya ang unang tawag. Nakasakay na siya sa elevator dahil patungo siya sa penthouse. Napatingin na naman siya sa kaniyang cellphone. Tumatawag na naman ang kaniyang mama. Sa sobrang inis niya ay sinagot na niya ang tawag nito.

"Dustin! Anak miss na miss na kita. Nandito ako ngayon sa Laiya, San Juan, Batangas baka pwedeng pumunta ka rito. Matagal na rin kitang hindi nakikita. Aalis din kami next month eh. Pagbigyan mo na si mama," sabi ng nasa kabilang linya.

"Ang kapal din naman ng mukha mong tawagin akong anak. Simula noong iniwan mo kami ni papa, itinakwil na kita bilang ina."

"Anak, it's been ten years already. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Hindi mo pa rin ba ako naiintindihan?" Kendal sobbed while talking to his only son.

"STOP CALLING ME ANAK DAHIL MATAGAL NA AKONG WALANG NANAY. PAANO KITA MAPAPATAWAD KUNG HINDI KA NAMAN HUMIHINGI NG KAPATAWARAN SA HARAPAN KO MISMO? STOP THIS SHIT. MASAYA KA NA NAMAN 'DI BA? BAKIT KAILANGAN MO PANG MAGPARAMDAM SA AKIN? PARA SAKTAN LANG ULIT AKO? PARA IPAMUKHA SA AKIN NA HINDI MO AKO MAHAL? KENDAL I ALREADY CUT TIES WITH YOU SO STOP CALLING ME BITCH!"

Nangangatal ang kalamnan ni Dustin sa sobrang galit. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay itinapon niya ang kaniyang cellphone. Nagulat ang katulong na naglilinis sa corridor.

"Dump it. I'll just buy another one," utos ni Dustin.

Dumiretso si Dustin sa kaniyang kama at nahiga. Kinuha niya ang kanyang iPad at tinawagan ang kaniyang katiwala na si Peter.

"Hanapin mo ang bahay ni Clenthon Jones at dalhin mo sa akin kinabukasan ang anak niyang panganay. Kailangan ko siyang makausap bago pa kami ipakasal ni papa."

"Masusunod po, Young Master!" agad na talima ni Peter.

Ipinikit ni Dustin ang kaniyang mga mata. Sampung taon na ang nakalilipas pero sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang ala-ala kung paano siya iniwan ng kaniyang inang si Kendal. Nakatulog na siya nang hindi niya namamalayan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status