Share

Kabanata 3

Pinatunog ko ang sasakyan saka naglakad papasok ng Rouseau. Tumunog ang wind chime hudyat nang pagpasok ko.

The place was different from yesterday. Hindi ko napansin ang kabuuan nito kahapon dahil siguro sa mga bisita at bulaklak dahil opening. 

Nagdire diretso ako hanggang sa counter. Kaonti pa lang ang tao ngayon. Karamihan ay mga turistang naka dine in at ang iba ay mga lokal na namimili na nagtetake out lang.

Napa-angat ang tingin ng cashier sa akin matapos maibigay ang order nung ginang. Her eyes widened a fraction when she realized who I am.

I smiled. Ramdam ko ang tensyon niya sa kabila ng distansya sa pagitan namin. I don't want her to feel that. 

"Good morning, Miss Chio!" yumuko siya. "Pasensya na po at ngayon ko lang kayo napansin..."

"It's fine," I assured her.

Binalingan ko ang paligid bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"Ikaw lang ba ang makakasama ko rito?" tanong ko nang napansing wala ng ibang staff bukod sa kanya.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at umiling. She was about to speak when someone neared us. Lumipad ang tingin ko sa kanya. 

"Good morning, Miss. I am Vanity Rosa, the appointed general manager of Rouseau."

Naglahad siya ng kamay, nakangiti. Ibinalik ko sa kanya ang ngiti saka tinanggap ang kanyang kamay.

She's a year older than me, I guess. Mahaba ang kanyang buhok, hanggang beywang. Her tanned skin glowed when sunlight peeked on her. She's beautiful.

"Nice to meet you, Van," sambit ko na sinundan ng isang ngiti.

"Ipinagbilin po sa akin ng Tita ninyo na i-tour ko kayo rito," she said and motioned a way to somewhere. 

"Dito po tayo," aniya at naunang naglakad. 

I took a deep breath before I followed her. Sa isang maliit na pinto kami pumasok. Binungaran ako ng kulay kremang silid na may kagamitang pang-bake sa 'di kalayuan.

On the side there is a silver-colored oven. May malaking mesa sa gitna kung saan ginagawa ang proseso sa paggawa ng sweets. 

Hindi nakaligtas ang tingin ko sa lalaking naghahalo ng itlog at harina. Saglit siyang tumigil para salubungin ang tingin ko.

"This is the kitchen," si Vanity. Itinuro niya ang lalaki na nakangiti na sa akin ngayon.

"Siya si Ludrick, ang baker ng  Rouseau."

"Magandang umaga, Miss Chio," ani Ludrick saka yumuko. 

"Good morning."

Humakbang si Vanity patungong bintana. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay tumigil siya para lingunin ako. 

"Nga pala, Miss. Mahigpit na ipinagbilin ng Tita ninyo na huwag kayong hayaan dito sa kusina. Hindi rin po kayo pwedeng tumulong sa pagbebake at ang tanging pagtutuonan niyo lang ng pansin ay ang paper works na nasa opisina na ninyo."

Naningkit ang mga mata ko dahil sa narinig. Sumilip ang sinag ng araw nang buksan ni Vanity ang dalawang bintana. My eyes became slits when the harsh light attacked my face. 

Pumihit na pabalik ng pinto si Vanity saka ito binuksan, hinihintay akong sumunod sa kanya. 

My mind suddenly asked me a question. 

When did she tell me that I'll bake? 

Ipinilig ko nalang ang ulo para maiwasan ang tanong na hindi ko rin masasagot. Sa huli ay sumunod ako kay Vanity. Sunod naming pinasok ang malaking silid.

The rose gold-colored room waved at me with happiness. Ang kulay gintong kagamitan ang tumulong na maipinta ito sa lubos na kagandahan. 

There is a table on the center. May pile na ng papel ang naroon sa gilid ng mesa at sa kanan naman ay ang laptop. Mapapansin din ang plastic vines sa bawat sulok na ang dulo ay may malalaking bulaklak. 

"This is your office, Miss. Maluwag pa at wala masyadong gamit. Kayo na raw po ang bahala sa kung ano pa ang idadagdag niyo rito. Kung may gusto po kayong ipabago ay may numero na po ng interior designer diyan sa mesa," she explained.

Tumango ako muling pinasadahan ng tingin ang opisina. It looks so girly. May naisip akong ideya sa kung ano ang gusto kong ipabago kaso nilunok ko nalang ito at kinimkim.

This is not the right time to change something. Sa susunod nalang siguro.

"This is the staff room. Sa tabi nito ay ang storage room. Ang panghuling pinto ay patungo sa likod," sunod-sunod niyang sabi habang patuloy parin akong iginigiya sa mga silid na kailangan kong kabisaduhin. 

Every room has its own and unique design. Magkakaiba ang mga kulay. May kanya kanyang tema at mood kaya masasabi kong kakaiba. 

But among those rooms, my office is the biggest. Hindi ko naman kailangan ng malaking opisina. Naisip ko na sayang iyon dahil mukhang hindi naman ako maglalagi sa Rouseau buong araw. 

I'll go here to work and to do my duties as the acting owner. Pero pagsapit ng hapon ay aalis ako patungong foundation.

I want to visit it as often as I could. Kailangan kong makilala si Mama at ang foundation lang ang tanging lugar na pwede kong mapuntahan sa ngayon. 

Iniwan ako ni Vanity para daluhan si Maliyah na naninibago pa sa counter. 

Lumabas ako sa huling pinto. Dinala ako ng mga paa sa malawak na hardin sa likod kung saan tanaw ang karagatan.

The pristine water of Priacosta sparkled when the sunlight kissed the surface of the vast ocean. 

Sandaling kong dinama ang katahimikan na unti unting kinikilala ng sistema ko. Sa kabila ng halinghing na nagmumula sa loob ng Rouseau ay naririnig ko parin ang paghampas ng alon sa dalampasigan. 

Nang magsawa ay pumasok na ulit ako sa loob. Sumalubong sa akin ang mga taong dumagsa na. Nilingon ko ang orasan sa dingding at napagtantong tanghali na pala. Siguro ay oras na para magsimulang magtrabaho. 

Kung laging ganito ang sitwasyon dito, na tuwing tanghali lang dadagsa ang mga tao, hindi ako mahihirapan sa pag-iwan ng Rouseau para sa foundation.

I was about to go inside my office when someone caught my eyes. Nakaupo siya sa pinakagilid at marahang sumisimsim sa kanyang kape.

"Miss Chio, may naghahanap po pala sa inyo. Kahapon pa po iyan pabalik balik dito kaso ngayon ka lang po nadatnan," si Maliyah nang madaanan ako. 

Nilingon ko siya at tipid na nginitian. Nilakad ko ang pwesto ni Weino na hindi parin inaalis ang tingin sa akin. It is him and his usual dangerous eyes.

 "Hi!" I greeted.

Tumama ang tingin ko sa bakanteng upuan sa harap niya. 

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko. Nang mapagtanto ay iminuwestra niya ang upuan.

"Take a seat, Chio..." sandali niyang pinutol ang sinasabi. 

Lumipat ang tingin ko sa kanya. 

"Hmm?"

Now he looks hesitated.

"Let's talk..." aniya saka muling sumimsim sa iniinom.

I nodded at him, confused. Gano'n pa man ay umupo ako sa upuan tulad ng gusto niya. 

Ngayon ko lang napansin ang strawberry shake na nasa gilid. Weino effortlessly slid the shake to me.

Nangunot ang noo ko. Ngunit bago pa man makapagtanong ay inunahan niya na ako.

"I ordered that for you."

I nodded. Hinagip ko ang straw para uminom.

"Nasabi sa akin ni Maliyah na hinahanap mo raw ako kahapon pa. Why? Do you have something to tell me?" ako na ang nagbukas ng usapan.

Weino kept his eyes fixated at me. Sumandal siya sa likod ng inuupuan at marahang bumuntong hininga.

"Nasaan nga pala si Richard? Hindi kayo magkasama?" I added that made his brows shut.

"Why are you looking for him?" he asked in his serious tone.

"It is just unusual for me to see you without him..." tugon ko. "But I figured out that he's a busy man."

May kung anong kuminang sa kanyang mga mata. The violent movement of his jaw told me something I refused to take.

"This spot...I want to reserve this spot," pag-iiba niya ng usapan.

"When? I'll check the reservation for you."

"Everyday...reserve this spot everyday," he said cooly.

Bahagyang umawang ang labi ko. Ano?

"I won't order anything aside from a cup of coffee. If I need to pay for this seat, I am willing to pay," dagdag niya nang hindi ako nagsalita.

I gasped for air. Pinaglaruan ko ang straw habang nilalabanan ang kanyang titig.

"I'm afraid I can't grant you of what you want. Your reason is not that valid, Weino. We prioritize customers."

"I'm willing to pay. Did you not hear me?" 

"And others will pay as well," I sighed.

 

My words caught him off guard. Naging kakaiba ang kanyang mga mata. Nananantsa ang tingin na tila ba iniisip ng mabuti ang susunod na sasabihin.

"Chio...Are you negotiating with me?"

Tipid akong ngumiti saka umiling.

"No, I'm just pointing out some points."

"If I need to purchase your sweets, give me two boxes per day and give them to the street children. But please, give me this spot..."

I pouted. 

"Why do you like this spot so much? Araw araw ka ba rito?"

His face softened. Pumaibabaw ang multo ng ngiti sa kanyang labi. Oh, that's so not of him.

He shifted to his seat. Umangat ang sulok ng kanyang labi na binasag ang supladong ekspresyon sa kanyang mukha.

"Yes, I'll check you everyday. That must be enough to provide your curiosity," he then took a sip on his coffee.

Umawang ang labi ko. Binaha ako ng pagtataka sa mga sinasabi niya. Bakit? Anong meron at kailangan niya akong i-check?

Why? 

Pinilit ko lang na itago ang kaba ko dahil sa seryoso niyang tingin. My knees were about to tremble if I wasn't that strong to keep them chill and relax. 

We didn't talk that much yesterday. It seems like he is containing every word he have and concealing his ideas through shutting his mouth. Kaya mas lalo siyang nagiging misteryoso para sa akin.

At kung laging ganito ang bungad niya sa akin, hindi ko alam kung matatagalan ko ba ang intimidasyong pinaparamdam niya.

Sa Rouseau na ako kumain. Habang hinihintay ang paglipas ng oras ay nagdesisyon akong manatili sa opisina para basahin ang mga dokumento roon. 

Since we are just starting this branch here, I don't have much paper works to do. Kailangan ko lang i-check ang mga papeles at ang iilang rules and regulations na ginawa ni Tita.

Isa pa sa iniisip ko ngayon ay ang biglaang pag-uwi ni Tita sa San Hartin nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. After the opening, she wasn't able to talk to me because of her friends. Saktong nandito ang mga kaibigan niya na nagbabakasyon kaya nang narinig ang tungkol sa pagbubukas ng Rouseau ay dumiretso na rito kahit wala namang natanggap na imbitasyon.

Nang mag-ala una ay lumabas na ako ng silid. Bitbit ko ang bag habang tahimik na nilalagpasan ang mga customer. Tumigil muna ako sa counter para magpaalam kay Vanity na aalis muna ako. 

"I'll be back around three. Bibisitahin ko lang ang foundation ni Mama."

"Sige, Miss," tugon niya saka ako nginitian. 

I smiled and got myself out of Rouseau. Pinatunog ko ang sasakyan. Akma na akong sasakay nang bigla nalang humarang ang anino ni Weino sa akin. 

Akala ko nakaalis na siya kanina.

"Where are you going?" he asked and neared me.

Nilagay ko ang bag sa upuan bago siya nilingon. His large frame was defined when he towered over me. Hindi ko na kailangan pa ng payong para matakpan ang sinag ng araw. Weino's shadow is enough for me to avoid the scorching sun.

"House of Maidens Foundation," tipid kong tugon. 

"I'll go with you."

Naningkit ang mga mata ko. 

"Don't you have work? I mean, andito ka buong umaga. Baka may kailangan kang asikasuhin. Kaya ko naman ang sarili ko, Weino."

"I already cleared my schedules for today. I'm going with you," he said with finality.

"Pero---"

Naitikom ko ang bibig dahil sa pagtalim ng kanyang mga mata. Ang mga matang iyon...kailan kaya sila hihinahon?

"Ako na ang magmamaneho. We'll use my car so leave yours here."

I was hypnotized by the authority evident in his words. Tila nawalan ako ng karapatang umangal at magprotesta. At sa huli ay nahanap ko ang sarili na nakaupo sa tabi niya. 

Ang makulit kong mata ay aksidenteng tumama sa kanyang kamay na minamanipula ang steering wheel. Veins in his arms down to his hands protruded as his grip on the steering wheel tightened. 

"Anong gagawin mo sa foundation?" pagbasag niya sa nakapagitnang katahimikan.

Nag-angat ako ng tingin. Saktong sinalubong ako ng kanyang mga mata. I have never met someone who has those mysterious eyes like his. His soul is deep. Sinasabi iyon ng mga mata niya.

"Bibisita ako. I did my research about my family. Nalaman kong foundation iyon ni Mama."

He nodded and rerouted his eyes in front. Nanatili akong nakatanaw sa mukha niya kahit pa hindi ito nakaharap sa akin. 

I can see the side of his eyes from here. They are the reflection of the sea with wild waves. Ang pagwawala ng mga emosyon sa kanyang mga mata na pilit itinatago ng ekspresyon sa kanyang mukha ay nagpapahiwatig ng kanyang matinding pagpipigil. 

Just like the silence of the night being broken by the harsh waves kissing the shore, Weino's deepness is slowly surfacing, breaking his own rules. 

"Bakit andito ka parin? Akala ko babalik na kayo ng San Hartin?" tanong ko saka nag-iwas ng tingin.

He glanced at me. Pakiramdam ko ay sinulyapan ako ng kalawakang nagtatago sa likod ng kanyang mata. 

"Nauna na si Richard," he said in a low voice. "I'm staying here..."

"Until when?" I probed.

Huminto ang sasakyan sa parking lot ng foundation. Kinalas na ni Weino ang seatbelt kaya naman nagmadali narin akong kalasin ang akin.

"As long as you're staying," he said before he boarded off.

Naiwan akong tulala at nalulunod sa kanyang mga salita.

Kung hindi lang kinatok ang sasakyan ay baka hindi na ako gumalaw at bumaba.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status