Share

Kabanata 4

Kulay kahel ang buong building. Ipininta ang papalubog na araw na nagtatago sa likod ng mga alon sa malaking dingding. Iyon ang bumungad sa akin pagpasok. 

The premise looked so clean and well maintained. Maraming puno ang nakahilera sa magkabilang gilid ng daanan na kasalukuyan naming dinadaanan.

May malaking fountain sa gitna, tingin ko'y rotunda ng mga sasakyan. Kaso nga lang ay ipinagbawal na ang pagpasok ng mga ito kaya mga batang babae na lamang ang nagtatakbuhan paikot sa fountain. 

They are wearing the same shirt, but with different names. Sa tingin ko ay nasa edad dose hanggang katorse pa sila. Naglalaro sila ng habul habulan. Sa 'di kalayuan ay may batang tumatakbo palapit sa kanila. 

"Sali ako!" the girl exclaimed and joined them.

Tumigil sa pagtakbo ang dalawa at basta nalang na nagtawanan. 

"Ayoko na maglaro! Tinamad ako bigla," makahulugang sinabi nung isa na halatang pinaparinggan ang batang dumalo.

The girl bowed her head in shame. Nangilid ang luha sa kanyang mata at mahigpit na hinawakan ang kamay. 

"Pasok na tayo? Baka may merienda na sa loob," ani nung isa pa.

Sabay na pumasok ang dalawa sa loob na natatawa parin. I looked at the girl. Naglandas ang luha sa kanyang pisngi. Pinilit niyang ngumiti pero nabigo siya. 'Di kalauna'y tuluyan na siyang humagulgol. 

Nagkatinginan kami ni Weino. Binilisan ko ang lakad para daluhan ang bata at aluin. I stopped in front of her and crouched a bit.

"Matingkad naman ang sikat ng araw. Bakit parang umuulan sa kung saan?" I said, making her lift her face. 

Doon ko nakumpirma ang mainit na likidong animo'y gripong hindi naisara. Umurong siya, nahihiya. Lumipat ang tingin niya sa likod ko. 

"These precious tears," I added and wiped her tears.

"Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba nung dalawa?"

Mabilis siyang umiling at iniwas ang mukha. Nahulog ang kamay ko sa magkabilang gilid dahil sa biglang pag-atras ng bata.

"S-sorry po!" 

Walang pasabing tumakbo siya na mukhang takot na takot. Bumuga ako ng hangin nang tuluyan siyang nawala. 

"You feel sorry for her?" Weino asked from behind.

Umayos ako ng tayo. Sinigurado kong maayos ang ekspresyon ko sa sandaling balingan ko siya.

"Who wouldn't?" nilingon ko ang entrance ng foundation. 

"That innocent girl wanted to play with them...Pero tumigil sila dahil lang gusto niyang sumali," I pouted and met his gaze. "They rejected her."

Nag-isang linya ang aking mga labi habang pilit na tinatanaw ang bata kahit pa alam kong nasa loob na ito.

"She doesn't deserve to be rejected when she's being a human. The cruelness of others killed her arousing happiness and hope."

"I know, Chio. I know..." he said like he was in agreement with my words.

 

"Magandang hapon! Ano po ang sadya nila?" someone interfered.

Pareho kaming napalingon sa bukana ng foundation. Isang babaeng nasa edad trenta ang naroon. Nakatanaw siya sa amin at hinihintay ang aming paglapit.

We continued our walk. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi nung babae matapos kaming makita sa malapitan. 

"Aba'y ikaw pala iyan!" namamanghang sambit ng babae na parang kilala na kung sino ako.

"Ikaw ang anak ni Archiona, hindi ba? Naku, matagal ko nang hinihintay ang pagdating mo!" 

Sa isang iglap ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nahirapan akong makahinga at mukhang napansin iyon ni Weino kaya hinila niya ako palayo sa ginang.

"Naku, pasensya na ija. Masaya lang ako at andito ka na," sabi niya na medjo nahihiya.

I smiled. 

"Ayos lang po."

Ngumiti siya pabalik. Weino's gaze met mine for a moment. At sa sandaling iyon, sa unang pagkakataon, ay napangalanan ko ang kung anong kislap sa kanyang mga mata.

Pag-aalala...

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagtikhim nung ginang. Nauna siyang pumasok sa loob. Bawat silid at pasilyong nadadaanan namin patungong opisina ay lagi siyang may sinasabi.

"Dito madalas na namamalagi ang mama mo noon, ija. Sa parehong pagkakataon ay dito rin siya nakilala ng papa mo."

May malisyosong ngiti na siya ngayon. Tinuro niya ang pinto na kulay abo. Nagpatuloy kami hanggang sa narating ang huling pinto sa gilid ng pasilyo.

"Ang kwartong ito ay pinagawa para sa mga batang nabubuntis dahil sa karahasang sinapit noon. Isang magaling na doktor si Archiona. OB Gyne ng lahat ng babaeng nagbunga ang mapait na sinapit."

It saddened me to hear that. To think of my situation, I am lucky enough to live my life away from danger. Iyon ang lagi kong ipinagpapasalamat. 

Protektado ang lahat ng babaeng Alcoreza sa San Hartin. Para mapanatili ang seguridad na ito, madalas na ipinapadala sa PMA ang mga lalaking Alcoreza at inaasahan ang proteksyon mula sa kanila. 

I have lived, and still living a life that is free. Free as I have my own wills and wants without the trigger of danger. At habang nabubuhay ako sa ganoong paraan, may mga kapwa babae na pala akong umiiyak sa tuwing naaalala ang karahasang natamo. 

This is the reason why I want to become a public defender. I want to help people with less power, less to none privilege to protect themselves, and to be the voice of those voiceless to obtain justice.

Tanging lungkot lang ang yumakap sa akin habang iniisip ko iyon. Ang pag-apak ko sa Priacosta ay ang pagtatapos ng pangarap ko na maging abogado.

 

Why? Because there is no university here that offers law. Tanging ang MEU lang ang pwede kong pasukan. 

But maybe this is the way of my fate saying that I am bound to become someone more than a lawyer. That maybe the other version of Chio Ghabila Alcoreza is waiting me somewhere. 

Being not able to be the woman I dream to become, in my chosen field, in my own expertise, I can be a blessing. I will turn this mess of being in a place I don't want to be in to a blessing of miracle.

Just like a seed planted on the ground with hard soil, I need to bloom.

Whatever ground I am in, circumstances will always remind me to bloom with grace.

Isang silid na kulay krema ang huling pinasok namin. Sa tingin ko ay office. May tatlong hilera ng mesa sa kanang gilid. Ang sa gitna ay pabilog na carpet  at ang sa kanang gilid ay cabinet na naglalaman ng mga papeles.

On the first desk, someone is seated while signing some papers. He is too oblivious to even recognize our presence.

"Calin, may mga bisita," pagkuha ng ginang sa atensyon ng lalaki.

"Sino?" tanong niya saka nag-angat ng tingin.

I can't help myself not to smile with his view. His perfectly curved eyebrows, his long and blackened eyelashes, down to his reddish lips...this man is in my troupe. 

"That man is a young lady," Weino whispered.

Pigil ang tawang nilingon ko siya. His brows shut a little with my sudden glance. Nagkibit balikat ako at muling ibinalik ang tingin kay Calin. Yes, Weino ang I shared the same thought.

"OMG! Wait!" mahinang tili ng lalaki at nagmadaling inayos ang nagkalat na papel sa kanyang mesa.

He got up and neared to us. Sa akin siya unang naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon at nakipag kamay.

"Calin Romualdez, the acting president of this foundation."

Ngumiti ako.

"Chio Ghabila---"

"I know! You are Chio Ghabila de Alvero Alcoreza! Daughter of the governor and unica ija of Archiona Ghila de Alvero!"

An awkward smile crept on my lips. Marahan niyang binitawan ang kamay ko.

"I know you, Marchioness..."

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinarap na niya si Weino. Nanlagkit ang kanyang tingin at ang labi ay bahagya pang nakaawang.

"Boyfriend mo, Marchioness?" 

I bet that question was meant for me. Sumulyap ako kay Weino na nakatingin narin pala sa akin.

"Kakilala ko..."

 Hindi kami magkaibigan. Nagtataka nga ako kung bakit siya sumama rito.

Calin smacked his lips. The provocative gleam in his eyes told me something about him.

"Wow, such a beautiful man," natawa siya sa sariling ideya.

"Well, what would you expect for a young Zaldego?"

He offered his hand. Matagal pa bago iyon tinanggap ni Weino para makipagkamay.

"Calin Romualdez..."

"Weino Miscreant Zaldego," he introduced in a low voice.

Hinigit ni Calin ang kamay saka ito pasimpleng inamoy. He giggled as he couldn't contain his smile for a long while. 

"Pwede mo na kaming iwan, Aling Rana," baling niya sa ginang.

Aling Rana bowed and took her way out of the office. Inimbitahan kami ni Calin na maupo sa sofa malapit sa hilera ng cabinet.

"So, what took you so long to find your way here, Marchioness?" panimula niya.

"Matagal narin akong nasestress sa pamamalakad nitong foundation. See? I look haggard!"

Itinagilid niya pa ang mukha na parang pinapakita sa akin ang sinasabi. Natawa ako. He seems fun to be with.

"Looking so fresh, Calin! The beauty is still visible enough to attract men," pagbibiro ko.

Napangisi siya saka ako pabirong hinampas sa braso. Uh, hindi ko iyon inaasahan.

"Don't joke like that, Marchioness! Nafaflutter ako. Alam ko naman iyon kaso nakakahiya lang!"

We both laughed at his words. Kaso nga lang ay tahimik lang itong si Weino kaya medjo nakakailang tumawa.

"Bakit mo nga pala ako kilala? I haven't been here. Wala rin akong naaalalang naipakilala ako."

Calin smiled at me.

"Sinong hindi makakakilala sa'yo? You are the resemblance of your mother. The only bloodline of royalty Archiona de Alvero! The living Marchioness of Priacosta!"

Marahan akong napatango. Does that mean that people here knows me too?

"Nope, kilala ka lang ng mga taong malapit sa mama mo. It happened that I know you because your mother is my ninang!" pagsagot niya sa tanong na nasa isip ko lang.

It was a word of relief! Ayoko sanang makilala ako ng lahat. I am fine living behind my family's shadow. My own light will shine if it's time. Sa ngayon, dito na muna ako sa lilim.

"May balak ka bang akuin ang posisyon dito sa foundation? I am more willing to step down, Marchioness."

Calin calling me Marchioness bothers me for some reason.

"Sa ngayon ay wala pa. I'll try to fix my schedule with Rouseau."

Calin nodded. Kahit pa man kausap ako nito ay 'di parin niya maialis ang tingin sa katabi ko. 

"Sige, waiting na muna ako rito."

Lumipas ang oras na tanging ang tungkol lang sa foundation ang pinag-usapan namin ni Calin. Ipinaliwanag niya ang lahat ng kailangan kong malaman habang patango tango lang ako. Too much information. I couldn't grasp everything I heard kaya ngumingiti lang ako pag ganoon.

Abala kami sa pag-uusap samantalang si Weino ay nakaupo lang sa tabi, tahimik at walang kibo. 

He'd flinched everytime Calin's gaze would meet his. Pinipigilan ko nalang ang sarili na pansinin pa iyon nang huwag na matawa pa.

"Are you satisfied with the informations you got?" tanong ni Weino matapos akong maihatid sa bahay. 

Ginabi na kami sa foundation kaya naman ay abot langit na ang guilt na nararamdaman ko. Nangako pa naman ako babalik ng alas tres. I won't promise the next time. Nakakahiya pag napako.

"Yeah..." I said, exhausted. "Thank you for your company. I will reserve your spot tomorrow per your request."

Tumango siya bilang tugon. Hinintay ko siya na sumakay sa sasakyan at umalis. Pero ilang sandali pa ang lumipas ay nakatayo parin ito sa harap ng mansyon.

"Won't you go home?" I snapped at him.

"May iniisip ako, Chio. I'm still thinking if I should let you know about that."

Nagsalubong ang kilay ko.

"Uh...what is it?"

Bago pa man siya makasagot ay bumukas ang tarangkahan sa likod kasabay ng paglabas ni Papa na mukhang kauuwi pa lang din.

"Why don't you invite your friend for a dinner, Chio? The dining is ready, shall we go in?"

Despite of the dark enveloping the place, it is still not enough to overpower the darkness in Weino's eyes.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status