Share

Kabanata 2

Binuo ko ang sarili para sa gagawing paglakad. Nauna si Tita na sumuong sa dagat ng tao. At dahil kilala siya na may-ari ng Rouseau, hindi naging madali sa kanya na makalagpas. Sa bawat hakbang ay natitigil siya para batiin ang mga bisita. Pansin ko ngang medjo naiirita na siya pero pilit niya pa ring sinusuklian ng ngiti ang mga kakilala.

Masaya ako na hindi ako kilala. Kalmado ang naging lakad ko pasunod kay Tita. Walang humarang sa akin para bumati. Lilipad ang tingin sa akin pero hanggan doon lang iyon. Ni isa ay walang umimik nung ako ang dumaan sa harap nila.

It somehow brings me peace being unknown. Rason kung bakit ayaw ko na isapubliko ang pagpapakilala sa akin bilang taga pamahala ng Rouseau rito sa Priacosta.

"People are sometimes annoying!" reklamo ni Tita nang marating namin ang loob.

I can see flowers everywhere. May mga congratulations pa na nasa gitna ng mga bulaklak. Ang iba ay galing sa mga politiko at ang iba ay sa business partners nina Tita.

Inagaw ng boses ni Tito ang atensyon ko. Napabaling ako sa gawi nila at doon nakita si Papa. He is too oblivious to even notice my presence. Abala siya sa kausap.

"Should we invite the press?"

"That's necessary!" si Tita na naghe-hysterical na.

Dumalo ako sa kanila. Sinubukan kong magsalita pero hindi ako hinayaan ng pagkakataon nang mabilis na sinundan ni Tita ang sinabi.

"Malaking event ang pagbubukas ng Rouseau! Dapat lang na malaman ito ng buong Priacosta! This is the first bakeshop here."

"Uh..." sinadya kong putulin ang sasabihin.

Sabay nila akong nilingon. Unti unting umaliwalas ang mukha ni Tita na para bang may magandang naisip.

"No, Tita. It's not what you think..." pinangunahan ko na siya sa naiisip. She frowned.

"I don't think we need the press to record everything. Maraming tao ngayon. Karamihan ay mga dayuhan kaya inaasahan na papasyal sila buong araw. They don't have the time to glimpse at their TVs to be informed about the opening. Mas effective kung personal natin sila na iimbitahan dito."

Nagkatingin sila ni Tito. Maya maya pa ay bumaling si Tita sa akin na may ngiti sa labi. Doon pa lang ay alam kong sang-ayon na siya sa naisip ko.

And I just knew that Papa is the governor of Priacosta. Kaya siguro naisip nila na mag-imbita ng press para ipalabas na charity ito ni Papa.

Naging abala pa kami sa mga sumunod na minuto. Pagsapit ng ala sais ay saka pormal na binuksan ang Rouseau. May inihandang program si Tita. Iyon ang sinunod.

Nawala ako sandali sa pakikinig ng speech ni Papa dahil sa marahang kalabit sa aking balikat. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Richard kasama ang kaibigang si Weino.

He was holding a glass of wine, slowly twirling it to mix the drink well. With eyes fixated at me, Weino's brows furrowed. Inalis ko ang tingin sa kanya at inilipat sa kasama.

"Congrats, Chio!" Richard greeted me as if we are friends for so long.

"Thank you!" I said and smiled. "Buti nakarating...kayo."

Mahinang natawa si Richard. Kahit pa tumatawa ito ay ramdam ko pa rin ang pagkailang. His friend is still staring at me. Umiinom man sa inumin niya ay nasa akin pa rin ang tingin. Did I do something wrong?

"Muntik na hindi. Natagalan ako sa pagsuyo kay Weino kaya muntik na ma-late."

"Richard..." Weino's voice hoarded.

Nilingon niya ang kaibigan.

"Save your complains later. I'm still talking to Chio."

Ibinalik ni Richard ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ay obligado akong ngumiti. Hindi man sa kanya kundi kay Weino. Now I am a little pursued to believe that he is dangerous.

Sinasabi iyon ng tingin niya. Nagiging komportable na ako sa titig niya. Medjo nag-aadjust pa pero kaya ko naman na sigurong tagalan ang kanyang mga mata.

Dinala ko sila sa loob. Nagkaubusan na ng mesa at upuan dahil sa mga na-engganyong bumili ng sweets. Tanging ang pwesto nalang sa may counter bar ang pwede para sa aming tatlo.

"Ayos lang ba sa inyo ang island bar?" tanong ko kay Richard.

Sinipat niya ang pwestong iyon bago bumaling sa kasama. Pareho naming hinintay ang desisyon ni Weino. Bahagya akong napapitlag nang tumama ang kanyang tingin sa akin.

"It is fine..." he said in a low voice.

"Tara na!" si Richard na naunang naupo roon.

Naiwan kami ni Weino. No one's moving a single nerve. Parang nagpapakiramdaman lang kami, hinihintay kung sino ang unang lalakad.

"I'm waiting!" untag ni Richard, nababagot na kakahintay.

When I was about to take a step forward, Weino whispered from behind.

"Now it feels nice to walk behind you."

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang bigla nalang akong hinarang ni Papa na ngayon lang ata ako napansin.

I lifted my face, meeting his gaze for a while.

Walang pasubaling na niyakap niya ako sa harap ng mga tao. Sasaya na sana ako sa pag-aakalang na-miss niya ako ngunit ang mata ng mga bisita ang humadlang sa sayang papausbong na sana. This is just an act...

Kumalas si Papa sa pagkakayakap sa akin at hinagip ang kamay ko. Itinaas niya ito na tila ba nanalo ako sa isang laro.

"Chio Ghabila Alcoreza, my unica ija. The only Marchioness of Priacosta!"

Then a blinding flash from a camera told me that tomorrow wouldn't be the same as today anymore.

Para pa ring panaginip ang lahat. Ilang beses ko nang binalikan ang lahat ng nangyari kagabi pero puro pagtataka lang ang nahahanap ko.

Bakit sa kalagitnaan nang pagbubukas ng Rouseau pa ako pinakilala? Wala masyadong media noon ngunit halos kalahati ng populasyon ng Priacosta ay naroon, inimbita ni Papa.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang diyaryong nasa hapag. Nasa gilid iyon ni Papa, katatapos niya lang basahin. Hindi ko maialis ang paningin doon dahil sa mukha kong nasa headline.

"Kumusta naman ang tulog mo? The bed wasn't totally fixed because your sudden homecoming was announced late. I hope you're fine with that," si Papa pagkatapos sumimsim sa kanyang kape.

"Ayos naman po," tipid kong kasinungalingan.

I wasn't able to pull myself to dreamland last night. Maliban sa tunog ng alon sa dagat ‘di kalayuan, binagabag din ako ng biglaang atensyon ng media sa akin. Now I am all over the tabloids, with my face and name! Daig ko pa ata ang artistang nagka-issue.

"How about your Auntie Lurie? The Alcorezas in San Hartin?" tanong niya bago ako tinapunan ng tingin.

I stopped for a bit to look at him. Pakiramdam ko ay kailangan kong salubungin ang tingin niya.

"They are fine. Itong si Auntie Lurie nga lang ay medjo namomroblema sa anak."

Papa chuckled with the information I said. Nailing siya at muling pinagtuonan ang kanyang iniinom na kape.

"Lurie never change. How many times must I repeat myself that she should let Vanesa do everything she wants!" he commented. "Dapat ay gayahin niya ang ginawa kong pagpapalaki sa'yo."

Muntik na akong mapaismid sa narinig. Hinanap ko ang kahulugan ng sinabi niya. Kung ang tinutukoy niyang pagpapalaki sa akin na hayaan akong mabuhay mag-isa ng walang gabay niya, siguro ay sasang ayon ako roon. Ngunit ang ideya niya ng pagpapalaki sa akin na tila ba kasama ko siya sa iisang bahay, tutol ako.

Or maybe he has another point? Baka nga. Hindi ko lang maintindihan dahil wala naman akong ideya tungkol sa kanya.

All that I know is that he is my father. I am an Alcoreza, daughter of the governor. Tapos ano?

Gusto kong kaawaan ang sarili. I never know what my real family is. Even my identity and personality behind my name is still a blurry image. Maging sa ina ay wala rin akong alam.

How am I supposed to know that? Ni hindi nga pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya tuwing nagkakasama na tila ba pinagbabawal iyon. I can't remember even a single moment that the Alcorezas dig something related to our ancestors in the history.

Every detail that I know about them---us is all from the internet and sites made for the family. May ganoon dahil kilala ang mga Tito at Tita ko na magaling sa negosyo. But aside from that, other details are forbidden to be publicized.

Kaya ngayon ay hirap akong manghagilap ng mga impormasyon tungkol sa pamilya Alcoreza. I sighed as I rested my back on the chair inside my room. Ngayon ay susubukan ko naman ang mga de Alvero. I'll try to find something interested about my mom.

Umikot ang maliit na bilog sa kaliwang itaas ng laptop. Ilang sandali pa ay lumabas ang iilang artikulo tungkol sa pamilya ni Mama.

I was eight months old when she passed away due to cardiac arrest. Nawala sa akin ang pagkakataon na makasama at magkaroon ng nanay na gumagabay sa paglaki. And there's no one who dared to share her to me. Ang lumang litrato niya lang ang naiwan sa akin. The information on the internet is all that I can rely on.

Driven by curiosity, I clicked the first article. Bumungad sa akin ang litrato ng isang babae at sa baba nun ay litratong pampamilya. Napako ang tingin ko sa babae, pinakatitigan ito.

Archiona Ghali de Alvero

She is my mother. Alam ko iyon. We share almost the same features. Ang mga nunal sa mukha, ang hugis ng mukha, at ang labi ay nakuha ko sa kanya. Her brown eyes resemble mine. Mas maliit nga lang ang mukha ko kesa sa kanya.

Binalingan ko ang mga salita. Siya ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang de Alvero. They were the descendants of the most powerful political figure in Ovianza. Ngunit nakabase sila rito sa Priacosta.

My mother's family holds the largest fishery in the whole Priacosta. Na maging ang mga karatig nayon ay umaasa na rin sa supply ng mga de Alvero.

Si Simo de Alvero, ang nakakatandang kapatid ni Mama ang nasa Ovianza para ipagpatuloy ang karera ng pamilya sa larangan ng politika. Ang sumunod na si Rendo de Alvero ang nasa Priacosta, ang kasalukuyang humahawak sa De Alvero Fisheries Corporation na dapat ay si Mama ang nagpapatakbo kung buhay pa siya.

I scrolled to read more facts. Napagtanto ko lang na kakaiba ang pamilyang pinanggalingan ni Mama. They practice hierarchy. Ngunit baliktad. Mama was the only heiress, making her to be entitled as the princess reigning to be the queen.

Dahil abala ang dalawang Kuya sa politika, ibinigay kay Mama ang lahat ng responsibilidad sa negosyo. Tito Rendo took over the responsibilities since destiny never let Mama live a longer life.

And the news told me something about me. Hindi direktang sinabi ang pangalan ko pero alam kong ako iyon. There's a rule for me. Obtaining the power of controlling all the businesses of de Alvero's, I, the daughter of Archiona Ghali de Alvero, is the only person who is foreseen to be the handler after her death.

All of my Titos are restricted to partake in all of the operations regarding the fisheries and foundations. Tanging si Mama lang ang pwedeng magmana nito. Ni kahit asawa niya ay walang karapatan. Only the one who has her blood is the authorized person to take a hold of that.

Si Tito Rendo ang kasalukuyang namamahala sa DAFC dahil sa pagkawala ni Mama. And that I am not here to take the position.

Am I that powerful?

Hindi rin siguro. At kung malaman man nila na andito ako, hindi ko kukunin ang posisyon ko sa DAFC. Siguro ang foundation ang hahawakan ko kung sakali.

House of Maidens, a foundation founded by my mother for the girls who suffered from abuse and violence.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Tumayo ako at sandaling nag-inat. Papasok na muna ako sa Rouseau at mamayang hapon ay pupunta ako sa foundation para bumisita.

I should live like a real marchioness.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sky Purple
woahhhhhhhhhhhhhh gooodsssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status