Share

Kabanata 5

"Ako na po..." mahinang sambit ko sabay kuha ng tray kay Aling Debbie.

Nagdalawang isip pa siya kung ibibigay ba sa akin ang tray o siya na ang maghahatid nito sa hapag. Sumulyap ako roon. Nandoon sina Papa at Weino. Nag-uusap at minsan pa ay nagtatawanan.

"Kaya ko na po ito, Aling Debbie," ulit ko nang muli siyang balingan. 

Nilahad ko na ang mga kamay, handa na sa pagtanggap ng tray. Bumagsak ang tingin niya roon saka marahang napailing.

"Ikaw talagang bata ka..." binigay niya sa akin ang tray. "Mamaya pagalitan ka pa ni Gov dahil imbes na kumain ka roon ay nandito ka't tumutulong."

"Hindi naman po siguro."

Ngumiti ako. Kung hindi lang ako nakakaramdam ng tensyon ay baka kanina ko pa natapos ang kinakain. Masyadong madilim ang mga mata ni Weino para hindi ko iyon mapansin. Samantalang si Papa naman ay panay bato ng tanong sa kanya.

Tahimik kong nilakad ang hapag. Sabay sila na napa-angat ng tingin nang sinimulan kong ipamahagi ang panghimagas.

"Marami ang turista ngayon dahil nga bakasyon. Punuan na ba ang hotel?" Papa asked. 

Sandaling napaisip si Weino ng isasagot. At nang nahanap na ang mga salita ay mabilis na sinundan ni Papa ang sinabi kanina. Weino shut his mouth and glanced at me.

Muli akong naupo sa tabi niya. Pakiramdam ko ay nanghihingi siya ng saklolo sa akin.

"Sino nga ba ang humahawak sa hotel? Ikaw ba? O tumutulong ka sa shipping lines ninyo?"

Inalis ni Weino ang tingin sa akin para balingan si Papa.

"I handle the hotel for the time being."

Nangunot ang noo ng ama.

"What do you mean? Do you have plans on putting up a new business?"

Weino shook his head. I can really feel his uneasiness from here. Hindi naman ako pwedeng magtanong dahil wala ako sa usapan nila. Kanina pa ako nawala sa sariling mundo.

"No, Sir. I will be put in charge of ZASETRA. By that time, my cousin will hold ZACH permanently."

My brows furrowed. ZASETRA? Zaldego Sea Transport shipping lines? And what about ZACH? Zaldego Chains of Hotels?

They are getting further. Hindi ako makahabol sa pinag-uusapan nila. It revolves around business stuffs. E, wala naman akong alam sa negosyo. 

I am under the fascination of being a person in the field of law. Wala sa isip ko ang pamamahala ng negosyo kaya hindi ako makasingit. Isa pa, kung hindi naman sa negosyo ay usapang politika naman ang pinagkakasunduan nila. 

Halos lahat ay tungkol lang sa pamamalakad ni Papa. Foundations, charities, and some government establishments. Kaya naman hindi nakaligtas ang pagpunta ko sa foundation kanina.

"Then what did you found out? Any information aside from the greatness of your mom?" si Papa na may ngiti na ngayon sa labi.

I cleared my throat and took a sip on my water.

"Wala naman na, Pa. Mailap ang impormasyon sa akin. Tahimik lang din ang mga tao sa foundation," I said.

Totoong may nakuha akong mga impormasyon tungkol sa ina. Pero halos naman lahat ay papuri lang kung gaano siya kagaling at kabuting tao. 

Napatango siya tila ba naniniwala.

"They are always like that," he said. "You should've told me about your plan. Sana ay naipahanda ko ang sasakyan para sa'yo."

"It's okay," sandali akong sumulyap kay Weino. "Mr. Zaldego was there to accompany me. I was still not alone."

Tipid akong ngumiti. Ngayon ay nang-aasar na si Papa na nagpalipat lipat na ang tingin sa amin. Pinagsaklop niya ang mga kamay saka ako pinakatitigan.

"Is there something going on that I need to be bothered of?" he sounded teasing.

Ngumuso ako.

"Wala naman, Pa! Nagkataon lang na andoon siya sa Rouseau kanina."

"A coincidence, huh?"

He shifted to face Weino.

"Do you believe that, Weino? Because I don't believe it personally."

Kumurba ang mapang-asar na ngisi ni Papa habang hinihintay ang magiging reaksyon ni Weino. Napatingin narin ako sa kanya. Waiting for him to react to my daddy's words bothers me now.

"Chio said it was a coincidence. Then it was," Weino said cooly.

I flinched when he suddenly gazed at me. Napaiwas ako ng tingin at nagsimulang inumin ang tubig na nasa harap ko.

Nagkibit balikat si Papa. Umayos ito ng upo at pinagtuonan ng pansin ang panghimagas. 

"The Alcorezas will have a reunion here next week. I am inviting you to come and join us, Weino," si Papa na patuloy parin sa sinasabi.

Tumama ang tingin ni Weino sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga saka siya binalingan. His eyes were inquiring. Tila ba nanghihingi ng sagot. Kung papayag ba ako na nandoon siya o wala.

"Kung hindi ka busy...please join us," I said, almost a whisper.

Isang multo ng ngiti ang nagtago sa kanyang mga labi. Nag-iba rin ang kislap sa kanyang mga mata. At nang bumaling kay Papa ay iba na ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Sure, Sir. The pleasure is mine."

My voice almost left me for the whole dinner with them. Their aura and intimidation never let me feel at ease. Kaya hindi ko parin maintindihan kung bakit inimbitahan pa ni Papa si Weino rito sa hapag. 

Baka naman magkakilala na sila dati pa?

It's not impossible. The governor must've known his constituents with big business. Ngunit ano pa man iyon ay saka ko na lang iisipin ang mga bagay bagay.

Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Unang araw ko sa Rouseau. Hindi naman ako nagtagal pero nakakapagod parin. Sa foundation naman ay wala akong nahanap na sagot. I failed to provide my own curiosity.

I laid my exhausted body on the soft bed. Ipinikit ko ang mga mata saka napahugot ng malalim na hininga. Sana nga ay umayos na ang buhay ko bukas. Iyong tipikal na araw lang gaya ng sa San Hartin.

At ganoon nga ang pinilit kong gawin kinabukasan. Maaga akong ginising ng sikat ng araw. Ala-sais pa lang ng umaga ay tapos na akong maghanda. Ang pasok ko sa Rouseau ay alas-otso pa kaya pinili kong manatili sa hardin bilang pamatay oras.

"Naku, Ma'am! Madudumihan ka po!" natatarantang sigaw ni Aling Debbie nang namataan ako sa hardin at nagbubungkal ng lupa.

I smiled, trying to suppress my laugh. Tumayo ako at nagpagpag ng kamay. The wind blew to mess my damp hair. 

Tinakbo ni Aling Debbie ang gawi ko. Nilahad ang kamay, hinihingi ang maliit na palang ginamit ko kanina.

"Ayos lang naman po, Aling Debbie. Maganda ang araw para magtanim."

Ganunpaman ay binigay ko parin ang ginamit na maliit na pala sa kanya. Kaagad niya itong tinanggap at inilayo sa akin.

"Maganda nga ang araw," sambit niya saka muling lumapit sa akin. 

Nag-abot siya ng puting bimpo.

"Ngunit mas maganda ang damit mong pangtrabaho para lang maputikan, ija."

Kinuha ko ang bimpo at nagsimula nang punasan ang pawis sa aking noo. Ngumiti ako. Pasimple kong sinilay ang suot. 

Puting cami top ang bumungad sa akin. Saka ko lang ito papatungan ng royal blue blazer pag tutulak na ako ng Rouseau. Maging ang suot na pantalon ay puti rin na binagayan ng puting stilettos. 

Maingay na ang bulwagan. Siguro ay nagsidatingan na ang mga trabahador at doon sandaling namalagi. I smiled before throwing her a glance.

"Nasa hapag na po ba si Papa?"

Nilakad ko ang bakal na upuan sa gilid kung nasaan ang aking blazer. Pansin ko ang pagsunod ni Aling Debbie, nagmamatyag sa mga gagawin ko. Kinuha ko iyon at sinuot.

"Maaga pong umalis si Gov, Ma'am. Ang sabi ay may lakad sa kabilang bayan."

"Ganoon po ba?" hinagip ko ang bag sa mesa.

 "Tutulak na po siguro ako sa Rouseau. Kumain na po kayo ng agahan. Pakitawag narin po ang mga hardinero at isabay niyo na kumain."

Sa mga sumunod na araw ay laging gano'n ang sitwasyon sa mansyon. Minsan ay nadadatnan ko naman si Papa pero madalas siyang maaga na kung umalis.

I understand him, though. Gobernador siya. Tiyak na abala sa kaliwa't kanang tungkulin. Lalo pa ngayon na paparating na ang piyesta ng Priacosta. 

Isa sa mga event na idadaos ay ang human bidding. Participants will come from different places in the country. Well-known families will be present there, too!

Alam ko iyon dahil madalas na usapan ng mga staff ng Rouseau ang tungkol sa papalapit na piyesta. 

"Ma'am Chio! Sa makalawa nga pala ay kaarawan ni Vanity! Baka pwede po kayong pumunta?" si Maliyah na ang mismong nagsabi.

Kanina ko pa napapansin na nagtutulakan sila ni Vanity sa may counter. Sumusulyap sa akin na halata ang pag-aalangan sa mga mata. 

So that is what they want to say.

Ngumiti ako at tumango.

"Sige! Sa gabi ba iyon, Van? Ipagpapaalam ko pa kay Papa para hindi ako hanapin kung sakali."

Vanity smiled as her eyes smiled too.

"Opo, Ma'am. Closing time ng Rouseau ang pagsisimula ng kasiyahan sa bahay para sigurado po na nandoon ang lahat ng bisita."

Napapahiya siyang napakamot sa batok. 

"Kayo kayo lang naman ang inimbita ko maliban sa nobyo at ilang kapitbahay."

Umugong ang tuksuhan dahil sa sinabi ni Vanity. Kahit ako ay nakitawa na sa kanila dahil sa kaliwa't kanang tukso sa kaniya. Lumakas pa ito nang bisitahin siya ng nobyo. 

Sandali niyang kinausap si Vanity bago nagpaalam. Siguro ay pumuslit lang ito mula sa trabaho. Sa kabilang block ata ang pinagtatrabahuan niya. 

Nahiya pa si Vanity. Iniisip niya kasi na magagalit ako. Bilin kasi ni Tita na huwag isisingit ang ibang bagay pag oras ng trabaho. Pero dahil ako naman ang nandito ay ayos lang iyon.

Nalaman ko iyon dahil sa kadaldalan ni Maliyah. Masaya naman siyang kausap. Kahit papaano ay naiibsan naman ang pagkabagot ko. Maaga ko kasing natatapos ang naiiwang paper works. Halos buong araw din akong nakakulong sa office. Lumalabas lang pag lunch time o may kailangang kunin sa labas.

Since I am restricted to go near the kitchen, I often stay on the side, silently watching them. Naaaliw din naman ako sa paglabas pasok ng mga customer.

Napawi ang tira tirang ngiti ko mula sa panunukso nila kay Vanity nang biglang pumasok si Weino. My eyes flew to the wall clock. Medjo late ata siya?

Hindi naman sa hinihintay ko siya. Nasanay lang ako na andito siya tuwing ala-singko. Kaya lang ay late siya ng trenta minutos ngayon.

Kaagad na sinuyod ng kanyang mata ang buong lugar. A smile curved on his lips when his eyes met mine. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa iniinom.

"Uy hala, Sir Weino!" naibulalas ni Maliyah, mapanukso na ang tingin.

"Naks, imbitihan ko rin kaya si Sir?"

Lumipad ang tingin ko kay Vanity na napatahimik na matapos magtama ang aming tingin. She teasingly showed her peace sign. 

Sumimsim ako sa aking inumin. Pasimple lang ako na nakikinig habang hinihintay ang paglapit ni Weino sa mesa ko. No, this is his spot, not mine. Hindi na ako nagulat sa marahan niyang paghila sa upuan sa harap ko at doon naupo.

"I'm late..." bulong niya na tila ba may usapan kaming magkikita.

"Pwede rin, Van! Para may maghahatid kay Ma'am Chio pag-uwi!" sulsul pa ni Maliyah.

Mahina akong naubo. Mabilis kong kinuha ang tissue saka pinunasan ang gilid ng labi.

"Chio..." it was Weino's deep voice.

Ayoko siyang lingunin. Tinuyo ko lang ang natitirang likido sa aking pisngi at tipid na ngumiti.

"Sir Weino...Sir!" 

Sandaling inalis ni Weino ang tingin sa akin para lingunin ang tumatawag. It was one of the people over the counter. Probably Maliyah.

I waited for Weino to speak. Pero lumipas na ang ilang sandali ngunit tahimik parin ito. Hinihintay ang sasabihin nung dalawa.

"Uh...birthday ko po kasi sa makalawa, Sir. Si Ma'am Chio pupunta, baka gusto mo siyang samahan."

Sinilip ko ang mukha ni Weino. 

"Sure, I'll go," tipid niyang tugon.

My brows furrowed. Tumama ang nagtatanong niyang mga mata sa akin. 

"You won't visit the foundation?" he asked, confused.

Oh, right! Kailan ba ang huling bisita ko sa foundation? Two days ago, I think.

"Bukas, bibisita ako bukas. But I'll free my sched for Vanity's birthday."

He nodded at me, looking so unconvinced. 

Natahimik ang paligid nang walang nagsalita sa amin. May pumasok na customer na mabilis in-assist nung dalawa. Now, my only focus is Weino.

Nagsalubong ang kanyang kilay. Naglandas ang kanyang tingin sa aking leeg at nahinto sa ibabaw ng aking dibdib.

"Crane your neck..." he commanded.

My eyes widened with his words. Imbes na tumingala ay pasimple kong ibinaba ang mukha para maitago ang leeg.

"Chio..." masyadong malalim ang boses niya para kunin ang atensyon ko.

He raised his hand and led it to my chin. Amba niya iyong iaangat ngunit nilabanan ko ang lakas niya. His brows shut even more when he noticed my move.

"There are red spots...or should I say hickeys?" kumalat ang pait sa kanyang boses.

I was even stunned! Hanagip ko ang phone sa gilid ng mesa at sinipat ang repleksyon ko roon. 

Namilog ang mga mata ko at napaawang ang labi. Hickeys? How come I have that all over my chest and neck?

"Where did you get that?" he snapped at me.

Nanghihina kong ibinaba ang phone at nawala sa kanyang titig.

"I don't know..." sagot ko, nahihiya.

He stared at me for a moment. Nang mapansin na wala na akong idudugtong sa naging sagot ay inilayo niya ang kamay mula sa akin. Ngunit wala namang bakas ng pagkadisgusto.

Nakalimutan kong takpan iyon. Weino is not shocked. Hindi ito ang una. Kaya nga lang ay mas klaro na ang mga ito ngayon. 

I started having these spots Monday last week. Kung saan ko nakuha ito ay wala akong ideya. I never went out of my room during night. Thinking about men, no, I doubt it. 

I don't keep men around me. And even if I do, I won't let them lay a hand on me. My stand on 'never been kissed, never been touched' is just too strong to keep me as what I am ever since.

 

Alam ko na malabo. Kaya nga lang ay naiisip ko parin ang posibleng pinanggagalingan ng mga ito. Wala rin namang lamok sa mansyon. Araw araw na nagpapalinis si Papa kaya sigurado ako roon.

"Naniniwala ako..." mahinang sambit niya bago binawi ang tingin mula sa akin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status