Share

Surrendering to the Billionaire's Seduction
Surrendering to the Billionaire's Seduction
Author: Xstronmy

Kabanata 1

Kabanata 1

Mula sa mahimbing na pagkakatulog, biglang narinig ni Clea ang tunog ng pagbukas ng pinto. Ayaw man niyang imulat ang mga mata ay pinilit pa rin niyang magising sa kanyang kamalayan. Binuksan niya ang kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malawak at puting-puting kama at bumungad sa kaniya ang marangyang chandelier. Ang ginintuang sikat ng araw ay tumagos sa mga kurtina na nagbibigay liwanag sa lahat ng mga dekorasyon sa marangyang silid kung nasaan siya ngayon. Bahagya niyang iminulat ang mata at itinakip ang kamay sa kaniyang mukha.

“Clementine Lecaroz!” narinig niya ang galit na sigaw at pamilyar ang boses nito.

Nanlaki ang mata niya ng ma-realize na wala siya sa kaniyang kwarto. Wala siyang pang-itaas na damit kaya dali-dali niyang sinilip ang kabuuan sa ilalim ng kumot. Mabilis siyang napaupo at mahigpit na ipinulupot ang kumot sa kaniyang katawan. Napansin niya ang puting carpet, ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig at ang magulong kama na may bakas pa ng kahalayang nangyari kagabi na hindi niya halos matandaan.

Naabutan nila sa kama ang napakagandang pigura ng dalaga na nakahiga sa puting kubrekama. Maliit ang hugis ng mukha, bilugang mga mata, matangos ang ilong, mapupulang labi at magulo ang mahabang itim na buhok nito. Ang balat nito ay kasingputi ng niyebe at hindi nakalagpas sa kanilang paningin ang mga pulang markang iniwan ng kahalayan gabi ay malinaw na makikita sa magkabilang balikat na natatakpan ng itim na buhok nito.

“Estupida! Maruming babae!” sigaw ng ina ni Sampson na si Matilda.

Galit na galit itong nakatingin sa kaniya. Samantalang nakatulala sa tabi nito si Sampson at hindi makapaniwala sa nakikita. Kusang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya alam ang gagawin. Bigla siyang nablangko. Paano ito nangyari?

She closed my eyes and then took a deep breath. She bit her lower lip. Damn it.

“S-Sampson…” mahina niyang tawag sa kaniayng fiancé na wala pa ring kibo. Marahan niyang pinalis ang mga luhang nag-uumpisa ng bumagsak mula sa kaniyang mga mata.

“S-sam…” her voice was on the verge of breaking but her tears were already falling one by one. Her heartbeat so damn fast. She knew she made him feel unimportant and worthless again.

Ang kanyang isip ay nablangko at hindi niya alam kung anong dapat sabihin. Huminga muna siya nang malalim.

“N-nasaan ako? Why I am here? Why are you here?” tanong niya sa nanginginig na boses habang hindi maalis ang tingin kay Sampson.

“Ang kapal ng mukha mong tanungin iyan sa anak ko?! Ikaw itong maruming babae na kung kanino nakipagtalik. I didn’t know you’ll stepped this low, Clea. Sabihin mo, sinong lalaki ang kasama mo magdamag habang nag-alala at excited ang anak ko sa kasal niyo bukas?!” malakas na sigaw ni Tita Matilda. Namumula ang mukha nito sa galit.

How will she explain herself when even her doesn’t know what really happen last night? She bedded someone she doesn’t know. She supposed to marry Sampson tomorrow and now, she ruined everything.

Malungkot na ngumisi ang gwapong mukha ni Sampson sa kaniya ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. She looked at him. He’s crying. Damn it! Hindi na niya napigilan ang pumalahaw ng iyak habang pinagmamasdan ang nasasaktang mata ng fiancé niya.

Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Sampson, “Clea… w-what happened?” He continued crying.

Mariin siyang umiling. “Hindi ko alam… I’m so sorry, Sam.” Paos na paos na ang boses niya.

Wala siyang tigil sa pag-iyak. Wala na siayng ginawa kung hindi ang umiyak.

“Clea naman...” he said, his voice pleading. “Ikakaksal na dapat tayo bukas.” Napahilamos ito sa kaniyang mukha.

Pinikit ni Clea ang kanyang mga mata at maingat na inalala ang nangyari kagabi, ngunit wala siyang maalala. Ang huling naalaala ay ang pag-inom ng alak kasama sina Madonna… maraming senaryo ang pumapasok sa isip niya mula sa Rhum El Salvador hanggang sa lalaking nakatalik niya. Hindi niya matandaan ang pangalan at pagmumukha nito dahil sa sobrng lasing.

Gusto niyang sumigaw sa sobrang frustrasyong nararamdaman. After all the joy and the pain, dito rin pala ang bagsak niya. Hastily, she wiped the tears off from her face. Wala na rin namang magagawa dahil tapos na. Nangyari na.

Mas ikinagulat niya nang makita ang kababata ni Sampson na si Catherine. Alam niyang may nararamdaman ito sa fiancé at may lihim nag alit sa kaniya. Nagtataka siyakung bakit ito narito. They aren’t even close for her to involve her. Lumapit ito kay Tita Matilda.

“You should take a pic of her, Tita. Resibo na nagtaksil siya kay Sampson at one-night stand sa hindi kilalang lalaki. What a slut.” Nakangising ani nito at ibinigay ang cellphone kay Tita Matilda.

Sumabog ang utak ni Clea sa narinig. Bigla siyang tinakasan ng lakas at namutla.

“H-hindi iyan totoo!” Marahas na umiling si Clea at sinusubukang magpaliwanag. “I am not a slut…”

“Huwag ka ng magpaliwanang pa!” Nanlilisik ang mata ni Tita Matilda na lumapit sa lumapit sa kama at hinila ang kanyang mahabang buhok. Halos mapilpit nito ang kanyang leeg sa sakit at ibinalandra ang ‘di mabilang na nakasisilaw na hickey sa kanyang leeg at dibdib na natatakpan ng mahabang buhok. Pilit niyang itinataas ang kumot sa kaniyang katawan. Lumapit din sa kaniya si Catherine at sinabunutan siya habang kinukuhanan ng ilang litrato.

Nagmamakaawa siayng tumingin kay Sampson ngunit tila wala itong nakikita. Nakatulala lang ito at walang kibo. Patuloy ang buhos ng kaniyang luha.

“Napakawalangya mo!” naramdaman niya ang hapdi sa kaniyang kanang mukha nang dumapo ang malakas na sampal ni Samantha sa kaniya.

Hindi napansin na narito rin pala ang kapatid na babae ni Sampson. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya at wala magawa. Kung nanaginip man siya sana ay magising na siya sa bangungot na ito. She can’t take it anymore. Sobra na ang sakit na nararamdam ng puso niya.

Tatlong babae na ang nananakit sa kaniya at wala man lang umaawat. Sampal, sabunot at kalmot. Iyon ang ginagawa ng mga ito sa kaniya ngunit mas masakit na makita ang lalaking papakasalan mo na wala sa sarili.

Tinapik ni Catherine ang kanyang leeg nang may interes, at ngumisi. "Mukhang nagsaya ka kagabi, Clea? Is he good? Kaya ba puro hickeys ang buong katawan mo?"

Napayuko si Clea sa sakit at pilit na pinoprotektahan ang sarili. Mahigpit ang kapit niya sa kumit ngunit pilit na tinitingnan ng mga ito ang mga mapupulang bakas sa kanyang dibdib na hindi niya alam kung gaano karami, magulo ang kanyang isip. May lumalabas na mga senaryo sa kaniyang isip na akala niya ay panaginip lang.

Napatingin siya sa guwapong mukha ni Sampson nang may takot, at nakita niya na ang ekspresyon nito ay malamig at nakakatakot. Ang mga mata nito ay matalas na nakapako sa kanya na parang nakatitig ito sa isang basura. Malayo sa lalaking kilala niya.

"Napakabuti ko sa’yo, Clea… paano po nagawa sa akin ito? Ikakasal na tayo bukas pero nagawa mo pa rin akong lukuhin. Ibinigay ko sa’yo ang lahat. Minahal kita ng higit pa sa sarili ko. Nagkulang ba ako? Hindi ba ako sapat? Sabihin mo!” malakas na sigaw nito, pono ng paghihinagpis at poo tang tono.

Marahas siyang umiling. Hindi ito nagkulang sa kaniya…

“You betrayed me, Clementine. You betrayed me.” Binuksan nito ang pinto at tinalikuran siya saka nagsimulang maglakad palayo. Sa isang sulyap ay nawala na ito sa kaniyang paningin.

Biglang namutla at walang kulay ang mukha ni Clea. Para siyang sinasaksak ng libo-libong karayom sa dibdib.

“Sampson! Sampson! Makinig ka naman sa akin, please… please hear me out, please…” pakiusap niya.

Pilit siyang kumala sa talong nakahawak sa kaniya. Sa sobrang pagpupumiglas niya ay nahulog siya sa kama ng luhaan.

“Sam!” she called for his name.

Now, he left me.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kumot upang takpan ang kanyang katawan at gustong habulin ang lalaki ngunit muli niyang naramdaman ang pagsabunot sa kaniya ni Catherine.

Hinawakan siya sa leeg ni Tita Matilda at itinulak upang muling mapasalampak siya sa sahig.

"Tita, I’m so sorry... hindi ko po sinasadya.” Gumapang siya papalapit dito at hinawakan ang paa. “Patawarin niyo po ako, Tit—”

"Wala kang karapatang tawagin akong Tita! Walanghiya kang babae ka.”

Muli niyang iginala ang kaniyang mata sa paligid kahit puno na ng luha ang kaniyang mukha. Nakita niyang nanlalaki ang mata ni Madonna habang nakatakip sa bibig nito ang kaniyang kamay at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Mabilis pa sa alas kwatrong lumapit si Madonna sa kinaroonan niya at pinigilan ang mga nananakit sa kaniya. Malakas nitong itinulak ang mga ito. Ikinulong siya sa bisig at pinatatahan.

Niyakap niya ang binti nito at saka mas umiyak. Unti-unti nitong inalis ‘yung pagkakayakap niya sa binti nito. She stood there mercilessly.

“You have the audacity to have an affair with a man behind my son's back. You have harmed my son and have ruined our reputation. Clea, I'd like to give you a heads-up. Suarez will never tolerate a woman like you,” anito at nagmartsa papalabas ng silid kasama si Catherine at Samantha.

Sinisisi niya ang sarili. Bakit niya hinayaang makaganito ang sitwasyon? Ang sakit-sakit na ng ulo at buong katawan niya. Nasapo niya ang ulo ng bumuhos ang ilan sa alaalang nangyari kagabi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elsie Raqueño
Another nice ones
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status