Umibis ako mula sa kotse ni Orson, nagpatiuna na akong naglakad patungo sa entrance ng DFI building. Ilang araw na rin ang lumipas nang hindi ko marinig ang ilang employees ko na tila nagbulung-bulongan sa tuwing ako'y dumarating sa building. Nakikiramdam din ako sa ilang media kung ano'ng bagong latest news ang ilalabas ng mga ito, ngunit pansin kong wala naman akong naririnig. That's good! Ayoko na silang atupagin pa. Dahil kung tutuusin wala naman silang ambag sa mga problemang kinakaharap ko ngayon. Dumiretso ako sa sariling opisina, tinawag ko agad si Bea. Inutusan ko itong mag-conduct ng meeting sa ilang employees ko. Kailangan ko nang kumilos. Isasampal ko kay Orson na kaya kung i-manage ang kompanya sa sarili kong sikap. "Ma'am, nasa conference room na po ang ilang team," agaw atensyon ni Bea sa'kin. "Thank you," sagot ko at sumenyas ako kay Bea. Agad naman itong napatango at sumama sa akin para tunguhin ang conference room kung saan naroon na ang ilang team. At ilang board
Pagmulat ko, amoy ko ang tila preskong amoy na iyon. Napangiti ako. Ngunit nang ma realize kong nasa ibang bahay pala ako, bigla akong napabalikwas ng bangon. This isn't my own place. Argh! Naalala ko si Orson. Napapikit ako nang maamoy ko ang tila may nagluluto nang ulam na inihaw? Pork barbecue? Bigla akong natakam. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Napakasimple ng naturang kwarto. Made of Bamboo. Wow! Tumayo na ako at nag-inat. Nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in," sagot ko. Hindi ngumingiti. I'm wondering kung bakit dito ako dinala ng hudyo. "Morning, I made a barbecue. Here, kunin mo ito at babalikan ko pa ang ginagawa ko." Napasimangot ako. Inis na lumapit ako rito at kinuha ang paper bag, sinilip ko ang laman niyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ilang damit at ilang undies and bra's. Namula ang mukha ko. Paano nito nalaman ang vital statistics ko? Hinuhulaan ba nito iyon? "Maligo ka na, pagkatapos mong maligo saka tayo kakain. Ayokong makarinig n
"Careful," may pag-alalang saad ni Fei sa'kin. Inalalayan ako nitong makapasok sa looban ng kotse. "Thanks, Fei," ani ko rito. "By the way, gusto ka raw makausap ng damuho." "Bahala siya sa buhay niya. Ayoko na muna siyang problemahin, Fei. I'm busy on how to handle the DFI lalo na at nawalan na ako ng tiwala kay Orson. At isa pa, gusto ko munang mag-focus sa sarili ko," sagot ko kay Fei, pinipigilan ang sarili na huwag magalit ni mainis man. Hindi nakakabuti para sa batang nasa sinapupunan ko. "Saan tayo?" "Diretso sa DFI may kailangan pa akong gawin," sagot ko kay Fei. Pinaandar agad nito ang sariling kotse para tunguhin ang DFI building. Makalipas ang ilang minuto agad kaming nakarating doon. Dumiretso agad ako sa aking opisina. Lahat ng mga papeles na nakatambak ay agad kong binasa at pinirmahan hanggang sa hindi ko na lamang napansin ang oras nang uwian. Napahilot ako sa sariling sentido, sabay sulyap sa sariling wrist watch. Uwian na pala. Ang bilis naman talaga ng ora
Hinarap ko na lamang ang ilang mga folders na nasa aking harapan ngayon. Isa-isa ko iyong binasa saka pinirmahan. Narinig ko ang katok mula sa aking pinto. I remember Bea. Oh, gosh! Oo nga pala, nag-email sa akin si Irish ng resignation letter. Si Bea nga pala ang papalit rito. Napasulyap ako sa aking wrist watch. "Come in," tugon ko. Bumukas ang pinto. Iniluwa doon si Bea. Nakayuko ito na tila nahihiya. "Good afternoon, ma'am," bati nito sa akin. Napangiti ako. "Good afternoon, Bea Gonzales! Nice meeting you!" Ngumiti ito sa akin. "Salamat po sa pag-hired sa akin, ma'am. Sisikapin ko po na pagbutihin ang trabaho ko. Maraming salamat po talaga." "Alright, siguro naman ginabayan ka na ng aking assistant at alam mo na ang gagawin mo, right?" "Yes po ma'am. At nagpapasalamat po talaga ako, sige po. Uumpisahan ko na ang trabaho ko." "Bea, pakitimpla ako ng gatas. Salamat," utos ko rito. Napansin kong huminto ito saglit. Pagdaka'y nagpatuloy na sa paglalakad, iniisip siguro n
"Ang sarap, akala ko pa naman kumakain ka nitong Raw Fish Salad. Subukan mo lang, Ziel. Masarap ito," nakangiting saad ko kay Ziel. Hindi maipagkakailang masaya itong kasama ako. "No, thanks!" Napangiti ako sa hitsura ni Ziel. Narito lang naman kami sa isang Lapyahan Restaurant na yari sa matibay na kahoy at nipa-hut. Nakatayo ito sa dagat. Na ang nagsilbing haligi ay matibay na kawayan. Na-amaze nga ako sa naturang lugar. Presko ang hangin, at mayaman sa seafoods talaga. "Thank you, at dinala mo ako rito. Alam mo bang napakaganda ng lugar. At talagang ngayon lang ako nagawi sa lugar na ito. In fairness, ang dami pa lang mga foreigner na narito," nakangiting saad ko kay, Aziel. Inilibot kong muli ang tingin sa buong paligid. Mapapansin din sa lugar na kinaroroonan namin ang isang videoke room. Ilang mga bangka sa gilid, binilang ko ito, it counts five. Nililipad ng hangin ang aking buhok. Ang gaan ng aking pakiramdam. Stress free. "And I'm glad that you like it here. This pla
Hanggang ngayon ay naramdaman ko pa rin ang panginginig ng aking mga kalamnan dahil sa sobrang inis, galit at iba't ibang emosyon na lumukob sa akin. Tumayo ako at uminom ng tubig mula sa water dispenser. Damn! Pumikit ako. Gosh! I need to stay relax! Napahaplos ako sa aking tiyan. Muli, may narinig akong kumatok mula sa aking pinto. Pinapasok ko ito. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aziel. Lumapit ito sa akin at pinakatitigan ako. "Are you, okay?" takang-tanong nito sa'kin. "I'm fine, huwag mo akong alalahanin, Ziel. Si Fei ba ang kumausap sa'yo para puntahan ako rito?" tanong ko naman rito. "No, nagbakasakali ako na puntahan ka rito, hindi kasi kita nakita kahapon. By the way, Irish is fine, now! Pwede na yata siyang magtrabaho ulit bukas. Wala namang nangyari sa kanya." "Mabuti naman kung gano'n, dahil kung hindi ay magbabayad ang bruhang si Kaitlyn sa ginawa niya sa mabait at maganda kong sekretarya!" Halata ang inis sa aking boses na tila nanggigigil. "Rai, may t