Share

Chapter 17: Missed Call

Yannie Ace Ruiz

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko mula sa bintana ng kwarto. Marahan akong nagmulat ng mga mata saka ko sinulyapan ang oras sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto. Pasado alas nuwebe na ng umaga. Nag-unat ako saka ako tuluyang bumangon at naupo.

Linggo ngayon, pero dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko mula pa kahapon nang umuwi ako ng bahay, ay nagpaalam na muna ulit ako kay Mrs. Maricel, na hindi na muna ulit ako makakapasok ngayon sa store. Pumayag naman siya at sinabing si Jomar na daw ang bahala sa store. Humingi din ako ng pasensya kay Jomar pero siniguro naman niya na ayos lang iyon sa kanya.

Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko kagabi. Sinakitan ako ng ulo at sinipon ako. Siguro dahil iyon sa ginabi na kami ng sobra ni Jomar sa byahe pabalik ng Biñan.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ibabaw ng table sa tabi ng kama ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may one missed call akong na-receive doon. Agad na kumabog ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status