LOGINSa mga nagulat na mata ni Kaena, kinuha ni Mariana ang maleta at umalis nang hindi lumilingon.
Pagkatapos umalis sa bahay ng pamilya Ruiz, nakita ni Mariana si Ellis na binuksan ang bintana ng kotse, sumandal at humalik sa kanya na may ngiti sa mukha, "Baby, sumakay ka sa kotse, dadalhin ka ng ate para magdiwang." Bagaman sinabi niyang magdiriwang sila, alam din ni Ellie na kakahiwalay lang ni Mariana at nasa mababang kalagayan ng damdamin, kaya dinala lang niya ito sa isang music-themed na restawran. Matapos malaman ang dahilan ng paghihiwalay ni Tyson, hindi napigilan ni Ellie na magreklamo. "Si Diana na naman? Nag hiwalay sila para sa malaking kasunduan, anong nagustuhan ni Tyson sa kanya?" Hinalo ni Mariana ang kape. "Hindi ko alam..." tamad niyang sabi. Hindi alam ni Mariana ang white moonlight ni Tyson. Nakilala lamang niya si Tyson matapos umalis ni Diana nang mag tungo ito ibang bansa. Narinig lang niya na si Diana ay napaka-mahinahon, mahusay, at maalalahanin. Nang nag-away sina Tyson at Mr. Ruiz dahil sa kanya, mahinahong pinayuhan ni Miss Rellegue si Tyson, at kalaunan ay nagkasundo silang magpakasal. Nakita niyang ayaw na niyang magsalita pa, nagbago siya ng subject at hinawakan ang kanyang baba, "... Pero Tyson ay napakabait, may bahay, kotse, at walumpung milyon..." Ini-angat niya ang tingin kay Mariana,"Sayang at hindi mo naman kailangan ang mga iyon. " nanghihinayang niyang sabi. Nang mamatay ang ama ni Mariana, wala sa loob niya na hawakan ang kanilang kumpanya, kaya ibinigay niya ito sa kaniyang pinsan na si Hannah upang pamunuan ito, at masaya itong kumita mula sa dividends ng kanilang kumpanya. Akala ng mga tao sa labas na ang kumpanya ng mga Ramirez ay naging pag-aari na ni Hannah. Bukod doon, nagkaroon din ng property agreement sina Mariana at Tyson, at muka noon ay palaging inisip ng pamilya Ramirez na walang pag-aari si Mariana. Medyo wala sa sarili si Mariana. "Walang magrereklamo kung sobra-sobra ang pera." Tumingin si Ellie sa simpleng si Mariana na nasa harap niya, at nakaramdam siya ng panghihinayang. "Tama 'yan, baby Mariana, gamitin mo ang perang binigay ni Tyson para bumili ng mga damit at bags, at iwanan mo na ang pamilyang Ruiz ng maayos! Pero Mariana, naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo pagkatapos iwanan ang pamilya Ruiz?" Matapamg niyang sinabi. Bahagyang malayo ang tingin ni Mariana. Nag-aral siya para sa isang double degree sa sikolohiya at musika sa kolehiyo. Pagkatapos, nagkaproblema ang ama ni Mariana, kaya tumigil siya sa pag-aaral nang ilang sandali. Isang taon ang lumipas, natanggap niya ang kanyang diploma, ngunit noon ay kasal na siya sa pamilyang Ruiz at kalaunan ay naging full-time na maybahay sa loob ng tatlong taon. Hindi na niya naisip ang gagawin niya pa sa hinaharap. Hinawakan ni Ellie ang kamay niya at ngumiti, "Hindi na iyon importante. Puwede mo pang dahan-dahang isipin iyon pagkatapos mong iwan ang pamilya Ruiz. Ang importante na lang sa ngayon ay ang ate ko ay dadalhin ka para makapamili pagkatapos ng hapunan. Sa susunod na araw, dadalhin kita sa Samar para mag-hunting." Misteryosong kumurap si Mariana at bahagyang nanabik. "Hindi mo pa alam, nagpupunta rin si Mavros sa Samar upang mag-hunt nitong mga nakaraang araw." Mabilis na kumislap ang mga mata ni Mariana sa gulat. Si Mavros ang ikatlong master ng mayamang pamilyang Torres na nasa industriya ng real estate. Napakalaki ng kanyang yaman at palaging may misteryosong awra. Madalang siya magpakita ng interes sa ganitong mga aktibidad. Ngunit si Mariana ay naging mausisa lamang ng ilang sandali, at agad ding nawala ang ideya. Pagkatapos ng hapunan kasama si Ellie, wala sa loob ni Mariana ang makapamili. Nag - swipe na lamang siya sa kaniyang card at hiniling sa empleyado na idala na lamang ang mga nais bilhin ni Ellie sa apartment. Bago umalis, biglang ipinaalala ni Ellie, "Nga pala, Mariana, hindi ka free noon, kaya hindi ko sinasabi sa 'yo na hindi maayos ang lagay ni Professor Glen kamakailan lang. Dapat ay pumunta ka at kitain siya kapag pwede ka." Si Professor Glen ay isa sa mga naging propesor ni Mariana noong siya ay nasa kolehiyo. Siya ang guro ni Mariana sa sikolohiya. Naalala siya ni Mariana na malapit sa kaniyang puso at kumukuha ng sasakyan pabalik sa kaniyang maliit na apartment. Matapos niyang umalis sa bahay ng pamilyang Ruiz, nagkaroon si Mariana ng maliit na apartment na malapit kay si Ellie, may taong naglilinis nito tuwing weekdays, kaya pansamantala siyang tumira sa apartment. Hindi inaasahan, pagdating niya sa ibaba ng apartment, nakita niya si Tyson na nakasandal sa kotse at naghihintay sa kanya. May isang babae na nakaupo sa sasakyan, na may marikit at kaakit-akit na anyo, at malambot at banayad na mga kilay. Tumingin si Mariana at bahagyang kumalabog ang kanyang puso. Talagang ganitong uri ng tao ang gusto ni Tyson. Nang makita siya, bumaba ang babae sa kotse, hinawakan ang braso ni Tyson at naglakad patungo sa kanya, ngumiti nang banayad at mabait, at inilahad ang kanyang kamay. "Kumusta, Mariana, ako si Diana."Humalakhak sa tawa ang ibang mga lalaki na naroon, na tila ba isang biro ang kaniyang tinuran. “Nagpapatawa ka ba? Hayaan mo siyang mabaliw! Basta’t hindi siya mamamatay.”Saglit na natigilan si Mariana. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Oo nga at mabisyo at masasama ang mga taong ito. “Utang na loob makinig kayo sa akin. Siya ang babaeng anak ng mga Torres, ang bunsong kapatid ni Mavros Torres, at isa akong Ramirez. Kung pera lang ang habol ninyo, maibibigay namin kaagad iyan sa inyo, dodoblehin ko pa sa ibinayad ng mga tao na nasa likod niyo. At kung hindi naman dahil sa pera ay pakawalan niyo na kami ngayon din. Kung ano man ang kayang gawin ng taong nagbayad sa inyo ay kaya ring gawin ni Mavros iyon. Kung hindi naman ay pwede niya rin namang subukan.” ani Mariana, sinusubukang utuin ang mga lalaking iyon, baka sakaling matauhan at maniwala sa kaniya. Ngunit walang nangyari. Nagpatuloy ang mga ito sa pagkilos ayon sa utos sa kanila. Ang tanging nagawa niya lang ay ang obs
Tiningnan ng ina ni Diana si Tyson nang may pagkahabag sa mukha nito. “May problema ba?” tanong nito sa kanya. Nakikita ng ina ni Diana na tila naiinis si Tyson matapos sagutin ang natanggap na tawag, kaya iniisip nito na may malaking bagay na nangyari. Nilingon rin siya ni Diana.Binanggit kasi ni Tyson kanina ang pangalan ni Mariana nang may kausap ito sa telepono. "Nawawala si Mariana." Ani Tyson. Naisip bigla niya ang tinuran ni Danzel, kaya wala sa sarili niyang nilingon si Diana. "May alam ka ba kung nasaan siya?" tanong niya sa asawa. "Tyson! At ano naman ang ibig mong sabihin sa pagtatanong sa akin niyan? Paano ko naman malalaman ang kinaroroonan niya?” malamig ang awra ni Diana ahabang sinasabi ang mga katagang iyon. Ngumiti si Tyson at humingi ng tawad. "Nakagawa na si Kaena ng maling bagay noon, at natatakot ako na magkamali siya ulit." aniya Sinulyapan siya ni Diana. Kitang kita ang hindi maipinta nitong mukha. Matapos makita ang sarili nit
Siguradong sigurado si Mariana na may taong sumusunod sa kanila. Pawisan ang kanyang mga palad dahil sa kaba. At sa huli ay napansin na rin ni Maxine na may mali. "Wte Mariana, anong problema?" "Wala naman, " malumanay na sabi ni Mariana. Hindi niya maaaring hayaan na may mangyaring masama kay Maxine. Ipinagkatiwala pa man din sa kaniya ni Mavros si Maxine pagkatapos ng lahat. Inilabas niya ang kanyang telepono habang nasa kalagitnaan ng paglalakad. Tinawagan niya si Mavros, ngunit kahit ilang beses siyang tumawag dito ay abala lang palagi ang kabilang linya. "Mavros, ano bang ginagawa mo?"— Nakatayo at tila nababagot si Mavros sa bukana papasok sa airport. Bahagya siyang sumimangot at idinikit ang nagri-ring na telepono sa kanyang tainga. Sasagutin na sana niya ito ngunit napansin niyang papalabas na ang babae at patungo na ito sa kanya upang sumalubong. Tulak tulak nito ang dalang maleta, ganap na nakasuot ng madilim na salamin at kulay itim ding fac
Nagtungo si Mariana sa kusina at inabot ang dalawang matataas na baso sa estante, hinugasan niya ang mga ito bago bumalik sa sala kung nasaan si Danzel. Binuksan naman ni Danzel ang alak na dala nito kanina at ibinuhos ang pulang likido sa dalawang baso na nakalapag sa lamesa. Nanuot ang matamis na aroma ng alak na iyon ang ilong ni Mariana, kasabay ang lasa ng tila mga cranberry. Inangat ni Mariana ang baso at saka sumimsim doon ng kaunti. Hmmmm… ang tamis talaga ng amoy niyon. "Danz, kamusta nga pala? Maganda ba ang lagay sa kumpanya ngayon?" Sandaling natigil si Danzel at nag-isip. "Maganda naman ang takbo ng lahat. Bakit? Gusto mo na bang bumalik sa kumpanya?" marahang tanong ni Danzel kay MAariana. Pagak lang na tumawa si Mariana. "Ayaw ko pa. Mas mabuti pa ngang ipaubaya ko na sa iyo ang kumpanya. Hindi ba ay nagpapakita lamang iyon ng ilang concern para sa iyo?""Concern? Kung ganoon ay dapat na sinabi mo sa akin noong ikaw ay nakipaghiwalay kay Tyson noon. Parang ka
"Anong sinabi mo? Sino ang tinatawag mo?" nanginig ang boses ni Diana. Paanong siya? Paano nito natatawag ang pangalan ng ibang tao gayong magkadikit lamang ang kanilang mga katawan. Ang taong iyon pa na taong pinakakinasusuklaman ni Diana. Parang noon lang ay akala niya na siya na ang nanalo, pero tila sinampal lang siya nito sa mukha. "D-Diana..." marahang tawag ni Tyson sa kaniya. "Tumahimik ka! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Kaninong pangalan ang tinatawag mo ngayon? Alam mo ba kung sino ako?" Umagos ang kanyang mga luha. Tumingin sa kanya si Tyson nang may paghingi ng tawad. Hindi alam ni Diana kung ano pa ba ang mali sa kanya. Tila nawala siya kaniyang sarili sa kaunting sandali at pagkatapos ay tinawag… ang pangalan ni Mariana. "I'm sorry." Sa puntong iyon ay hindi na alam ni Tyson kung ano ang sasabihin maliban pa doon sa mga katagang iyon. Hindi iyon matanggap ni Diana. Umiyak siya ng nakakasakit ng damdamin at tumingin kay Tyson na may luha sa kanyang m
Binigyan niya si Maxine ng dalawang sikolohikal na pahiwatig, ngunit pareho lang silang nauwi sa kabiguan. Ang hindi niya inaasahan ay may espesyal na katigasan ng ulo si Maxine sa hitsura nito, kahit na sinubukan niya pang pilitin ito. Bakit kaya sobrang nagtiwala sa kanya si Maxine? Nanatili siyang nakatayo sa katwiran na sila ni Maxine ay hindi magkasama sa mahabang panahon, at imposible iyon para sa kanya na gumawa ng isang bagay para humanga ng ganoon si Maxine. Sa subconscious ng mga mental na pasyente, hindi madaling makakuha ng lugar sa kanilang awtomatikong nawala na mga alaala, maliban sa mas madaling lumitaw sa kanilang mga isip, na hindi naman posible. Ano kayang nangyari? —- Nag-aagaw ang dilim at kahel sa kalangitan, mag-isa na nakaupo si Mavros sa opisina, kumukurap ang mga bituin sa labas ng floor-to-ceiling window sa loob ng knaiyang opisina, may hawak siyang isang tasa ng kape. Pagkatapos ay sumimsim siya ng huling paghigop ron. Tumayo siya at tinatan







