Home / Romance / Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband / CHAPTER 4: She is Different From What He Remembered 

Share

CHAPTER 4: She is Different From What He Remembered 

Author: Mallory Isla
last update Last Updated: 2024-10-13 23:13:41

Tumigil si Mariana, kalmado ang kaniyang ekspresiyon, ngunit hindi niya binalikan ang pakikipagkamay.

Bahagyang tumigas ang mukha ni Diana.

Si Tyson, na nakatayo sa tabi, ay nagsalita upang tulungan siya, gamit ang mababang boses, "Alam ni Lolo ang tungkol sa atin, at inaanyayahan ka niyang maghapunan mamaya. Nakapatay ang telepono mo, kaya't pinuntahan kita."

"Alam ko." tinignan ni Mariana ang kaniyang telepono, at talagang nakapatay nga iyon. Tumango siya. "I-charge ko lang ito at pupunta ako mamaya."

Ang ibig sabihin niyon ay wala siyang na sumama sa kanila.

Kumunot ang noo si Tyson. "Bakit hindi na lang kita hintayin..."

Pinutol siya ni Mariana ng may ngiti, "Hindi, kaya kong pumunta ng mag-isa."

Nang nakitang natahimik siya, tumingin si Mariana kay Diana. "At bukas ng alas nuebe, kung hindi ito abala sa inyo, samahan ninyo ako, kunin na natin ang certificate ng divorce."

Hindi alam ni Tyson kung bakit, at nakaramdam siya ng kaunting inis. "Apurahan ba ito?"

Seryoso namang tumango si Mariana. "Oo, nag - aapura ako."

Tila nabulunan si Tyson sa sinabi niya, at may bahagyang lungkot sa mukha, pagkatapos ay hinila niya si Diana palayo.

Pagkatapos maglakad ng ilang hakbang, biglang may sinabi si Diana na malapit kay Tyson, humarap siya at lumapit sa kanya, ang mga mata niya ay malambing, "Miss Ramirez, kahit papaano, may utang na loob ako sa iyo."

Bahagyang nalito si Mariana. "Salamat sa anong bagay?"

Nilingon ni Diana ang lalaking naghihintay sa kaniya sa hindi kalayuan. Inipit nito ang takas na buhok sa kaniyang tainga at matamis na ngumiti, tila may naalala at saka bumuntong hininga, "Noon, nag hiwalay kami ni Tyson ng hindi inaasahan. Pagkatapos kong bumalik, akala ko ay hindi na kami muling magkakasama pa. Alam kong mahal na mahal mo siya. At kung hindi dahil sa tulong mo, baka hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong magsama."

"Mali ka." iniangat ni Mariana ang kaniyang tingin. "Hiniwalayan ko siya hindi para tulungan ka. Wala akong ganong kalawak na pag-iisip. Iniwan ko siya dahil ayaw ko na siyang mahalin, at hindi ko na siya mamahalin."

Ginugol niya ang tatlong taon na sinusubukang maging mabuting Mrs. Ruiz, pero nabigo siya.

Sa loob ng tatlong taon na ito, baka manalo siya ng jackpot sa pamamagitan ng pagbili ng tiket sa lotto, pero hindi niya mapapapamahal si Tyson sa kanya, kaya bakit pa niya pipilitin.

Simula nang magpasya siyang makipag hiwalay, dapat ay binitiwan na niya ito.

Marami siyang ginawa para kay Tyson, pero bilang kapalit ay nagdala lamang siya ng ibang babae sa kanya, ngunit hindi naman nakaramdam si Mariana ng anumang pagsisisi.

Bahagyang nagulat si Diana.

Nag-isip si Mariana, ibinaba niya ang kilay. "Kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa, wala akong pakialam." Malamig niyang sambit.

Ang oras ng hapunan ay alas-otso y medya, at kakalipas lang ng alas-siete nang dumating si Mariana sa apartment.

Marahil dahil umalis siya sa pamilya Ruiz, nakaramdam ng ginhawa si Mariana. Naligo siya at nag-charge ng kanyang cellphone, at maaga pa.

Pinili ni Mariana ang kulay pulang rosas na bestida na gusto niya sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naglagay siya ng contact lens at naglagay ng kolorete.

Ito ay isang bagay na halos hindi niya nagawa sa pamilya Ruiz.

Noong una siyang ikinasal, naglalagay din siya ng makeup, pero hindi gusto ng ina ni Tyson na parang dwende siya at hindi sapat ang kanyang kabutihan, at hindi man lang siya pinansin ni Tyson. Ngayon ay gumagawa siya ng kahit anong gusto niya, at natural na pinipili ang mga gusto niya. Pagkatapos magbihis at maglagay ng makeup, sumakay ng sasakyan si Mariana papunta sa lumang bahay ng pamilyang Ruiz.

"Madam, pakiusap, dito po ang daan."

Medyo nagulat ang katulong nang makita ang hitsura ni Mariana, ngunit magalang pa ring inimbitahan siya na pumasok para kumain.

Nang marinig na hindi niya binago ang mga salita, alam ni Mariana sa kanyang puso na marahil ay ayaw ng matandang Ruiz na makipaghiwalay siya kay Tyson.

Sigurado 'yon.

Nang pumasok siya, bukod kay Tyson, naroon din si Diana sa hapag. Ang matandang Ruiz ay may malungkot na mukha at hindi nagsasalita. Ang atmospera ay mukhang medyo malungkot.

Nang makita siya, bahagyang humupa ang ekspresyon ng matandang Ruiz, ngumiti ito at malumanay siyang binati, "Mariana, halika na, matagal ka nang hindi kumakain kasama si lolo."

Wala sa sariling inangat ni Tyson ang kaniyang ulo, ang kanyang mga mata ay napadako kay Mariana, at biglang kumabog ang kanyang puso.

Inalis ni Mariana ang kanyang salamin, at lumantad ang kanyang makitid at bahagyang nakataas na mga mata ng phoenix. May kumikislap na liwanag sa kanyang mga mata, kasabay ng kulay rosas na pula, kaakit-akit at mayabang.

At ang kanyang impresyon sa babae na susunod lamang at sasang-ayon... ay ganap ng magkaiba...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 145

    "Anong sinabi mo? Sino ang tinatawag mo?" nanginig ang boses ni Diana. Paanong siya? Paano nito natatawag ang pangalan ng ibang tao gayong magkadikit lamang ang kanilang mga katawan. Ang taong iyon pa na taong pinakakinasusuklaman ni Diana. Parang noon lang ay akala niya na siya na ang nanalo, pero tila sinampal lang siya nito sa mukha. "D-Diana..." marahang tawag ni Tyson sa kaniya. "Tumahimik ka! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Kaninong pangalan ang tinatawag mo ngayon? Alam mo ba kung sino ako?" Umagos ang kanyang mga luha. Tumingin sa kanya si Tyson nang may paghingi ng tawad. Hindi alam ni Diana kung ano pa ba ang mali sa kanya. Tila nawala siya kaniyang sarili sa kaunting sandali at pagkatapos ay tinawag… ang pangalan ni Mariana. "I'm sorry." Sa puntong iyon ay hindi na alam ni Tyson kung ano ang sasabihin maliban pa doon sa mga katagang iyon. Hindi iyon matanggap ni Diana. Umiyak siya ng nakakasakit ng damdamin at tumingin kay Tyson na may luha sa kanyang m

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 144

    Binigyan niya si Maxine ng dalawang sikolohikal na pahiwatig, ngunit pareho lang silang nauwi sa kabiguan. Ang hindi niya inaasahan ay may espesyal na katigasan ng ulo si Maxine sa hitsura nito, kahit na sinubukan niya pang pilitin ito. Bakit kaya sobrang nagtiwala sa kanya si Maxine? Nanatili siyang nakatayo sa katwiran na sila ni Maxine ay hindi magkasama sa mahabang panahon, at imposible iyon para sa kanya na gumawa ng isang bagay para humanga ng ganoon si Maxine. Sa subconscious ng mga mental na pasyente, hindi madaling makakuha ng lugar sa kanilang awtomatikong nawala na mga alaala, maliban sa mas madaling lumitaw sa kanilang mga isip, na hindi naman posible. Ano kayang nangyari? —- Nag-aagaw ang dilim at kahel sa kalangitan, mag-isa na nakaupo si Mavros sa opisina, kumukurap ang mga bituin sa labas ng floor-to-ceiling window sa loob ng knaiyang opisina, may hawak siyang isang tasa ng kape. Pagkatapos ay sumimsim siya ng huling paghigop ron. Tumayo siya at tinatan

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 143

    Ang mga mata na nakatitig sa kanya ay agad na nagbago, tulad ng isang malaking masamang lobo na nakahuli ng isang maliit na puting kuneho, na gustong maghiwalay at lunukin siya sa tiyan nito. "Sino ang nagsabi sayo na matagal nang tayo, hindi ka ba natatakot na makita ka ng pinsan ko?" kabafong tanong ni Mariana habang namumula ang kaniyang pisngi. "Wala si Danzel sa hotel, abala siya ngayon. " Bahagyang paos ang boses ni Mavros. Nag-alinlangan si Mariana ng dalawang segundo bago sumagot sa sinabi ni Mavros. "Paano mo naman malalaman? Gusto mo bang tawagan ko siya at kumpirmahin iyon ngayon?" Muling natigilan si Mavros sa sinabi ni Mariana, hawak ang noo at nakangiti. "Sigurado ka ba?" tila nanunuya nitong tanong. Umiling si Mariana. Bumabalik pa rin siya sa eksena kanina ni Mavros na naglalakad palabas ng banyo kanina lang. Hindi pa siya nakakita ng isang lalaki na kaka-shower lang na sobrang sexy. Isang ngiti lang ang nagpabighani sa kanya. Habang nakatulal

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 142

    Ang maikling distansya na iyon ay tila sobrang layo. Alam niyang mahirap makitang muli si Mavros pagkatapos niyang umalis roon. Lumingon siya at muling itinapon ang sarili sa pamilyar na dibdib na iyon, hinayaan niyang magtagal ang kaniyang sarili roon ng ilang sandali bago muling tumalikod at mabilis umalis. Pag-uwi niya ay nakaalis na roon ang kaniyang tiyuhin. Nakaupi si Danzel sa sofa na may malamig na mukha. Mapait itong ngumiti pagkarating ni Mariana. "Alam ko na nandoon siya sa itaas." malamig nitong sabi. Huminto lang si Mariana sa pagpapanggap at nagkusa na umupo sa tabi ni Danzel, pansamantala siyang nagtanong. "Danz, bakit ba hindi mo masyadong gusto si Mavros?" "Hindi gusto? Hindi, galit ako sa kanya at naiinis ako." Kalmado ang sinabi nito, at naramdaman ni Mariana ang undercurrent sa ilalim ng mahinahong tono ng pinsan. Ngunit sa kanyang impresyon, hindi ba ay kilala ng kanyang pinsan si Mavros? Kaya saan naman nanggaling ang poot at inis nito? "Bakit?" H

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 141

    Napakalaki ng nangyari sa press conference, at maraming media ang baliw na kumuha ng mga larawan at video doon. Malamang ay isa na itong napaka-kapana-panabik sa Internet ngayon. Sa sandaling binuksan ni Mariana ang cellphone ay agad na dumating ang balita tungkol sa pamilya Ruiz. Maganda ang mood ni Mariana ngayon. Mabilis din niyang binuksan ang comment area. Ang mga netizens ay galit na nagrereklamo tungkol doon. Ang mga salitang nai-type ng mga taong may pinakamataas na rate ay medyo matalas. Ang mga kabit talaga ang pinagmumulan ng mga kasalanan, sinabi ko na sa inyo na parang isang mabuti iyang si Diana, halata naman na siya ang kabit na nangunguna sa lahat, hindi pa rin kayo naniwala, ngayon sinampal tuloy kayo sa mukha. Mga nangungunang tagasuporta: Galit ako! Hindi ba niya tayo ginagamit bilang panangga lang? Ang mga taong tulad nito ay karapat-dapat ba na manirahan sa mataas na uri? Samantalang ang mga taong tulad ko na nasa ibaba ay minamaliit ng

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 140

    Kinabukasan sa unibersidad na pinagta-trabahuan ni Mariana, mabilis na nag-iimpake si Mariana ng kanyang mga gamit at handa ng umalis nang dumating si Danzel para sunduin siya. Alam niyang pinipigilan lang ng kanyang pinsan ang posibilidad na magkita sila ni Mavros. Tila mas mahigpit pa ang ginagawa ng pinsan niyang iyon kaysa sa nakaraang dalawang araw. Sa gate palabas ng unibersidad ay kinuha lang ni Kaena ang kanyang mga gamit at lumabas kasama ang ilang mga kaklase, nakita niya roon si Mariana na papaalis na rin sa gate ng paaralan, habang si Danzel ay nasa tabi nito. Nakita rin ito ng mga kaklase ni Kaena. Alam nilang hindi gusto ni Kaena si Mariana, kaya sinundan nila si Kaena para paboran ang kaibigan. "Hindi ba iyon ang guro na si Mariana? Bakit may kasama siyang lalaki?" "Hindi ba ay sinabi nila na sila na ni Mr. Mavros Torres? Bakit may kasama siyang ibang lalaki? Sino iyan?" Malamig na ngumisi si Kaena. "Iyan yung mayamang pinsan ni Mariana. Si Teacher Mariana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status