INICIAR SESIÓNNapabuntong hininga si Camela nang wala na sa harapan ang dalawa. Nang mapag isa ay napaisip siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis gayong wala naman silang gamit na protection tuwing magniig ni Rashed. Hindi niya alam kung siya ba o si Rashed ang may problema kaya hindi makabuo. Upang makasiguro ay nagpasya siyang magpatingin sa ibang doctor.
"Ang gamot na iniinum mo ay hindi nakakatulong upang mabuntis ka. Isa itong uri ng pills at...." Hindi na naintindihan ni Camela ang ibang sinabi ng doctor. Para siyang nabingi sa kaalaman na maling gamot ang kaniyang iniinum. Mariing naipikit ni Camela ang mga mata at sinisi ang sarili. Kasalanan niya kung bakit nangyari ito. Alam niyang ayaw sa kaniya ng biyanan pero sinunod niya pa rin ito kung sinong doctor ang dapat mag-alaga sa health niya. Parang lutang na naglakad si Camela palabas ng hospital. Naiiyak siya at kailangan niya ng kausap. Naisip niyang puntahan ang ina ngunit abala ito. "May lakad kami ng iyong kapatid, kung may kailangan ka ay sabihin mo na." "Mom, galit pa rin po ba kayo sa akin?" naiiyak niyang tanong sa ina. Matalim ang tinging ipinukol ni Tanya sa anak. "Kamuntik nang mamatay ang kapatid mo dahil sa kagagawan mo! Kung hindi mo inagaw ang lalaking para sa kaniya ay masaya sana siya ngayon!" Napayuko ng ulo si Camela. Naglaslas ng pulso ang kapatid noong araw mismo ng kasal nila ni Rashed. Nag-donate pa siya ng dugo noon sa kapatid ngunit galit pa rin ang ina sa kaniya. Well, kahit naman noong hindi pa niya naagaw si Rashed kay Edlyn ay hindi na patas ang trato sa kanilang magkapatid ng ina. "Mom..." Hindi niya mailabas ang sama ng loob nang makita ang pagdating ng asawa nito. "Ano ang ginagawa ng bastardang iyan dito?" "Nangangamusta lang, halika na at naghihintay ang anak natin sa restaurant." Malungkot na sinundan ng tingin ni Camela ang ina kasama ang asawa nito palabas ng bahay. Naawa na naman siya sa kaniyang sarili. Ang damot ng pagmamahal sa kaniya. Gusto niya lang naman mahalin ng mga taong mahal niya. Pero bakit lalong lumalayo ang loob ng lahat sa kaniya? Mahal niya si Rashed at ang akala niya ay dito na mabubuo ang kaniyang pagkatao. Ngunit panibagong pasakit sa damdamin lang pala ang kaniyang natamo. "Ang pagmamahal ay kusa iyang nararamdaman. Hindi mo maaring ipilit ang iyong sarili sa taong may ayaw sa iyo." Nilingon ni Camela ang abuela na siyang nagsalita. "Mali na naman po ba ako, lola?" Ngayon lang siya nagtanong sa abuela. Masama rin ang loob niya rito dahil pakiramdam niya ay mas mahal din nito si Edlyn. "Kung hindi ka lang sana naging makasarili at mapaghangad. Nilalamon ang puso mo ng inggit sa iyong kapatid hanggang sa gusto mong masira ang kaniyang buhay." Napayuko ng ulo si Camela at may katotohanan ang sinabi ng abuela. Nagbabago naman siya ngunit puro mali pa rin ang nakikita sa kaniya. "Hindi pa huli ang lahat. Kung hindi ka pa rin masaya sa piling ng iyong asawa ay pakawalan mo na siya. Bata ka pa at handa kitang tulungan upang makabangon muli." Alok ni Luna sa apo. Umiling si Camela. Si Rashed na lang ang mayroon siya at hindi niya kayang mawala ito sa kaniya. "Ang tigas ng ulo mo at ayaw makinig sa akin kaya nagkakaganyan ang buhay mo!" Maramk pang sinasabi ang abuela pero tinalikuran na niya. Nakakabingi na kasi ang paulit ulit nitong sermon sa kaniya na para bang wala siyang sariling isip. Lumipas ang mga araw na nagkukulong lang si Camela sa kanilang silid. Marami siyang natatangap na larawan ni Rashed, kasama si Eldyn. Mayroon pa na halos maghalikan na ang mga ito pero wala siyang magawa kundi ang umiyak lang. Ayaw niyang kumprontahin ang asawa at natatakot siya marinig ang katotohanan. Ayaw niyang marinig sa bibig nito na si Edlyn ang mahal at hindi siya. Nakatulugan na lang niya ang lungkot at sama ng loob sa asawa at sariling pamilya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog at nagising dahil sa walang ingat na pag sara ng pinto. Nagmamadaling bumangon su Camela nang makita ang hindi tuwid na paglalakad ng asawa at paggiwang nito. "Easy!" Mabilis niyang inalayan ito at inilagay ang kamay nito sa balikat niya. "Stay away from me, bitch!" Nasaktan siya sa harsh words ng asawa at panunulak pero hindi niya ito binitiwan. Nang iupo niya ito sa kamay ay dititso itong natumba at kasama siyang dumagan sa katawan nito. "Argh fuck you! Bakit hanggang sa panaginip ko ay sinusundan mo ako?" Natigilan si Camela nang marinig ang sinabi ng asawa. Nakadipa lang ang mga kamay nito at mukhang walang lakas. Nakapikit din ito kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. "You are selfish, hindi mo deserve na mahalin ko!" Nakagat niya ang loob ng ibabang labi at malinaw na sa kaniya kung sino ang tinutukoy ni Rashed. Hindi niya akalaing naging laman siya ng panaginip nito. Kahit papaano ay sumaya siya at napangiti. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nitong namumula dahil sa kalasingan. Ang guwapo talaga nito kahit arogante at hindi nagbabago aura ng mukha nito kahit wala sa sariling katinuan. "I'm sorry, matutunan mo rin akong mahalin kung buksan mo lang ang iyong puso at isipan." Mahina niyang kausap sa binata. Mukhang narinig siya nito at nagmulat ang namumungay na mga mata dala ng kalasingan. Mukhang naalimpungatan ito nang magsalubong ang tingin nila at banaag niya roon ang galit nito sa kaniya.Nilingon ni Edlyn si Grace saka ngumiti rito. Halos bugahan siya ng apoy nang magsalubong ang tingin nila. Humulma ang nang aasar na ngiti sa labi niya saka nang iinsultong tingin ang ipinukol dito."Bitch! May araw ka rin at ako naman ang tatawa sa iyo!" bulong ni Grace sa sarili saka nag iwas ng tingin sa babae. Kailangan niyang pakahinahon at baka bigla pa siyang mag karoon ng sakit sa puso dahil sa galit kay Edlyn. Pagka pasok sa conference room ay naroon na ang mga board of directors. Pormal na tumayo si Edlyn sa tabi ni Rex nang makapasok sa loob. Sa kaniya agad natuod ang tingin ng lahat na naroon dahil bago ang mukha niya roon."Ladies and gentlemen, please meet Miss Edlyn, my personal assistant." Pakilala ni Rex sa dalaga sa lahat ng naroon.Lagat ay tumayo ay nakipag kamay kay Edlyn habang ipinapakilala ang sarili sa dalaga. Lalong ningatngat ng galit at inggit ang puso ni Grace dahil sa mainit na pag tanggap ng lahat kay Edlyn. Samantalang siya ay never na naipakilala ng
Salubong ang mga kilay na tumingin si Rex kay Grace. "What nonsense are you talking about?"Nag iwas ng tingin si Grace sa binata at bumagsak ang mga balikat. Ang buong akala pa maman niya ay napaniwala na niya ito. Mabilis siyang sumunod dito nang humakbang ito. Hayaan na lang niyang makalapit ito kina Edlyn at upang marinig ang pag uusap ng dalawa. Kapag nangyari iyon ay tiyak na sasabog ito sa galit. Knowing, Darel, alam niyang magaling itong mambola maya nga napatawa nito si Edlyn. Pero natigilan siya nang tumigil sa pag tawa si Edlyn at nag salita."Naisip mo talaga na magpaalam ako kay Rex upang sumama sa iyo?" natatawa pa rin na tanong niya kay Darel.Tumigil sa pag hakbang si Rex at hinayaan na munang matapos sa pag uusap ang dalawa."Why not? Ito ang paraan upang hindi ka mag alala na baka magalit sa iyo si Rex kapag nalaman na sumama ka sa akin." Pumalatak si Edlyn at seryuso pa talaga si Darel. "Gosh, ang akala ko ay malakas ang humor mo at malawak ang unawa."Nangunot ang
"Sa tingin ko ay hindi siya basta assistant lang ng CEO." Bulong ni Daisy kay Loida nang makabalik na ito. "Paano mo nasabi? Ang kuwento ni Grace ay anak mahirap lamang ang babaing iyan." Pabulong din na sagot ni Loida.Nagkibit balikat si Daisy at habang nakatingin sa tatlong nag uusap pa rin."Miss Edlyn, naayos ko na nga pala ang meeting para ipakilala ka sa mga nakatataas bilang assistant ni Rex." Kausap ni Rex sa dalaga."Ok." Maiksing sagot lang ni Edlyn sa lalaki at wala siyang balak mag pasalamat dito."I will inform Mr. Rex." Napasunod na lang ang tingin ni Edlyn kay Grace at ang bilis nitong nakaalis upang puntahan si Rex. Siya ba dapat ang gagawa niyon pero napigilan pa siya ni Darel."Miss Edlyn, puwede ba kitang e treat mamayang lunch bilang first day mo dito sa kompanya?" Alok ni Darel sa dalaga at ngumiti dito.Amused na tumitig si Edlyn sa lalaki. "Are you serious?""Yes, of course. Malaking karangalan sa akin kung paunlakan mo ang aking imbitasyon." Masayang ani Da
"May problema ba dito?" tanong ni Darel nang habang naglalakad palapit sa dalawa. Nakahinga nang maluwag si Grace nang makumpirmang si Darel ang lumapit. Ang akala niya kanina ay si Rex. "Kanina ay mayroon pero ngayon ay wala na at ginagawa na niya ang kaniyanh trabaho." Nakangiting ani Edlyn sa lalaki."Kailan mo pa naging trabaho na gawing utusan ang secretary ng CEO?" Pagalit na tanong ni Darel sa babae.Lihim na napangiti si Grace at nakaganti rin siya kay Edlyn. Ito naman ang mapahiya ngayon.Nagmamadaling lumapit si Loida kay Darel. "Sir, kanina niya pa po inaapi si Miss Grace kahit wala namang ginagawa sa kaniya. Pagsusumbong niya da binata.Umangat ang isang sulok ng labi ni Edlyn at pinakatitigan ang babae. "Inaapi? How?" tanong niya rito saka bumaling kay Grace. "Inaapi ba kita, Miss Grace?"Biglang napipilan si Grace at hindi alam kung ano ang dapat na isagot kay Edlyn. Kapag sinabi niyang oo ay tiyak na may sasabihin si Edlyn na ikapahiya niya at ni Loida. Kapag hindi na
Inisa isa ni Edlyn ng tingin ang mga papelis na galing kay Grace. Nangunot ang noo niya at pati trabaho nito ay nasa kaniya. Umangat ang isang sulok ng mga labi niya saka binasa iyon maging ang ibinigay sa kaniya na schedule ni Rex ay ang gulo. Unang tingin pa lang ay alam niyang sinadya nito iyon upang pahirapan siya. Lumabas siya ng opisina niya at nilapitan si Grace.Nakatikwas ang kaliwang kilay na naka tingin lang si Grace kay Edlyn. "May kailangan ka?"Pabagsak na ibinaba ni Edlyn ang isang folder sa table ni Grace. "File it properly bago mo ibigay sa akin." Pormal niyang utos dito."Excuse me?" Mataray na ani Grace at wala naman sa harapan nila si Rex. "Hindi ko na trabaho iyan kaya nga pinapasa sa iyo upang trabahuhin mo.""Baka nakalimutan mo kung ano ang trabaho mo dito?" Mahinahon niyang tanong kay Grace."Pareho lang tayong empleyado dito kapag nasa kompanya." Matapang na ani Grace at nilakasan pa ang boses upang marinig ng iba."Yes, tama ka riyan pero siguro naman ay aw
"Bring all documents about my schedule and give it to Edlyn. Mula ngayon ay siya na ang magha handle sa schedule ko at mag inquire to book a schedule sa mga gusto akong maka usap ng personal."Nakagat ni Grace ang loob ng ibabang labi at pinigilan ang sariling kumontra sa gusto ng binata. Para na rin siyang tinanggalan nito ng karapagan sa buhay nito dito sa kompanya. Paano pa niya masubay bayan ang bawat lakad ng binata at ginagawa kung wala na sa kaniya ang power na iyon?"Babe, ayaw yata ni Miss Grace ipaubaya sa akin ang schedule mo." Mukhang malungkot na ani Edlyn upang asarin o galitin lalo ang babae. Lihim siyang napangiti nang mapansin ang mariing pag lapat ng mga labi nito."Are you deaf, Miss Grace?" Matigas na tanong ni Rex sa babae habang hindi hinihiwalay ang tingin dito."Sorry, sir, pero wala akong intension na suwayin ang utos ninyo. Nag over react lamang si Miss Edlyn at pinag iisipan ako nang hindi maganda." Mahabang paliwanag ni Grace at may kasamang paninira sa bab
Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin
"Rashed, a-ano ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya rito bigla siyang itulak at nasa ibabaw na niya ito. Natakot siya sa isiping sakalin siya nito."I hate you but i can't resist your body!"Napamulagat si Camela at hindi na nagawang sumagot pa dahil sakop na ng labi ng asawa ang bibig niya. K
PAGKARATING ni Camela sa Manila ay dumiritso na siya sa isang maliit na hotel. Ang yaman ng amo niya pero kuripot. Mahal pa para rito ang nakuha nitong hotel kung saan siya pansamantalang tutuloy habang naghahanap ng maayos na apartment. Ang dami niyang kailangang gawin at halos wala na siyang pahi
'Nasa hospital ang lola mo, hindi ka ba dadalaw?"Sandaling itinigil ni Camela ang paglilinis sa mukha ng anak at nilingon ang kaibigang bakla. "Malala na ba?"Napailing si Jackson habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kakauwi lang nito galing Japan. Dalawang taon din itong namalagi roon at iniwan sa







