Home / Romance / TAINTED LOVE / Chapter 4-Pagbabalik-tanaw

Share

Chapter 4-Pagbabalik-tanaw

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-05-12 17:20:48

"TOTOO ba iyang mga sinasabi mo, hija?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Clarisa kay Edlyn matapos marinig ang kuwento nito sa nangyari sa event.

"Yes po, tita!" Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Edlyn sa ina ni Rashed. Doon na siya nagpahatid sa bahay ng binata pagkagaling sa kasalan ng kaibigan.

Naikuyom ni Clarisa ang isang palad dahil sa galit. "Tiyak na gugulohin na naman niya ang buhay ng anak ko!" Tinutukoy niya ay si Camela.

"Yes, tita! Gumawa po kayo ng paraan na hindi siya makalapit kay Rashed!" Hinawakan ni Edlyn ng mahigpit ang nakakuyom na palad ng ginang.

"I will, hija. Kung totoo ang narinig mo tungkol sa kailangan ng kaluguyo ng babaeng iyon sa anak ko, hahadlangan ko sila!" Naningkit ang mga mata ni Clarisa dahil sa galit.

Napangiti si Edlyn at yumakap sa ginang. Chairwoman ang ginang sa kompanya ng mga ito kaya sigurado siyang babagsak ang kompanya ng kinakapitan ni Camela. Isang malaking company ng hardware ang negosyo ng pamilya ni Rashed. Bukod doon ay mayroon ding pagawaan ng mga bakal at iba pang kailangan sa pagbuo ng isang building o bahay.

Nakalinya rin naman ang negosyo ng pamilya nila sa negosyo ni Rashed kaya naging magsosyo ang pamilya nila. Sila naman sa pagawaan ng cement at hollowblocks. May sangay ang kompanya nila sa iba't ibang lugar kaya nabibilang ang pamilya nila sa magagaling na negosyante. Bukod doon ay may oil company rin sila.

"Dapat siguro ay madaliin ko na ang kasal ninyo ng anak ko. Wala akong tiwala sa babaeng iyon kahit may kasulatan kaming pinirmahan noon." Biglang naisip na ani Clarisa.

Lalong natuwa si Edlyn sa narinig mula sa ina ni Rashed. Naihiling na sana sa pagkakataon na ito ay matupad na. Hindi niya alam kung ano ang tungkol sa kasulatan sa pagitan nito at ni Camela. Wala na siyang pakialam doon, ang mahalaga ay hindi maaring lumapit pa si Camela kay Rashed.

Hindi siya dapat makunsensya sa kung ano ang naging buhay ng kapatid ngayon. Una sa lahat ay ito ang nang agaw at hindi siya. Silang dalawa ni Rashed ang nakatakdang ikasal noon ngunit nilandi nito ang binata. Pikot na rin ang kinalabasan dahil lasing si Rashed nang mahuli ang mga ito na magkasama sa iisang silid at alam niyang pinalano iyon ni Camela noon.

"Huwag ka nang malungkot, hija. Ngayong wala na ang ina ko ay walang kakampi sa pamilyang ito ang babaeng iyon kahit gustohin pa niyang bumalik!" Pagbibigay assurance ni Clarisa sa dalaga ay pinisil ang kamay nito.

Ngumiti si Edlyn sa ginang at muling yumakap. "Salamat po, tita! Salamat at mula noon hanggang ngayon ay ako pa rin ang gusto mong maging asawa ni Rashed.

...

Sa hotel, napabuntong hininga si Camela matapos mabasa ang isang email. Ngayon niya lang naisipang buksan iyon at sobrang daming message na. Tanging message mula sa kaniyang dating abogado ang kaniyang binuksan.

"May gustong bumili ng bahay mo, kung ebibinta mo ito ay matulungan kita." Basa niya sa isang message ng abogado.

Tiningnan ni Camela ang date at one month ago lamamg iyon. Marami pa itong message na halos inamag na sa kaniyang email. Nangangamusta at tinatanong siya kung nasaan na. Ang property na tinutukoy nito ay bahay na binili ni Rashed para sa kaniya. Binili pero hindi nila natirhang dalawa. Humulma ang mapait na ngiti sa kaniyang labi nang manariwa muli sa isipan ang nakaraan.

....

"Binili ko ang bahay na iyan para sa iyo. Kung hindi mo na matiis ang ugali ni Mommy ay maari kang lumipat diyan upang matahimik ang buhay mo."

Napaluha si Camela dahil sa malamig na pakitungo sa kaniya ni Rashed. Isang taon mahigit na silang kasal pero parang ibang tao pa rin ang turing sa kaniya. Well, naging mainit na ito sa kaniya minsan. Iyon ay tuwing lasing lamang ito. Mainit dahil inaangkin siya ng paulit ulit. Minsan ay naihiling niyang sana gabi gabi na lang lasing ang asawa.

"Malapit na rin magdalawang taon ang pagsasama natin at hindi ka pa nabubuntis. Alam mo na ang mangyari pagdating ng araw na iyan." Malamig na paalala ni Rashed at tinalikuran na si Camela.

Napaluha na si Camela at nasasaktan. Kahit anong gawin niya ay ayaw maniwala ng asawa na mahal niya ito kaya nagawa niyang pikutin. Ang akala niya ay matutunan rin siyang mahalin ng lalaki. Ngunit lalo lamang lumaki ang galit nito sa kaniya. Pumayag lamang itong pakasalan siya pero may kasulatan na kapag hindi pa siya nabuntis sa loob ng dalawang taon ay maghihiwalay sila.

"Masakit ba?"

Nilingon ni Camela ang ginang. Alam niyang kanina pa ito lihim nakikinig sa pag-uusap nila ni Rashed.

"Iyan na ang naging bunga ng pagiging makasarili mo. Kung hindi mo pinikot ang anak ko ay hindi mo sana maranasan ang magdusa sa piling niya!" nang uuyam na sumbat ni Clarisa.

"Kung hindi po kayo nangingialam sa pagsasama namin, hindi po sana mangyari ito." Pangatwiran niya sa ginang.

"At sumasagot ka na ngayon?" Sinampal ni Clarisa ang dalaga sabay hinila ang mahaba at tuwid nitong buhok.

Hindi dumaing sa sakit si Clarisa at lapat ang ngipin na nakipagtagisan ng tingin sa biyanang babae.

"Clarisa, ano ang ginagawa mo?"

Mabilis na binitiwan ni Clarisa ang buhok ni Camela at hinarap ang ina. "Ma, kasalanan niya kung bakit nasaktan ko siya. Wala siyang galang managot at—"

"Clarisa, hindi kita pinalaki upang manakit ng ibang tao. Nasaan na ang anak ko na mapagmahal at may malawak na pang unawa?"

Pilit na pinigilan ni Camela ang mapaiyak at yumakap sa matanda dahil ito lang ang kumakampi sa kaniya at hindi siya hinuhusgahan agad.

Inis na tinapunan muna ni Clarisa ng tingin si Camela bago lumapit sa ina. "Ma, kilala mo po ako. Hindi ko siya magawang saktan kung hindi na nagmamalabis ang ugaling ipinapakita sa akin."

Napayuko ng ulo si Camela nang tumingin sa kaniya ang donya. Mabait ito sa kaniya at ang matanda lamang ang tumatrato sa kaniya ng maayos sa bahay na iyon. Ayaw niyang pati ito ay magalit kaya kahit walang kasalanan ay humingi siya ng tawad. " Sorry po, lola, hindi na po mauulit."

Napailing ang donya at disappointed na tiningnan ang anak. "Kahit ano ang mangyari ay huwag kang magbuhat ng kamay sa ibang tao."

Hindi sumagot si Clarisa sa ina. Matanda na ito at ayaw niyang bigyan ng sama ng loob. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya kay Camela bago umalis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elle
eh kasi namn carmela ikaw nman pala ang may kasalanan pati mga anak mo nadamay pa sa ginawa mo noon. alam mo para sa kapatid mo ung lalaki e inagaw mo so iyan ang consequences kaya tama lang na lumayo ka Daming lalaki huwag makiagaw para hindi mging miserable ang buhay pagdating ng panhon.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 128

    "Kapag nakapag desisyon ka na ay alam niyo kung saan ako naka tira, mom." Bilin ni Darel habang inaayos ang damit sa malalaking maleta. Nagmamadaling nag empake na rin si Josephine at sasama sa anak. Hindi siya martir upang manatili pa doon at tiyak aapikhin lang siya ni Edlyn. Napangiti si Edlyn nang makitang kasama si Josephine na umalis ng bahay. Matalino nga ang mga ito at alam kung ano ang nakabubuti sa mga ito. Lumipas ang isang buwan ay napawalang bisa na ang kasal nila Rex at Grace. Kasunod niyon ay inihayag na ang engagement party nila Rex at Edlyn. Ang ama ni Rex ay nagkamalay na rin pero paralisado na ang katawan saka hirap mag salita. Mukhang mas masaya pa ito nang ibalita ni Rex na pinaalis na ang asawa nito sa mansion. At tulad sa ipinangako nila Darel ay hindi na nagpakita o nanggulo pa. "I'm so happy for you!" Mahigpit na niyakap ni Camela si Edlyn bago pa ito ayusan. "Thank you, ate. Naging bahagi ka ng jouney kong ito!" Naluluha na gumanti siya ng yakap sa kapat

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 127

    Mabilis na tumango si Grace habang tikom ang bibig. Cheque ang ibinigay sa kaniya ng binata with two million. Hindi na masama at may mapuhunan na siya sa negosyong itatayo. Pagkakuha ay umalis na siya upang kunin ang gamit at ayaw ni Rex na makita pa siya sa bahay nito mamaya."Good luck at hangad ko na mapabuti ang buhay mo."Tumigil sa pag hakbang si Grace at tumingin kay Edlyn. "Salamat at pasensya na sa gulong dulot ko sa iyo nitong mga nakaraang araw. Hangad ko rin ang kaligayajan ninyong dalawa." Sumusuko na ani Grace at tuwid na sinalubong ang tingin ng babae.Huminga nang malalim si Edlyn habang sinusundan ng tingin si Grace na palabas na ng opisina. Kahit papaano ay naawa rin siya rito. Sayang lang at nagpa gamit pa kina Josephine. Pagka uwi ni Grace ay ang galit na mukha ni Josephine ang sumalubong sa kaniya. "Bakit ka pumayag? May kasunduan kayo at contract!" Inis na tanong ni Josephine. "Ayaw ko na, tama si Edlyn. Sumuko na ako hangga't kaya ko pa at hindi nawawala ang

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 126

    "So, all this time ay nagakakalat ka behind my back?.Parang biglang nakalimutan ni Grace ang paghinga nang malingonan si Rex. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Base sa expression ng binata ay mukhang narinig nito ang bagay na hindi dapat malaman."Pinairal mo ang pagiging greedy." Dissapointed na ani Rex saka nilampasan ang dalaga.Nanghihinang napahawak si Grace sa braso ni Loida pero iwinaksi nito ang kamay niya kaya muntik na siya matumba. Hindi pa siya nakabawi ay dumaan naman si Edlyn."Sumunod la sa office." Pormal na ani Edlyn sa babae saka nilampasan na ito."Huwag mo sana kami idamay at isama sa pagka tanggal dito sa trabaho." May kasamang pakiusap na ani Loida.Hinid pinakinggan ni Grace ang kaibigan at nagmadali nang sumunod kay Edlyn. Kailangan niyang mag paliwanag kay Rex upang hindi pa siya hiwalayan. Pagka pasok niya sa loob ay muli siyang kinabahan lalo na at nakatingin agad sa kaniya ang binata. Si Edlyn ay naka upo malayo kay Rex na first time nangyari."Maup

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 125

    "Nagpasya ako na hindi na dapat ito patagalin upang makapamuhay ng malaya si Miss Grace kasama ang lalaking tunay nitong mahal at mamahalin rin siya." Pagpatuloy ni Rex at tumingin kay Grace.Mariing nakagat ni Grace ang loob ng ibabang labi upang pigilan ang mapaiyak. Pag sinabi ba niya na mahal niya ito ay magbago kaya ang isip ni Rex?"Ayaw ko na ring pag hintayin nang matagal ang babaing tunay kong maha. Gusto kong ialay sa kaniya ang pangalan ko at siya lang ang maging ina ng aking mga anak." Mangungusap ang mga mata ni Rex na nakatitig kay Edlyn.Tuluyan nang bumagsak ang pag asa ni Grace dahil sa mga sinabi ng binata. kung ganoon ay walang pag asa kahit aminin niya ang tunay na nadarama para rito. Kahit umiyak pa siya siguro ay malabong bawiin ng binata ang pasya nito. Mas nakabubuti na itago na lang o sarilinin ang damdamin para sa binata upang hindi lalo maging mukhang kawawa.Gustong maluha ni Edlyn dahil sa tuwa. Nakakataba ng puso na halod ipangalandakan ng nobya sa lahat

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 124

    "Sorry, Mr. Rex, mali ang balitang nakarating sa amin kaya nagkaroon kami ng doubt sa kakayahan mo." Mapagkumbaba na ani Lacosta.Huminga nang malalim si Rex at tumingin sa ginang. "Ugaliin po nating alamin kung totoo ang naririnig lalo na kung walang patunay."Napahiya si Lacosta sa binata at inamin ang pagkakamali. Matanda na siya pero nasahigan pa ng mas bata sa kaniya."Negosyante rin ako at hindi marating ang kinaroonan ng kompanya ko ngayon kung ang pagpili sa kososyo ay dahil sa pagkakaibigan lamang. I have a standard at mas mahalaga sa akin ang quality na ikabubuti ng lahat over family or friendship." Seryusong turan ni Rashed."At ipinagkatiwala ko ang aking anak sa kaniya hindi dahil sa kompanya o ano pa mang material na bagay, kundi dahil sa nakikita kong responsible si Rex. Alam ko na may isa siyang salita, may panindigan, magalang at may takot sa diyos. Hindi rin siya mapanlinlang at fair pag dating sa trabaho." Puri ni Darwin sa binata."Will vote for Mr. Rex to be an of

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 123

    "Misis, pangalawang offence niyo na ito kay Rex. Hindi ba kayo nanabahala na may balik itong mga ginagawa ninyo kapag napatunayang pawang panirang puri lang ang mga sjnasabi nijyo?"Sandaling napipilan si Josephine at napatingin sa anak na tahimik na dahil napahiya."First of all ay hindi pa kayo naka hingi ng apology kina Edlyn, sa ama niya at kay Mr. CEO." Dugtong pa ni Rashed. "At kayo lalo na ka Mrs. Lacosta." Tumingin si Rashed sa lahat ng nga naroon.Nahihiyang nag hingi ng sorry ang mga board members. Pero si Grace ay nanatili lang na tahimik."Sorry sa maling bintang pero hindi ninyo kami totally masisi dahil sinadya mong itago ang tunay na pagkatao ni Edlyn." "Sa mga may ayaw na ako ang mamuno ay hindi ko kayo pipiliting tanggapin ako."Mukhang nakahinga nang maluwag ang ilan sa narinig. Hindi sa ayaw nila sa anak ng Chairman. May punto kasi si Darel at ayaw nilang isugal ang kanilang share sa weak na mamuno sa kompanya. At dahil walang sapilitan na mamgyari, ang ibig sabihi

  • TAINTED LOVE   Chapter 5-Parte ng nakaraan

    Napabuntong hininga si Camela nang wala na sa harapan ang dalawa. Nang mapag isa ay napaisip siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis gayong wala naman silang gamit na protection tuwing magniig ni Rashed. Hindi niya alam kung siya ba o si Rashed ang may problema kaya hindi makabuo. Upang makasi

  • TAINTED LOVE   Chapter 2-Coincidence

    PAGKARATING ni Camela sa Manila ay dumiritso na siya sa isang maliit na hotel. Ang yaman ng amo niya pero kuripot. Mahal pa para rito ang nakuha nitong hotel kung saan siya pansamantalang tutuloy habang naghahanap ng maayos na apartment. Ang dami niyang kailangang gawin at halos wala na siyang pahi

  • TAINTED LOVE   Chapter 1-Determination

    'Nasa hospital ang lola mo, hindi ka ba dadalaw?"Sandaling itinigil ni Camela ang paglilinis sa mukha ng anak at nilingon ang kaibigang bakla. "Malala na ba?"Napailing si Jackson habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kakauwi lang nito galing Japan. Dalawang taon din itong namalagi roon at iniwan sa

  • TAINTED LOVE   Chapter 3-Muling Pagkikita

    "IKAW stay lang dito tabi ko, okay?" "Yes, sir." May kasamang tango at ngumiti si Camela sa ginoo. Kung magsalita ito ay binarok dahil pinaghalo ang lengwaheng english at tagalog plus tonong Chinese pa. Marunong magtagalog ang ginoo dahil ang dati nitong asawa ay pinay. May isang anak at hiwalay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status