LOGINPAGKARATING ni Camela sa Manila ay dumiritso na siya sa isang maliit na hotel. Ang yaman ng amo niya pero kuripot. Mahal pa para rito ang nakuha nitong hotel kung saan siya pansamantalang tutuloy habang naghahanap ng maayos na apartment. Ang dami niyang kailangang gawin at halos wala na siyang pahinga.
"Camela, ikaw ba iyan?" Napalingon siya at kinilala ang babaeng tumawag sa kaniyang pangalan. Naroon siya ngayon sa supermarket at namili ng makain. "Ikaw nga, Camela! Ano ang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nagpakita? Saan ka galing?" Napailing si Camela dahil sa sunod-sunod na tanong ng babaeng kaharap. Natandaan niya ito, ang isa sa katulong sa bahay ng abuela. Kung minamalas nga naman, sa daming taong makita ay ang related sa pamilyang iniiwasan pa. "Hija, alam mo bang matagal ka nang pinahahanap ng lola mo?" Naghalo ang saya at lungkot na nadarama ng ginang habang pinagmamasdan ang dalaga. Napataas ang kilay ni Camela sa narinig. Siya pinahahanap ng matandang ayaw sa kaniya? "Imposible!" naibulalas niya ang laman ng isipan. "Hija, mula nang malaman ng lola mo na umalis ka na sa bahay ng asawa mo ay—" "Pasensya na, manang, busy po ako." Putol niya sa pagsasalita ng matanda at ayaw niyang pakinggan ang iba pa nitong nais sabihin tungkol sa kaniyanh abuela. Napabuntong hininga si Lourdes at malungkot na pinagmasdan ang dalaga. Hindi sila nito close at sandali lamang nagkasama sa iisang bubong pero naawa siya rito. Alam niyang maldita ito at hindi marunong makisama dahil lumaki sa ibang bansa at malayo sa kaanak. "Hija, nasa hospital pa rin ang lola mo." Napabuntong hininga muli si Camela at hinarap ang ginang. "Tahimik na po ang buhay ko at ayaw ko nang gulo." 'Ayaw ko lang magsisisi ka sa bandang huli at manghinayang kapag nawala na ang lola mo." Malungkot na ani ng ginang. Huminga ng malalim si Camela at malungkot na nakipagtitigan sa ginang. "Salamat po, pero ayaw ko nang mapagbentangan. Masaya na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Huwag niyo po sanang ipaalam kahit kanino na nakita niyo ako." Pakiusap niya rito. Malungkot na pinagmasdan ni Lourdes ang dalaga. Mukhang malabong makumbinsi niya ito kaya nagpasya na lamang siyang kunin ang contact number nito. "puwede bang makuha ang numero mo? Just in case na may bagong balita tungkol sa iyong abuela ay—" Agad na inilabas ni Camela ang cellphone upang hindi na humaba ang pag-uusap nila ng ginang. Nagmamadali rin kasi siya at marami siyang dapat ayusin. Tinipa niya sa keyboard ang bawat numerong sinasabi ng ginang at call niya ito. Napangiti si Lourdes nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang na-save ang numero ni Camela at hinayaan na itong makaalis sa kaniyang harapan. Nang makalayo kay Lourdes, biglang na-realize ni Camela na mali ang kaniyang ginawa. Nilingon niya ang ginang at balak na balikan upang ipa delete ang kaniyang numero. Ngunit wala na ito sa kinatayuan at hindi makita kung nasaan na. Masayang umuwi si Lourdes at nagluto ng pagkaing dadalhin sa hospital. Araw-araw ay pumupunta siya sa hospital upang dalhan ng pagkain si Donya Luna. Ayaw kasi nito ng pagkain na galing sa labas, lalo na ang rasyon ng hospital. 'Manang, kapag hinanap ako ni Mommy ay pakisabing may importante akong lakad." Bilin ni Tanya kay Lourdes. "Opo, ma'am, makakarating." Bahagyang yumuko pa si Lourdes bilang pagbigay galang sa anak ni Donya Luna. "Kasama ko po si Edlyn." Muling tumango si Lourdes, "sige po, ma'am, ipaghain ko na po ba kayo ng makakain ninyo?" "Huwag na po, manang, sa labas na kami kakain ng anak ko." Nakaramdam ng lungkot si Lourdes nang mabangit ng amo ang anak nito. Mukhang nakalimutan na nitong may isa pa itong anak. Nagkibit balikat na lamang siya at inasikaso na ang dapat dadalhin sa pag-alis. Pagdating sa hospital ay agad na sinabi ni Lourdes ang magandang balita sa donya. "Sigurado ka ba na si Camela ang nakita mo?" nagkaroon ng sigla ang tinig ng matanda. "Opo, senyora! Ang laki ng pinagbago niya at mukhang hindi na rin maarte. Kamuntik ko na siyang hindi makilala at ang suot ay simpleng t-shirt at pantalon lang. Wala ring bahid ng kuloriti ang kaniyang mukha. Pansin ko rin na nag-iba ang kulay ng kaniyang balat." Napabuntong hininga si Luna matapos marinig ang kuwento ng katulong. Inaamin niyang kasalanan niya kung bakit malayo ang loob ng unang apo sa kanila, lalo na sa ina nito. Dalawang taon palang ito ay inilayo na niya sa ina nito upang maging maayos ang buhay ng anak niya sa bagong pamilya. Siya ang madalas na kasama ng bata noon sa tuwing dalawin niya sa isang bahay bakasyunan nila. Minsan ay dinadala niya ito sa kanilang mansyon ngunit napaka maldita nito at laging inaaway ang naging kapatid. Nakikita niya ring selosa ito kaya nagpasya siyang sa ibang bansa pag-aralin at ilayo ng tuluyan sa ikalawang pamilya nito. "Nakuha ko po ang numero niya." Ipinakita ni Lourdes ang cellphone sa donya. "Mukhang maayos naman na ang buhay niya at kayang tumayo sa sariling mga paa. Kung talagang may malasakit pa siya sa akin, sana noon pa ay dinalaw na niya ako." Nalungkot si Lourdes nang makitang tumigas ang anyo ng donya. Kahit matanda na ito ay nasa mukha at ugali pa rin nito ang pagiging aristocrat. Hindi na kailangan mag-isip kung saan nagmana si Camela ng ugali. "Lahat ay ibinigay ko sa kaniya, pero ang isinukli niya?" Muling sumama ang loob ni Luna pagkaalala sa mga nangyari, five years ago. Gusto sanang sagutin ni Lourdes na hindi sapat ang materyal na bagay upang maipadama ang pagmamahal sa isang tao. Pero wala siya sa posisyon upang magsalita ng ganoon. Naroon lang siya upang pakinggan ang hinaing ng donya. Mula sa bukana ng pintuang bahagyang naka bukas, dahan-dahang umalis si Camela. Pumunta siya roon para tingnan ang kalagayan ng abuela pero wala siyang balak magpakita rito. Bago pa siya makalayo si Pintuan ay may nakasalubong siyang nurse. "Hindi po ba kayo papasok sa loob?" Nakangiting umiling si Camela sa nurse at nagmamadaling lumayo na sa pintuan. Sabay na napatingin sina Luna at Lourdes sa pintuan nang marinig ang tinig ng nurse. Bahagyang nakaawang na ang pintuan na ipinagtaka ni Lourdes, dahil naisara naman niya iyon kanina. "Good evening po, check ko lang po ang dextrose." Bati ng nurse pagkapasok sa loob ng private room. "May kausap ka ba sa labas?" tanong ni Luna. "Ah upo, ang akala ko ay bisita ninyo at nakatayo siya sa harapan ng pintuan. Pero nang tinanong ko ay umiling lang siya at umalis na." Mabilis na inutusan ni Luna ang katulong na silipin kung sino ang nakita ng nurse. Kahit papaano ay umaasam siya na dalawin siya ng nagrerebelde niyang apo. Walang nakita si Lourdes na pamilyar ang mukha sa kaniya sa hallway. Pagbalik niya sa silid ay nahuli niyang bumalatay ang lungkot sa mukha ng donya. Isang pasya ang nabuo sa isip ni Luna upang mapilitang magpakita sa kaniya ang apo. Sa restaurant, masayang kumakain si Edlyn at ang ina kasama si Rashed at ang ina nito. "Rash, kasal ng kaibigan ko sa sunod na lingo." Tumigil sa pagsubo si Rashed at tumingin sa dalaga. "I will check my schedule." Napabuntong hininga si Clarisa at naaawang tinitigan si Edlyn. Hindi pa naman ito tapos magsalita ay inunahan na ng kaniyang anak. Gustong gusto niya talaga na si Edlyn ang maging asawa ng anak sa simula palang. Lahat na ay ginawa niya upang mawala sa landas ng anak ang babaeng mang aagaw sa lahat. "Anak, puwede mo namang e cancel ang appointment mo sa araw na iyan. Hindi maaring walang kasama si Edlyn sa dadaluhan niyang event." Mukhang nawalan ng ganang ibinaba mg binata ang hawak nitong tinidor kaya nabahala si Edlyn. "Tita, ayos lang po. Alam ko kung gaano kaimportante kay Rashed ang bawat appointment niya sa kompanya." Ginagap ni Tanya ang palad ng anak at ngumiti rito. Natutuwa siya at naging matured na rin ito mag-isip. Hindi na ipinipilit ang bagay na gusto nito. Pinakita ni Clarisa na hindi siya natuwa sa inakto ng anak. Hindi na rin siya kumain at hindi na muling nagsalita pa. "Anong oras?" Lihim na napangiti si Clarisa nang marinig ang tanong ng anak. Nagpalitan sila ng tingin ni Tanya at natuwa rin ito. "Nine a.m!" masiglang sagot ni Edlyn at ibinigay na rin ang lugar kung saan ganapin ang venue. Sadyang maaga niyang sinabi sa binata ang event upang wala itong ibang maidahilan sa pagtanggi. "Ok," ani Rashed at tinawagan ang secretary upang ipa-reschedule ang schedule niya next week. Naging maganang muli ang pagkain ni Clarisa at ganoon din si Edlyn. Si Rashed ay kumakain din pero madalas ay tumitigil at check ang mobile dahil tumutunog iyon. Napasunod ang tingin ni Edlyn sa binata nang magpaalam ito bago tumayo at kailangan sagutin ang tawag. "Hija, huwag ka sanang sumuko. Kapag naging asawa ka na niya ay tiyak na magkaroon siya ng mas maraming oras sa iyo." Ginagap ni Clarisa ang palad ng dalaga. Pilit ang ngiting pumaskil sa labi ni Edlyn at nakakaunawang tumango sa ina ni Rashed. Pagtingin niya sa ina ay nakangiti rin ito at binibigyan siya ng lakas ng loob. "Hindi po iyan mangyayari, tita. Kung noong may mang aagaw ay hindi ako sumuko, ngayon pang solo ko na siya?" "That's my girl!" Tuwang-tuwa si Clarisa sa nakikitang determinasyon ng dalaga dahil sa pagmamahal sa kaniyang anak."Sa tingin ko ay hindi siya basta assistant lang ng CEO." Bulong ni Daisy kay Loida nang makabalik na ito. "Paano mo nasabi? Ang kuwento ni Grace ay anak mahirap lamang ang babaing iyan." Pabulong din na sagot ni Loida.Nagkibit balikat si Daisy at habang nakatingin sa tatlong nag uusap pa rin."Miss Edlyn, naayos ko na nga pala ang meeting para ipakilala ka sa mga nakatataas bilang assistant ni Rex." Kausap ni Rex sa dalaga."Ok." Maiksing sagot lang ni Edlyn sa lalaki at wala siyang balak mag pasalamat dito."I will inform Mr. Rex." Napasunod na lang ang tingin ni Edlyn kay Grace at ang bilis nitong nakaalis upang puntahan si Rex. Siya ba dapat ang gagawa niyon pero napigilan pa siya ni Darel."Miss Edlyn, puwede ba kitang e treat mamayang lunch bilang first day mo dito sa kompanya?" Alok ni Darel sa dalaga at ngumiti dito.Amused na tumitig si Edlyn sa lalaki. "Are you serious?""Yes, of course. Malaking karangalan sa akin kung paunlakan mo ang aking imbitasyon." Masayang ani Da
"May problema ba dito?" tanong ni Darel nang habang naglalakad palapit sa dalawa. Nakahinga nang maluwag si Grace nang makumpirmang si Darel ang lumapit. Ang akala niya kanina ay si Rex. "Kanina ay mayroon pero ngayon ay wala na at ginagawa na niya ang kaniyanh trabaho." Nakangiting ani Edlyn sa lalaki."Kailan mo pa naging trabaho na gawing utusan ang secretary ng CEO?" Pagalit na tanong ni Darel sa babae.Lihim na napangiti si Grace at nakaganti rin siya kay Edlyn. Ito naman ang mapahiya ngayon.Nagmamadaling lumapit si Loida kay Darel. "Sir, kanina niya pa po inaapi si Miss Grace kahit wala namang ginagawa sa kaniya. Pagsusumbong niya da binata.Umangat ang isang sulok ng labi ni Edlyn at pinakatitigan ang babae. "Inaapi? How?" tanong niya rito saka bumaling kay Grace. "Inaapi ba kita, Miss Grace?"Biglang napipilan si Grace at hindi alam kung ano ang dapat na isagot kay Edlyn. Kapag sinabi niyang oo ay tiyak na may sasabihin si Edlyn na ikapahiya niya at ni Loida. Kapag hindi na
Inisa isa ni Edlyn ng tingin ang mga papelis na galing kay Grace. Nangunot ang noo niya at pati trabaho nito ay nasa kaniya. Umangat ang isang sulok ng mga labi niya saka binasa iyon maging ang ibinigay sa kaniya na schedule ni Rex ay ang gulo. Unang tingin pa lang ay alam niyang sinadya nito iyon upang pahirapan siya. Lumabas siya ng opisina niya at nilapitan si Grace.Nakatikwas ang kaliwang kilay na naka tingin lang si Grace kay Edlyn. "May kailangan ka?"Pabagsak na ibinaba ni Edlyn ang isang folder sa table ni Grace. "File it properly bago mo ibigay sa akin." Pormal niyang utos dito."Excuse me?" Mataray na ani Grace at wala naman sa harapan nila si Rex. "Hindi ko na trabaho iyan kaya nga pinapasa sa iyo upang trabahuhin mo.""Baka nakalimutan mo kung ano ang trabaho mo dito?" Mahinahon niyang tanong kay Grace."Pareho lang tayong empleyado dito kapag nasa kompanya." Matapang na ani Grace at nilakasan pa ang boses upang marinig ng iba."Yes, tama ka riyan pero siguro naman ay aw
"Bring all documents about my schedule and give it to Edlyn. Mula ngayon ay siya na ang magha handle sa schedule ko at mag inquire to book a schedule sa mga gusto akong maka usap ng personal."Nakagat ni Grace ang loob ng ibabang labi at pinigilan ang sariling kumontra sa gusto ng binata. Para na rin siyang tinanggalan nito ng karapagan sa buhay nito dito sa kompanya. Paano pa niya masubay bayan ang bawat lakad ng binata at ginagawa kung wala na sa kaniya ang power na iyon?"Babe, ayaw yata ni Miss Grace ipaubaya sa akin ang schedule mo." Mukhang malungkot na ani Edlyn upang asarin o galitin lalo ang babae. Lihim siyang napangiti nang mapansin ang mariing pag lapat ng mga labi nito."Are you deaf, Miss Grace?" Matigas na tanong ni Rex sa babae habang hindi hinihiwalay ang tingin dito."Sorry, sir, pero wala akong intension na suwayin ang utos ninyo. Nag over react lamang si Miss Edlyn at pinag iisipan ako nang hindi maganda." Mahabang paliwanag ni Grace at may kasamang paninira sa bab
"Ang akala ko ba ay ikaw ang maging asawa ng ceo?" Naiinis na tanong ni Laila kay Grace nang makapasok na sa opisina si Rex."I told you, ayaw ni Rex na isapubliko ang tungkol sa relasyon namin at hindi rin siya showy." Pagdadahilan ni Grace. "Hindi mo na sana binanggit pa." Dugtong pang aniya."Sorry, na excite lang ako saka para malaman ng assistant niya na taken na ang ceo." Apologetic na ani Laila.Napabuntong hininga si Grace. "Mailap si Rex at hindi gustong pinag uusapan ang tungkol dito. Kita niyo naman, ikakasal na kami na hindi ninyo alam ang tungkol sa relasyon namin." Halos pabulong na ani Grace upang ang makarinig lang ay ang madaling mapaniwala."I know it, kaya ka pala close sa asawa ni Mr. Chairman noon pa man. Grabe, nakakainggit ka at very humble. Nobya ka ng anak ng Chairman ng kompanyang ito pero hindi ka nag yabang o nag mataas sa amin." Hangang hanga na ani Loida.Napahanga rin ang kasamahan sa sinabi ni Loida. Para sa mga ito ay deserve ni Grace ang maging katuwa
"Ayos ka lang?" tanong ni Edlyn sa binata nang sila na lang ang naiwan sa loob."Yes, pasensya na sa paninagong gulo na nasaksihan mo." Bumuntong hininga si Rex pagkasabi niyon."Huwag ka nang mahiya sa akin at sanay ako sa gulo ng pamilya. Pero honestly, mas maraming kontrabida sa buhay mo." Birong totoo na ani Edlyn sa binata.Pumalatak si Rex at natawa sa sinabi ng dalaga. Tama naman kasi ito. Well, mas magulo noong buhay ang ama niya dahil pumapagitna sa kanila. Kaya mas pinili niyang lumayo noon upang magkaroon ng katahimikhan sa buhay nila ng ama. Pero ngayon, siguradohin niyang hindi na siya ang lalayo o mag give way. ...."Ok lang ba sa iyo itong office mo?" tanong ni Rex sa dalaga.Inilibot ni Edlyn ang tingin sa paligid ng opisina. Malaki iyon at maganda ang ambiance. " alam mo na talaga ang ayaw at gusto ko."If course, ganyan ka kahalaga sa puso." Sinserong ani Rex sa dalaga.Napangiti si Edlyn at tumaba na naman ang puso niya. Wala talaga itong mintis sa pagpakilig sa k
Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin
"Rashed, a-ano ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya rito bigla siyang itulak at nasa ibabaw na niya ito. Natakot siya sa isiping sakalin siya nito."I hate you but i can't resist your body!"Napamulagat si Camela at hindi na nagawang sumagot pa dahil sakop na ng labi ng asawa ang bibig niya. K
Napabuntong hininga si Camela nang wala na sa harapan ang dalawa. Nang mapag isa ay napaisip siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis gayong wala naman silang gamit na protection tuwing magniig ni Rashed. Hindi niya alam kung siya ba o si Rashed ang may problema kaya hindi makabuo. Upang makasi
"TOTOO ba iyang mga sinasabi mo, hija?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Clarisa kay Edlyn matapos marinig ang kuwento nito sa nangyari sa event."Yes po, tita!" Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Edlyn sa ina ni Rashed. Doon na siya nagpahatid sa bahay ng binata pagkagaling sa kasalan ng kaibigan.







