Home / Romance / TAINTED LOVE / Chapter 1-Determination

Share

TAINTED LOVE
TAINTED LOVE
Author: Yeiron Jee

Chapter 1-Determination

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-05-06 20:46:56

'Nasa hospital ang lola mo, hindi ka ba dadalaw?"

Sandaling itinigil ni Camela ang paglilinis sa mukha ng anak at nilingon ang kaibigang bakla. "Malala na ba?"

Napailing si Jackson habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kakauwi lang nito galing Japan. Dalawang taon din itong namalagi roon at iniwan sa kanila ng ina niya ang kambal nitong anak. Apat na taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ito sa poder ng pamilya at sumama sa kaniya . Divorce na rin ito sa asawa nitong milyonaryo at nagpapahirap sa kalooban nito noon.

Ngumiti si Camela sa kaibigan nang sumimangot ito at hindi nagustohan ang kaniyang sinabi. Hangga't maari ay ayaw niyang magkaroon ng balita o connection pa sa kaniyang nakaraan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at sangay ng kompanya ng dating asawa ang napasukang trabaho ng kaibigan sa lugar ng mga ito. Magkasosyo sa negosyo ang pamilya nila kaya nakakasagap ng balita si Jackson.

"Lola mo pa rin siya at balita ko ay hinahanap ka."

Sandaling napatingin si Camela sa tatlong taon niyang anak na abala sa kinakaing orange. Ang cute ng mga anak niya at parehong lalaki. Ngunit sakitin ang isa kaya hirap siyang makaipon para sa kinabukasan ng mga ito. Doble kayod na nga ang ginagawa niya sa Japan. Noong una ay sa isang bar and resto lang siya nagtatrabaho. Nang makaisang taon na roon ay napasabak na rin siya sa isang construction. Walang piling kasarian sa trabaho roon basta kaya ng katawan mo. Doon ay natutunan niya ang lahat ng trabaho upang kumita ng malaki.

Isang taon lamang ang mga anak niya noon at napilitan siyang iwan sa pangangalaga ng ina ng kaibigan. Lahat ng pasahan niya kasi ng resume noon ay rejected siya. Nalaman na lang niyang nasa block listed ang pangalan niya sa malalaking kompanya. Hindi sapat kung sa maliit lamang siya magtrabaho dahil may kambal siyang anak. Wala siyang choice kundi ang magtrabaho sa malayo.

Ngumiti ng mapakla si Camela at isinandal ang ulo sa kinaupuan. "May mana kaya akong makukuha?"

"Who knows, apo ka pa rin niya." Nagkibit balikat si Jackson.

"Well, kahit five percent, sayang din para sa mga anak ko," sarkastikong tugon ni Camela sa kaibigan.

Naaawang pinagmasdan ni Jackson ang kaibigan. Anak ito sa pagkadalaga ng ina nito at nagkaroon ng sariling pamilya ang ina. Illegitimate daughter ang kinalabasan nito at namatay ang sariling ama bago pa naipanganak ang kaibigan. Lumaki sa abroad si Camela dahil ayaw ng pamilya ng ina nito na makasama. Nagdadalaga na ito nang pinayagang makatuntong sa Pinas at doon sila nagkakilala.

"Ang balita ko ay matagal na ring bumuti ang kalusugan ng ina ng iyong ex-husband."

Muling napangiti ng mapakla si Camela dahil sa binanggit ng kaibigan. Malas ang tingin sa kaniya ng lahat. Naging asawa lamang niya si Rashed dahil pinikot niya. Nagrerebelde siya nang mga panahon na iyon. Pero sila naman talaga ang unang nagkamabutihan ng binata noon. Pero iyon ay akala niya lang pala. Muling napabuntong hininga si Camela at hangga't maari ay ayaw na sanang alalahanin ang nakaraan.

"Baka kapag nakita ako ng abuela ko ay bigla siyang mamatay," pabiro na ani Camela saka napahawak sa batok.

Tumawa si Jackson at inakbayan ang kaibigan. "Wala ka namang inaagaw na sa kanila. Naibalik mo na sa kapatid mo ang lalaking mahal niya at maraming taon na ring hindi nagpapakita sa kanila."

"Pag-isipan ko. Alam mo naman na dalawang linggo lang ang bakasyon ko rito."

Nakakaunawang tumango si Jackson sa kaibigan. Ilang araw na lang at luluwas din naman ng Manila ang dalaga. May pinahawakang project ang kompanya nitong may kasosyong Pinoy. Nagpapatayo ng hotel sa kanilang bansa at si Camela ang pinahawak dahil sa nationality nito.

"Kapag nakahanap ako ng matutuluyan doon, maari ko bang isama muna doon si Nanay mo kasama ang mga bata?" tanong ni Camela sa kaibigan.

"Oo naman, para ma-enjoy mo rin ang bakasyon mo kasama ang mga bata kahit trabaho pa rin naman ang inuwi mo dito."

Napabuntong hininga si Camela bago ngumiti. Mabigat ang trabaho niya bilang engineer. All around kasi ang trabaho niya at siya na rin ang parang supervisor sa mga tao. Minsan ay construction worker lalo na kapag rush ang gawa at kulang ng tao. Ganoon ang buhay trabaho niya sa Japan. Pero nawawala ang pagod na nadarama kapag iniisip ang mga anak. Gusto niyang mag-ipon para sa kinabukasan ng mga ito. Gusto niyang makabili ng sariling bahay at lupa para sa mga ito. Ayaw niyang lumaki ang mga anak na mahirap lamang. Ayaw niya ring makilala ng mga anak ang kaanak niya at mamalimos ng pagmamahal sa mga ito, katulad niya noon. Silang tatlo ay sapat na kaya doble sipag siya sa trabaho.

"Salamat ng marami! Nakausap ko na pala si Boss at nirekuminda kita sa kaniya." Gusto ni Camela na magkasama na rin sila sa trabaho ng kaibigan upang hindi na sila magkahiwa-hiwalay pa. Pumayag siyang hawakan itong project dahil nangako ang Japanese na amo na tutulungan siyang madala sa bansa nito ang mga anak niya.

"Paano pala kapag nagtagpo muli ang landas ninyo ni Rashed at makita ang mga bata?" naisip na itanong ni Jackson sa kaibigan.

Tumalim ang tingin ni Camela sa kaibigan na animo'y iyon ang lalaking kinamuhian na. "May kasulatan akong hawak at hindi nila pwedeng angkinin ang mga anak ko!"

"Oh ang puso, relax at hindi ako ang iyong kaaway." Biro ni Jackson sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.

Walang salitang tumayo si Camela at tumalikod sa kaibigan. Pinagsisihan niyang umibig siya noon kay Rashed, pero hindi ang pagkaroon ng anak. Ayaw niyang maranasan ng mga anak ang naranasang hindi maganda mula sa sariling pamilya. Ayaw niyang makilala ng kambal ang ama at pamilya nito dahil tulad niya, illegitimate din ang kalabasan.

"Ang alam niya ay nabuntis ako ng ibang lalaki kaya malabong gustohin niyang makita ang anak ko." Natawa siya pagkaalala sa akusasyon sa kaniya ng dating asawa.

Hindi na muling nagsalita pa si Jackson upang hindi madagdagan ang galit na nadarama ng kaibigan. Masaya siya sa nakikitang katigasan ng puso nito ngayon. Noong una ay nadudurog din ang puso niya at puro ito iyak. Ilang taon din itong naging martir sa piling ng naging asawa nito noon.

"Mama, ayaw na pong kainin ni Lindon."

Nabaling ang atensyon ni Camela sa panganay na anak na si Rafael. Hawak nito ang isang tinapay, pagtingin niya kay Lindon ay mukhang matamlay na naman. Nilapitan niya ito at binuhat. "Anak, may masakit ba sa iyo?" nag aalala niyang tanong dito saka sinalat ang noo ng bata.

"Mama, huwag ka na po umalis."

Nakagat ni Camela ang loob ng bibig at pinigilan ang sariling mapaiyak. Kahit nagkaisip na wala siya sa tabi ng mga ito ay kilala siya ng kambal. Araw-araw ay ka-video call niya ang mga ito at alam na nasa malayo siya. Nang makauwi siya ay sobrang sabik ang mga ito na nagkaroon ng ina.

"Anak, maghahanap agad ako ng matitirahan natin doon at susunod kayo ni Lola." Masuyomg hinaplos niya ang pisngi ng bunsong anak saka niyakap ito.

"Gaano po katagal iyon, mama?" Lumuha na ang bata bago yumakap sa leeg ng ina.

Kunwaring nagbilang sa daliri si Camela at pinakita sa anak ang tatlong daliri. Apat na taon lang ang mga anak pero parang matanda na kung magsalita at mag isip.

"Lindon, nandito naman ako kaya huwag ka nang malungkot."

Bumaba ang tingin ni Camela sa isa pang anak na nakayakap sa kaniyang hita at nakatingala. Ang talino ng mga anak niya at nakakaunawa sa kanilang sitwasyon.

"Nandito rin ako, kids!" Binuhat ni Jackson si Rafael at tumabi kina Camela.

"Gusto ko po may mama rin ako." Lumabi si Lindon at muling niyakap ang ina.

Makahulugang nagkatinginan sina Jackson at Camela. Alam nilang naging tampulan ng tukso ng ibang bata ang kambal. Tinutukso na bakla ang kinikilalang ama at wala pang ina. Alam ng kambal na hindi si Jackson ang tunay na ama ng mga ito.

"Mga anak, kaunting tiis lang ha. Gumagawa ng paraan si Mama upang magkakasama-sama na tayo at hindi na maghihiwalay pa." Paglalambing niya sa dalawa at ngumiti pero deep inside ay durog ang puso niya para sa awa sa kambal niya.

"Lindon, huwag ka nang malungkot para hindi umiyak si Mama." Parang matanda na saway ni Rafael sa kapatid.

Mabilis na pinunasan ni Lindon ang luha sa mga mata at hindi na umiyak. " Sorry po, mama. Huwag na po kayo malungkot."

Marahang pinisil ni Camela ang pisngi ng anak at nag-feeling strong naman ito. Hinalikan niya sa pisngi si Rafael bago si Lindon. Kung sa ugali ay sa kaniya nagmana si Lindon. Si Rafael naman? Mabilis na iwinaksi ni Camela ang pumasok sa isipan. Iisa ang mukha ng kambal at naiiba lamang ang ugali. Hindi naman sa ayaw niya sa mukha ng kambal pero para lang kasi nakikita niya ang mukha ni Rashed sa mga ito.

Ginugol ni Camela ang oras sa mga anak hanggang sa matapos ang kaniyang bakasyon. Mas nahirapan siyang iwan ang mga anak ngayon may isip na ang mga ito.

"Mag-ingat ka doon," paalala ni Jinky, ang ina ni Jackson kay Camela.

"Salamat po, Inay. Maraming salamat sa pag-alaga sa kambal at pagturing na tunay mong mga apo."

"Naku magdadrama na naman ba tayo ngayon?" pabirong sita ni Jinky sa dalaga.

Sa halip na sagutin ang ginang ay niyakap ni Camela ito. Tama talaga ang kasabihan na mas mabuting lumapit sa ibang tao kaysa kamag-anak kapag walang ibang matatakbuhan. Sobrang laki ng utang na loob niya sa kaibigan at ina nito. Nagsusumikap siya hindi lang para sa mga anak kundi para sa mga ito. Malaki naman ang sahod ni Jackson at kayang e provide ang pangangailangan ng ina kasama ang kambal. Pero may sarili din itong buhay kaya pinag-iipon niya rin. Nangungupahan din kasi sila ng bahay roon.

Hindi na nagpahatid si Camela sa airport at baka umiyak lang ang kambal. Baon ang determinasyon, muli niyang iniwan ang mga anak at harapin ang bagong hamon sa buhay. Alam niyang posibleng magkrus muli ang landas nila ng mga taong iniiwasan. Pero hinanda na niya ang sarili at hindi na dapat magpakita pa ng kalambutan ng puso. Walang puwang sa puso niya ngayon kundi ang mga anak lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
woow naiiexcite ako miss a
goodnovel comment avatar
LV Villarino
thanks, mukhang sasabak din kmi sa matinding emosyon sa mga sususnod na update
goodnovel comment avatar
Jenalyn Bascar
first episode pa lang magulo na ang buhay ng bida🥹bet ko to subaybayan...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TAINTED LOVE    Chapter 140-Pagkatuklas sa donor

    "Kilala ni Mommy ang ugali mo kaya ayaw niyang ipaalam na siya ang donor ni Lindon." Hindi na nagsinungaling si Edlyn at kahit labag sa kalooban ay kailangan niyang sabihin iyon kay Camela."So bakit mo sinasabi sa akin ngayon?" malamig na tanong ni Camela sa kapatid at hindi siya natutuwa sa paraan na pag tulong ng ina sa kaniya. Bakit kailangang itago? Gusto ba nitong makunsensya siya? Ang akala niya ay nagbago na ang ina sa kaniya pero hindi pala. Hindi pa rin nito isinasaalang alang ang damdamin niya o tinatanong bago isagawa ang isang pasya na involved siya."Dahil gusto kong magkaayos kayo ni Mommy bago ang operasyon." Nakagat bigla ni Edlyn ang ibabang labi at nahihirapan siya sa sitwasyon. Nangako siya sa ina pero hito siya at kausap si Camela.Nangunot ang noo ni Camela at nagtataka sa nakikitang reaction sa mukha ng kapatid. Ganoon ba kahirap sabihin sa kaniya ang totoo?Ikinurap kurap ni Edlyn ang mga mata at tumingala upang pigilan ang luha na nais kumawala sa kaniyang mg

  • TAINTED LOVE    Chapter 139-Exchange love

    Tuluyang napaluha na si Clarissa at natuwa dahil hindi nagtanim ng galit sa kaniya ang dalaga. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin niya. Aalis siya na ang tanging isipin at ipag dasal ay mapatawad na siya ni Camela. "Thank you, hija!"Hinalikan ni Miles sa pisngi ang ginang bago lumayo upang makaalis na ito. Nakangiting kumaway pa siya rito habamg hinahatid ng tanaw ang papalayo ng sasakyan ngginang. Nang hindi na matanaw ang sasakyan ay lumulan na rin siya sa sariling kotse. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang nilisan ang hospital."Nauna nang pumasok si Rex sa loob ng silid nang pagbuksan sila ni Rashed ng pinto. Nahihiya pa kasi si Edlyn na makita sila ng mga ito na magkasama. Hindi pa siya sinasagot ng dalaga pero binigyan naman siya ng pag-asa na makapasok sa puso nito."Tito Rex!" Masiglang bati ni Lindon pagkakita sa kaibigan ng ina nito."Hey, kumusta ang magiting at malakas na bata?" Nakangiting ginulo ni Rex ang buhok ng bata."Gagaling na po ako

  • TAINTED LOVE    Chapter 138-Pasalamat

    Ngumiti si Edlyn sa ina ni Rashed nang madaanan nila ito. "Kumusta po? Galing na po kayo sa loob? Bati niya sa ginang saka tinapunan ng tingin si Miles. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito dito at nag alala na baka gumawa mg eksina upang gulohin ang kapatid niya.Inirapan ni Miles si Edlyn at nababasa niya ang laman ng isip nito. Pero mas pinili niyang manahimik at aksaya ng oras ang magpaliwanag o ipagtanggol ang sarili. Sino ba ang mga ito para pag aksayahan niya ng oras? Nagpunta siya sa lugar na ito para makita sana su Rashed at maka usap ngunit ang ina nito ang nakita niya. Wala rin siyang balak manggulo o mag wala para makuha ang atensyon ni Rashed.Matipid na ngumiti si Clarissa bago tumango. "Salamat, huwag mo sanang iwan ang kapatid mo mula ngayon at damayan siya sa mga suliranin sa buhay."Tikom ang bibig na ngumiti si Edlyn sa ginang. Pagtingin niyang muli kay Miles ay hindi niya maiwasang maawa dito. Siya ay medyo matagal nang naka move on kay Rashed. Ito ay magsisimu

  • TAINTED LOVE    Chapter 137-Pangumbinsi

    "Huwag matakot, nandito si Papa, okay?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak at itinago ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Sininyasan niya ang doctor na hayaan muna siyang pakalmahin ang anak at mawala ang takot nito dahil sa injection. Sa ilang beses na injection kasi ay parang nagkakaroon ng trauma ang anak at nasasaktan. Kahit idinadaan na sa dextrose ang gamot ay natatakot pa rin ang anak. Ramdam nito sa braso ang sakit kapag dumaloy na ang gamot mula sa dextrose.Kinuha ni Camela si Ralph upang hindi makaabala. Ayaw niyang makaramdam din ito ng takot sa doctor dahil sa nakikita."Hindi na ako magtatagal." Hindi na nagawang magpaalam ni Clarissa sa kambal. Nagmamadaling lumabas ng silid at hindi kayang makita ang apo na natatakot at nanghihina."Tita."Tumigil sa paghakbang si Clarissa at tiningnan ang taong humarang sa kaniyang daraanan. Mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata nang makilala si Miles."Kaya ko pong alagaan ang mga apo mo kapag naging asawa ko na si Rashed." B

  • TAINTED LOVE    Chapter 136-Pagdalaw ni Clarisa

    "Nag-usap kami kahapon. Sorry pero hindi pa ako handang patawarin siya. Sa ngayon ay puwede niyang makita at mayakap ang kambal, hanggang doon lamang."Nakakaunawang tumango si Rashed. Nagpasalamat pa rin siya sa dalaga dahil binigyan nito ng pagkakataon na mayakap ng ina niya ang anak nila. Tama lang na nailigpit na nila ang pinagkainan nang dumating ang ina.Pagkapasok ni Clarissa sa silid ay agad natuon ang tingin niya sa dalawang batang lalaki. Ang cute ng mga ito at ganoon din ang mukha ni Rashed noon bata pa ito. Pinigilan niya ang sariling maluha at baka magtaka ang kambal lalo na si Ralph na nakilala na siya kahapon. Nanatili lang si Rashed sa kinaupuan at hinayaang si Camela ang magpakilala sa ina sa kambal."Lindon, anak, may bisita ka," tawag ni Camela sa anak.Sabay na naptitig ang kambal sa ginang na bagong dating. "Hello po!" Nakangiting kumaway si Lindon sa ginang. Si Ralph at nakatingin lang sa ginang at mukhang hindi na nangilala kung sino ang bisita ng kapatid.Hin

  • TAINTED LOVE    Chapter 135-Pakiusap

    Napatiim bagang si Camela at pilit inaalis ang awa para sa ginang. Pero hindi siya natuwa sa gustong mangyari ni Rashed. Ina pa rin nito ang ginang at may edad na rin. Responsibilidad ng isang anak na samahan at alagaan ang mga magulang sa pagtanda ng mga ito."Huwag kang maaawa sa pag-alis ko. May makasama ako roon at maari pa ring bumisita dito kahit anong oras gustohin ko kung hayaan mo na makilala ako ng mga bata."Nagkunwaring walang narinig si Camela kahit nababasa ng ginang ang nasa isip niya."Makiusap lang sana ako kahit ngayon lang." Pagsusumamo ng ginang sa dalaga."Maari mo silang makita at mayakap pero hindi puwedeng malaman na ikaw ang kanilang abuela, lalo na ni Lindon." Malamig niyang tugon sa ginang.Nakakaunawang tumango si Clarissa. Bilang isang ina, ayaw ni Camela na masabik ang kambal na makasama siya kapag nakilala. Malulungkot lamang ang mga ito kapag nalaman na aalis din siya, lalo na si Lindon. Maapiktohan ang kalusugan nito. "Salamat! Hindi ako gagawa ng baga

  • TAINTED LOVE    Chapter 10-Pagpalaya sa sarili

    "June five?" naibulong ni Camela nang makita ang date sa cellphone. "Oh my, God!" natutup ni Camela ang bibig nang maalala ang monthly period. Tatlong lingo na siyang delayed at kakaiba rin ang nararamdaman niya sa kaniyang katawan.Napahawak si Camela sa kaniyang impis na tiyan. Nahiling na sana

  • TAINTED LOVE    Chapter 9-Pagmamalupit sa asawa

    "No, hindi siya maaring umalis sa pamamahay na ito!""Rashed?" Sabay at hindi makapaniwalang sambit nila Edlyn at Clarisa."Gusto ko siyang makitang nagdudurusa habambuhay kapalit ng buhay ni Lola!" mabalasik na turan ni Rashed.Parang lantang gulay na napatayo si Camela nang haklitin ni Rashed ang

  • TAINTED LOVE    Chapter 8-Painful past

    "MA, huwag po kayong magalit kay Rashed." Biglang nag-alala si Clarisa at pinatawag ng matanda ang anak. Nasa opisina pa si Rashed at alam niyang pauwi na ito."Hindi ko mapapalampas itong ginawa ninyong dalawa!" Galit pa rin ang matanda at iwinaksi ang kamay ng anak."Lola, huminahon po kayo at ba

  • TAINTED LOVE    Chapter 7-Pagmamakaawa

    Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status