Share

Chapter 3

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-06-25 09:12:46

Lindsay POV

​Nang matapos ang matinding init na iyon sa loob ng opisina, tila biglang bumalik ang natitira kong katinuan. Bigla akong sinaksak ng matinding takot at hiya. Agad akong bumaba mula sa lamesa, nanginginig ang mga tuhod habang dali-dali kong isinuot ang aking mga damit. Hindi ko na nagawang tingnan ang lalaki. Patakbo akong lumabas ng kuwartong iyon, gulong-gulo ang isip at luhaan.

​Tumakbo ako patungo sa madilim at tahimik na bahagi ng garden ng venue. Doon ako naupo, yakap ang aking mga tuhod habang iyak ako ng iyak. Humahagulgol ako hindi lang dahil sa sakit na idinulot ni Jake, kundi dahil na rin sa ginawa ko.

​"Lindsay! Hey, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap!"

​Napaangat ang mukha ko. Si Jake. Hingal na hingal siya at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Agad siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.

​"I'm sorry, sweetheart... Please let me explain. Hinalikan na lang ako bigla ni Vanessa, lasing na kasi siya at hindi ko agad siya naitulak. Ikaw lang ang mahal ko, maniwala ka," pagmamakaawa ni Jake, diretsong nakatitig sa mga mata ko habang nagpapaliwanag.

​Sa mga sandaling iyon, tila gumaan ang pakiramdam ko sa narinig, pero kasunod niyon ay ang isang napakatinding hampas ng konsensya. Ang galit at tampo ko sa kaniya ay biglang napawi at napalitan ng labis na panunumbat sa sarili.

​Walang sabi-sabi ay bigla kong niyakap nang napakahigpit si Jake. Humagulgol ako sa kaniyang balikat. Nawala na ang lahat ng tampo ko sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na mas higit at mas malala ang kataksilang nagawa ko, binigay ko ang aking pagkababae sa isang estranghero na mas may edad pa sa amin, sa loob mismo ng opisina sa mismong araw ng kaarawan ng boyfriend ko.

​Niyakap ako nang mahigpit ni Jake pabalik, habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. "Shh... tahan na, sweetheart. Nandito na ako. Akala ko talaga iniwan mo na ako," bulong niya, at ramdam ko ang panginginig ng boses niya sa takot na mawala ako.

​Mas lalo akong naiyak. Ang bawat salita ng paglalambing niya ay parang saksak sa natitira kong konsensya. Kung alam mo lang, Jake. Kung alam mo lang ang kalaswaang ginawa ko sa loob ng opisinang iyon habang hinahanap mo ako.

​"Halika na, umuwi na tayo. Ayoko nang mag-stay dito," sabi ni Jake habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko. Tumango lang ako, walang lakas na magsalita dahil baka sa isang buka ng bibig ko ay bigla kong maiyak ang katotohanan.

​Inakbayan niya ako habang naglalakad kami pabalik sa main hall para kuhanin ang mga gamit ko. Pilit kong ibinababa ang aking tingin, natatakot na baka makasalubong ko ang lalaking iyon, o baka mahalata ng mga tao ang gulo-gulo kong damit at ang kakaibang pakiramdam sa aking katawan.

​Napatigil kami ni Jake sa tapat ng gitna ng hall nang may tumawag sa kaniya.

​"Jake, andyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," isang baritono at pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aming harapan.

​Nang iangat ko ang aking tingin, nanlamig ang buong katawan ko, umurong ang dila ko, at tila huminto ang pag-ikot ng mundo. Ang lalaking nakatayo sa harap namin, nakaayos na ang polo pero naroon pa rin ang pamilyar na kisig at mukhang hawig kay Albert Martinez, ay ang lalaking umangkin sa akin kanina lang sa ibabaw ng lamesa.

​"Dad!" masayang bati ni Jake, bago humarap sa akin habang nakangiti. "Sweetheart, si Daddy pala. Dad, si Lindsay... ang girlfriend ko."

​Napatitig sa akin ang tatay ni Jake. Ang kaniyang mga madidilim na mata ay dumaan sa aking mukha pababa sa aking labi, bago binalik ang tingin sa kaniyang anak, may nakatagong kakaibang ngiti sa kaniyang mukha.

​Pakiramdam ko ay gumuho ang semento sa ilalim ng mga paa ko. Gusto kong mamatay sa tindi ng kahihiyan, takot, at panghihina. Ang lalaking kalalabas ko lang kasiping, ang lalaking pumatay sa init ng katawan ko kanina lang... ay ang mismong ama ng boyfriend ko.

​Tumingin ako sa kaniya, nanginginig ang buong katawan ko habang pilit kong iniiwas ang mga mata ko. Pero siya, nananatiling kalmado. Inayos niya ang kaniyang pagkakatayo, tila walang anomang nangyari sa loob ng opisinang iyon.

​"Nice to finally meet you, Lindsay," mababa at baritono niyang sabi. Ang boses na iyon na bumubulong sa tenga ko kanina ay naririnig ko ngayon sa harap ng boyfriend ko.

​Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Napalunok ako, dahan-dahang itinaas ang nanginginig kong kamay para tanggapin iyon. Nang maglapat ang aming mga palad, mariin niya itong pinisil, isang sadyang paalala sa kung anong meron sa amin kanina lang. Halos mapasinghap ako sa gulat pero pinigil ko ang aking sarili.

​"N-nice to meet you rin po, Sir..." halos pabulong kong sagot, hindi ko man lang magawang sabihin ang salitang 'Papa' o 'Tito'.

​"Dad, umiyak si Lindsay kanina dahil kay Vanessa. Pero naayos na namin," pagmamalaki ni Jake habang mas humigpit ang aking akbay sa akin.

​Tumingin ang kaniyang ama sa kaniya, bago dahan-dahang ibinalik ang madidilim na mata sa akin. May mapaglaro at makahulugang ngiti na sumilay sa kaniyang labi.

​"Is that so? Happy birthday, son. Pero sa susunod, alagaan mong mabuti ang girlfriend mo," makahulugan niyang sabi habang nakatitig nang diretso sa aking mga labi. "You wouldn't want anyone else taking care of her for you."

​Halos mangatog ang mga tuhod ko sa narinig. Ang mga salita ng ama ni Jake ay tila may dobleng kahulugan na ako lang ang nakakaalam. Napakapit ako nang mas mahigpit sa bewang ni Jake para lang hindi ako mabuwal sa kinatatayuan ko.

​"Of course, Dad. Hinding-hindi ko na papayagang may mang-away o magpaiyak sa kaniya," seryosong sagot ni Jake, sabay halik sa gilid ng ulo ko.

​Ang halik na iyon ni Jake ay parang nagpasabog ng dinamita sa konsensya ko. Sobrang inosente niya. Sobrang mahal niya ako. Habang ang tatay niya, nakatayo lang sa harap namin, pinapanood ang bawat galaw ng kaniyang anak na may malamig ngunit mapaglarong mga mata.

​"Mabuti kung ganoon," seryosong sagot ng kaniyang ama. "Sige na, ihatid mo na ang girlfriend mo. Mukhang pagod na pagod siya at kailangan na niyang magpahinga."

​Sa bawat diin ng salitang "pagod na pagod", ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Alam niya, at alam ko, kung bakit talaga ako nanghihina ngayon.

​"Sige po, Dad. Una na kami," paalam ni Jake. Humarap siya sa akin. "Let's go, sweetheart?"

​Tumango lang ako, hindi na makatingin nang diretso. Pero bago kami tuluyang tumalikod, muling nagsalita ang kaniyang ama gamit ang kaniyang baritonong boses na nagpatayo ng mga balahibo ko sa leeg.

​"Lindsay," tawag niya sa pangalan ko.

​Napilitan akong lumingon. Bahagya siyang yumuko para pantayan ang tingin ko, at sa isang mabilis na sandali na hindi nakikita ni Jake, dumaan ang kaniyang tingin sa leeg ko, kung saan iniwan niya ang mga mariing halik kanina.

​"Mag-iingat ka sa pag-uwi. I hope to see you again soon... in the house."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 122

    Sofia POVNakalabas ang sasakyan sa main gate ng aming subdivision, ngunit imbes na patungo sa University, pinaliko ko ito papunta sa isang tahimik at lumang parke. Malamig ang hangin at halos walang tao sa paligid.Habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa isang wooden bench sa ilalim ng malaking puno, nakita ko na siyang nakatayo roon—si Ethan."Sofia..." mahinahon niyang bati nang makalapit ako. May bakas ng pag-aalala at lungkot sa kaniyang mga mata."Ethan, pakiusap," pabulong kong pakiusap habang nanginginig ang aking mga kamay. "Nangako ka sa akin na bibigyan mo ako ng oras. Nakikita mo naman kung gaano kagulo ang pamilya ko nitong mga nakaraang taon. Ngayon pa lang nagiging maayos ang lahat kina Dad at Kuya Biboy.""Naintindihan ko, Sofia," sagot ni Ethan sabay hawak sa dalawa kong kamay. "Pero hanggang kailan natin itatago 'to? Anak ako ng dating business partner ng daddy mo na pinalayas at nakalaban niya sa negosyo noon. Hindi ko kasalanan ang kasalanan ng pamilya ko, a

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 121

    James POVNakatayo ako sa aking opisina sa bahay habang nakatingin sa malaking family picture na nakasabit sa pader. Nakangiti roon sina Biboy at Jenny habang karga ang aming apo na si Nathan. Sa nakalipas na mga taon, naging labis ang tuwa at relief ko na nakitang maayos, masaya, at matagumpay ang buhay ng aking panganay. Napakaraming oras at atensyon ang ibinuhos ko para masigurong protektado ang kanilang hinaharap.Ngunit nang itaas ko ang aking paningin sa kabilang gilid ng larawan, natigilan ako.Nandoon si Sofia—ang aking bunso. Nakatayo siya nang bahagyang malayo sa amin, may tipid na ngiti ngunit may kakaibang dungaw sa kaniyang mga mata.Isang matinding pait at konsensya ang biglang humakot sa aking dibdib. Sa sobrang pagtutok ko sa mga problema nina Biboy at Jenny, at sa kagustuhan kong ayusin ang buhay ng aking panganay, hindi ko namamalayang napapabayaan ko na pala ang aking anak na babae. Sa mga nagdaang buwan, madalas kong nahuhuli si Sofia na nakatitig sa malayo, tahimi

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 120

    James POV Nakatayo ako sa gilid ng bakeshop habang pinagmamasdan ang buong pamilya ko. Hawak ni Lindsay si Nathan habang itinuturo sa kaniya ang mga makukulay na pastries sa glass display, habang sina Biboy at Jenny naman ay abala sa paghahanda ng kape sa likod ng counter, nagpapalitan ng mga pilyong ngiti at mahihinang halik na akala nila'y walang nakakakita. Isang malalim at paitaas na paghinga ang ipinukol ko bago ako napasandal sa may pader. Minsan sa buhay ng isang tao, may mga desisyon kang gagawin na alam mong mali ang paraan, ngunit buong-puso mong pinaniniwalaang tama ang hangarin. Noong gabing iyon sa Tagaytay—kung saan nagdesisyon akong gamitin ang aking kapangyarihan para itali sina Biboy at Jenny—handa akong maging kontrabida sa buhay ng sarili kong anak. Handa akong kapootan at isumpa nila, basta't masiguro ko lang na hindi sila mapupunta sa mga maling tao at hindi mawasak ang hinaharap na nakalaan para sa kanila. Ngunit ang makita sila ngayon, limang taon ang n

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 119

    Jenny POVNaging mabilis at napakagandang panaginip ang aming reception sa tabing-dagat. Puno ng tawanan, masasarap na pagkain, at mga bati ng pagmamahal mula sa aming mga kaibigan at pamilya. Ngunit nang matapos ang gabi at makarating kami sa aming honeymoon suite, pinalitan ng isang tahimik at napakatamis na atmosphere ang buong silid.Nakatayo ako sa may veranda habang nakatingin sa madilim na karagatan at nakikinig sa hampas ng mga alon. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-akap ni Biboy mula sa aking likuran, ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at marahang humalik doon."Napagod ka ba, Mrs. Jenny?" pabulong niyang tanong habang mas lalo niyang iniyakap ang kaniyang mga braso sa aking baywang.Napangiti ako at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "Hindi naman... Masayang-masaya lang ako, Biboy. Pakiramdam ko, sa wakas, nasa tamang lugar na ang lahat."Humarap ako sa kaniya at inabot ang kaniyang pisngi. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakatitig sa akin ang kaniyang m

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 118

    Jenny POVNang maghiwalay ang aming mga labi, kapwa kami bahagyang hinihingal habang nakatitig sa isa't isa. Namumula pa rin ang aking mga pisngi habang nakakapit ang aking mga kamay sa kaniyang mga balikat. Ang init ng kaniyang yakap at ang tamis ng kaniyang halik ay nag-iwan ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko."Biboy..." pabulong kong tawag, sa unang pagkakataon na tinawag ko siya sa kaniyang pangalan nang walang "Kuya".Napangiti siya nang napakalapad, isang ngiting buong-buo at walang halong anumang alinlangan. "Ang sarap palang pakinggan kapag mula sa'yo."Dahan-dahan niya akong inangat habang hawak ang aking kamay at marahang tumayo mula sa carpeted na sahig. Sa tulong ng maliit na liwanag ng kandila, inakay niya ako patungo sa sofa. Umupo kami nang magkatabi, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na kami naghiwalay. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at inilapit ako sa kaniyang tabi, habang ako naman ay kusang sumandal sa kaniyang dibdib."Pano na 'yung 2-yea

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 117

    Jenny POV Isang gabi, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng sunod-sunod na kulog at kidlat. Habang nagliligpit ako ng mga plato sa kusina, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong apartment. Nabalot ng matinding dilim ang buong paligid. "Aray!" napasigaw ako sa gulat nang mauntog ang aking tuhod sa gilid ng counter dahil sa kawalan ng paningin. "Jen! Okay ka lang?" nag-aalalang sigaw ni Kuya Biboy mula sa sala. Naririnig ko ang mabilis niyang mga hakbang sa dilim. Pilit kong inabot ang gilid ng mesa pero dahil sa madulas kong tsinelas, bigla akong na-out of balance. "K-Kuya Biboy!" Bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig, naramdaman ko ang dalawang malalakas na braso na mabilis na yumakap sa aking baywang. Nawalan din siya ng balanse kaya pareho kaming napaupo sa carpeted na sahig sa sala, kung saan ako direktang napasandal sa kaniyang dibdib. Mabilis at malakas ang tibok ng kaniyang puso na naramdaman ko sa aking likod. Napatigil kami pareho sa pagga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status