Share

Chapter 4

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-06-25 09:14:09

Lindsay POV

​Makalipas ang ilang linggo mula noong gabing iyon, ginawa ko ang lahat para iwasan si Jake. Hindi ko alam kung paano siya haharapin nang hindi ko naaalala ang tatay niya. Tuwing tumatawag siya, hindi ko sinasagot. Tuwing mag-aaya siyang makipagkita, palagi kong idinadahilan na busy ako sa trabaho.

​“Galit ka pa rin ba? I'm sorry na, okay? I love you, sweetheart.”

​Nang mabasa ko ang text message na iyon ni Jake, biglang pumatak ang mga luha ko habang nakaupo ako sa tapat ng computer ko sa opisina. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ako galit sa kaniya, galit ako sa sarili ko. Sobrang dumi ng pakiramdam ko.

​"Lindsay, may problema ba?" tanong ni Jennifer, ang katabi ko sa cubicle, nang mapansin niyang tahimik akong umiiyak habang nagpupunas ng mukha.

​Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at umiling na lamang ako. "Wala, Jen. May pumasok lang sa mata ko," pagsisinungaling ko, sabay pilit ng isang ngiti.

​Bago pa man makapagtanong ulit si Jennifer, biglang pumalakpak ang aming supervisor sa gitna ng floor para kunin ang pansin ng lahat.

​"Hey, attention everyone! Short announcement," malakas na sabi ng supervisor namin. "Today, binisita tayo ng big boss at CEO ng Green Corporation, ang mother company natin. Mag-ayos kayo ng mga mesa niyo dahil mag-iikot siya rito sa production floor. Here he is... Mr. James Green."

​Tila huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang apelyidong iyon. Green. Iyon ang apelyido ni Jake.

​Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin patungo sa may pintuan ng floor. Kasabay ng pagpasok ng mga lalaking naka-suit, nakita ko ang isang pamilyar at matangkad na pigura. Suot ang isang mamahaling dark gray suit, plantsadong-plantsado ang polo, at may seryosong mukha na tila hawig na hawig kay Albert Martinez.

​Si Mr. James Green. Ang CEO ng kumpanya namin.

​At ang tatay ng boyfriend ko na umangkin sa akin sa ibabaw ng lamesa ilang linggo na ang nakararaan.

​Nanlamig ang buong katawan ko. Gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay magtago sa ilalim ng desk ko. Sa dinami-rami ng kumpanyang pwede kong mapasukan, bakit sa kumpanya pa pala ng pamilya nila? Hindi ko alam na ang Green Corporation na pagmamay-ari ng tatay ni Jake ay ang mismong mother company ng pinagtatrabahuhan ko ngayon.

​Nagsimulang maglakad si Mr. James Green sa pagitan ng mga cubicle, kasunod ang mga managers at supervisors namin na panay ang tango at paliwanag sa kaniya. Seryoso lang siyang tumitingin sa paligid, may awtoridad ang bawat hakbang, at bakas ang pagiging isang makapangyarihang CEO.

​"Good morning, Mr. Green," bati ng mga katrabaho ko habang dumadaan siya.

​Yumuko ako nang husto. Pilit kong ibinaling ang tingin ko sa screen ng computer ko at nagkunwaring abalang-abala sa pag-type, kahit na nanginginig na ang mga daliri ko. Idinalangin ko sa lahat ng santo na sana ay lampasan niya lang ang pwesto ko nang hindi ako napapansin.

​"And this is our main operations team, Sir," boses ng supervisor namin, papalapit nang papalapit sa cubicle ko.

​Naramdaman ko ang paghinto ng mga yabag ng sapatos sa mismong likuran ko. Ang pamilyar na amoy ng kaniyang mamahaling pabango, ang amoy na pilit kong kinakalimutan sa loob ng ilang linggo, ay muling pumasok sa sistema ko.

​"Everything looks efficient here," baritono at mababa niyang boses. Ang boses na iyon na dumaing sa sarap habang hawak ako... narinig ko na namang muli.

​"Yes, Sir. Sila po ang humahawak ng pinakamalalaking accounts natin," sagot ng supervisor ko. "Katulad po ni Lindsay dito—"

​Bago pa matapos ng supervisor ang pagpapakilala sa akin, napilitan na akong mag-angat ng tingin. Dahan-dahan ko siyang tiningnan.

​Sinalubong ako ng madidilim at matatalim niyang mga mata. Walang bakas ng gulat sa mukha niya. Sa halip, isang unti-unti at makahulugang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang makita ang namumutla kong mukha. Alam niya. Alam niyang dito ako nagtatrabaho.

​"Lindsay," pag-uulit niya sa pangalan ko, na tila ninanamnam ang bawat pantig nito. Tumingin siya sa supervisor ko. "I want a full brief on her current accounts. Let her bring the files to my office... now."

​Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang mga folder na hiningi niya. Habang naglalakad ako patungo sa kaniyang opisina, parang gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib. Pagpasok ko, dahan-dahan kong isinara ang pinto at nanatiling nakatayo malapit doon.

​Nakatitig siya sa akin mula sa kaniyang malaking executive chair. Inalis niya ang kaniyang salamin at sumandal, bago sumilay ang isang mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi.

​"Ilang linggo mo nang iniiwasan ang anak ko, Lindsay. At mukhang pati ako, iniiwasan mo rin," panimula niya, ang baritono niyang boses ay puno ng panunukso. "Bakit? Ayaw mo na ba raw maulit ang nangyari sa atin sa opisina ko?"

​Namilog ang mga mata ko at naramdaman ko agad ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Pulang-pula siguro ako sa tindi ng hiya at inis. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pilit na nagmatapang.

​"Stop it, Mr. Green! Isang beses lang 'yun at hindi na dapat maulit!" mariin kong pakiusap, kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. "Lasing ako noon at... at nagkamali ako."

​Natawa siya nang bahagya, isang mababang tunog na tila lalong nagpapahina sa mga tuhod ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa kaniyang upuan. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, bawat hakbang niya ay may dalang kakaibang bigat at presensya.

​Hindi ako makagalaw. Nang tuluyan siyang makalapit, ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang matipunong katawan at ng nakasarang pinto. Amoy na amoy ko muli ang pabango niya.

​"Isang pagkakamali?" bulong niya, habang unt-unting ibinababa ang kaniyang mukha malapit sa tenga ko. Ang init ng kaniyang hininga ay nagpadala agad ng kuryente sa buong katawan ko.

​Nagsimulang gumapang ang kaniyang daliri sa gilid ng aking bewang, marahang pinipisil iyon sa paraang alam kong tinutudyo at hinahamon niya ako.

​"Pero kung maalala ko, sweetie... parang gustong-gusto mo ang bawat sandali ng pagkakamaling 'yun."

"P-please, Mr. Green... nasa trabaho tayo," halos pabulong kong pakiusap, habang pilit kong isinisiksik ang likod ko sa pintuan. Pero ang kaniyang katawan ay lalo pang lumapit, sapat para maramdaman ko ang kaniyang matigas na dibdib na nakadikit na sa aking mga nakalantad na braso.

​"Nasa trabaho nga tayo, Lindsay. At bilang CEO mo, ang sabi ko... i-brief mo ako sa accounts mo," paos niyang bulong, pero ang kaniyang mga daliri ay patuloy sa mapang-akit na paggapang sa aking bewang paitaas sa gilid ng aking tadyang.

​Ang kaniyang mapang-asar na ngiti ay dahan-dahang napalitan ng pamilyar na seryoso at madilim na tingin, ang tingin na nakita ko sa kaniya noong gabing angkinin niya ako. Hinawakan ng kabilang kamay niya ang aking panga, pinilit akong mag-angat ng mukha para salubungin ang kaniyang mga mata.

​"You're shaking, sweetie," tudyo niya muli, habang ang kaniyang hinlalaki ay marahang hinahaplos ang aking ibabang labi. "Isang beses lang pala, pero bakit ganyan kabilis ang tibok ng puso mo ngayon?"

​"Dahil... dahil natatakot ako na baka may makakita sa atin, lalo na si Jake," sagot ko, ramdam ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata sa halo-halong emosyon.

​Nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang anak, bahagyang tumigas ang kaniyang anyo, pero hindi niya inalis ang kaniyang mga kamay sa akin. Sa halip, lalo niyang idiniin ang kaniyang katawan sa akin, dahilan upang mapasinghap ako nang maramdaman ang kaniyang unt-unting nagigising na katigasan sa pagitan ng aming mga hita.

​"Then you better stay quiet," bulong niya bago mabilis na iniyuko ang kaniyang ulo upang sakupin ang aking mga labi ng isang mariin at mapusok na halik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 133

    Sofia POV Nang mag-gabi matapos matagpuan ang lumang talaarawan ni Dad, hindi agad ako nadatnan ng antok. Bumaba ako sa silid-aklatan kung saan nakatago ang marami sa kaniyang mga gamit at mga lumang dokumento. Lumapit ako sa malaking desk na ginawa mula sa matigas na mahogany—ang desk kung saan minsan siyang nakaupo nang napakaraming oras upang patakbuhin ang kaniyang negosyo at buhayin ang aming pamilya. Isang lumang wooden box na may maliit na lock ang nakatabi sa sulok ng estante. Dahan-dahan kong kinuha ang susi na nakasabit sa gilid ng drawer at binuksan ito. Sa loob ay hindi mga kontrata o titulo ng lupa ang nakatago, kundi mga lumang litrato, maliliit na drawing namin nina Kuya Jake at Kuya Biboy noong bata pa kami, at isang grupo ng mga sulat na hindi kailanman naipadala. Kinuha ko ang isa sa mga sulat na nakatutok kay Kuya Jake. “Jake, aking panganay. Gabi-gabi kong iniisip kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa’yo. Sa bawat tagumpay na nakakamtan ko sa Negosyo, laging

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 132

    Epilogue: The Legacy (Paglipas ng Panahon)Sofia POVLumipas ang dalawampung taon.Nakatayo ako sa gitna ng silid-aklatan sa lumang bahay sa Tagaytay—ang bahay kung saan minsan naming natagpuan ang totoong kahulugan ng pamilya. Hinahaplos ko ang malaking litratong nakasabit sa itaas ng tsimenea: ang huling portrait kung saan buo pa kaming lahat kasama si Dad James at Mommy Lindsay.Wala na sila pareho ngayon, payapang pumanaw sa kanilang pagtulog ilang taon na ang nakararaan, ngunit ang kanilang presensya ay nananatiling buhay sa bawat sulok ng tahanang ito.Bumukas ang pinto at pumasok si Ethan, may konting pilak na ang buhok ngunit ang mga mata ay puno pa rin ng parehong pagmamahal at lambing na nakita ko noong mga kabataan namin."Sofia, nakahanda na ang lahat sa labas," nakangiting wika ni Ethan habang iniaabot ang aking shawl. "Dumating na rin sina Kuya Jake mula sa airport."Lumabas kami patungo sa malawak na hardin. Naroon na ang lahat—si Kuya Biboy at Ate Jenny na masayang nak

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    kabanata 131

    Sofia POV Pagkatapos ng almusal, lumabas kaming lahat sa malaking hardin para sa aming taunang family portrait. Abala si Kuya Biboy sa pag-aayos ng tripod at camera, habang si Ate Jenny naman ay tumutulong sa pag-aayos ng mga damit ng mga bata para magkakabagay ang aming mga kulay. Lumapit sa akin si Ethan mula sa likod at dahan-dahang isinara ang kaniyang mga braso sa aking baywang, habang pinagmamasdan namin si Dad na masayang kinakalikot ang mga laruan ni baby James Ethan Jr. sa damuhan. "Tingnan mo si Dad," pabulong na biro ni Ethan sa aking tainga. "Sino mag-aakala na ang dating kinatatakutang tycoon ay magiging paboritong kalaro ng mga bata sa damuhan?" Natawa ako nang mahina at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "Iyon ang maganda sa buhay, Ethan. Walang taong hindi pwedeng magbago kapag natuto siyang magmahal nang tapat. At napakaswerte natin dahil naabutan ng mga anak natin ang bersyong ito ni Dad." "Sofia, Ethan! Halika na rito, handa na 'yung camera!" siga

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 130

    Lindsay POVLumipas ang dalawang linggo ng aming pananatili sa Canada. Mabilis na lumipas ang mga araw na puno ng pasyal, masayang kainan, at gabi-gabing kwentuhan sa harap ng fireplace kasama si Jake at ang kaniyang pamilya.Isang maagang umaga, nakaimpake na ang aming mga bagahe sa sala habang naghihintay ng sundo patungong airport. Nakasandal ako sa bintana habang pinagmamasdan si James na maingat na binubuhat si Chloe para halikan ito sa pisngi, habang si Liam naman ay nakakapit sa kaniyang hita."Mamimiss ko po kayo, Lolo James, Lola Lindsay..." pabulong na sabi ni Chloe habang nakayakap sa leeg ni James."Mamimiss ka rin namin, apo," malumanay na sagot ni James habang hinahaplos ang buhok ng bata. "Mag-aral ka nang mabuti, ha? At siguraduhin mong sasama ka kay Daddy kapag umuwi kayo sa Tagaytay."Lumapit si Jake at niyakap kaming dalawa ni James nang napakahigpit. "Mag-iingat kayo sa biyahe, Dad, Mom. Maraming salamat sa pagpunta rito. Malaking bagay 'to para sa amin ni Maya.""

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 129

    James POV Nang huminto ang aming rentadong sasakyan sa tapat ng isang magandang bahay sa Ontario, maaliwalas ang aming pagsalubong sa gitna ng malamig na hangin ng Canada. Nakatayo na sa may bakuran si Jake kasama ang kaniyang asawang si Maya at ang dalawa nilang anak na masayang nagtatakbo sa damuhan. Nang magtama ang aming mga mata, agad na sumilay ang maluwag na ngiti sa mukha ng aking panganay. "Dad! Mom Lindsay!" masayang bati ni Jake habang mabilis na lumalapit sa amin upang mag-alok ng isang mahigpit at maaliwalas na yakap. "Kumusta ang biyahe niyo, Dad?" tanong niya nang kumalas siya sa yakap habang tinatapik nang marahan ang aking balikat. "Medyo malamig na ang panahon dito ngayon, mabuti na lang at nakabalot kayo nang maayos." "Mabuti naman, Jake. Napakalayo man ng nilipad namin, nawala agad ang pagod ko nang makita ko kayo," nakangiti kong tugon habang pinagmamasdan ang kaniyang buong pamilya. "Naku, Jake, excited na excited ang Dad mo simula pa noong nasa eropl

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 128

    Sofia POV Lumipas ang ilang buwan. Isang umaga habang naghahanda ako ng almusal sa kusina, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at pagduduwal. Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng mesa at napapikit. Mabilis na tumakbo si Ethan mula sa sala nang marinig niya ang aking pagdaing. "Sofia! Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong habang inaakbayan ako at inaalayang maupo sa silya. Ngumiti ako nang mahina habang hawak ang aking tiyan. Kinuha ko ang isang maliit na balot mula sa aking bag na kanina ko pa gustong ibigay sa kaniya. Inabot ko ito kay Ethan habang nanginginig ang kaniyang mga daliri sa pagbubukas nito. Sa loob ng kahon ay may isang maliit na pares ng baby booties at isang pregnancy test na may dalawang malinaw na pulang linya. Napatigil si Ethan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at dahan-dahang tumingin sa akin, halos hindi makapaniwala. "S-Sofia... buntis ka ulit?" nanginginig niyang tanong, may mga luhang agad na p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status